Their Secrets

All Rights Reserved ©

Chapter Four: Assuming

(Sherg's POV)

*Next Day*

"Sherg, gising na. Mahuhuli na tayo sa klase."

Des woke me up but I just hugged my pillow as I said...

"Hmm... five minutes more."

I said sleepily but she continued to bug me.

"Anong five minutes? 8:35 na uy. Ten minutes na lang, klase na."

I immediately jumped from my bed when I heard what Lyn said. The HECK! 8:35 na? Oh my goodness!

I went to my bathroom and took a bath for about three minutes, changed my clothes and brushed my teeth. I don't care about my look. I just don't want to be late.

"Let's go."

I said and get my bag. I went to the door and they're just staring at me. Wait, why are they still wearing their bathrobe? And why didn't they eat their breakfast yet?

"HAHAHAHA!"

Nagtawanan silang dalawa at nag-apiran sa isa't-isa. I wrinkled my forehead.

WHY. ARE. THEY. LAUGHING?

"Ehem. Subukan mo kayang tingnan yung relo mo?"

Lyn asked while forcing herself not to laugh. I looked at them before looking at my watch... and I was shocked when I saw what time is it.

7:30 am? It's still freaking 7:30 am! I looked at them. Tawang-tawa pa rin sila. How dare?!
Kinuha ko yung unan sa sofa na katabi ko at hinampas ko sa kanila.

"Allergy kasi sa LATE eh!"

Di pa sila tumigil sa pang-aasar sakin kaya kumuha ulit ako ng unan at hinampas ulit sila. They didn't let themselves to be defeated by me so they also get pillows and there, we had our pillow fight.

(Des' POV)

Matapos ang aming konting laro, pumasok na kami. Di naman kami nahuli sa klase. Iyong guro pa nga ang nahuli eh.

Umupo na ako sa aking upuan at mayroon agad akong napansin. Mukhang wala pa sila ah. Teka, bakit ko ba sila hinahanap?

May narinig akong ingay sa labas pero hindi ko na lang inalintana. Maaala ko lang ang dapat nang kalimutan.

Tumingin ako sa bintana.

Sana di ko nalang siya nakilala at minahal. Ako tuloy ngayon ang nasasaktan.

"Hey! Why are you crying?"

Rinig kong tanong ni Sherg kaya agad kong pinunasan ang aking pisngi. Umiiyak pala ako?

"Wala."

Palusot ko. Sana si Lyn na lang ang nakaupo sa likuran ko. Chismosa kasi si Sherg eh. Pati pag-iyak ko, nalaman pa niya.

"Asus. Palusot ka pa. Move on na kasi."

Sagot niya. Alam kong binibiro niya lamang ako ngunit hindi ko pa rin lubos maisip eh. Bakit nga ba tayo sinasaktan ng mga mahal natin eh ang tangi lang naman nating ginawa ay ang mahalin sila nang tunay?

"Wala na kaming dalawa pero bakit parang ang hirap pa rin?"

Tanong ko at idinaan ko na lang sa isang buntong hininga ang mga luhang unti-unti nang namumuo sa aking mga mata.

"Des?"

Malumanay na sambit ni Sherg.

"Bakit?"

Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Pumunta ka nga dun."

Sabi niya habang ngumunguso. Ano na namang plano nito?

"Ano na naman bang kalokohan iyan ha, Sherg?"

Taas kilay kong tanong. Pinaglalaruan na naman niya ako.

"Sige na."

Pilit niya sa akin ngunit tiningnan ko lamang siya.

"Now what? Move!"

Pataray niyang sambit at sinunod ko na lang siya. Ayaw ko kasing magalit siya sa akin. Mahirap na.
Kaya ayun, gumalaw ako at pumunta sa direksyong tinuturo niya.

"Oh? Ano na?"

Tanong ko habang nakapamewang.

"There, you're already moved on. Diba sabi mo dika maka move on?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Topakin talaga itong babaeng ito. Pag nasa katinuan, grabe kung mang-alaska. Pero pag may topak, naku po... napakasungit. Siya kasi ang tunay na basehan ng salitang 'may sayad'.

"Ang tae mo Sherg."

Inis kong sambit at bumalik na sa aking inuupuan.

"Nah-uh, mas tae ka Des. May paiyak-iyak ka pang nalalaman. Tss!"

Nakakaimbyerna talaga itong si Sherg. Tsk. Ibinalik ko na lamang ang aking paningin sa bintana. Maya-maya ay dumating na ang katabi ko... ayy ang ibig kong sabihin, silang tatlo.

(Lyn's POV)

Nandito kami ngayon sa room namin. Kitang-kita ko kung paano inaasar ni Sherg si Des. Nakakatawa talaga ang mukha ni Des kapag badtrip. So priceless. Umiling na lang ako habang nakangiti.

"Hi."

Bati sa akin ni Ty na kararating lang.

"Hello Ty."

Bati ko sa kanya sabay ngiti.

"Bakit Ty ang tawag mo sa'kin?"

Tanong niya habang nakataas ang kilay. Umupo na siya.

"Ty, short for Terrence Yvan."

Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako habang nakakunot ang noo. Para siyang nalilito. Oh no! Mukhang ayaw niya. Shemay!

"Uhm... pangit ba? Hindi ba okay sa'yo?"

Umiling siya kaya napa-pout ako. Masyado bang corny?

"Hindi okay."

Sabi niya kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Ah sorry. Pwede namang Terrence or Yvan na lang ang---"

"Hindi okay kasi gusto ko. Ang cute nga eh."

Wait! What? Tiningnan ko siya habang nakataas ang kilay. Ngumiti siya sa akin.
Cute daw ako? Este yung nickname pala. Mabuti naman at nagustuhan niya. Wait, bakit parang... kinikilig ako?

-----

Pumunta na kami sa cafeteria at ayon, kain kami ng kain. Pero mas grabe si Sherg.

"Wow Sherg, baka tumaba ka niyan."

Sabi ko habang pinipigilang matawa. Sinulyapan niya ako at sinamaan ng tingin.

"Shut up. Ikaw na ang sexy."

Inis niyang sabi sabay subo ng hamburger. Large pa talaga.

"I know right?"

Confident kong sabi pero inirapan niya lang ako. Tumahimik na ako. Nag-eenglish na kasi. Baka lalong mamula.

Nakita ko si Ty na nasa kabilang table pero kaharap lang namin. Tiningnan ko siya. Tumingin rin siya sakin. Nahiya naman ako kaya umiwas ako ng tingin.

"Aiish... nakakahiya."

Bulong ko sa sarili ko.

"Annong nangyari sa iyo?"

Tanong ni Des sakin.

"Wala."

Sagot ko sa kanya at sumubo na ng pagkain. Nagkibit balikat lang siya.

Naramdaman ko na tinitingnan pa rin niya ako kaya tiningnan ko ulit siya. Siya naman ang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Ibinalik niya ang tingin niya sakin at nginitian ako. Nginitian ko rin siya.

"Nag-smile siya sakin."

"Sa akin kaya."

"Baka ako noh. Oh catch me, I'm falling."

Rinig kong sabi ng mga babae sa likod. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko. Tsk! Mga ASSUMING!

--------------------

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.