Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Ten: Questions

(Lyn's POV)

Tapos na kaming mag-order. Ang mga boys, sa cafeteria na kumain. Kami, dito lang sa bench malapit sa covered court na pinagpractisan nila.

"What song are you going to sing, Des?"

Sherg asked habang nilalagyan ng catsup ang fried chicken niya.

"Uhm... Skyscraper." <-- Des

Kinunotan ko ng noo si Des.

"Ah ganun? Pag si Sherg ang magtatanong, sasagutin mo. Kapag ako, hindi.?"

Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Kasi alam ko na alam mo na alam ko kung ano ang alam mo at alam mo ang alam nila kaya alam ko ang alam mo na alam nila, alam mo?"

Des said with her pataas-taas ng kilay. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"You know what, Des? Ang alam ko lang ay baliw ka."

Sabi ko sabay inom ng juice.

"Kung ganoon, ako ang pinakadyosa na baliw sa mundong ibabaw na ito."

Sabi ni Des na parang nasa Mental. Baliw talaga.

"You know Des---"

"Ang pikon mo talaga."

Sabi niya. Naku. Ako? Ako talaga?

"Silence."

Tiningnan ko si Des at kinindatan niya lang ako. Tumahimik na lang kami at nagpatuloy na sa lunch namin.

(Des POV)

Matapos naming kumain, ay bumalik na kami sa aming kanya-kanyang ensayo.

"Wow! Marunong kang mag-guitar at kumanta? Ang galing."

Parang bata naman ito kung makaasta. Tinitigan ko lang siya ng masama.

"Des, do you know how to dance?"

Tanong niya. Nandito siya sa harapan ko na parang batang nanghihingi ng limos.

"Oo."

Sagot ko at iniayos ang aking pagkakahawak sa gitara.

"Hahaha! Talaga?"

Tawang-tawang sabi niya.

"Anong nakakatawa? Seryoso ako."

Seryoso kong sambit sa kanya. Eh totoo naman eh. Nagtatanong siya tapos tatawanan lang niya ang aking sagot. Seryoso naman ako ah.

"Okay, calm down. I thought you're just joking."

Napailing na lamang ako.

Siya'y tumayo at bumalik sa pagtulong kina Lyn ng walang pasabi. Hindi ko alam pero pag-alis niya, napangiti ako. Ano ba'ng nangyayari sa akin?

-----

Natapos na akong mag-ensayo pero di pa rin bumabalik si Rand. Nasaan na kaya iyon? Di kaya nagtampo siya sa akin? Hmm... bakit kaya?

Teka nga! Bakit ko ba siya hinahanap?

"Looking for Rand?"

Tanong ng isang babae na pamilyar sa akin ang tinig. Tiningnan ko kung sino ito at paglingon ko, agad kumulo ang aking dugo. Bakit ba siya nakikialam?

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

Tanong ko habang nakataas ang aking isang kilay.

"Maybe you like him."

Sabi niya at nagkibit-balikat. Umirap naman ako sa kanyang sinambit.

"Teka nga, bakit ka ba nandito? Magkaibigan ba tayo?"

Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Nope."

Sagot niya habang nakangiti. Ang galing niyang magbalatkayo. Ang galing niyang umarte na parang inosente.

"Bakit ka nakikipag-usap sa akin?"

Tanong ko habang di inaalis ang aking matalim na paningin sa kanya.

"Masama ba?"

Pabalang niyang tanong na nagpairap sa akin. May pangiti ngiti pa. Sabunutan ko na kaya ito?

Tinalikuran ko na lang siya. Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Next month, pupunta sila dito to find you."

Sabi niya nagpatigil sa akin at agad akong lumingon sa kanya. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinambit. Hindi ko siya maintindihan. Magtatanong na sana ako pero umalis na siya.

Bakit ganito? Bigla akong kinabahan.

(Sherg's POV)

"Good Sherg! Perfect!"

Lyn exclaimed delightfully. At last! I'm done with this thing. Bukasa na lang ang poproblemahin ko.

We're done practicing. What a tiring day. I am now walking to our dorm when I noticed that someone is following me. I fished my phone from my pocket to divert my attention but no... something is different. Why is he following me? What does he want?

At nang hindi na ako nakapagpigil, kinuwelyohan ko kung sino man siya.

"Woah! Chill Sherg."

He said while lifting his hands up.

"Bakit mo ako sinusundan?"

I asked him and relinquished my grasp from him.

"I just want to..."

He said hesitantly.

"What?"

I asked because he didn't continue what he was about to say.

"I just want to say sorry for what I did earlier."

Sabi niya sabay ayos ng polo niya.

"Wow! You know how to apologize?"

I asked him sarcastically. It's just amazing to know that a person like him can lower his pride and ask for forgiveness.

"Hindi porket masungit, di na marunong mag-sorry. Tao rin ako."

Sabi niya nang nakayuko.

"Whatever."

That was the last words I've said before leaving him. I'm tired and I'm not in the mood.

--------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.