Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Nineteen: Ache

(Lyn's POV)

"Huy!"

Kalabit ni Des sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"What?"

Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Ang lalim ng iniisip mo, ineng. Ano ba iyon?"

Taas kilay niyang tanong.

"Wala."

Walang gana kong sagot sa kanya.

Nagkibit-balikat na lang siya.

Sa totoo lang, iniisip ko kung sino yung tumulong samin. Bakit alam niya na may nangyayari dun sa dorm? Ikinuwento kasi nila sakin ang nangyari matapos akong magcollapse kagabi. Pinainom din nila ako ng gamot. I don't know kung para saan yun.

Bakit ako ang in-inject? Bakit masikreto kami?

At...

Sino ba talaga ako?

Hayy naku! Gulung-gulo na ang isip ko.

-----

Nandito na kami sa cafeteria. Nakaya ko rin ang buong subject nang hindi kinakausap si Ty. Ayaw ko muna siyang kausapin pero may nagsasabi sa likod ng utak ko na kausapin na siya.

Hay!

Ang gulo ko!

Kagaya ng situation namin ngayon. Ang gulo!

Sana matapos na 'to. Para wala ng panganib. Wala ng gulo.

Dumating na si Des sa table namin and what do we expect? May kasama na naman siya. But this time... it's a girl.

Wait... si Claire Tyler.

"Tinulungan ako ni Claire sa pagdala at salamat naman doon."

Des said. I just smiled at her at nag-hi naman si Sherg.

"No problem. By the way, pupunta na ako dun."

Sabi ni Claire sabay turo sa kabilang table kaya tumango kami.

"I hope na mas maging close pa tayo. Bye."

Nakangiting sambit niya at umalis na.

Wow! Nag-iba na ang ihip ng hangin.

Dati, medyo mataray siya sakin since magka-rival kami sa dean's list pero ngayon... whatever. It's a good thing though.

Kakain na sana kami nang biglang hinawi ni Dorothy ang pagkain ni Des dahilan para mahulog 'to sa sahig. Nagulat si Des sa ginawa ni Dorothy.

Tumayo si Des at galit na galit.
Hinarap niya si Dorothy pero hindi nagsalita si Dorothy. Tumingin lang siya sa mga mata ni Des na tila hindi natatakot.

"Ano bang problema mo?!"

Aakmang susuntukin ni Des si Dorothy pero...

"Don't."

Agad na sabi ni Sherg at tumayo. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila.

"Hindi, Sherg."

Galit na sabi ni Des at sinuntok si Dorothy. Woah! Napakalakas nun!

Napahiga si Dorothy at nagdurugo ang labi. Ako ang nasasaktan sa kanya. Hindi pa nga siya totally healed sa ginawa ko, nadagdagan pa. Wrong move, Des. Lagot na naman kami nito.

"I said don't!"

Galit na sabi ni Sherg at sinuntok ng malakas si Des na ikinagulat ko. Napatayo ako sa ginawa niya.

Napapalibutan na naman kami ng mga students. Nagulat sina Ty at Suk. Lalapitan sana ni Rand si Des pero pinigilan siya ni Ty.

Napaubo sa sahig si Des at nagdurugo na rin ang labi.

"Bakit mo ginawa sa akin iyon?"

Gulat na tanong ni Des sa kanya.

"Ginawa ko lang ang tama."

Walang ganang sambit ni Sherg. Tumayo si Des.

"Tama? Tama bang suntukin ako, hah? At ang babaeng iyan..."

Tumaas ang boses ni Des habang tinuturo si Dorothy.

"Siya ang nag-umpisa!"

Pahabol ni Des at sinamaan ng tingin si Dorothy.

"Are you stupid? Just for food?!"

Galit na din si Sherg. Kumunot ang noo ko. JUST for food? Jina-just niya lang yun?

Kinuha ni Sherg ang mga gamit niya at umalis na.

Tumahimik ang lahat, pati si Des ay nagulat. Napanganga ako.

What was that? Hindi naman ganito si Sherg ah.

(Sherg's POV)

Our class is done so I get my stuff and went out of the room immediately.

"Sherg, wait!"

Lyn shouted but I didn't bother to look at her.

"Hayaan mo siya."

Des said. She's still mad at me.

But I know, she will understand me soon.

Mabilis akong naglakad. Ewan ko kung lakad pa ba 'to o takbo.

I roamed around the room to look for her and thank God that she's still here.

Sinalubong ko siya nang siya ay lumabas. Nabigla siya at lumaki ang mata.

"S-sherg."

She stuttered.

"Follow me."

I said seriously and went to a safe place for us to talk.

"Now tell me, Dorothy. Why did you do that?"

I asked while intenly looking at her.

"B-be-cause..."

Nauutal niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Tell me. I know there's a reason."

She returned her gaze to me.

"Ganito kasi yun. May narinig ako mula sa cr ng boys. Sabi nila dapat may ilagay sila sa pagkain ni Lyn."

I wrinkled my forehead upon hearing her statement.

"Anong ilalagay? Kung si Lyn, bakit si Des?..."

Seriousness is still visible in my eyes as I looked at her.

"Di ko rin alam kung ano ang inilagay nila. Akala nila kay Lyn yung pagkain pero kay Des pala."

She heaved a sigh.

"Sino ang naglagay?"

If I'll know who's behind this, I'm gonna ruin his everything.

"Di ko siya kilala. Basta, nakita kong binudburan niya ng kung ano ang pagkain ni Des. Maaaring isa siya sa mga staff ng cafeteria."

Dorothy explained calmly unlike the attitude that she's showing to everyone.

"I understand. But you hate us, right? Why did you save her?"

I wrinkled my forehead as I asked that question though I knew what will be the answer to it.

"Do I have to answer that?"

Shoot! As what I've expected. I avoided my eyes from her.

"I hate you... but I'm not a killer."

She's right. She's not like us.

"Okay"

I said and turned my back, ready to go but she spoke so I stopped.

"Thanks kanina."

I smirked when I heard her.

"Why?"

Tanong ko pero nakatalikod pa rin.

"Kanina... sa cafeteria."

She stated and I can sense that she's embarrassed.

"Don't thank me. Hindi kita tinulungan. Alam ko lang na may mali."

I said as a matter of fact.

"Kahit na."

Psh. Sira.

"Nga pala. Bakit nasa cr ka ng boys?"

I asked curiously and I'm now looking at her.

"Syempre. Nakikipaglandian."

She said and feigned a smile. Not a good actress.

"Tss."

I hissed and smiled a bit.

Umalis na ako at iniwan siya.

(Des' POV)

Alas sais na ng umaga. Narinig kong si Lyn na may kausap sa telepono. Malamang si Luke iyon.

"Oy! Gising na kayo!"

Sigaw ni Lyn para gisingin kami. Pero imbis na gumising, kinuha ko na lamang ang aking unan at inilagay sa aking mukha.

"Oy!"

Pangungulit niya pa rin. Siguro hindi pa rin nagigising si Sherg.

Mamaya, naramdaman ko na lang na may malamig na dumapo sa aking balat.

"Sh*t."

Napabalikwas ako sa aking higaan.

"Lyn!"

Galit kong sigaw sa kanya.

"Urgh! What's your problem?"

Seryosong tanong ni Sherg. Tiningnan ko ng masama si Lyn.

Sino ba namang hindi magagalit? Eh binuhusan niya lang naman kami ng tubig.

"Peace."

Nakangiting sambit ni Lyn. Ang bastos talaga nito minsan. Parang may galit sa mga tulog.

"7:00 am, dapat nandun na tayo."

Sabi ni Lyn.

"What? 7:00 am? It's still 6 am. Why did you wake us up?"

Kunot noong tanong ni Sherg at umupo saglit sa basang kama. Sabon at shampoo na lang ang kulang sa amin.

"Eh, kasi ako lang mag-isa. Ang boring kaya."

Sabi ni Lyn at humalukipkip.

"Janlyn! Inaantok pa ako eh!"

Sigaw ko naman.

Tiningnan ko si Sherg at tumingin din siya sa akin na tila may ipinapahiwatig. Noong una hindi ko maintindihan pero tumingin siya sa mga unan kaya ayun! Nakuha ko na.

Kanya-kanya kaming kuha ni Sherg ng unan.

Walang kamalay-malay si Lyn sa aming plano dahil abala siya sa pagbubungisngis.

Nagkatinginan kami ni Sherg. Sabay kaming tumayo at hinampas namin si Lyn ng basang unan.

"Oy! Tama na!"

Pagmamakaawa ni Lyn pero di namin siya pinansin. Hinatak namin siya sa kama at patuloy pa ring hinahampas ng unan.

"Iyan ang nararapat sa iyo."

Gigil kong sambit sa kanya.

"Uyy! Nakakasakit na kayo ah."

Rason ni Lyn pero hindi namin ito pinakinggan. Idinaan niya kami sa dahas? Pwes, gagawin rin namin iyon sa kanya.

"Masakit? Tse!"

Tumigil na kami at nag-apiran kami ni Sherg.

"Uyy... bati na sila."

Pang-aasar ni Lyn at ngumiti na parang bata.

(Lyn's POV)

Nagkatinginan si Des at Sherg pero unang umiwas ng tingin si Sherg.

"Maligo na tayo."

Sabi ni Sherg. Ayy ganun?

"Okay."

Sabi ko sabay ngiti. Sinamaan ako ng tingin ni Des.

Pumunta na sila sa kanya-kanyang cr. Tig-iisa kasi kami ng cr. Yeah! Tatlo ang cr dito.

Napangiti naman ako. Ang basa ng kama nila. Instant ligo at instant labada na din.

Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok na sa cr. Binuksan ko ang shower.

"Aray"

Mahinang sambit ko. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Siguro dulot 'to ng paghampas sakin ng unan kanina. Pinilig ko na lang ang ulo ko.

Nag-shampoo na ako nang bigla na namang sumakit.

"Aray!"

Gigil kong sabi at sinabunutan ang buhok ko. Ang sakit talaga!

"Lyn! Are you alright?"

Rinig kong tanong ni Sherg habang kumakatok.

"Yeah, don't worry."

Sabi ko habang nakapikit. What's happening to me?

--------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.