First Day, First... Crush?
Ceejay's POV
"Yown! Wahaha! Matatalo na kayo mga unggoy!" Gigil na gigil na ko sa iPod ko nang biglang...
"No internet connection?!" Biglang nawala yung internet. "Ma! Pinatay mo ba yung wifi?!" Sigaw ko dahil baka hindi niya marinig sa baba. Pero galit talaga ko kaya ako nasigaw.
"Wag kang magreklamo dyan! Mag-aala-sais na! Bumaba ka na at kumain ka na dito!" Sigaw nya din sakin.
Naman ih! Gusto ko sanang ihagis yung iPod pero sayang wala kong malalaruan. Sa susunod nga bibili na ko ng sariling wifi! Kainis!
Bumaba na din ako dahil wala nanaman akong gagawin kasi pinatay na yung wifi. Dumiretso ko sa hapag-kainan syempre para kumain! Ano bang gagawin sa hapag-kainan?
"Ma! Sabihin mo naman kasi ng maayos kung papatayin mo yung wifi para mapaghandaan ko." Reklamo ko kay mama.
"Aba, hoy Charlie Jayce! Hindi mo ba kayang magkusa? Magkusang, wag nang maglalaro kapag papasok pa."