CHAPTER 01
"Hoy! AJ,gumising ka na"
"5 minutes pa." bulong ko sa sarili.
"Nandito si Natty, gumising ka na!"
At doon nagising ang diwa ko. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng aking maliit na kwarto. Alas-nuwebe pa lang naman ng umaga.
"Asikasuhin mo si Natty sa baba, may pupuntahan lang ako", inporma sa akin ni Mama bago lumabas ng kwatro ko.
Pagbaba ko, tumambad na agad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Natasha Laure, bestfriend ko simula kinder 'til now. I called here Natty kasi trip ko lang.
In fairness, sexy siya ngayon. Kabogera ang lola mo. She's wearing a fitted black croptop and high waist ripped jeans.
"Hoy Azriel Jovan Banal", sigaw niya, galit na galit na Lola niyo. Sinigaw na buong pangalan ko.
"Wala tayo sa bundok para sumigaw ka.", inporma ko sa kanya.
"Bilisan mo na dyan! Kanina pa sila nag-aantay sa 7-11". Napatakip agad ako sa dalawang tainga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya.
"Pwede bang wag mo akong sigawan? Magkatabi lang tayo! Kakaloka!", I spat.
"Whatever! Just fix yourself. Baka mapatay tayo ni Safara".
"E ano naman ginagawa nila do'n?"
"May amnesia ka bang bak-"
Tinakpan ko agad ang bunganga niya hindi dahil sa sobrang lakas ng boses niya kundi dahil sa "wrong word" niya, which is bakla! Bilang lang ang mga nakakaalam kung sino talaga ako kabilang na do'n sina Natty, Sam, Jammy, Casper, Virginia, Lorraine, Ian, Heaven at ang magkambal na Jay at Joy, mga kaibigan ko sila mula high school except kay Natty na kinder palang nakilala ko na.
"Hoy babae!", sabay duro ko sa kanya "Ipapahamak mo pa ako e. Nandito si Papa kaya yang bunganga mo, itikom mo!"
Minsan lang umuwi si Papa dahil sa pagka-busy niya sa work niya as a engineer. Ang dami niyang project na ginagawa kaya minsan nalang kung umuwi.
"Oo na! Dalian mo na! Bilis! Faster!"
"Ano bang meron?"
"Ay shocks, so di mo alam na enrollment ngayon?"
"Whaaaat theee heelll!?"
"Whaaaat theee heelll!?"pangggaya niya.
"Tanga mo naman HAHAHAHA"
Bago pa siya makasagot ay umakyat na ako sa kwarto ko para makapag-ayos ng sarili. It took 30mins to fix myself. I decided to wear black jeans, printed oversized shirt and white sneakers. Naglagay na din ako ng liptint, foundation, blush on, maskara at contact lens sa aking fanny pack.
"Lalaking-lalaki ang dating natin pare ha!", pamumuri na may halong pang aasar sakin ni Natty.
"Gaga ka! Tara na nga", sabay hila ko sa kanya.
Sumakay na kami sa kanyang BMW na sasakyan. Malayo palang ay tanaw ko na ang mga mukha nila na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Jusme!
"Ayan na ang prinsesang may lawit. Witwiw!", sigaw ni Ian, ang chickboy sa aming magkakaibigan.
Naglava-walk ako papunta sa kanila para naman 'di masayang ang intro nila para sakin.
"Kahit kailan ka talaga napakabagal mo",reklamo naman ni Lorraine, ang pinakamatalino sa amin pero tanga sa pagibig. Ganda ka te?
"What's up mga baluga!?", pambungad na pananalita ko sa kanila. "Kumpleto na ba tayo?"
"Ikaw nalang inaantay na namin",singit naman ni Jammy, si Jammy na mukhang singit.
Matapos ang maikling kwentuhan ay napagdesisyunan na naming umalis.
"So? Kaninong sasakyan ang sasakyan natin?", tanong ko sa kanila nang makita ang mga sasakyan nilang BMW, Porsche, Sports Car na black, Mustang at isang black na van.
"E kanino pa? E di sa may ari ng Van, diba Jammy?", tanong ni Lorraine kay Jammy.
"Tara na! Mahaba pa byahe natin. Iwan niyo nalang yang mga sasakyan niyo para 'di sayang sa gas."
Kaya sumakay kami sa black na van na pagmamay-ari ni Jammy. Dahil gusto namin na magkakasama pa rin kami pagdating college, nagdecide kaming iisang school nalang din ang pasukan para magkita kita kami araw-araw, and we choose UP Diliman.
Dumaan muna kami sa isang drive thru para habang nasa byahe ay kumakain kami. Napuno ng tawanan ang buong van dahil sa mga kwentuhan namin.
"Itigil mo yang tinggil mo, Natty ha!", saway ni Aliza kay Natty. Hobby ng dalawang bruha na 'to ang magpaligsahan sa mga lalaki. Jusme!
"Magtigil kayong dalawa ako unang makakakuha ng boylet sa inyong dalawa",sabay pa silang tinignan ako ng masama.
"Feelingerang bakla, wala ka na mang petchay", si Jammy na singit nalang ng singit sa usapan. Kupal talaga.
Dumating na kami, 'di pa rin natigil sa pagtatalo ang dalawa. Mahigit isang oras bago kami makarating sa school.
"Kita-kits nalang tayo mga hangal mamaya! Nawa'y matanggap kayo.", nauna na silang umalis para magenroll ng mga course na kukunin nila.
At ako? Criminology lang naman ang ate niyo! Para kunwari lalaki tayo.
Dahil magkahiwalay-hiwalay naman kami, back to normal naman ang body and brain ko.
"Hi kuya?" tawag sa akin ni girl sa pulang-pula ang pisngi at may hawak na phone
"Yes?", I gave her a fake smile.
Nakayuko siya habang inaabot niya akin ang cellphone niya.
"Ano yan? Akin nalang?", tanong ko,confused!
"Di ka rin pala gwapo, funny ka din HAHAHAHA", maarteng sabi niya sabay hampas sa balikat ko. Yuck!!
"So? What do you need?", I asked her. Pag 'di ka sumagot ng maayos, titilapon sa kabilang building.
"HAHAHAHAHAHAHA wait. You're so funny kuya! HAHAHAHAHAHA".
Sayang wala dito sila Natty at Aliza nang matignan kung may sakit ba 'to o ano e. Saya ka girl? Hambalusin kita e!
"What do you need? I asked her once again.
"Can I have your number?", she gave me puppy eyes. Naku, 'di tatalab sa 'kin yan!
"I'm sorry, Miss but I have a boyfriend!"
"Ha?"
"Hakdog"
"What did you say? A Boyfriend?
"Did I say "boyfriend"? I mean girlfriend." I said.
"Oh! Maybe I misheard you. So you have a girlfriend ha? She's lucky", she said before walk away.
Daming learn ni Girl! Kakaloka ang araw na 'to ha!
Matapos ang mahabang proseso para sa enrollment ay natapos din ako. Nasira tuloy beauty ko girl! Pumunta akong comfort room to put some liptint and powder.
"Oh. my. gosh. May pogi akong nakita kanina, sobrang puti at tangos ng ilong girl. Potaa!", nakakabinging salubong sa amin ni Natty.
Nasa loob na kaming lahat van, kakatapos lang naming mag enrolled at dalawang buwan pa bago ang simula ng klase.
"Kinilig na naman petchay mo nyan?", simangot naman ni Aliza.
"Wala kang nadikwat ngayon no'? Bruha ka kasi"
"Magtigil nga kayong dalawa dyan!", sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Mauna na kami ni Jay may pupuntahan pa kami",sabi nama ni Joy. Magkambal sila Joy at Jay pero mas naunang lumabas si Joy sa sinapupunan ng mudra niya. Excited ka girl?
Pagkatapos ng maikling chikahan, bangayan, tawanan at hampasan sa loob ng van, umalis na rin kami.
"Tara 69 na muna tayo."aya ko sa kanila
69 ay isang bar na lagi naming pinupuntahang magkakaibigan. Mga party goers mga bruhang 'to e.
"Lezzgooo!", sabay sabay naman nilang hiyaw.
___________________________________________________________________________________________________________________________☆