Tulad ng Katipunero
“Hanggat kaya ko, nandito lang ako,” sambit ni Ama sa tuwing kami’y nangangailangan. Si Ama’y tila isang katipunerong ipinaglalaban kami sa lahat ng mga nang-aapi. Tulad ng mga katipunerong ang tanging hangad ay ang kaligtasan at kalayaan ng ating bansa, mas inuuna rin ni Ama ang kapakanan naming pamilya niya.
Mini-Saga
June 23, 2017