Chapter 1: Just Got Married
“Deron, kumain muna! Puro nalang laro iyang inaatupag mo! Ang payat, payat mo na! Hindi ka ba naaawa sa katawan mo? Tulungan mo naman ang sarili mo, anak! Hindi ka na nga kumakain, nagpupuyat ka pa!”
Ang aga-aga nag-evolve na naman si Mama into a machine gun. Araw-araw nalang gan’yan ang eksena. Hindi kaya siya nagsasawa sa kabubunganga? Kabisado ko na mga sinasabi niya. Hindi naman siya pinapansin ni Deron. Kahit gusto kong magsalita, wag nalang. Mamaya ako naman babarilin niyan pag napansin ako. Mas ok nang di ako napapansin, mas safe. Haha!
“Kain na! Deron, ano ba? Hindi ka ba tatayo riyan? Itapon mo na nga iyang cellphone na iyan!”
Mag-ipon na kaya ako ng pampa-check-up sa lalamunan ni Mama at tainga ng buong pamilya ko? Maghapong sigaw nalang ang naririnig ko e. Simula kaninang almusal pa ’yang ibinubunganga ni Mama. Hay naku!
I-try ko nga maglaro ng online game baka maintindihan ko kung bakit naa-addict si Deron.
Hmmmmn… Ano kayang laro? Wala akong alam hahaha!
Ito! Clash of Royal Clans!
Teka, madali lang kaya itong laruin? Baka mahirap, tapos di ko kaya; tapos sayang lang pag-download ko. Pero sabi naman sa reviews, magandang laro daw.
Sige na nga! I-download ko na. Uninstall ko nalang pag di ko bet.
Ok naman ’yong CRC. Hindi ko in-uninstall. Madali naman pala s’yang laruin. Well, sa ngayon hindi pa ako masyadong nahihirapan. Hindi rin ako nape-pressure kasi ’yong faction na nasalihan ko, chill lang haha!
Iniisip ko, maa-addict din kaya ako sa laro?
Kung si Deron kasi ay sa online games naa-addict, ako naman ay sa Asian dramas or movies. Kaya lagi rin akong nabubungangaan ni Mama dahil sa pagpupuyat. Tulad ngayon nanonood na naman ako, pero hindi pa nila napapansing hindi pa ako natutulog kahit one am na.
Bakit ba?
Sa hindi ako makatulog pag naiisip ko kung ano ang susunod na mangyayari e. Kaya tinatapos ko na hanggat kayang tapusin lahat bago matulog.
“Dana, anong oras ka na natulog kagabi? Madaling araw na gising ka pa!”
Ay! Akala ko hindi siya nagising kagabi. Hindi lang pala ako pinansin.
“Iluto mo iyong ulam! Magwalis-walis ka naman dito! Maglinis ka ng bahay! Puro ka cellphone!”
Ooops! Oras ko naman ngayon.
Ganito ba talaga ang mga nanay? Hindi napapagod magbunganga? Nakakainis!
Natapos na ako gumawa sa bahay kaya balik na ako sa panonood. Hindi drama ang pinapanood ko ngayon. Reaction videos ang natripan ko ngayong araw. Bukod kasi sa Asian dramas, mahilig din akong manood ng mga vlog at natatawa o natutuwa ako sa ilang vloggers na nagre-react sa ilang mga Pinoy talents. Nakaka-proud din kasi pag nagugustohan ng ibang lahi ang talent ng Pinoy.
Naiinis na ako sa ad na ito! Lagi nalang lumalabas. Mayaman ’tong laro na to, ang daming pambayad sa ads e.
Tsk! Ito ang ayaw ko sa site na ito e, puro ads. Pero nakakaengganyo itong ad ng laro na ito. Parang maganda siya. Mai-download nga ’to. Try ko rin haha!
Woohoo! Into the Palace download complete! Mata-try ko na rin laruin! Sana maganda nga. Ang ganda ng graphics e. Sorry na sa graphics talaga ako tumitingin. Nakakaenganyo e.
One week na akong naglalaro ng Into the Palace at masasabi kong unti-unti na nga akong nahuhumaling sa game. Mabilis tumaas ang rank ko sa palace kaso medyo nahihirapan na akong umabante ngayon kasi ’yong mga kasabayan ko ay may mga partner na. Sa game kasi, pwedeng magpakasal ang dalawang players at pwede rin mag-divorce kung ayaw na nila sa partner nila. Makatutulong sa ranking ng character, level up ng player, at increase ng might ang marriage sa game. Kaya ’yong mga kasabay ko na married na, mas malayo na ang rank sa akin ngayon. Noong una, ok lang sa akin na hindi na magpakasal kasi ang hassle maghanap ng kapartner. Kaso, mukhang kailangan ko na talaga. Napag-iiwanan na ako. Nakausap ko rin ’yong ilang naging kaibigan ko sa faction and ’yong leader, sinasabi rin nilang magpakasal ako kasi maraming benefits.
“Need couple. PM for interested,” basa ko sa ipo-post ko sa moments ko sa Into the Palace. Kaso, ang choge naman nito.
Hmmmn… ano kaya ang mas magandang i-post?
“I need couple. Who’s willing to be my partner? Ay ang pangit din.”
Paano kaya ito? Hindi naman ako gamer. Baka magaling na gamer ang hanap nila para mas matulungan sila sa game?
Ah! Alam ko na! Sana umubra ’to.
“Hi! I’m not a hardcore gamer, it’s actually my first time playing this kind of game. I need a CP to increase my rank. Is there anyone willing to be my partner? I can’t offer anything luxurious on the wedding day. Since I’m not used to games like this, I don’t have collections of rare and beautiful crystals. I don’t know how to have those. But I can assure you I’ll do my best to help you in every way I can.”
Ok na kaya ito? Ang choge pa rin e. Kaso hayaan na.
My gosh! Sumasakit na ulo ko sa kakaisip kung anong ipo-post.
“Oh, my gosh! Oh, my gosh! Aaaah!”
Waaaaaaah! Aykentbelibid!
“Ay! Juice ko po! Ano ba ’yon, ate? Kaloka! Nakakagulat ka naman! Ano ba nangyari?” usisa ng nagulat kong pinsan na si Kariz.
“Hihihi! Wala naman nakakatuwa lang. Waaaaah! Huhuhu! Aymsowhapeh! Aykentbelibid! Kariz! Yieeee~” pagwawala ko habang niyuyugyog ko si Kariz sa balikat.
Hindi ko talaga inaasahan ’to! Grabe! Ang saya lang haha!
“Aray ko naman, ate! Ano nga ’yon?!” reklamo ng kawawa kong pinsan.
“Ganito kasi ’yon… Hindi ko talaga to inaasahan… Akala ko ii-ignore ako… Nakakagulat kasi…”
“Ano nga, ate? Sasabihin mo ba o hindi? Uuwi na ako tapos kausapin mo nalang ang sarili mo riyan,” walang tiyagang banta ni Kariz.
“Eto na nga… Naikwento ko ba sa iyo na naglalaro ako ng Into the Place?” pigil ko sa napakatiyaga kong pinsan. Iyong tipong sa sobrang tiyaga, iniiwanan niya ako lagi kapag hindi ako makapag-explain nang maayos sa sobrang excitement.
“Hindi. Bakit?” sagot niya.
Wow! Grabe ha? Ramdam kong interested siya sa sasabihin ko. Please, note the sarcasm. Hay naku!
“So, ’yon nga. Naglalaro ako no’n. Tapos... sa game kasi, need magpakasal para tumaas ang ranking. Tapos mag-increase din ’yong… basta ’yon! Makakatulong ’yon sa paglalaro, gano’n! Hirap mag-explain e.”
“Edi wag mong i-explain. Mahirap pala e. Easy!”
Hindi ko alam kung saan napulot ng gaga na ito ’yong ganyang pagsasabi ng easy. Iyong pinapahaba pa ’yong tunog na i. Sus! Daming arte!
“Kutusan kaya kita ng takong d’yan?! Ate mo ako, hoy!”
“Hehe… Sorry. Sige na! Magkwento ka na, tagal e!”
Di ko alam kung nagso-sorry talaga to o nang-aasar e. Sarap kutusan ng takong niya!
“Asan na ba ako? Tsk! Nakalimutan ko tuloy kung ano na sinasabi ko. Teka,” sambit ko habang nakakunot ang noo.
Seryoso, nakalimutan ko talaga. Sign of aging na ba ito? Huhuhu! Welp!
“Ayun na nga! So, naglalaro nga ako ng Into the Palace tapos need magpakasal. Nag-post ako sa game na need ko nga ng papakasalan. ’Te! May nag-mail sa akin! Waaaah! Hangsayah, ’Te! Aykentbelibid!” pagwawala ko na naman nang maalala ko na may mapapangasawa na ako.
Yey! Parteh!
Sorry ha? First time e. Haha! Nakakatuwa lang…
“Sus! ’Yon lang pala e. Akala ko kung ano. Gwapo ba?”
“Che! KJ nito. Ewan!” paangil kong sagot. Kainis! KJ!
“Hahaha! Pikon! Babush! Uwi na me. Seeyah tomorrow!” paalam niya habang palabas sa kwarto ko.
“Che! Wag ka nang bumalik!” kunwaring nagtatampo kong sigaw sa kan’ya. Pero ang ibig sabihin talaga niyan ay ‘ingat ka’ kasi sa Bulacan pa siya uuwi. Hahaha! Naintindihan na niya ’yon.
“Ay! Re-replyan ko nga pala ang fiancé ko. Yieeee! Hahaha! Ehem! Nababaliw na ako,” sabi ko sa sarili ko. Mukha na talaga akong baliw. Kaloka.
“Hi! Thank you for showing interest to be my partner. It’s ok if you’re not fluent in English, actually I’m not good at English too. If that’s your only concern, that’s not a problem with me 😊.”
Ayan! Ok na to! Di naman daw siya magaling sa English. So di ko na kailangan ulit ulitin basahin para hanapin kung alin ang mali sa grammar ko. Haha!
“That’s great if that’s the case. So, when would you like to hold the wedding? And what do you want as a wedding gift?” basa ko sa reply ni ARS97 sa akin. Siya ’yong willing maging partener ko kahit na sinabi kong hindi talaga ako gamer at first time ko to.
“Anything is fine with me. I actually don’t know what I need in the game to help me power up. Hehe,” I answered back.
Hmmmn… teka dapat pala tinanong ko rin siya kung ano gusto niyang gift.
“How about you? What gift do you want?” isinunod ko sa nauna kong reply.
“Anything is fine. Even if you don’t give a gift, it’s ok with me. I have almost everything I need in the game 😊,” sagot niya.
Gara! Malakas pala itong mapapangasawa ko e!
“Woah! Really? That’s awesome!” I answered back. Actually, di ko alam kung ano ang ire-reply sa kaniya haha. Pwede na siguro yan.
“You think so? Haha! So, when is our wedding ceremony?”
Woops! Di ko pala nasagot iyang tanong niya kanina.
“Hmmmn… anytime is ok with me,” basa ko sa itina-type kong reply. Tama naman di ba? Kahit kalian ok lang. Choosy pa ba ako? Malaking isda na tong nabingwit ko! Haha!
“Ok. Is it ok if we do the wedding now?”
Now? As in now na? Ngayon na? Ngayon na talaga? Bakit ngayon? Di ba puwedeng mamaya? Bukas? Sa isang araw? Bakit ngayon?! Chos! Arte ko hahaha! Mareplyan na nga si future hubby. Yieeee landi!
“Of course!”
So, ’yon nga! Ikinasal kami hihi. Ang galing naman pala talaga nitong si ARS. Biruin mo ’yon, rank 1 siya sa game! Bakit ako piniling pakasalan ng rank 1? Wala nga ako sa top 50 e. Baka nagandahan sa profile pic ko? Hahaha! Iba na talaga ang nagagawa ng ganda! Char!