Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Eighteen: Medicine


(Des' POV)

"Matulog ka na nga. Ako ang nahihilo sa kakaikot mo eh."

Naiiritang utos ko kay Lyn. Kasi naman, kanina pa siyang paikot-ikot.

Nag-aalala daw siya kasi alas diyes na ng gabi, wala pa rin si Sherg. Di pa rin umuuwi.

"Uuwi rin iyon."

Pangungumbinsi ko sa kanya.

Nag-aalala din naman ako pero wala naman akong magagawa. Mahihilo lang ako kung mag-iikot din ako.

Humiga ako at inilagay ang unan sa aking mukha. Ramdam kong umuga ang kama.

"Des, sa tingin mo? Bakit sa tuwing may ganito, bigla-bigla na lang umaalis si Sherg? Di man lang nagpapaalam."

Sabi niya.

Kinuha ko ang unan mula sa aking mukha at umupo.

"Tama ka. Parang may sikreto."

Sabi ko.

"Di kaya---"

Bago pa matapos ni Lyn ang kanyang sinasabi ay pinutol ko na.

"Tumahimik ka nga! Hindi ganyan si Sherg."

Angal ko. Alam ko kung ano ang nasa isip niya.

"Lyn."

Tawag ko sa kanya.

"Bakit?"

Tanong niya pero nakatingin lamang siya sa kawalan.

"Ganito na lang. Di muna tayo matutulog. Hintayin lang natin siya tutal di naman tayo makakatulog."

Sabi ko.

"Huh?"

Ayy ang bagal!

"Magpanggap tayong tulog. Hihintayin natin ang kanyang pagdating."

Sabi ko at tumango naman siya.

Tumayo si Lyn at pinatay ang ilaw tapos humiga na kami sa kanya-kanya naming higaan.

Ngunit hanggang sa sumapit na ang alas dose ng gabi, hindi pa rin siya umuuwi. Nasaan ba siya?

"Ang tagal! 12 am na ah."

Bakas sa tinig ni Lyn ang pag-aalala.

Tama siya. Hating gabi na tapos pagala-gala pa si Sherg. Pinapahamak niya ang kanyang sarili.

"Shh."

Senyas ko kay Lyn.

May naririnig kasi akong kaluskos sa pintuan.

Kumunot ang aking noo.
Bakit ang tagal bumukas ng pinto? At bakit parang...

"Shit!"

Bulong ko.

Hindi si Sherg ang pumasok.

"Who's that?"

Bulong rin ni Lyn. Nag-aalala na siya.

Tumahimik lang ako.

May pumasok na taong nakaitim ang suot. Papunta siya sa higaan ni Lyn. Hindi muna ako kumilos kasi akala niya tulog kami pero hindi niya alam na gising pa kami dahil madilim.

May kinuha siyang injection at balak niyang iturok iyon kay Lyn.

Bumangon ako at mabilis ko siyang binukotan ng kumot at sinipa-sipa.

"Mamatay kang hayop ka."

Gigil kong sabi sa taong sinipa-sipa ko. Bumangon si Lyn at agad kinuha ang kanyang baril.

Alam kong hindi pwede sa paaralan ang baril pero masikreto kami at alam namin kung paano magdala ng ganito.

Nakawala siya!

Tiningnan niya kami sabay ngiti sa amin ng mala-demonyo at tumingin sa likod.

Dalawa pala sila.

Ang lalakas nila at ang bilis.

"Janlyn!"

Tawag ko sa kanya at inalalayan siya.

Nagtagumpay sila sa pagturok ng kung ano kay Lyn nawalan siya ng malay.

"Magbabayad ka."

Galit kong bulong pero ngumiti lamang sila na nagpausbong ng aking galit.

Kinuha ko iyong baril at akmang paputukan sila pero nawala ang baril sa kamay ko.

Teka! Tatlo na sila!

Pero... ang ganda naman ng hugis ng katawan ng pangatlo. Sino ba itong mga ito? Hindi ko sila makita. Puro nakatakip ang kanilang mga mukha.

Susuntukin ko na sana iyong kumuha ng baril pero nakailag siya. Kumunot ang noo niyang nakatingin sa likod ko kaya napatingin ako doon. Susuntukin sana ako ng lalaki pero naunahan siya ni 'mysterious girl'.

Hindi pala kalaban ang kumuha ng baril.

Nilabanan ko iyong isa at si mysterious girl naman sa dalawa.

Sinuntok ko siya pero nasuntok rin ako. Malakas kong sinipa ang tiyan niya kaya napasalampak siya sa sahig. Lumapit ako sa kanya at akmang susuntukin nang bigla niya akong sinaksak.

"Shit!"

Sinuntok ko siya at binunot ang nakasaksak na kutsilyo sa aking tagiliran at tinapon iyon kung saan.

Ang sakit! Napaupo ako.

Nilingon ako nung 'mysterious girl'. Kahit sa gitna ng dilim, bakas sa kanyang mukha ang galit at pag-aalala. Bakit siya ganyan? Sino ba siya?

Dahil sa pag-iisip ko ay di ko na namalayan ang nangyari. Ang alam ko na lang ay nagtakbuhan na ang mga lalaki. Pero si 'mysterious girl' ay nanatili lamang. Hindi ko siya makilala sapagkat naka maskara at itim rin ang kanyang suot. Ang tanging kita ko lang ay ang kurba ng kanyang katawan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Gusto kong umatras ngunit hindi ko magawa kasi mahapdi ang sugat ko sa tagiliran.

Bahagya siyang yumuko at binigyan ako ng gamot. Tinanggap ko iyon.

"Give this to her."

Sabi niya sabay turo kay Lyn tapos umalis na siya.

(Sherg's POV)

I went inside and I saw them. Des tried her best to put Lyn on her bed although it's hard for her to do so due to her wound.

I approached them.

"Who did this?"

I asked worriedly.

"Hindi ko alam."

Des anwered and heaved a sigh.

"Pero ang totoong tanong, saan ka pumaroon?"

Des asked while pressing her wound to at least lessen the blood.

"Anywhere. What happened?"

I ignored her question and changed the topic.

"May dalawang lalaking pumasok rito at tinangkaan si Lyn kaya bumangon ako pero ang bilis nila. Naturukan nila ng kung ano si Lyn at may tumulong sa amin. Si 'mysterious girl'."

Des said.

Wait! What?

"What? And who's that 'mysterious girl' you're talking about?"

Tanong ko pero nakatingin sa sugat na hinahawakan ni Des.

"Ewan. 'Mysterious girl' na lang ang pinangalan ko at ang galing niya."

Des answered and I can see the astonishment in her eyes.

"What's that?"

I asked pertaining to the capsule she's holding.

"Gamot daw para kay Lyn."

I swallowed.

"Paano kung lason iyan?"

Alma ko.

"May tiwala ako kay 'mysterious girl', Sherg."

She answered and a smile plastered on her face.
Bumaling ulit siya sa gamot.

"Paano ko ito ipapainom kay Lyn? Eh capsule ito tapos tulog pa si Lyn."

Tanong ni Des habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Akin na nga iyan."

Kinuha ko ang capsule at inilagay sa kama ko.

"Let's wait for her to wake up."

I said while crossing my arms. Easy as that.

"Ang talino mo pala."

She was about to laugh but she winced later on.

"Batukan kaya kita."

I threatened.

"Aysus! Nag-aalala ka lang sa amin eh."

Pang-aasar niya pa rin.

"And you really have the guts to annoy me? Look at you. Napakaputla mo na. Gamutin mo na nga 'yang sugat mo."

I lectured but she just smiled like it was just nothing.

"Oh hehehe."

Sabi niya at dali-daling kumuha ng kakailanganing gamit para sa sugat niya.

"'Yan kasi eh."

I whispered.

"Maliit lang ito."

Des said. Yeah right? Sa liit ng sugat niya, napakaraming dugong dumadaloy.

"I'll help you."

I volunteered. Okay, I won't deny it anymore.

I'm worried for them.

(Miss P's POV)

"Miss, nainject na po namin kay Lyn."

Sabi ng isang tauhan ko.

"Good."

Sambit ko habang hinihimas himas ang magaspang na parte ng kamay ko.

"Pero may nangyari, Miss."

Sabi nung isa ko pang tauhan.

"What?"

I asked while looking at my hand with a scar. Hindi ko ito makakalimutan.

"May biglang dumating at tinulungan sila."

I looked at them.

"Wala akong pakialam basta ang importante ay na-inject niyo si Gab."

Nangangalaiti kong sabi.

"Miss."

Rinig kong tawag sa akin ng isang babae kaya tiningnan ko siya.

"Come in."

Pumasok na siya. Sinenyasan ko ang dalawang tauhan ko para umalis.

"Miss, may binigay po'ng ibang gamot yung nagligtas sa kanila."

Claire said.

Si Claire ay matagal ko nang pinagkakatiwalaan. She's one of the trusted students in the university. Magka-rival sila ni Janlyn when it comes to dean's list.

"Akala siguro niya na droga ang in-inject kay Janlyn."

I concluded.

"So what is your next plan?"

Tanong ni Claire at humalikipkip.

"Get your friends close and your enemies closer."

I said while smiling at her.

"Okay, Miss."

Lumabas na siya.

Claire is my best friend at siya na rin ang tumatayong kapatid ko na dapat ay si Janlyn ang gumagawa.

Tingnan lang natin kung di mo pa maaalala ang kahapon.

Ate.

--------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.