Write a Review

His Anyang Dimagiba ( DNSSeries: Rouge Damon S. )

All Rights Reserved ©

Summary

Isang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher sa tanghali at holdaper naman sa gabi, alam niya namang hindi marangal ang raket niya ngunit wala siyang magagawa, mas maaatim niya na iyon kesa naman maging isang hostes sa isang bar, sa hindi inaasahan magiging biktima nito ang isang lalake, isang lalakeng lasing, jackpot ang umiikot sa isip ni Anyang at pero sign naman ang nakikita niya, pano ba naman singkapal ata ng Merriam Dictionary ang laman ng pitaka ng lalake, dalawang buwan din siyang hindi magnanakaw dahil sa dami ng perang nakuha niya sa lalake, ngunit ang akalang saglitang pandalian ay nauwe sa kakila-kilabot na pangyare. hinanap pala siya ng lalakeng may-ari ng wallet na kinuha niya, ng masilayan ni Anyang ang mukha noon ganun nalang ang panghihilakbot niya! paano na siya ngayon? ang kilalang sanggano pa naman sa lugar nila na si Damonyo ang nanakawan niya, dahil sa sobrang kayamanan at kademonyohan ay kilalang kilala niya ang lalake! dahil ito din mismo ang may gustong ipagiba ang lahat ng bahay sa San Isidro! katapusan na niya, paano niya babayaran ang perang kinuha niya na nagkakahalaga ng dalawang daan libong piso. Alright Reserved © 2020

Genre:
Erotica / Romance
Author:
LigawNaDyosa
Status:
Ongoing
Chapters:
3
Rating:
5.0 1 review
Age Rating:
18+

Introduction

Anyang POV....




Mabilis akong tumatakbo dahil hinahabol ako ng dalawang matatabang pulis, bitbit ko sa kamay ang isang gintong kwintas at cellphone na mamahalin, nakuha ko ito sa isang babaneg mayaman na kakalabas lang ng sasakyan, agad kong kinuha ang cellphone nito na nakalagay sa tenga at kwintas na nahablot ko din kasabay ng cellphone nito, lumiko ako sa isang kanto, patuloy padin ako sa pagtakbo, sumuot ako sa isang eskinita saka tumabok ulit, pumasok ako sa isa ulit na kanto sa tumigil sa gilid ng isang basurahan, nakita ko ang paglampas ng dalawang pulis sa pinagtataguan ko, ng makasigurong wala na sila ay lumabas ako sa sulok at naglakad pabalik ng huling kantong pinasukan ko, mula doon ay naglakad ako sa isang makipot na tulay na gawa sa kahoy, tuwang tuwa akong pumasok sa maliit kong bahay na gawa sa kahoy at ilang pinagtagpi-tagping yero, maliit lamang iyon, bubungad agad sa pinto ang isang medyo may kalakihang papag na higaan, kadikit ng maliit na sala ang kusina at banyo na kurtinang medyo makapal ang nagsisilbing pintuan, kurtina lang fin ang nagsidilbing dingding na siyang nagtatago ng palikuran ko, kahit maliit ang bahay ay sigurado naman malinis ang bahay ko, umupo agad ako sa upuang malapit ng bumigay, nilabas ko agad ang cellphone at kwintad agad kong pinakealam ang cp ng babae at agad na nireset, iyon talaga ang talent ko, ang mangalikot ng iba't-ibang aparato, IT kasi ang kinuha kong kurso at ika-dalawang taon ko na din, salamat talaga sa pa scholar ng gobyerno at kahit papaano ay nakakapagaral ako sa isnag pang publikong unibersidad, pinagmasdan ko ang kwintas na pangalan ang pinaka pendant na may malilit na bato, siguradong mamahalin ito, nagpalit ako ng damit at inalis ang sumbrero ko, lumabas ako muli ng bahay at saka dumaretcho sa sanglaan sa bayan ng Mariano dalawang baryo iyon mula saamin sa San Isidro, mahirap na atleast safe padin ako magkahulihan man, disiotso mil ang nakuha ko sa pagsusubasta ng kwintas, sabi ng kahera doon ay isa daw iyong ginto na may maliliit na tipak ng dyamante, sa mall ay umaabot daw iyon ng daang libo ngunit hindi kakayanin ng sanglaan kaya pumayag nako na sa sinasabing presyo, tutal hindi naman akin iyon, pasimple kong ipinakita ang cellphone na nakuha ko din sa baabe kanina, nagningning ang mata ng babaeng kahera,

" Miss bilhin mo na ito, magandang klase ito ng Ephong, sikat ang brand nito at maganda ang kalidad, bagong labas din ito kaya't kung ako sayo ay kukunin ko na " Pangungumbinsi kl sa babae, para namang nakakita ng isang kayamanan ang babae, hinawakan pa nito ang cellphone

" M--magkano ba ito? " Tanong agad ng babae napangiti ako

" Bente mil miss, murang mura na iyan, umaabot ng higit-kumulang isang daang libo ang isang ganito sa mall " Sabi ko ulit

" Agad niyang kinuha ang wallet niya na nasa loob ng staff's room, kinuha niya ang wallet niya at binilang ang pera doon "

" Naku eii pano ito? Katorse mil lang ang pera ko " Malungkot na sabi, agad kong hinablot ang pera sa kamay niya saka ko inabot ang cellphone, agad akong umalis doon ayos may trentay dos nako, tatlong linggo na din ito! Kung sinuswerte ka nga naman ou!

Hindi na ako lumabas para rumaket ngayong gabi, lumabas langa ko saglit para kumain ng hapunan kila Aling Puring matapos ay bumalik ako sa bahay, Marian Dimagiba ang pangalan ko, kaka bente ko lang nung nakaraang buwan, nakatira ako dito sa San Isidro, obvious naman na mahirap ako kaya pang iisnatch sa tanghali at pang Hoholdap naman sa gabi ang kinabubuhay ko, pero pinangako ko sa Itay na magtatapos ako sa kursong gusto ko at makakapagtrabaho ng maayos, iyong marangal, nakukunsensya din naman ako sa mga nagiging biktima ko ngunit kailangan ko din kasing mabuhay, hindi ko naman maaatim na pumasok sa bar na pagmamay-ari ng pinaka manyak sa lugar namin na si Gimo. Alas otso pasado ng magising ako kinabukasan agad akong naligo sa banyo ko na puno ng tapal dahil madaming butas, alas nuwebe ay nasa unibersidad na ako, kakaupo ko lang sa upuan ko ng magsidatingan ang ibang mga kaklase ko, ang gugulo, yumuko nalang ako sa table ko at pumikit, may kumakalabit ng balikat ko dahilan ng pagangat ko ng tingin, naroroon na pala si prof Magaryanes na nakatingin sakin ng masama

" Ikaw Ms. Dimagiba! What is Mother Board? " Humihikab pa ako ng tumayo na mas lalong nagpainis sa prof kong matandang dalaga, anu nanaman ginawa ko? Malay kong dumating na siya.

____

" Teka Anyang! Hintayin mo kaya ako! Ang bilis mong maglakad " Sigaw ni Selya, ang matalik kong kaibigan, hindi kami pareho ng kurso dahil HRM ang kinuha niya, madalas lang pareho kami ng iskedyul kaya madalas nagkakasama padin kami, nakarating kami sa Cafeteria, umorder ako ng sandwich at Coke saka isang burger at royal, nilibre ko si Selya, sabi nga share your blessings!. Ng matapos kaming kumain ay sa library muna kami tumambay, kung hindi niyo natatanong ay mahilig akong magbasa ng mga libro lalo na itong mga tagalog romance, pangarap ko nga magkaroon ng sariling library kapag may trabaho nako.


Natapos ang klase para sa araw nato kaya umuwe na ako, alas dose ng tanghali ang tapos ng klase ko araw araw minsan naman alas onse lang kapag huwebes dahil vacant ang last subject namin ng araw na iyon, nilakad ko nalang pauwe dahil hindi naman ako nagmamadali ngayon dahil hindi ako raraket, saka na kapag malapit ng maubos ng laman ng pitaka ko, ala una pasado ng makarating ako sa San Isidro, binuksan ko ang padlock ng bahay saka padaskol na nahiga sa papag, napagod din ako kahit papaano, mamaya nalang siguro ako kakain ng hapunan sa ngayon eenjoyin ko munang kapiling ang higaan at unan ko, napabalikwas ako ng bangon ng makitang madilim na ng paligid ni hindi ako nakapag bukas ng gasera, agad akong bungon at nagsuot ng jacket na may hood kunakalam ang sikmura ko sa gutom, malayo pa ako sa pinakamalapit na 24/7 na tindahan ng matanaw ko sa gilid ng daan ang isang lalakin nung una ay akala ko patay, ngunit ng lumapit ako ay pinaghalong alcohol at mamahaling pabango ang naamoy ko, lasing lang palanilapitan ko ang lalake para sana gisingin ngunit hindi man lang gumagalaw ni ang kamay nito, sobra sa kalasingan, napatingin ako sa pantalon nito sa bandang linkuran, nakadapa kasi ito sa gilid ng daan, nabukol ang bulsa nito sa likod, pagkapa ko ganun nalang ang sayang lumukob sakin ng makapang sobrang kapal ng wallet ng lalake, agad ko iyong kinuha inayos ko ang pagkakahiga nito saka nagtatakbo papunta sa kanto kung nasaan ang convenient store, agad akong kumuha ng cup noodles saka binayaran matapos lagyan ng mainit na tubig dito ko na iyon kinain, habang tinatangay ang isip ko ng wallet na nakuha ko mula sa lasing na lalake, napangiti ako tiyak na jockpot nanaman ako nito.




∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

July,23,2020

-LND


Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

aureliaelenah: Obsessed with this story 🥰🥰

Yohana Carolina: Espectacular historia... Me enamoré y me encanto esta nueva aventura tuya Ana.. Soy tu seguidora de wattpad que te admira muchísimo 🙏💖🥰

Lorene: I like the general writing style, however, the details between she and Dante could be better.

Axel: Joder, hace poco conozco la aplicación, puta historia pa chimba

Ana: Estuvo buena. Me quedé corta. Pero genisl

Kriss Mobbs: I feel the story is beginning to drag. There needs to be a quicker resolution between Anaya Dimitri. The story line for a two book read is good. Then the third needs to pick up down the road to their future, in their future. It’s a good read on its own with a proper into. It’s a decent read for 2...

ana: La verdad es muy buena en la autora es muy espontánea y tiene muy buenas ideas las historias son muy entretenidas y tiene muy buen trama

Columbine Pirouette: I'm so entertained with this beautiful novel! Got to read more from this author! 👍👍

More Recommendations

minliceth: Muy buen escrito algo mal con el tema de la ortografía se repetían 2 veces el mismo guión del resto todo en orden me encantó la trama y el final estuvo de maravilla mis felicitaciones...

Sofiavergara: Its really relatable and cool

Thv Park 🥀 : Chille arto pero de emoción

sonia: Omg like seriously that's crazy he's not dead but he's alive so sad tho at least they can be a family again I hope the 2 find their mates soon !!

sonia: Still loving the series will definitely tell others about this site and your wonderful books

sonia: I am absolutely loving this series quick and to the point no reading unnecessary info a 100times before getting to the good stuff well written !!

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.