Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Twelve: True Colors

(Des' POV)

"Nais ko lang naman ng normal na buhay!"

Sigaw ko. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harapan ng babaeng ito. Si Sherg ay prenteng prente lamang na nakaupo habang si Lyn naman ay walang humpay sa pagkain.

"Sasabihin mo ba? O papatayin kita."

Babala ko sa kanya at tinutukan ko siya ng aking kutsilyo. Hindi naman talaga ako mamamatay tao pero handa kong gawin iyon sa kung sino man ang hahadlang sa magandang plano namin para sa mga estudyante rito.

"Please huwag... d-di ko talaga alam."

Pagmamakaawa ng babae. Sasaksakin ko na sana siya nang biglang nagsalita si Sherg.

"Don't kill her."

Kalmadong utos ni Sherg sa akin.

"Huh? At bakit naman?"

Tanong ko habang hindi inaalis ang aking paningin sa epal na ito. Inilayo ko ang aking kutsilyo mula sa kanya.

"Don't kill her..."

Tumingin ako kay Sherg habang nakakunot ang aking noo. Anong nais niyang ipahiwatig?

"...in front of him."

Sambit ni Sherg sabay tingin sa pinto ng kwartong ito kaya bumaling rin ako roon. Nanlaki ang aking mata nang makita kung sino ang naroon. Napatayo si Lyn sa kanyang pagkakaupo.

Anong ginagawa ni Rand rito?

"Anong ginagawa mo rito?"

Tanong ko sa kanya. Nakaawang ang kanyang bibig habang titig na titig sa akin.

"Narinig ko ang sigaw."

Deretsong sagot niya. Kailangan niya ba talagang malaman ito.

"Labas."

Seryoso kong sambit sa kanya. Tiningnan lang niya ako na para bang ito ang kauna unahan niyang pagkakataong makakita ng ganito.

"Lalabas lang ako kapag kasama ko siya."

Sabi ni Rand sabay turo sa babaeng kaawa-awa.

"Paano kung papatayin ko siya? Sasamahan mo pa rin ba?"

Tanong ko na may ngisi na nakapaskil sa aking mukha.

"Des, ikaw ba talaga 'yan?"

Tanong niya. Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot. Pero bakit? Nalulungkot ba siya kasi ganito ako? Na ganito kami? O nalulungkot lang siya para sa babae?

"Sinabihan na kita! Labas!"

Sigaw ko sa kanya. Gusto kong lumayas na siya sa kwartong ito. Ayaw ko! Ayaw kong makita niya na ganito ako. Ayaw kong mandiri siya sa akin. Ayaw kong layuan niya ako dahil ganito ako. Wala ako sa matinong pag-iisip ngayon at nag-aalala ako na baka may magawa ako sa kanya. Baka di ako makapagpigil.

(Lyn's POV)

Pinapalabas ni Des si Rand pero ayaw niya pa rin. Kinain ko na lang ang pizza. Hindi naman sila kumakain.

"Lumabas ka na!"

Sigaw ni Des. Pwede namang patayin niya na lang 'yan eh.

Joke lang uyy.

"No."

Pagmamatigas ni Rand. Pakialamero.

Lumapit ako sa kanya at yun ang ikinabigla niya.

"Rand, umalis ka na. Di mo magugustuhan ang makikita mo."

Seryoso kong sabi sa kanya at tumalikod na.

"Bakit Lyn? Sino ba talaga kayo?"

Tanong niya na nagpatigil sakin. Tiningnan ko si Des at si Sherg. This time, tumayo na si Sherg. Di na siguro niya mapigilan.

Lumapit siya kay Randcris hanggang sa halos maghalikan na sila pero kahit ganun, hindi pa rin umaatras si Rand. Inilayo ni Sherg ang mukha niya at inilapit ito sa tenga ni Rand.

"You'll regret it if you want to know."

Kalmadong sabi ni Sherg. I know her. Alam kong seryoso at galit na siya.

Hinawakan ni Des ang braso ko. Nanginginig siya pero bakit?

"Calm down Des."

Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kamay niya. Huminga siya ng malalim. Humiwalay siya sa pagkakahawak sakin at lumapit kay Rand. Hinawakan ni Des ang kamay ni Rand at hinila palabas.

Matapos ang ilang minuto, di pa rin bumabalik si Des. Hindi pa siya tapos sa babaeng 'to. Ano naman ang gagawin namin ni Sherg sa babaeng 'to? Di naman siya umaamin.

"Let her go."

Sabi ni Sherg. Teka, ano daw? First time niyang sinabi 'to ah. Lumapit ako sa babae.

"Di mo ba talaga alam hah?"

Gigil kong tanong sa kanya.

"Di ko talaga alam."

Sabi niya na may halong takot. Tinutukan ko siya ng kutsilyo na ginamit ni Des kanina. Hindi ako sanay.

"Lyn, stop. Just let her go."

Sherg said coldly. Wala akong nagawa kundi ang pakawalan siya. Kinalag ko ang tali sa kanya at tumakbo naman siya

"Wait!"

Sigaw ni Sherg dun sa babae. Huminto ang babae at takot na tumingin kay Sherg.

"Don't you dare to tell anyone about this or else, I will be the one to kill you."

Seryosong sabi ni Sherg. Tumango ang babae at tumakbo na nang mabilis.

(Des' POV)

"Bitawan mo ako Des."

Binitawan ko na siya.

"Upo!"

Utos ko at na sinunod niya naman.

"Anong ginagawa mo rito?"

Tanong ko sa kanya.

"Malamang, umuupo."

Aba! Pilosopo ito ah.

"TANGINA!"

Marahas kong sigaw.

"Naglalakad ako kanina at ayun, narinig ko a---"

Hindi ko na siya pinatapos at agad kong sinambit sa kanya ang kanina ko pang gustong sambitin.

"Tama na! Pwede bang atin-atin nalang ito at huwag mong ipagkalat sa iba?"

Sabi ko at tumalikod na. Babalik pa ako doon. Babalikan ko pa iyong babae.

Maglalakad na sana ako nang biglang hinawakan ni Rand ang aking kamay.

"Des, bakit?"

Lumingon ako sa kanya.

"Huwag mong isiping napakasama namin. Hindi namin ito ginusto. Ginagawa lang namin ito para sa mga estudyante, hindi para sa amin."

Sagot ko sa kanyang tanong at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.

"Bakit kayo pa?"

Tanong ni Rand at mas lalong hinigpitan ang kanyang pagkakahawak sa akin. Bakit nga ba kami?

"Hindi ko rin alam."

Tanong ko sabay yuko. Hindi ko siya magawang tingnan.

"Bakit pasikreto kayong gumagawa nito?"

Tanong niya ulit. Ang dami naman niyang tanong.

"Iyon ang utos ni Sherg para ma-protektahan kami. Hindi naman pwedeng ipakita namin sa kanila ang ginagawa namin. Kailangan alam din namin kung paano protektahan ang aming sarili."

Sagot ko at sana'y iyon na ang kanyang huling tanong.

"Si Sherg ba ang leader?"

Tanong niya ulit na nagpabuntong hininga sa akin.

"Hindi"

Sagot ko at pumiglas para mabitawan niya ako. Tumakbo na ako ng mabilis. Ayaw ko na ng maraming tanong.

Pagdating ko sa loob, nakita kong kumakain si Janlyn. Di pa ba ito tapos kumain?

"Nasaan na siya?"

Tanong ko sa kanila.

"Pinatakas."

Sambit ni Lyn sabay subo ng pizza niya.

"Bakit?"

Kunot noo kong tanong. Kukuha na sana ako ng pizza pero napansin kong ubos na pala.
Tiningnan ko si Sherg pero abala siya sa kanyang telepono.

"Ewan ko kay Sherg."

Tiningnan ko si Sherg. Alam siguro niya na walang kasalanan ang babae.

(Sherg's POV)

Nandito na kami sa dorm namin. Nakakapagod naman. Wala talaga ako sa mood.

We need to have actions to know who's the suspect to all of these. Bakit ang bilis naman yata? Sino ang nasa likod nito? Nakakalito. Normal na buhay lang ang gusto ng mga kaibigan ko pero di ko man lang maibigay.

Bakit pa kasi sila nasama sa gulo at sila pa ang target?

I'll protect Lyn and Des whatever happens... even if that will be the death of me. I'm willing to risk my life just to protect them.

-------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.