Meet the Brothers
(Olivia)
•••
Isang malaking piging ang nakahain sa mahabang lamesa ng pamilya Damon. Ngayon kasi ang kaarawan ng kanilang ama na si Master Luke Damon, ang itinuturing na pinakapinuno sa kanilang pamilya. Ito rin ang nagbibigay ng pinal na desisyon sa lahat ng bagay.
Habang abala ang mga tagapagsilbi sa paghahanda ng iba pang pagkain, ang mga babaeng kasambahay naman ay abala rin sa pagbibigay ng atensiyon nila kay Asmodeus Damon, ang panglima sa mga anak ni Master Luke.
Mapaglaro, pilyo, at mayroong labis na paghanga sa sarili, iyan ang ilan lamang sa mga katangian niya.
Nakalubog ngayon sa jacuzzi ang kalahating katawan ni Asmo, ito ang gusto niyang itawag sa kaniya, dahil mas kaakit-akit daw ito sa pandinig. Habang nakalubog ito sa tubig ay pinauulanan naman ito ng mga talulot ng pula at puting rosas ng isang babeng katulong.
Tuwang-tuwa naman si Asmo habang sinasalo ang mga nalalaglag na talulot. Tila hindi niya alintana na kaarawan ng kanyang ama at patuloy pa rin ang pagbababad niya ng katawan sa tubig.
Sa kabilang dako naman ng jacuzzi ay makikita si Satan Damon, ang pang-apat na anak ni Ginoong Luke. May hawak itong libro at may mga nakapila pang libro na susunod naman niyang babasahin pagkatapos ng kasalukuyang babasahin.
Medyo mainitin ang ulo ni Satan, kumpara sa iba pa niyang mga kapatid. Kaunting bagay lamang na hindi umayon sa kanyang kagustuhan ay ikinagagalit na niya. Subalit dahil isa siyang indibidwal na may mataas na antas ng kaalaman, madali naman niyang nakokontrol ang emosyon niya.
Mayroon pala siyang isang kahinaan, ito ay ang laging kagustuhan na mag-alaga ng pusa, stray cats man or breed cats.
Napabalikwas si Satan ng makarinig siya ng iyak ng pusa na nanggagaling sa mga sanga sanga sa likuran ng kinauupuan niya. Tumayo siya upang tingnan ito. Panigurado kung isa nga itong pusa, gagawa na naman siya ng paraan upang maitago ito sa kanyang mga kapatid.
Lumapit si Satan sa mga sanga at inusisa ito. Muntik na siyang matumba ng makitang hindi ito isang pusa kung hindi ang ikalawa niyang kapatid, si Mammon.
Halata ang pagkayamot sa mukha ni Satan ng bumalik siya sa kinauupuan niya. Hindi na niya pinansin pa si Mammon kahit abot na ang pagpapapansin nito.
Nang magsawa na sa pagpapapansin, lumakad na lang si Mammon papunta sa loob ng bahay patungo sa mismong sala. Mula doon ay nakakita siya ng mga pakalat-kalat na barya sa lamesa na maaaring pag-aari ng kanyang mga kapatid.
Luminga-linga si Mammon upang tiyakin na walang tao sa paligid, pagkatapos ay ibinulsa ang mga barya. Umupo si Mammon sa sofa na parang walang nangyari.
Sa bandang kusina naman ay matatagpuan si Beelzebub Damon na ikaanim sa magkakapatid. Masigla siyang tumitikim ng mga nilulutong pagkain. Kung hindi pa itatago ng mga tagapagluto ang ibang mga putahe ay tiyak na mauubos ni Beel.
Mahilig siyang kumain, kung kaya't siya din ang pinaka-aktibo sa kanilang magkakapatid pagdating sa pisikal na gawain. Madalas kapag hindi siya inaatake ng gutom ay matatagpuan siya sa built-in gym sa loob ng mala-palasyo nilang mansyon.
Isa si Beel sa mga may pinakamagandang bulto ng katawan sa magkakapatid. Lubos na hinahangaan ni Asmo ang pigura niya. Katunayan nga ay madalas mag-request ito ng selfies niya.
Sa di-kalayuan kay Beel ay mayroong sofabed kung saan makikita ang natutulog na si Belphegor Damon. Siya ang pampito at bunso sa magkakapatid. Belphie naman ang tawag sa kaniya, na si Beel mismo ang nakaisip.
Iisa lang ang palaging ginagawa ni Belphie. Ito ay ang matulog. Bukod kasi sa hindi naman nila kailangang gumawa ng gawaing bahay dahil mayroon silang mga katulong, si Belphie ay mayroong sleep disorder na tinawatag na narcolepsy.
Hindi naman siya gaanong inaabala ng kanyang mga kapatid kapag siya ay natutulog. Maliban na lamang kapag nakasumpong ang pagiging alaskador ni Mammon at bigla na lamang tinatakpan ng unan ang mukha ng bunsong kapatid.
Si Belphie ang pinaka neutral mag-isip at magreact sa kanilang magkakapatid. Hindi siya masyadong nagbibigay ng opinyon sa tuwing may pagpupulong silang magkakapatid.
Para sa kaniya, ang desisyon ng nakararami ay desisyon na rin niya. Isa pa, masyado siyang tinatamad mag-isip ng sasabihin niya.
Kapag naman umakyat sa ikalawang bahagi ng bahay, doon sa ikaapat na kuwarto ay maririnig ang putukan ng mga baril, pagsabog ng kanyon, at iba't-ibang armas. Ang ikatlo sa magkakapatid na mahilig sa Role-Playing Games na si Leviathan Damon, na may palayaw naman na Levi, ang nasa loob nito.
Hindi makikita si Levi na lumalabas ng kuwarto niya kung wala naman importanteng okasyon. Ngayong kaarawan ng kanilang ama, nagkukumahog si Levi na tapusin ang bagong laro na binili niya dalawang araw pa lamang ang nakakaraan.
Palagi niyang dala-dala ang kanyang smartphone kahit saan siya magpunta. Kadalasan kasi ay doon siya naglalaro. Ang isa pang kinaaadikan niya ay ang Korean Pop girl group na Twice at American singer na si Taylor Swift. Kumpleto siya ng album at merch ng dalawang hinahangaang idolo. Naranasan na rin niyang dumalo sa concerts ng mga ito. Iyon ang kasiyahan ni Levi.
Ang panganay na anak na si Lucifer Damon naman ay nasa loob ng study room ng ama at kausap ito. Katabi lamang ito ng kuwarto ni Levi. Siya madalas ang kausap ng ama sapagkat siya ang panganay at pinakapinagkakatiwalaan ni Master Luke.
Simula bata pa lamang ay makikitaan na ng pormal at pinong pagkilos si Lucifer. Kabaligtaran siya ng ugali ni Mammon. Maingat siya sa lahat ng kilos at desisyon na ginagawa niya. Alam niya kasi na sa isang maliit na pagkakamali niya ay malaki ang magiging epekto sa kanila.
Subalit ang matigas at tila walang emosyon na si Lucifer ay lumalambot pagdating sa kapatid na si Mammon. Sa lahat kasi ng mga kapatid niya, ito ang binabantayan niya ang pagkilos. Maaaring puro galit at sermon ang ipinapakita niya kay Mammon pero wala siyang ibang nais kung hindi ang mapabuti ang kalagayan nito.
Iyan ang ilan sa impormasyon na natuklasan ko habang nasa poder ako ng mga Damon. Simula ng mamatay ang aking ina na naging huling kasintahan ni Master Luke ay hindi ito pumayag na umalis pa ako sa mansyon.
Muntik ko nang maging step-brothers ang Damon brothers dahil muntik na ring maikasal ang nanay ko kay Master Luke.
Noong una ay hindi kaagad pumayag si Levi, Satan, at lalong-lalo na si Mammon na tumira ako sa mansyon nila.
Levi said it was unfair. Satan got frustrated because of the thought itself, and Mammon, being the ridiculous guy as he is, wanted the mansion for himself.
Mabuti na lamang at ipinagtanggol ako ni Lucifer. He was confident that the mansion is a place suitable for me.
Napaigtad ako ng marinig ko ang nakakairitang boses ni Mammon.
"Hoy, Olivia. Bakit nakatulala ka sa labas ng study room? Inaabangan mo si Lucifer hano? Hindi ka papansinin non," sigaw ni Mammon mula sa sala.
Nanlalaki ang butas ng ilong na tumingin ako sa kaniya. Palagi niya akong inaasar sa kuya nila. Una sa lahat, kahit may itsura silang lahat ay wala akong balak na baliin ang pangako ko sa aking ina na namayapa na.
Sinabi ko sa kanya na hindi ako magmamadaling magmahal. Hindi ako magmamahal ng maling tao. Kung kaya't kahit puro pambubuska ang inaabot ko kay Mammon ay hindi ako nagpapadala sa tukso niya.
Pangalawa, si Lucifer lang ang isa pinakamatino kong nakakausap bukod kay Satan sa kanilang magkakapatid kaya hindi ko talaga makita ang sarili ko na magkakagusto sa kanya.
Lumabas na si Lucifer at si Master Luke mula sa study room. Tinanguan niya ako. Boy, was he gorgeous. Hindi kaya naaapektuhan na ako ng pang-aalaska ni Mammon?