Write a Review

Falling For Sherry

Summary

Isang misyon ang bumura sa alaala ni Sherry at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Xavier Okiya - isang college professor na tinitilian ng mga kababaihan. Buhat ng kakulangan ng impormasyon tungkol sa kanyang pagkatao ay hinayaan siyang patuluyin ng binata sa bahay nito, kung saan nakatira ang kapatid nitong si Xander. Sa maikling panahon na kasama niya ang dalawa ay naging malapit siya sa magkapatid, lalo na kay Xavier dahil sa taglay nitong kabutihan at iyon din ang nagtulak sa kanya sa pagkalalim-lalim na bangin ng pag-ibig. Ngunit agad ding nabulabog ang tahimik niyang mundo nang makatanggap siya ng sunod-sunod na death threats mula sa isang notorious syndicate. Sino ba talaga si Sherry at bakit siya gustong patayin ng mga taong nasa likod nito? Ipaglaban pa kaya siya ni Xavier oras na malaman niya ang totoong pagkatao ng babaeng burado ang nakaraan?

Genre:
Action / Mystery
Author:
Haibara-san
Status:
Ongoing
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
13+

Chapter 1

Chapter 1: This is how we met

“I’M SORRY, Ms. Asundi, as much as I wanted to help you, but there’s no way. Lumampas ka na sa three months na binigay na palugit ng university for you to comply your requirements. Nakasulat ‘yan sa latest release ng student’s handbook,” mahina kong saad habang abala ang aking mga mata sa pagtitig sa lesson plan na kagabi ko pa pinagpupuyatang gawin.

Tatlo lang kami rito sa faculty room—si Ma’am Therese Sumiko na co-teacher kong halos mapudpod ang mga daliri kakatipa sa cellphone, ako at ang estudyante ko last semester na si Miss Asundi—a 4th year BS Computer Science student.

Lihim kong napaangat ng tingin sa babaeng kaharap ko ngayon, nagmamakaawa na ipasa siya sa subject ko na Thesis 2. The reason why I gave her the grade of INC is because of her unfinished thesis proposal. She had already presented to me her study, but the problem is, she wasn’t finished yet with the system by that time, although, tapos na ang kanyang documents. Hindi rin siya nakapag-defense.

Now, she’s making an excuse na hindi siya aware sa bagong policy ng eskwelahan. From six months, binaba sa three months ang binigay na timeframe para ayusin ang incomplete grades ng mga estudyante. Kapapalit lang din kasi ng university president kaya gano’n.

“Sir, wala po akong nakuhang handbook, wala rin pong nakapagsabi sa akin tungkol doon.” Narinig ko ang paggaralgal ng boses niya. She was about the cry na kulang na lang ay luhuran ako. “Please, Sir. Baka naman po may paraan pang iba. Kailangan ko na pong maka-graduate ngayong taon. Last sem ko na po ngayon at may kinukuha na lamang akong isang subject. Kapag hindi ko po naipasa ito, maaari po akong bumalik sa first year,” pagsusumamo nito na para bang hinihingi niya ang dalawang kidneys ko.

I can’t blame her for acting like this. Kasama siya sa last batch ng old curriculum. Kapag hindi siya nakatapos ngayong second semester, mapipilitan siyang sabayan ang upcoming first year sa susunod na academic year—iyan ay kung hindi siya kukuha ng special class for my subject.

“Sana naisip mo ‘yan bago ka gumawa ang hakbang na makasisira sa pag-aaral mo. Nasa finals na tayo ng second sem. Isang semester na ang nakalipas, Miss Asundi. That’s a plenty of time to finish your study. Besides, marami ring katulad mo na hindi nakaabot sa defense kaya binigyan ko ng incomplete grade. Most of them tried to make it on time at pinayagan sila ng chairperson na mag-defense kahit second sem na. But in your case, wala na akong magagawa dahil nag-lapse na ang INC mo. I’m very sorry, Miss Asundi.”

Walang imik itong tumalikod at naglakad palabas. Sandali akong nagpahinga sa pagsusunog ng kilay sa laptop at sumandal muna sa swivel chair. Napailing ako sa inasta ng estudyanteng ‘yon. We’re not that close but I can describe what kind of girl she was. Maski ako nagulat sa resulta ng pagcompute ko ng grade sa kanya dahil sobrang taas ng expectation ko kay Miss Asundi.

Madalas ko siyang nakikitang nakaupo sa sulok at nagbabasa ng libro patungkol science and programming. Base sa nakikita ko tuwing nagka-klase ako sa block nila, tahimik lang siya at hindi gaanong palakaibigan. I guess wala sa bokabularyo ng mga taga-University of Vineyard ang makipag-kaibigan sa mga nerdy type na kagaya niya.

“What happened to you, Miss Asundi? You’ve changed a lot. Why?” Ang mga tanong na kusa kong pinaubaya sa hangin.

What am I saying? Labas na sa propesyon ko bilang guro ang alamin kung ano talagang nangyayari sa kanya. Whatever it is, she didn’t use it as her excuse because she wouldn’t want me to know.

“Hindi ka pa ba kakain, Sir Oks? Past 11 na,” ani Ma’am Therese na pansamantalang tumigil sa pakikipag-chat sa jowa niyang police officer.

Ang swerte ng mokong na ‘yon, nakadale ng teacher.

“Now that you mention it, nagutom akong bigla. Thanks for reminding me.” Isinara ko ang laptop at tumayo sa mula sa upuan. “May ipapabili ka ba? Dadaan ako sa cafeteria.”

Ngingiti-ngiti itong sumagot. Agad din nitong binalik ang tingin sa cellphone na hawak. “No need. On the way na ‘yong magde-deliver ng food ko.”

“That Nicholas jerk is sure lucky.”

Binalingan niya ako nang nanlilisik ang mga mata. “How dare you calling him a jerk? He’s the man of my dreams. Palibhasa wala kang lovelife kaya puro negative ang lumalabas diyan sa bibig mo!”

Tinaas ko ang magkabilang kamay na parang susuko. “You look terrifying, woman. Hayaan mo, next time, dadalhin ko ang gf ko.”

“You’re not kidding, are you?”

“E-Eh...” I can’t look directly at her. Pag-ilang beses ko na bang ginamit ang linyang ‘to sa tuwing inaasar niya ako na walang girlfriend? Kasalanan ko bang pihikan ako sa babae?

Stop pulling pranks, Mr. Okiya! That’s your 20th time! Ni minsan wala kang pinakilala sa ‘king babae! Sinungaling na ‘to!”

“Hahaha! Don’t worry, Miss Sumiko. This time, totoo na ‘to. Paano ba ‘yan? Maiwan muna kita. Kakain muna ako kasama ang girlfriend ko,” natatawa kong biro kahit wala naman talaga.

You’re not thinking straight, you dummy! Saan ka ngayon maghahanap ng babaeng ipapakilala mo kay Therese Sumiko bilang girlfriend mo?! Sermon ng nagwawala kong isip.

I’m sure you wonder why gano’n kami mag-usap ni Therese. I’ll tell you. She’s my childhood friend who happens to be my ex-girlfriend. She’s my first love pero naghiwalay rin kami five years ago due to complicated matters.

But you know what the good thing after that heartbreak? We remained as friends at unti-unti, nakuntento na ‘ko na makita siyang masaya sa piling ng ibang lalaki. Medyo awkward pakinggan but we always talk like siblings, it’s as if it didn’t happen.

Pagkagaling ko sa faculty room ay dumaan ako sa hallway ng computer studies building.Pababa pa lang ako ng hagdan ay puro mga katawang yelo ang aking nadadaanan na ibig-ibig nang matunaw.

Upang mapigilan ang tuluyang pagkaubos nila sa kinatatayuan ay ginantihan ko ng ngiti ang nanlalagkit nilang mga tingin. Jeez, I shouldn’t have done that. Mas lalo ko lang pinalala ang sakit nilang kung hindi ako nagkakamali ng dinig ay Hotthrob Professor Disorder.

Kasalanan ‘to ng kuya ko. Siya ang nag-suggest sa akin ng eskwelahang ito noong naghahanap ako ng a-apply-ang school. I don’t get it. Ano bang mayroon sa akin at kinababaliwan ako ng mga kababaihan—mapa-estudyante, staff o teacher?

I’m just a simple guy in my late twenties, six feet tall, white complexion, medyo mahaba ang buhok na madalas kong pakulayan ng brown, singkit at may eyeglasses. Biro pa nga ng isa kong estudyante, bagay raw akong ilagay sa manga dahil mukha raw akong anime character.

“Hi, Sir Okiya!” bati sa ‘kin ng former secretary ng College of Computer Studies na panay ang pagpapa-cute sa akin since I start working here.

That’s me. Xavier Okiya—kalahating tao, kalahating manga boy. Biro lang. I’m a mixture of Filipino and Japanese. Pinoy ang nanay ko at Hapon naman ang aking ama. May isa akong kapatid gaya ng nabanggit ko kanina. Dito siya nagtatrabaho bilang canteen staff—kung ako ay Hotthrob Professor, siya naman ay Ang Supladong Hotthrob ng Canteen—‘di ko maitatangging magaspang ang ugali ng kuya ko, ngunit sa halip na kainisan ay mas lalo siyang kinalolokohan.

It gets less and less understandable why people getting crazy on us.

“Isang order ng paborito kong specialty mo,” sabi ko sa staff na hindi magkanda-ugaga sa pagsalin ng ulam sa plato ng isa niyang customer na bading. Nakita kong kinindatan siya ng bakla but as usual, deadma lang ito.

Maliban sa pagse-serve ng pagkain ay siya rin ang isa sa mga cook ng cafeteria. ‘Pag alam kong siya ang nagluto ng ulam, ‘yon ang lagi kong binabalik-balikan.

“Specialty ka diyan. Ba’t ‘di mo sabihin kung ano ba talagang order mo? Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko at sabihin sa manager ng canteen na ikaw muna ang papalit sa pwesto ko,” masungit nitong banat. Tinitigan niya ako nang matagal at napakalamig n’on. Sa sobrang lamig pwede na siyang makapatay nang ‘di nadudungisan ang kanyang mga kamay.

“Ayan ka na naman, kuya. Alam mo na, dating gawi, ginataang squash na may sili.” Pumalatak ako. Itinuro ko ang refrigerator na nasa likuran ni Kuya Xander. “Samahan mo na rin ng Coke 8oz.”

“Sige, pero ikaw ang magbayad.” Pinagkibit-balikatan ko lang si Kuya. Isang taon na naming kasunduan ‘yong siya ang sasagot sa lunch ko. Kapag nag-exceed sa halagang fifty pesos ang binili ko, automatic sagot ko na ‘yon. In return, patitirahin ko siya sa bahay ko for free.

Ayos, ‘di ba? Lugi sana ako, eh. Kung ‘di ko lang ‘to kapatid.

Last year, a terrible tragedy happened at muntik nang mawala sa ‘kin si Kuya. Mula no’n, sa akin na siya nakatira at nalagay na sa tahimik ang buhay naming magkapatid. Sino bang magtutulungan kundi kami-kami lang? Besides, pareho na kaming ulila kaya wala kaming choice kundi mahalin ang isa’t isa.

Nang i-abot ni Kuya ang softdrinks at ‘yong order ko ay binigyan ko siya ng 65 pesos. Umupo na ako sa bakanteng table na pang-dalawahan. Pagkalapag ko ng plato sa mesa ay kaagad kong napansin ang kapirasong papel na nakalagay sa tabi ng ulam. Oh, I forgot to tell you, ang plato na ginagamit nila rito ay ‘yong puwede ang dalawang ulam.

Sinipat ko ang papel at inalis sa pagkakatupi.

I-text mo si Cherlyn, sabihin mong kumain na.

Si Kuya talaga. Kunwari pang walang pakialam kay Cherlyn pero ang totoo, concern talaga siya sa babaeng ‘yon.

Muli kong tumingin kay Kuya, saktong nagtama ang paningin namin kaya ni-reply-an ko siya gamit ang aking bibig.

Ryokai.

Sa tantiya ko, tumagal ako ng kulang twenty minutes sa canteen, saka lang ako nagdesisyong lumabas ng canteen. Nang hihilain ko na ‘yong glass door para bumukas ay nasalubong ko ang papasok na si Miss Asundi. I don’t know if it was my illusion, but she was looking at me furiously. And it was my first time seeing her wearing an evil smile.

Hindi ko namalayang nagkasalubong na pala kami. Paglingon ko, nakatingin pa rin siya sa ‘kin sa pagitan ng pintong gawa sa salamin, ngunit ‘di nagtagal ay binawi rin niya ito.

Napakamot akong bigla. What was that?

***

Tatlong oras akong nagturo sa dalawang block ng second year and now it’s four-thirty in the afternoon. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa library para ibalik ‘yong mga librong hiniram ko sa pagtuturo. Then, my last destination is the home of teachers—ang faculty room. I won’t be surprise if Therese wasn’t there. May klase siya ngayon sa new building na katatapos lang two weeks ago. The rest are my co-teachers na busy rin sa kani-kanilang ginagawa.

Hindi biro ang maging guro. Isipin mo, halos araw-araw nagpapagawa kami ng paperworks sa mga estudyante. Sa dami nila, aabutin kami ng gabi kaka-check at kaka-record. ‘Di pa kasama ‘yong paggawa ng lesson plan, pagcompute ng grades tuwing mid-term and finals, at ‘yong pressure na nakukuha namin sa pagtimbang kung ipapasa ba namin ang estudyante o hindi.

At bigla ko ulit naalala si Miss Asundi. Why I can’t get her out of my head? Come to think of it, I didn’t see her since that incident in the cafeteria. Ano na kayang nangyari doon? Madalas ko siyang nadadaanan sa hallway, eh.

Hanggang sa pag-uwi ko ay baon ko ang mabigat na pakiramdam. Masyado akong nadala sa kakaibang kilos ni Miss Asundi kanina, to the point na mag-alala ako nang husto do’n sa tao. Para bang hindi siya ‘yong Miss Asundi na kilala ko sa campus na mabait, tahimik at masipag mag-aral. The one I saw earlier was the opposite of hers.

“Huh?” Napahinto ako sa paglalakad nang may maaninag akong bulto ng tao sa tabing kalsada. Abnormal itong maglakad but it’s very obvious na hindi siya lasing.

Kumurap-kurap ako upang masigurong hindi ako namamalik-mata. Oh, come on, Xavier. Hindi maaaring guni-guni mo lang ‘yong babaeng pagewang-gewang na papatawid sa direksyon mo!

Naalarma ako nang makarinig ako ng sunud-sunod na busina ng paparating na ten-wheeler truck. Nasa gitna na ‘yong babae pero base sa nakikita ko mukhang wala ito sa sarili. I can’t stand here watching her like this!

Sinubukan kong tumakbo para itulak siya. Pareho kaming bumagsak sa gilid ng kalsada. Hay, salamat. Buhay pa yata kami.

“Miss, nasaktan ka ba?” sita ko sa babae na ngayon ay labis ang panghihina.

Agad kong inalalayan ang babae. She seems dehydrated though, so I gave her a bottle of water na kalahati pa lang ang bawas.

“N-Nasa’n ako?” she asked, confused.

“Block three, Baker Avenue. Bakit mag-isa ka lang? At saka, bakit ganyan ang hitsura mo?”

Hindi naman siya mukhang busabos katulad ng iniisip niyo. In fact, she looks gorgeous in her red dress and stilettos. Bob-cut ang kulay brown niyang buhok, maputi, matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata.

And her voice... why is it so angelic?

“Hindi ko alam,” sagot niya. “B-Bakit ako nandito? At... At... Sino ka?” punong-puno ng pagtataka ang kanyang mukha at gayon din ako.

Oh no. This is not good. She had no idea how she brought herself in this place. If I can only ask her name, maybe I could help her locate her address. At sa sitwasyon niya, baka pati pangalan niya ay hindi niya matandaan.

“I’m Xavier Okiya,” pakilala ko naman. May kutob man ako sa posibleng problema na kinahaharap niya ay sinubukan ko pa rin siyang tanungin. “Ikaw? Anong pangalan mo?”

“Who am I?” Pagkasabi niya n’on ay bigla siyang nawalan ng malay. Buti na lang, nasalo ko siya bago pa siya bumagsak sa sahig.

Isang magandang panaginip na sana ang makasalubong ako ng magandang babae sa daan, ‘yon nga lang, parang metal case.

Huwag niyong sabihing ito ang ihaharap ko kay Therese?

Continue Reading
Further Recommendations

darling61rivera: Wonderful and Exciting book, it had everything, Drama, Suspense, Sad and Happy times. I was so happy when Mal finally accepted Stone. It keep you wanting to read more till the end. Please keep the good work 🤩🤩👍

remydoyle6: I loved how they got married in the end I wish it was longer. I didn’t like how stupid and blind he was. I would recommend this book to anyone who loves Romance. I wish it was longer. Overall it was a great read. Keep up the great stories.

rabisuhi13: Her writing has a separate fanbase

Ery: Me está gustando mucho la historia una vez que la empecé a leer ya no puedo parar Que padre que me hayan recomendado está app está genial y hay historias muy padres

Connie White: 😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊

dlmccoy57: Story line is good but the grammar and sentence structure needs to be edited. I &had to figure out some sentences. Just needs work for at least the English language.

JossieR: Ok, I must say. The plot was original and entertaining. I was looking for romance, and even if I didn’t find it in this part, it didn’t bore me. The plot kept me hooked. I’m jumping to the second book right away!

scarbrough71: 💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

More Recommendations

Serena: It is a wonderful book. I know Breaker didn't want to talk but I am so happy he did. I still can't believe Rubble he shouldn't have done that to Breaker. He knew how much Aurora ment to him. I loved that it only took 1 upper cut to win it. LOL

Ariane: c'était tout simplement magnifique !

Lizelle Nel: Absolutely love the story. The mother is quite hilarious with the innuendos. Could feel every emotion the characters went through. You wanted to cry with them. Laugh with them. Highly recommended to read. Keep it up.

Elizabeth: I loved this short story. Amazing as always.

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.