Chapter 2: Ars
Nagulat ’yong mga co-members ko sa faction kasi bakit nakapagpakasal daw ako agad. Mayroon pa palang mga sere-seremonya dapat ’yon bago maikasal. May mga kailangan pa palang i-collect na rings, flowers, and may required rank and level.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tatanongin ko nalang si ARS. Itatanong ko na rin kung ano ang totoong pangalan niya and ilang deets about him. Ok lang kaya magtanong ng ilang info na walang kinalaman sa game?
“Hi! You there?” I-send ko na kaya to? Online naman siya, kaya lang baka naglalaro pa. Nakakahiya baka maistorbo ng pop-up message notif.
“Mamaya na nga,” bulong ko habang ikino-close ang chatbox namin.
“Maya ko nalang tanongin. Baka naglalaro e, tapos maaabala ng pop up,” chat ko sa faction. ’Yong leader kasi and ilang members, Pinoy rin. So kapag wala ’yong mga ibang lahi na players nagtatagalog kami. Dinudugo kami sa ingles e.
“Wow! Shy type ang ate mo. Haha!”
“Hahaha! @tomorrowtodayjj!”
“Sino nga ulit hubby mo, @DDdyosa? Teka tignan ko.”
“Yan tayo e. Di kasi kayo nagpe-pay attention pag nagkukwento ako. Huhu tampo na ako,” reply ko kay Toni, isa sa mga naging kaibigan ko sa faction.
“Hi! Anong meron? Tamporurot ka na naman, DD? Haha!” chat ni John. Mukhang kaka-log in lang.
“Jaaaaaaaay~ inaaway nila ako!” kunwaring sumbong ko sa kaniya. Kahit wala naman talagang nang-aaway sa akin haha! Pabebe lang.
Si John, isa siya sa mga pinaka naging ka-close ko sa ITP. Kung nga lang nakilala ko siya nang mas maaga baka siya ang napangasawa ko sa game e. Kasal na kasi siya noong sumali ako sa game. Nasa top 10 silang pareho ng asawa niya.
“Sinong nang-aaway sa baby DD ko?!” chat ni Loko. Palibhasa nasa ibang faction 'yong asawa n'ya kaya ang flirty ng chats n'ya rito.
“Hoy! DD! Inaaway ka r’yan?! Paawa ka na naman kay John! Hahaha!”
Sanay na 'yong mga members namin dito sa way ng pag-uusap namin ni John. Alam naman naming lahat na laro-laro lang ito. Tsaka wala namang romantic feelings na involve between John and his partner so walang guilt pag nag-aasaran kami rito sa faction.
“Hahaha! Well~” sagot ko nalang with mayabang na sticker.
“Waaaaaaaaaah! Gaga ka, @DDdyosa! Ang swerte mo, gurl!”
“Bakit, @bluearsss? Kasi nauuto ko si Jay? HAHAHAHA!” tanong ko kay Toni. Lagi ko kasing kakampi si John kaya lagi nilang sinasabi na kayang-kaya ko raw s'yang utuin.
Sinundan naman ng ilang tanong rin galing sa mga ka-faction namin ang nauna kong tanong kay Toni.
“Bakit?”
“Y?”
“Nauuto amf!”
“Hahaha!”
“Bakit, @bluearsss?”
“LOL sa nauuto!”
“Grabe ka, DD. Hahaha!”
“Si @/ARS97 pala napangasawa mo?” Imbis na sagutin ang tanonng namin ay isa pang tanong ang ibinato sa akin ni Toni.
“Oo, bakit?” tanong ko.
“Whaaaaaaaaat? Si ARS97 ang asawa mo, @DDdyosa?!”
“Oo nga... bakit ba?”
Bakit ba kasi? Big deal ba?
“Seryoso?! Paano nangyari?!” tanong naman ni @tomorrowtodayjj.
Nasanay na akong sa usernames sila tawagin aside from Jay, Cee and Toni na mga kaibigan ko na. Sila ang madalas kong makausap mapa-faction gc man or private chat. Iyong mga hindi ko madalas makakwentohan, nalilimutan ko minsan ang pangalan kaya sa UN nalang tawagin para safe. LOL. Well si Cee, nickname rin naman niya na Cee ang gamit niyang UN so di ko talaga makakalimutan. Hahahaha!
“Oo, mga te! Tignan nyo profile ni DD,” sagot ni Toni sa tanong ng iba pero hindi man lang sinagot ang tanong ko kung bakit ako masuwerte?
“Ene be? Bakit ganiyan reaction niyo? Ano bang meron?” tanong ko na naman. Bakit ba kasi nagwawala sila?
“Si ARS97 kasi rank 1 sa battle and sa buong ITP, DD,” explain sa akin ni Jay.
Buti pa si Jay, inexplain sa akin. Itong mga babaeng ito, hindi na naman ako pinansin. Hmp! Pero, ano raw?!
“Rank 1 sa buong ITP? As in worldwide? Akala ko rank 1 sa server lang natin,” sagot ko na hindi makapaniwala. Doon pa nga lang sa pinakasalan ako ng rank 1 sa server namin, nagulat na ako e. Tapos rank 1 pala sa buong laro?!
“Hindi lang ’yon, DD!”
Ayan mabuti naman at napansin na rin ako ng iba matapos nilang mashookedt. Haha!
“Ang sabi, si ARS97 daw ang totoong Ars. Hindi raw s’ya fan or poser lang,” paliwanag ni Toni.
“Taray may poser. Sikat? Hahaha!” pagbibiro ko. Magaling ba talagang player? Bakit may fan and poser pa?
“Sikat talaga! Wag mo sabihing di mo kilala?”
“Hindi nga. Magtatanong ba ako kung kilala ko? Paano ba naging sikat? Sobrang galing na player ba talaga?” tanong ko. E sa hindi ko talaga alam e. Bakit ba?
“Gaga! Seryoso di mo nga kilala?”
“Ang kulit!” sagot ko.
Hindi nga! Kulit rin ng aso nitong si Toni e.
“Hahaha! Hindi kasi KPOP fan si DD, @bluearsss. Kaya hindi niya kilala,” sagot ni Cee, leader ng faction namin.
“Gano’n? Naku! Kung alam mo lang, DD!”
“Kaso hindi ko nga alam e. Ano ba yun?” banat ko naman kay @tomorrowtodayjj. Ang kukulit ng mga ito, grabe!
“Kasi si ARS97, s’ya nga raw kasi ang tunay na Ars. Si Ars, s’ya si Youngjae, ang sunshine ng GOT7!” paliwanag ni @YJstan. Pero hindi ko pa rin naiintindihan.
“O, tapos?”
“Anong o tapos?”
“O, tapos? Ano na? Anong GOT7? Sinong Yonchuchu?”
“Ay ewan ko sayo! Basta s'ya si Youngjae! Yonchuchu ka r’yan! Hmp!” sagot ni Toni na parang medyo naiinis sa pagtawag ko ng Yonchuchu doon sa sinasabi nilang tao. Ang hirap na nga bigkasin ng pangalan, ang hirap pa ng spelling.
“Di ko talaga gets. Wag niyo na nga lang sabihin makakalimutan ko rin naman!”
Wala talaga akong maintindihan. Bahala sila riyan! Basta ako, may asawa na hahaha!
“Tsk! Tsk! Di na ako umaasang maiintindihan mo, DD. Hahaha!”
“Hahaha! Grabe kayo sa akin!”
“Totoo naman, DD. Tanggapin na natin.”
“Hahaha! Ewan ko sa inyo! Hmp!”
Palibhasa ay kabisado na nilang pag hindi ako interesado sa isang bagay, wala pang isang araw ay makakalimutan ko na rin ang tungkol doon. Lalo pa't ang hirap bigkasin at i-spell ng sinasabi nilang pangalan ng kung sino mang hinayupak na 'yon.
“Pst!”
Oops! Taray may pa-pm si Koya mo Jay haha!
Huwag n'yo nang itanong kung bakit Jay ang tawag ko kay John. Mas gusto ko lang 'yong pangalan na Jay. Hahaha!
“Yep?” sagot ko.
“Congrats sa wedding! Pero nagtatampo ako, hindi mo ako in-invite!”
Haha! Ang kulit din nitong si Jay e, kunwari nagtatampo.
“Aww~ Sorry na. Wala naman akong na-invite sa faction e. Ang bilis rin kasi. Haha!”
“Sus! Masyado kang excited magpakasal.”
“Haha! Gano’n talaga. Ako nalang walang asawa sa faction e. Ako rin weakest. 😟”
“Di ka naman weakest. Mas weak sa iyo ’yong mga bago. Kaya lang mabilis ka rin nilang nalalampasan. Hahaha!”
Siguro kasi hindi naman talaga ako gamer kaya mas mabagal ang usad ko sa game kesa sa ibang players.
“Sige, mang-asar pa!”
“Haha! Sorry na. Joke lang naman e.”
“Ehem! @DDdyosa and @JhnCrl nawala kayong dalawa? Nasa pm na naman kayo no? Share naman d’yan! Pm kayo nang pm, may asawa na kayo hoy! Bawal na magligawan!”
Loko talaga to si Toni minention pa kami sa faction.
“Balik na tayo faction, gg na naman lola mo Toni hahaha!” reply ko kay Jay sa pm.
“Oo nga e. May pa-mention pa. Nakita ko nag-pop up.”
“Hoy! @bluearsss! Grabe ka! Ligawan ka r’yan! Haha!” message ko sa faction. Si Jay, hindi nag-message. Nagbabasa lang ng messages ’yon. Seener ang lolo n'yo.
“Bakit? Totoo naman a? Mas madalas pa yata kayo mag-pm kaysa mag-message dito sa faction.”
“Hahaha! @bluearsss, mas madalas pa nga yata sila mag pm kaysa gawin ’yong faction quest e,” gatong naman ni Cee.
“Grabe kayo! Hmp!”
“Hahahaha! Bye na nga. Antok na ako.”
"Hoy! Ang aga pa! Wag kang mang-iwan!"
"Antok na ako. Tapos naman na ako sa faction quest. Good luck nalang @DDdyosa. Ikaw nalang yata ang hindi natatapos Hahaha!"
Loko talaga itong mga members ng factionn namin. Hindi pa rin pala tapos mang-asar.
"Tsaka si @JhnCrl di pa rin tapos. Inuuna kasi ang landi," gatong na naman ni Cee. Porque namo-monitor n'ya activities namin sa faction. Hmp!