Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Two: Annoying

(Lyn's POV)

Pinasok ko na ang maleta nila sa loob. Pumasok na pala sila, di na ako hinintay. I'm sure na naiinis na sila sakin. I checked my wristwatch and it's 9:05 na. Nag-lakad na ako nang mabilis. Salamat naman at nakarating na ako.

I opened the door at tumambad sa paningin ko si Prof na nagdi-discuss. Discussion agad? First day of class pa lang ah.

Tiningnan nila ako at yumuko na lang ako. I'm pretty... shy.

"Gabriella Janlyn Flores. You're 20 minutes late. Where have you been?"

Napapikit ako nang tawagin ako ni Prof sa complete name ko. Oh no!

"I'm sorry Prof."

Nag peace sign ako sa kanya. Sana hindi niya ako pagalitan. First pa naman. Huminga siya nang malalim.

"Why are you late?"

Prof asked seriously.

"Uh... because of a... heavy traffic."

Ngumiti ako nang alanganin sa kanya.

"Okay. That's explains it."

Sabi niya at tumuloy na sa pagsusulat sa blackboard. Pumunta na ako sa vacant chair. Nasa likod ako ni Sherg at ang katabi ko ay--- wait. New student ba 'to? Hmm. Gwapo at matangos ang ilong. Di naman masungit. Tumingin na lang ako sa likod ni Sherg. Hayy naku! Ang boring ng klase ni Prof.

-----

Magkasabay kami ni Des habang naglalakad papunta sa cafeteria. Pagkarating namin, nakakita agad kami ng vacant. Pumunta kami dun at umupo na.

"Lyn, ako nalang ang bibili ng pagkain. Maghintay ka na lang rito."

Sabi niya sabay ngiti. Wow!

"Okay, yung akin ay burger with bacon and cheese, french fries large and one royal in can."

Excited kong sabi at nag-okay naman siya. Umalis na siya kaya tiningnan ko ang whole canteen. It's been a while na din since nag-aral kami dito. Nandito lang naman kami kasi---

"Where's Des?"

Naputol ang pag-iisip ko kasi dumating si Sherg bigla.

"Ahh... Nandun, bumili ng pagkain."

Tiningnan niya ang direction ni Des at kinuha ang cellphone sa bulsa niya. I guess si Des ang tatawagan niya.
After a minute, umupo na siya sa tabi ko. May ka-text siya at ako naman ay ginala lang ang tingin sa cafeteria.

(Des' POV)

"Lasagna, french fries medium and one royal in can."

Bungad ni Sherg sa akin nang sagutin ko ang aking telepono.

"Ge"

Ipinutol niya ang kanyang linya at itinuloy ko na ang aking ginagawa.

Patay... paano ko ito madadala lahat? Hihingi na lang siguro ako ng tulong kung sinuman ang nasa likuran ko. Pagtingin ko... ayy huwag na lang pala! Ang katabi kong bagong lipat rito. Pero pwede kaya? Nakakahiya naman.

"What's wrong?"

Tanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Pumeke ako ng ngiti.

"Uhm..."

Bakit ba di ko magawang magsalita? Eh hihingi lang naman ako ng napakakonting pabor.

"Miss, are you okay?"

Nag-aalala niyang tanong kaya tumalikod na lang ako. Nahihiya kasi ako pero paano ko ito madadala lahat? Hindi ko kaya pero nahihiya naman akong humingi ng tulong. Kahit papaano, tinatablan rin naman ako ng hiya. Tatawagan ko na lang siguro si Sherg para di ko maabala ang isang ito.

"Let's go."

Nakanganga nalang ako sa kanyang ginawa. Hiningi ko ba ang kanyang tulong? Hindi diba?
Dinala niya ang mga pagkain. Bakit kaya niyang dalhin lahat? Bakit ako hindi? Sinundan ko siya.

"Hoy!"

Ano nga bang pangalan nito? Nakakainis!
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Napahinto ako at nagtinginan kaming dalawa. So ano ito? Eksena? Dito mismo? Ganoon?

"You don't have to give me that annoyed look."

Seryoso niyang sambit na ikinabigla ko. Natamaan ako doon ah.

"Ano... bang pinagsasabi mo riyan? Gusto... ko lang... akin na nga iyan!"

Tinuro ko ang aming pagkain na ngayon ay kanyang dinadala-dala.

"Hindi, tutulungan na kita... sa ayaw at sa gusto mo."

Sambit niya at binigyan niya ako ng isang aroganteng ngiti. Aba'y ang tindi rin ng lalaking ito ah! Eh hindi ko naman hiningi ang kanyang tulong. Muntik lang pero mabuti na rin kasi kinailangan ko rin naman.

"Tara na"

Sambit niya habang nakatuon ang kanyang paningin sa akin na parang hinihintay ako.

"Ano?"

Parang nabibingi na yata ako. Gumagawa na po kami ng eksena rito. Lahat nakatingin sa amin. Hindi siya nag-abalang sumagot sa akin at naglakad na. Hindi na lang rin ako umimik at padabog siyang sinundan. Nakakainis talaga!
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin. Sinundan ko na lamang siya. Bakit alam niya kung saan kami nakaupo? May gusto ba siya sa isa sa amin? Ganoon ba siya kadesperado upang mapalapit sa amin? Naku! Subukan niya lang dumiskarte!

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero naaasar talaga ako sa kanya.

--------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.