🍒PROLOGUE🍒
「Tᴀᴇʜʏᴜɴɢ'ꜱ POV」
"Kim Taehyung! Kim Taehyung! Kim Taehyung!" Paulit ulit na sigaw ng mga fans ko pagkatapos kong magperform.
Nag-bow ako sa kanilang lahat bago bumaba ng stage. Pagkababa ko ng stage ay nakita ko ang manager ko na naghihintay sa back stage.
Nang makita nya ako ay binato nya sa akin ang tubigan ko at ininom ang laman na tubig.
"Taehyung, importante talaga yung meeting na yun. Para rin yun sa career mo. Mag-uusap lang naman kayo at pipirma ka lang sa contract at tapos na." Pagkumbinsi sa akin ng manager ko na sumama sa meeting na sinasabi nya.
My career? Pare-parehas lang silang nagpapaasa ng mga taong may talento talaga. 'Mas rarami ang mga fans mo at mas sisikat ka kapag pinirmahan mo ang kontrata.'? Those are lies. Ginagamit lang nila kami para mas lalong lumago ang kompanya nila. Trash. Mas okay na ako dito sa kompanya na pinagtatrabahuan ko.
"Hyung, hindi ko kaylangan ng maraming pera or kahit ano man yung io-offer nila ang kaylangan ko ay ang makita si Jungkook."
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at dumiretso sa kotse ko na naka-park sa parking lot.
Pagkarating ko sa parking lot ay pumasok ako sa kotse ko at nag-seat belt. Pagkatapos kong mag-seatbelt ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa nanay ni Jungkook. Sinagot ko ang tawag nya at narinig ko sa kabilang linya ang mga singhot ni Jungkook dahil siguro sa kakaiyak na nagpasakit sa puso ko.
"Yes, Mrs. Jeon?"
"Taehyung, kanina pa umiiyak si Jungkook dito. Hindi ko alam ang gagawin ko pero kanina pa nya tinuturo ang litrato mo dito sa kwarto nya." Sabi ng nanay ni Jungkook sa kabilang linya.
"Um... pwede nyo po 'bang ibigay kay Jungkook ang telepono?"
"Ah sige."
Naghintay ako ng ilang segundo bago marinig ang boses ni Jungkook.
"H-Hello." Halatang nahihirapan na syang makapagsalita.
"Kook, malapit na ako dyan, okay? Hintayin mo si Taehyungie." Lalong lumambot ang boses ko at kinumbinsi sya na wag mag-alala.
"'K-Kay."
"See you later, Kookie."
"Hm."
Tinapos ko ang tawag at binalik ang cellphone ko sa bulsa ko at nagsimulang mag-drive papunta sa bahay nila Jungkook.
Habang nag-ddrive ako ay pinapakinggan ko ang mga kanta na ginawa ko. Ngayon alam ko na kung bakit mahal na mahal ako ng mga fans ko. Sa ganda ng boses kong ito walang maiinlove?
Pagkarating ko sa bahay nila ay pinark ko ang kotse ko sa harap ng bahay nila at pinindot ang doorbell at naghintay sa may gate para buksan ng nanay ni Jungkook ang gate.
Pagkabukas ng gate ay binati ko ang nanay ni Jungkook.
"Hello, Mrs. Jeon. Asaan po si Jungkook?"
"Nasa kwarto nya sya. Kanina pa sya iyak ng iyak. Kanina ka pa siguro namimiss ng anak ko."
"Pwede ko po ba syang puntahan?"
"Oo naman. Halika. Pumasok ka."
Sinundan ko sya papunta sa kwarto ni Jungkook at pumasok sa loob. Pagkakita nya sa akin ay ngumiti sya, yung ngiti na parang batang binigyan ng candy. Niyakap nya ako ng mahigpit at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya.
"Maiwan ko na muna kayo dito. Taehyung, alagaan mo si Jungkook ha?"
"Opo."
Bago sya umalis ay sinarado nya ang pinto at iniwan kaming dalawa.
Kumalas kami sa isa't isa at umupo sya sa gilid ng kama at hinila ang kamay ko para umupo sa hita nya at yakapin ako mula sa likod.
"Namiss mo ba ako?"
Tumango sya mula sa likod ko. Lumingon ako sa kanya at nakangiti parin sya.
"Bakit ka nakangiti?"
"H-Hap-py an-anivers-ary." Pinilit nyang mabuo ang sasabihin nya.
"Happy anniversary rin, Kook."
Si Jungkook ay may Alzheimers desease. Which means unti unti syang makakalimot hanggang sa wala na talaga syang matandaan kahit pagsasalita, pagbabasa, at pati narin ang kumain ng mag-isa. 3 taon na ang lumipas ng malaman namin na may ganitong sakit si Jungkook. Ang akala namin noon ay normal lang kay Jungkook ang makalimot ng mga simpleng bagay dahil palagi syang stressed, pero nang malaman namin ang sakit nya ay nalungkot kami ng sobra. 5 years na kaming magkasintahan ni Jungkook at hindi naman tutol ang nanay nya dahil silang dalawa nalang ang magkasama simula noong mamatay ang tatay nya. Mas lalong lumalala ang sakit nya. Hindi na sya makapagsalita ng maayos at makakilos ng mag-isa. Mapapaiyak ka nalang ako tuwing pinapanood syang matulog at palagi kong tinatanong sa hangin na 'Bakit sya pa?' Walang cure sa sakit ni Jungkook at hindi namin alam kung hanggang kaylan nalang namin sya makakasama. Alam kong hindi pa ako handa sa mga mangyayari pero kakayanin ko dahil ito ang nakatadhana para sa amin dalawa.
Lumingon ako kay Jungkook nang tinapik nya ang balikat ko. May binigay sya sa akin na letter at sinabi sa akin na basahin ko ito.
Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin at napangiti ako dahil sa mga galaw nya.
Binasa ko ang nakasulat sa papel at naguluhan ako.
Taehyungie, may binigay ako kay Jimin hyung na letter at gusto kong kunin mo yun at basahin mo. May tinago akong iba pang letters at gusto kong basahin mo lahat yun. Para kahit na makalimutan ko ang mga memories natin ay i-promise mo sa akin na hindi mo ako makakalimutan.
Lumingon ulit ako sa kanya at ngumisi.
"Ano ito?"
Hindi sya sumagot at pinagpatuloy ang pagyakap sa akin.