Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Twenty: Plan

(Lyn's POV)

Lumabas na ako sa cr. Pumunta ako sa closet ko at kumuha ng damit.

"Are you okay, Lyn?"

Tanong ni Sherg sakin. Tumingin ako sa kanya at tumango. Nakita kong kumunot ang noo ni Des pero hindi ko na lang siya pinansin at nagbihis na.

Mas mabuti siguro kung hindi nila malaman.

-----

"Ang tagal niyo."

Sabi ni Prof Luke.

"Wow naman! 7:02 pa lang. Two minutes late lang."

Sabi ko sa kanya. Grabe lang. Two minutes lang naman kaming late.

"Oras, minuto o segundo man 'yan, pag iyan hindi mo pinahalagahan, hindi mo na maibabalik ang oras na nagdaan. Wala ng bawian. So time is important."

Ang seryoso naman. Joke lang eh. Tapos biglang ganun?

"Wow! Ang hugot natin ngayon ah. Natutunan mo ba iyan sa isa sa mga estudyante mo?"

Natatawang tanong ni Des.

"Nope. I learned it from my experiences, not from my students."

Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Ang seryoso niya ngayon ah.

Ang awkward. Nasanay kasi ako na palagi kaming nag-aasaran.

"Okay, Luke. You said, time is important. So habang may oras ka pa, dapat dumadamoves ka na."

Natatawang sabi ni Sherg.

Natahimik kaming tatlo at tumingin sa kanya. Di ko gets. Anong 'moves' ang sinasabi niya?

"Sherg."

Luke said at parang kinakabahan.

"You know Luke, who I am."

Sherg said with her smirk.

"Yeah, I know."

Sabi ni Luke at yumuko.

"Queen of observer."

Mahinang sambit niya.

"You said seconds, minutes and hours are important so you have to give importance to it..."

Sabi ni Sherg at lumapit kay Luke.

"...kaya habang may oras ka pa, kumilos ka na. Baka maunahan ka pa ng iba."

Lumaki ang mata ni Luke sa sinabi ni Sherg habang si Sherg naman ay tumatawa.

Okay? Di ko gets ang pinag-uusapan nila.

"Bakit ba tayo nandito?"

Des asked at umupo. Umupo na rin kami.

"May nakuha na ba kayong impormasyon?"

Tanong ni Luke. Nagkatinginan kaming tatlo pero agad umiwas ng tingin si Des nang magkatinginan sila ni Sherg.

Nagkibit balikat kami.

"Nga pala, Des and Sherg, are you alright?"

Nakakunot ang noo ni Luke habang tinatanong si Sherg.

"Tsk."

Sambit lang ni Sherg.

"Hmm. So, anong sabi ni Dorothy?"

Wait... si Dorothy?

"At bakit nasali si Dorothy dito?"

Sinamaan ko ng tingin si Luke.

"Easy there, little thin girl."

Sabi ni Luke at ngumiti ng nakakaloko. Here we go again.

"I'm not little. And I'm not a..."

Tiningnan ko ang katawan ko.

"... Ehem... yes, I'm thin. But I'm still pretty."

At ngumiti din ng nakakaasar. Ikaw lang ang marunong?

"Thin ka pa rin."

Sabi ni Luke. Aiish! Grabe siya.

"Edi, ikaw na mataba."

Sabi ko at inirapan siya.

"Ako? Mataba? Ang macho ko kaya."

Sinamaan ko ng tingin si Luke. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ni Sherg.

Ang hangin!

"Pwede bang itigil niyo na ang pagbabangayan ninyo? At pakiusap, pwede bang magseryoso tayo rito? Luke, ituloy mo nga."

Inis na sambit ni Des. Ang sungit!

"Ayun na nga. So, what?"

Tanong ni Luke kay Sherg.

"Ang sabi niya hindi niya alam kung ano ang inilagay. Nalaman niya daw yun kasi nakikipaglandian siya sa cr ng boys. Di rin niya alam kung sino ang nagpasimuno."

Sabi ni Sherg at biglang natulala. Parang may iniisip.

Ano ba'ng pinagsasabi niya?

(Sherg's POV)

"You're a professor here, Luke. I'm sure, you know the rules and regulations of this school."

I said. They looked at me while listening. Luke nodded at my statement.

"Anong oras nga ulit ang curfew?"

"9:30 pm."

"Okay. So, what time naliligo ang boys?"

I asked once again. I saw in my peripheral vision how the two girls wrinkled their foreheads.

"Hey! I'm not their stalker. I don't know."

Natatawang sagot ni Luke. Oops.

"Sorry. So, not in the boy's dorm. Maybe, public cr?"

Hmm

"Yeah. You're right. The public cr."

Sagot niya. May cr sa mga dorm at may public cr din. Ang daming cr sa paaralang ito.

"May schedule ba yung public cr o wala?"

Tanong ko pa rin. Okay. I looked like a reporter here.

"During mondays, wednesdays and thursdays, pwede silang gumamit sa cr. While, during tuesdays and fridays, wala."

I nod and think for a while.

"Anong iniisip mo, Sherg?"

Des asked. Finally, pinansin na niya ako.

"Do you think si Dorothy ay isa sa kanila?"

Lyn concluded.

"I'm not sure. I'll handle her."

I answered.

"So, ano ang storya? Bakit mo ako sinuntok kahapon?"

Des kept on forcing me so I told them the reason why I punce her yesterday. Even Luke is listening.

"Aww. Ang sweet."

Lyn exclaimed. She stood and hugged me. Des also did the same.

"Uyy! Di ba ako kasali?"

Sabi ni Luke. Para namang bata 'to.

"Tse! No boys allowed."

Lyn exclaimed and tucked her tongue out. Luke just scratched her head.

"Bruha ka talaga."

Sabi ni Des at binatukan ako ng malakas.

"Ouch!"

Napahimas ako sa ulo ko.

"Ganti ko iyan... salamat."

Des said while smiling at me and she hugged me again.

(Des' POV)

"Aray!"

Hinimas ko ang aking braso. Aiish! Ang lawak ng lugar, magkakabangaan pa kami.

"Sorry."

Marunong rin pala siyang humingi ng paumanhin?

Nandito nga pala ako ngayon sa pampublikong palikuran ng mga babae. Magkaiba ang palikuran ng mga babae at lalaki, syempre. Alangan naman iisa, diba? Magkakariot dito kung ganoon.

Nag-iimbestiga ako tungkol sa droga. Wala namang sinabi si Luke na kailangan naming gawin ito pero alam kong kumikilos na si Sherg. Tutulong na lang rin ako.

"Anong kailagan mo?"

Walang gana kong tanong at nanghugas ng kamay.
Baka may mikrobyo at mangati pa ako.

Nandito ako upang mag-imbestiga pero hindi ko inaasahang makakabangga ako ng malansa.

"Alam mo bang may party bukas?"

Party? Bukas? Hindi ko iyon alam ah.

"Tapos?"

Tanong ko na parang wala akong pakialam. Lumayas na sana siya.

"Des, di mo ba talaga ako kilala or kinilala man lang?"

Tanong niya. Ang kapal ng mukha.

Tumingin ako sa kanya.

"Unang tingin ko sa iyo, para kang pusa. Napakahinhin at maalalahanin. Pero noong kinilala na kita ng lubos, isa ka palang AHAS."

Kalma kong sambit pero may diin ang bawat salita. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko.

Nabigla pa siya, hah?

"Kung ahas ako, ikaw naman ay LEON. Pumapatay."

Sabi niya na nagpainit sa ulo ko.

Naaalala ko na naman ang nakaraan.

"Hindo ako mamamatay tao. Hindi siya mamamatay kung hindi dahil sa iyo."

Malamig kong sabi sa kanya. Pinigilan ko ang mga luha ko. Pakiusap, huwag ngayon.

"It's not me, Des. It's your emotion."

Sabi niya habang ngumiti ng nakakainis.

Lumabas na siya.

Bakit? Bakit ganoon siya?

Di ko na napigilan ang aking luha at humagulhol na.

(Miss P's POV)

"Miss."

Tawag ni Claire sa akin at agad ko naman siyang pinaupo.

"What's news?"

I asked.

"Sumasakit lang ang ulo ni Janlyn, miss."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Yun lang?

"Walang kahit ano?"

"Nothing, miss."

Napahawak ako ng mahigpit sa baso ko. Ano ba ang meron sa utak ng demonyitang yun?

"So, tuturukan ba namin siya ulit?"

Huminga ako ng malalim. Relax.

"No! Kung di niya maalala, pwes! Ako ang magpapaalala sa kanya."

Sabi ko at ngumiti pero di maalis sa sistema ko ang galit.

"Hmm. So, what's your plan?"

"Ayusin mo ang mga papeles ko. Papasok ako next week."

Utos ko sa kanya at sumimsim ng konti ng wine.

"Okay, miss."

Sabi niya at tumayo para umalis. Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair ko.

Hmm. Say hi to your sister, ate.

See you soon.

(Sherg's POV)

"Waa! Anong susuotin niyo? Party party na bukas ah. Mag mall kaya tayo."

Lyn suggested. Hmm. Good idea.

"Gabi na."

Des said. I can hear the loneliness in her tone. I looked at her.

What happened to her? Is she sick?

"Ah! We need help."

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa sinabi ni Lyn.

I looked at Lyn and she smiled at me.

"Tulong? Himala yata."

"Mas uunahin mo pa ba ang pride, Des?"

I asked but she didn't answer me. I creased my brows.

Ayos na naman kami ah. Is she mad at me again?

"Wow! Nasa mood ka yata, Sherg."

Lyn teased. Can't she notice that Des is different today? Hayaan na nga.

"Kanino tayo hihingi ng tulong?"

I asked.

"Kay Ty, Rand and Suk."

Lyn said while smiling ridiculously.

"Nahihibang ka na ba?"

Des asked like Lyn's words were absurd.

"So, what's the plan?"

I asked. Eager to escape from here for a while.

"Easy as cupcake lang naman."

Lyn said and she winked at me.

------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.