Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Fifteen: Wrong Move

(Lyn's POV)

Salamat at tapos na ang two hours na klase at ngayon, sa cookery room naman. Papunta na kami ngayon dun. Salamat naman at iba ang room sa babae at lalaki. Kahit dito man lang, di ko makikita si Ty. One week na ang lumipas pero ewan ko ba, nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita na kalat na kalat sila--- na sila nang dalawa.

Oo, kita ko naman. Palagi silang magkasama. Kaya nga iniiwasan ko siya kasi nasasaktan ako sa di malamang dahilan. Pero hindi naman dapat ako masaktan.

Wala namang KAMI.

Nagda-drama na naman ako. Pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko.

Nandito na kami ngayon sa cookery room. Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa sahig ng room na 'to, nawala na agad ako sa mood ko. Wala naman itong kinalaman sa course na kinuha namin. I really hate cooking. Palagi na lang akong failed.

But I guess, I really need to deal with this freaking subject. Total kasama ko naman sila Sherg and Des.

-----

Tapos na rin sa wakas. Naglabasan na ang mga classmates ko pati sina Sherg at Des. Pinauna ko sila kasi may hinahanap ako. Naiwala ko kasi ang bracelet ko. Pumunta ako sa may sink at sa wakas, nakita ko rin. Isinuot ko na ang bracelet ko at lumabas na.
May naririnig akong bulung-bulongan pero di ko na lang pinansin.

"Janlyn! Wait!"

Rinig kong sigaw. Tiningnan ko kung sino ang tumawag sakin at nakita kong si Ty yun. Pero bakit ako ang tinatawag niya?

Bored ko lang siyang tiningnan. Lumapit siya sakin. Huminga ako ng malalim. Sherg! Des! Where are thou?

"Please, come with me today."

Sabi niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Tumango na lang ako. Yung ibang estudyante ay nakanganga, yung iba naman ay naguguluhan. Si Dorothy naman ay galit.

"Yvan! You can't leave me!"

Sigaw ni Dorothy.

"I can leave you now. Tapos na ang isang linggo Dorothy and stop pretending that you're my girlfriend. Kahit minsan, di mo ako naging boyfriend."

Mahinahong sabi ni Ty.
Nagulat si Dorothy sa sinabi niya, pati ako ay nagulat. Tiningnan ako ng masama ni Dorothy pero di rin nagtagal dahil hinawakan na ni Ty ang kamay ko at hinila para maglakad. Kailangan ba talagang ganito?

(Sherg's POV)

When I opened the door of our dorm, I saw Des sending a glare to me while crossing her arms. I wrinkled my forehead. What happened to her?

"Bakit di mo pinigilan si Janlyn sa pagsama kay Ty? Hah?"

She asked. Yun ba ang ikinagagalit niya?

"What am I? An antagonist to their love story? Let them be."

I said while putting my bag to my study table.

"Ayaw ko Sherg. Baka mamaya, masaktan lamang siya."

Des said worriedly. I looked at her and now she's already sitting on her bed.

"You know what, Des? Stop being nega. Okay, let's have a deal. If Lyn will return here crying, I swear, I'm gonna destroy his face."

Sabi ko sabay kuha sa tuwalya ko.

"Sigurado ka?"

Des asked calmly. I nodded and turned my back from her. I understand her. Even me, I don't want to see my friends hurting. Subukan lang talaga ni Ty na paiyakin ang kaibigan ko. Sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa butiki.

(Lyn's POV)

Wow! Ang ganda naman ng view dito at ang fresh pa ng hangin. Napangiti ako sa relaxation na nadarama ko. Tiningnan ko si Ty. Tumingin rin siya sakin at pinaupo ako kaya umupo na ako. Bumuntong siya ng hininga.

"Lyn? Bakit mo ako iniiwasan?"

Tanong niya habang seryosong nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kaya ang intensity ng mga mata niya.

"Hindi ah."

Sagot ko sa kanya. Deny lang Lyn.

"Hindi? Eh bakit sa tuwing tinitingnan kita, umiiwas ka ng tingin sakin? Kung nagkakasalubong tayo, tumatakbo ka? Sa tuwing inaabangan kita, nagtatago ka? At higit sa lahat, hindi mo ako kinakausap."

Sabi niya. Bakas sa boses niya na malungkot siya.
Ganun ba talaga ang mga nagawa ko? Grabe! Nakakaguilty naman.

"Bakit sinabihan mo si Dorothy ng ganun?"

Bigla kong tanong sa kanya. Ewan ko ba pero yun ang lumabas sa bibig ko.

"Si Dorothy? Nung una, nakiusap yung mom niya na ako muna ang tutor niya for one week. Pumayag ako kasi nga yung mom ni Dorothy ay bestfriend ng mom ko at di ko alam na ganun na pala ang nangyari."

Sabi niya at humarap sa unahan.

"She keeps on spreading rumors that we're in a relationship when in fact, there was never an us."

Tumingin siya sakin.

"Ngayon lang ako nakapagsalita kasi ngayon ko lang din nalaman. I'm sorry."

Pumungay ang mga mata niya habang sinasabi ang mga katagang yun.

"Why are you apologizing?"

Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Cause that's how it should be."

Tumango na lang ako. Marami akong tanong.

"Yung drawing, ikaw ba mismo ang nagbigay nun sa kanya?"

Wala sa sarili kong tanong. Ewan ko ba. I hate the thought na binigyan niya ng ganun si Dorothy. Dapat ako lang.

Napatingin siya sakin sa tanong ko.

"It's not my drawing."

Sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. So, chismis lang pala? Ang saya ko.

"Okay"

Sabi ko at ngumiti.

"So, sa loob ng isang linggo, why did you ignore me?"

Seryosong tanong niya. Kung seryoso siya kanina, mas seryoso pa siya ngayon.

"Are you jealous?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Hala! Anong klaseng tanong yan?

"N-no I'm not."

Sagot ko sa kanya. Ba't ba ako nauutal?

"Hindi talaga?"

Pinaningkitan niya ako ng mata habang tinatanong niya yun. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa relo ko.
And oh my! 7:30 pm na. Baka pagalitan ako ng mga babaeng yun. Kesyo ano daw ang nangyari. Bakit ang tagal kong umuwi.

They're like that. A bestfriend and a parent at the same time.

"Ty, uuwi na ako."

Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako bago tumango kaya tumayo na ako.

-----

Wow! Ako lang mag-isa. Sila talaga! Di man lang ako ginising.

Nandito ako at naglalakad mag-isa nang biglang humarang si Dorothy at ang kanyang mga alalay. Bumuntong ako ng hininga. Alam ko namang mangyayari 'to eh.

Tiningnan ako ng masama ni Dorothy. Ang angas niya ngayon ah while ang mga alalay niya ay mukhang natatakot.

"Hold her."

Mariing sabi ni Dorothy pero umatras lang ang mga alalay niya. Mukha namang nairita si Dorothy sa ginawa ng mga 'to kaya sinigawan na niya.

"Hawakan niyo siya!"

Agad naman nila akong hinawakan sa braso. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Lumapit si Dorothy sakin at sinabunotan ako.

"You bitch! Mang-aagaw!"

Sigaw niya at sinampal ako.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Hindi ako nanlaban. Ayaw ko ng ganito. Maraming tao. Hindi naman masakit ang ginagawa niya.

"Slut!"

Sigaw niya pa rin. Ang ingay niya naman.
Gosh! Ang gulo na ng buhok ko.

(Des' POV)

Umaga na! Masaya ako para kay Lyn. Kinuwento niya kasi sa amin kagabi eh. Walang hiya pala iyong Dorothy na iyon eh.

Maaga ako ngayon sa paaralan. May pinapagawa kasi si Prof kaya heto ako ngayon. Pero kasama ko naman si Sherg. Hindi na namin ginising si Lyn. Baka bumuga iyon ng apoy.

-----

Nakakapagod! Ang sakit na ng kamay ko. Mahigit isang oras na akong nagsusulat. Lechon!
Mabuti pa si Sherg, natutulog na. Sumandal muna ako sa aking upuan at pumikit.

"Desarie!"

Napamulat ako sa sigaw ng kaklase ko.

"Ano?"

Tanong ko. Kung kailan nagpapahinga ako.

"Si Lyn! Sinasampal siya doon!"

Natataranta niyang sabi.
Naman oh! Di man lang siya nanlaban?

Ginising ko si Sherg at napamulat siya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Mayroong sumasampal sa ating kaibigan ngayon."

Sabi ko at naglakad na.

"Why now? I want to sleep."

Reklamo ni Sherg. Pareho kami ngayon ng sitwasyon pero kailangan naming tulungan si Lyn.
Palapit na kami doon. Nang nakita kami ng mga estudyante ay umatras sila para bigyan kami ng daan.

Hindi ko maiwasang magulat sa aking nakita. Dumudugo na ang labi ni Lyn at namumula na ang kanyang mukha. Ang gulo na rin ng kanyang buhok. Nakita ko sina Rand, Ty at Suk. Nag-aalala na rin sila para kay Lyn. Lalapitan na sana nila si Lyn pero hinarangan sila ni Sherg. Tiningnan nila si Sherg nang may halong pagtataka.

"Don't move."

Ma-awtoridad na sabi ni Sherg.
Tumingin ulit ako sa nag-aaway. Sasampalin na sana ni Dorothy si Lyn pero agad kong nahawakan ang kamay niya.

"Sino ka sa iyong paningin para sampalin ang aking kaibigan?"

Nabigla si Dorothy sa aking inasta habang napangisi naman si Lyn. Takot na takot ang dalawang babae sa akin. Seryoso? Hindi pa nga ako nagpakitang gilas, takot na sila?

Tinulak ko si Dorothy upang mapahiga ito. Binitawan ng kanyang dalawang alalay si Lyn at agad tinulungan si Dorothy. Inayos muna ni Lyn ang kanyang buhok. Patayo na sana si Dorothy pero biglang nagsalita si Sherg.

"Go."

Agad namang tumakbo ang dalawa. Nagtaka naman si Dorothy kung bakit pero wala na akong pakialam.

"You did a wrong move missy."

Sabi ko kay Dorothy sabay kindat.

--------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.