The Author

All Rights Reserved ©

Summary

In life, we can't always choose whom we fall in love with. Kadalasan sa buhay ng tao, mas pinipili natin yung mahirap, delikado, at kumplikado. We always choose to love the adrenaline na kahit nahihirapan ay basta nararamdaman natin na buhay tayo, pero sa lahat ng mahirap ay napili mo ang pinaka mahirap. Paano kung mahalin mo ang isang taong alam mo kung sino siya, alam mo kung ano ang gusto niya, at alam mo na ang buong kuwento ng buhay niya, dahil ikaw mismo ang gumawa sa kaniya. Paano kung mahalin mo ang isang taong ikaw mismo ang nagsulat ng buhay niya? Madadala mo ba sa mundong ito ang pagmamahal na ikaw mismo ang nagsulat? Madadala mo ba sa mundong ito ang taong minahal mo? Minahal mo ba siya kasi nilagay mo sa kaniya ang mga katangian na gusto mong mahalin? O dahil nahulog ka sa katotohanang may iba pa pala sa katangiang ikaw mismo ang nagbigay? Why not make everything worth it, while the book is unexpectedly changing?

Genre:
Fantasy / Romance
Author:
Dalandaniela
Status:
Ongoing
Chapters:
4
Rating:
n/a
Age Rating:
13+

SIMULA

WHERE AM I? This place doesn’t look familiar.

Tumayo ako at hinawakan ang aking ulo. My head is aching really bad. Umupo ako sa malapit na bench nang matanaw ito at tinitigan ang buong parke kung nasaan ako. Parang pamilyar, lalo na nang ma-mukhaan ko ang dalawang tao na nasa gitna nito!

“The trees were swaying.. the old man was watching the two love birds, as Kal-el proposed to Elaine. She was crying, his heart was thumping..”

Sinimulan kong sabihin ang mga katagang ito nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Sa nanlalabong paningin ay patuloy padin akong nakatitig sa dalawang taong nasa gitna ng parke at nakitang masayang nakaluhod si Kal-el, handa ng tanungin ang kaniyang pinaka-mamahal.

Teka—

(Rewiiiiind)

“Ma, matutulog na ako.” Sabi ko sa Mama ko na kasalukuyang nanonood ng tv.

“Oh galing kakauwi mo lng? Mukhang pgod na pagod ka ah. Mukhang ibang klaseng istorya na pala yang ginagawa mo, na-a-adik ka na.” nagbibiro pa siya at sinalubong ako upang kunin ang mabigat kong bag.

True enough, pagod nga ang lola ninyo sa trabaho ngunit hindi koi yon pinakita sa Mama ko.

“Ma para saatin ’to nila Papa at Justin.” sabi ko.

Tinawanan naman niya ang sinabi ko marahil siguro ay sanay na siya sa lagi kong kinakatwiran.

“Ikaw ha baka in love ka na dyan sa karakter na sinusulat mo. Magigising na lang ako Kal-el ka ng Kal-el diyan” inasar-asar niya pa ako habang umiiling.

Natawa naman ako. Hindi ko na crush yung character na yun ’no, pero puwede naman, halos siya na kasi ang pinaka perpektong lalake para sa’kin. Si Kal-el ay binase ko sa dream guy ko pero sa panahon ngayon alam ko namang wala ng kagaya niya, kaya naman ang feelings ko para sa kaniya ay unti-unti na ring nawala.

“Eh kasi po paano namang hindi? Siya kaya ang bumubuhay saatin. Sige na Ma matutulog na talaga ako.” Pag-sakay ko sa biro niya.

“Hala sige lang pag iyan ay nakilala mo baka mahulog ka. Dapat di mo na lang binigyan ng love team eh, para wala ka ng kaagaw.” Ani Mama na hindi parin tumitigil sa pang-aasar.

Ngumiti naman ako at umiling na lang. Bago pumunta sa kuwarto ay dumaan ako ng kusina at kinuha ang limang bote ng alak at isang malaking supot ng chicharon. Damn I need a rest. I went inside my room and isinalampak ang sarili ko sa aking kama. Ramdam ko ang pagod na nanunuot sa aking mga kamay at binti.

I need to freaking unwind.. Sinimulan kong buksan ang isang bote hanggang sa umabot ng dalawa. Kinuha ko muli ang aking iPad para tingnan ang sketch na sinend saakin ng kaibigan kong si Rios para sa launching ng libro ko. I stared at the handsome face. Bakit ba kasi hidi ka na lang totoo? Isang scroll pa nang makita ang iilang drawing niya na kasamang ilalagay sa loob ng libro para mabuhay ang imahinasyon ng mga magbabasa. Kitang nakaluhod rito ang lalakeng bida, at aayain ng magpakasal ang kaniyang nobya.

Pang-apat na bote na ako at medyo hilo na din habang zinu-zoom pa ang sing-sing at mga detalye ng buong senaryo Ang ganda.. Sana ako din ay matuto ng ganito. Muli ay nagbalik tanaw ako sa mga kukuhain kong art lessons kapag nagkaroon ako ng oras.

“Ang galing naman ni Rios mag-drawing parang totoo..” hinaplos ko ang mukha ng lalakeng bida at pinakatitigan ang bawat detalye ng guwapo nitong mukha.

Matangos ang ilong nito, ang mata ay malalim at nangungusap, tila ba delikado at misteryoso, ang kaniyang buhok ay malinis, at isang well structured jaw ang mayroon siya. Hinaplos ko itong muli.

“Sana totoo ka na lang..”

(Back to present..)

“Shit?”

Tinitigan ko ang lalakeng bida sa aking istorya na taimtim na nakaluhod. Seryoso ba to!? Gising na Ada please gising na! Tinapik tapik ko ang sarili ko at kinurot, umaasang kapag nasaktan ko ang aking sarili ay magigising na ako. Baka nananaginip lang ako. Totoo ba ’to!?

Tiningna ko ang binata, siya.. Siya nga yung tinitingnan ko kagabi! Paano ba nangyari ’to!? Naramdaman ko ang pinaghalong kaba at kilabot nang napasulyap siya ng saglit saakin bago bumalik ang tingin kay.. Elaine!

Luminga ako sa paligid ko and nakita ko ang isang matandang lalake na nanonood sa kanila.

“Shit Ada isipin mong mabuti!” bulyaw ko sa aking sarili.

“A yellow cab passed by and a woman was staring at them..” sinimulan kong i-litanya ang mga katagang naalala ko nang mapagtanto ang tagpong ito.

Luminga muli ako sa paligid and then there! I saw a yellow cab, hindi man masyadong mamukhaan ngunit nakita ko ang bulto ng isang babae, nasa loob nito at nakatingin sa kanilang dalawa habang patuloy na lumuluha.

“She was crying and happy.. for the man she only ever loved. Masaya siya na bago siya mamatay ay nasilayan niya ang ngiti ng lalakeng sinira niya.” I continued.

Nakita ko na umiiyak ang babae at pa-diretso na sa..

“1248 street.. Hospital..” bulong ko sa hangin at naramdaman ang isang matinding kilabot na gumapang hanggang batok ko.

Shit Adaaaa! Gising na gising na! I pinched myself but to no avail ay hindi padin ako magising sa bangungot na ’to!

“Then she will answer yes..” pagpapatuloy ko.

Tumingin ako sa dalawa, nang isang ideya ang pumasok sa isip ko! Si Kal-el! Siya lang ang makakatulong saakin sa lugar na ’to! Alam niya ang mundong ’to at siya lang din naman ang tanging kilala ko. Namuo na ang desisyon sa isipan ko at nagmamadaling lumapit sa kanila.

Parang unti-unting tumigil ang mundo ko nang masilayan ang pagbuka ng bibig ni Elaine at akmang sasagot na.

“Sandaliiiiiii!!!!!” sigaw ko at humahangos na tumungo papalapit na sa kanila.

Parang nag-slow mo ang lahat nang lumapat ang kaniyang mga saakin. Natulala ako at hindi makapaniwala na ito na ang lalakeng sinulat ko, napakaguwapo, maamo, at parang hindi totoo.

“Kal-el..” tawag ko sa kaniya.

Tumingin naman ito saakin na parang naguguluhan sa isang babae na sumulpot na lang kung saan.

“Do I know you?” tanong niya.

Tumitig naman saakin Elaine ng mabuti at nanunuri na para bang isa akong bantay-salakay. Ada mag-isip ka kaagad ng sasabihin kundi ay mabubuko ka!

“H-hindi mo siya puwedeng pakasalan!” sigaw ko.

Tumayo naman si Kal-el at nag-taas ng kilay saakin na para bang isa akong baliw. Chapter 15.. nagkaroon siya ng one night stand sa bar nang isang beses ay lasing na lasing ito, mga panahong wala pa si Elaine sa buhay niya.

“Ako yung babaeng ikinama mo nung chap— noon! May anak tayo Kal-el you can’t just marry another woman!” Ma-drama kong sabi at nag-akto pang naiiyak at maglulupagi na sa damuhan.

Gulo ang bumalatay sa mukha ni Kal-el at sabay kaming nagulat nang magsimula si Elaine na tumakbo palayo. Ang kaniyang masayang mata kanina ay punong-puno na ng luha ngayon. Napatulala si Kal-el habang ang bulto ni Elaine ay unti unti ng nawawala, and then he looked at me, punong puno ng galit ang kaniyang mata.

“What did you do!?” singhal niya.

Oops. Hindi ako sumagot at nagkunwaring napapantastikuhan sa mga sasakyan na dumadaan. Paano nga ba ulit sya magalit?

“You are coming with me.” Sabi niya bago hinigit ang aking braso.


Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

Leolean: Fantastic and passionate Novel 🥳❤️💯😚 looking forward to reading the rest of it. Congratulations

Donna Layne: I enjoyed reading every chapter

Jules27: This is the 4th book I’ve read from this werewolf saga, absolutely loved them all. Loved all the characters and the plot was great, it was nice that girl meets wolf, wolf saves girl, it was different, Cole is a warrior therefore he saves people. Couldn’t put these stories down. Great plot/sex/act...

maria: Nice story...I am very much depressed today...reading it to forget my sorrows..

Rusty_Blogger0912: I LOVED IT!!!!!!!! Every bit of it. I read it on Wattpad though. But nonetheless, dear author, you are truly gifted. The way you have weaved the story, you just stole my heart with your words. The story made me laugh, cry, made me feel so many emotions. Thank you for writing this story. Lots of l...

Madhavi Sawant: Liked the way its written. Lovely till now.

deanahowell: Needs better editing. Georgia seems very immature sometimes, but she is supposed to be 17. Why not hang out with her own friends instead of hiding in her room when the guys are over?

Kurimah: The writer should continue this beautiful story.lt is just fantastic and ended suddenly

More Recommendations

♡ Smilie ♡: This is the first time I read a series and I'm so pumped 😫😫 this book is just too amazing and the author is such a talented person. Cant wait to read more of her stories in the future

DeedeeDyan7: I love how the story untolds and language is impressive.The ending is also a beginning to a new story.Looking forward to Unpaired!

Brenda Walley: The novel.is great so far. I am rating on what I read so far. The books need to have more chapters before posting. This way it leave sus hanging and we start another book. This book in question would be great as a series. Great Job !

Sarah J: Omg yet another brilliant one. So so so looking forward to reading the next one

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.