Into the another world

All Rights Reserved ©

Summary

World of magics Places,names and events are fictional made only by mind. A high school student named Eric Cruz,Who was reincarnated as a demon lord in the another world,That rules in tyranny because of his unfathomable power. He was transported in a another world,Because of the will of the Seraph.Eric was chosen to take over the body of strongest demon lord in the history named Lucifer. There's only one mission he receives, To save the world from the 3rd great holy war.

Genre:
Fantasy / Action
Author:
Lans Lans
Status:
Ongoing
Chapters:
7
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

Chapter 1

Eric's P.O.V

(Class bells sound)

"Class dismiss you may go now, Huwag niyo kakalimutan ang mga takdang aralin ni'yo!,baka sa kakamadali ni'yo umuwi makalimutan niyong ipasa bukas."

Nag si tayuan lahat ng mga kaklase ko para makapaghandang umalis,kaniya-kaniya kaming tumungo sa iba't-iba naming kaklase.

"Arghhh!!, Natapos din ang paghihirap, sakit ng ulo ko"pagrereklamo ko habang inuunat ang katawan ko.

"Eh paano ba naman kasi,Hindi ka kaya mapagod kakaisip sa general math natin ngayon?,talagang sasakit lang ulo mo kakaintindi."reklamo din ng kaibigan kong si Andrew.

"Nga pala boy, May gagawin ako mamaya hindi pala ako makakasama makapaglaro ngayon."pagdadahilan ko.

Hindi pa kami tapos sa ibang gawin tapos laro na naman nasa isip.

"Napakasipag mo naman, Kaya ka with honors lagi eh kung ganiyan lang ako siguro kasipag mas matalino pa ako sayo haha"pagbibiro ni Andrew

"Ulol,katamaran mo kasi pinaiiral mo pati ako na dedemonyo sayo sa katamaran mo haha"kasabay ng paghalakhak naming dalawa.

Pauwi kaming nag kwekwentuhan ni Andrew bago kami maghiwalay ng patutunguhan.

Mag-isa akong naglakad pauwi kasama ang ibang estudyante nang bigla nalang ako nabangga ng isang lalake.

"Tabe!!"sigaw ng lalake habang pinagmamasdan kong siyang tumakbo palayo.

Tinignan ako ng lalake pabalik at ngumisi ito sa akin.Bigla akong nakaramdam ng pagtaas ng balahibo ko.Tumalikod nalang ako at tumuloy pauwi

"Ang creepy..."bigkas ko.

Habang naglalakad ako pauwi,Ay tila bang nag-iinit ang buong katawan ko na para ba akong nasisinagan ng mainit na araw kahit gabi naman na.

Dahan-dahan akong naglalakad habang patuloy tumatagaktak ang pawis ko sa katawan.

Tanging buwan nalang ang nagsisilbing liwanag sa paligid ko.

"Nakakapagtaka naman ba't walang tao?"pagtataka kong sabi ko sa sarili.

Nagdududa na ako sa pangyayari sa paligid ko, habang tinitiis ko ang init sa buong katawan ko.
"Mukha yata akong nilalagnat,pero hindi naman mabigat katawan ko."

Nang makarating na ko sa aming bahay,ay agad akong kumatok para makabihis at makapag-pahinga.

(Door knocks)

"Ma!Pa!"patawag kong sigaw habang kumakatok ako sa pintuan.

[Ang weird naman kanina pa walang tao masyado sa paligid eh, alas syete palang]

Dahan-dahan uli akong kumatok ng malakas kasabay ng patawag ko.[Nakakaasar na to ah!, Asan na naman nag punta sila? Hindi man lang nag sabi sakin].

Habang naghihintay ako sa labas ng bahay,kaagad ko naman kinuha ang cellphone ko sa'king bulsa.

(Dial noise)
.....

(Phone ringing)

"The number that you dialed is not on serviced please call later."

"Arghh!! Bakit hindi sinasagot ni mama!"asar kong sabi at tinawagan ko uli si mama ng ilang beses at hindi parin ito sinasagot.

"Si papa na nga lang!"inis kong sabi sabay kamot sa ulo.

(Dial noise)

.....

(Call ends)

"Parehas din??"pataka kong sabi habang tinatawag ko sila ng paulit hanggang sa nakaramdam ako ng sobrang pag-iinit sa katawan.

"Arghhh!!"sigaw ko kasabay ng paghawak ko sa katawan kasabay ng pagtagaktak ng pawis ko.

Nang bigla nalang may sumigaw ng malakas sa kalapit naming bahay.

(Woman's scream)

Agad akong lumabas ng gate sa'ming bahay upang hanapin ang sigaw ng isang babae.

"S-saan na naman...kaya 'yon?"hawak-hawak ang aking magkabilang braso dahil sa tindi ng init na nadarama ko.

Winari kong hindi pinansin ang nararamdaman kong init sa buong katawan upang hanapin yung sumigaw na babae.

"WaaaAaAaaH!!,Tulooong!"sigaw mula sa eskinita ng aming kapit-bahay.

Tinig mismo ng babae na nanggagaling sa madilim na eskinita.Habang papalapit ako sa patutunguhan ko ay inobserbahan ko ng maigi ang buong paligid.

Palala ng palala ang pagdududa ko sa nangyayari ngayon pati narin sa nararamdaman ko.

Papalapit na ako ng papalit sa pinatutunguhan ko, ay bigla akong nakakita ng isang nilalang na hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng nilalang.

May mahahabang kuko at buntot balot na balot mismo ng dugo kasabay ng paghawak nito sa laman ng biktima niya.

Nang makita ko ang biktima niyang babae na kanina ay sumisigaw,Bigla akong nasuka sa harapan nito na 5 metro lang ang aming layo.

Bigla itong na patingin sa'kin kahit nasa madilim ako ng parte sa eskinita na tila bang halos malinaw ako sa paningin nito.

Napaataras ako ng dahan-dahan at agad akong binalot ng takot sa buong katawan.Gusto kong sumigaw ng malakas at humingi ng tulong ngunit walang boses na maririnig mismo saaking bibig.

Habang tumititig ako sa kaniya, ay dahan-dahan ko itong pinagmasdang tumayo sa harapan ko.

Nanlaki bigla ang aking mata na akala ko sa istorya ko lang mababasa at mapapanood sa pelikula.Nang tamaan ito ng sinag ng buwan unti-untin lumitaw ang kaniyang buong katawan.

Mababalahibong katawan,naglalakihan at matutulis na pangil at ang ulo ay hugis aso.

"Isang a-asong lobo?!!"nagtataka kong sigaw habang paunti ng paunti ang agwat namin.

Halos hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko sa labis na takot na nararamdaman ko sa buong katawan.

"H-humans.."

Malalim na sabi ng lobo, Nang paunti-unti akong umaatras dahil sa paglapit nito.

Patuloy parin ang pag-init ng buong katawan ko sa hindi malaman na dahilan,Habang ang asong lobo naman ay nakalapit na sa'kin na halos kalahating metro nalang ang aming pagitan.

"Y-you must...perish human weaklings!"mabagsik nitong sabi sa akin na agad nanlulumo ang mga mata ko sa nakikita ko.

Nang bigla kong makita ang mahahaba at matatalas na kuko nito.

Balot na balot ng dugo ito kasama ang katawan na babalutan pa ng lamang loob na bituka,apdo at hawak ang isang ulo ng tao.

Napaluha nalang ako at napangisi sa takot habang hawak-hawak ko ang buong ulo ko magkabilaan.[Hindi ako makapaniwala ganto nalang ba ikamamatay ko?!haha..]

Tinitigan ko nalang ito ng buong takot sa harapan habang nakaupo ako sa kinasasandalan kong pader sa gilid.

(Wolf Roar)

Isang malakas na sigaw ng lobo na dahilan ng kinabasag ng tenga ko.

Nang bigla nalang ako nakarinig ng isang tunog,Isang tunog na hindi mo magugustuhan.

Tunog mula sa dib-dib ko kung na saan ang aking puso.Dahan-dahan kong pinagmasdan ang lobo sa kaniyang mata na wari bang tuwang-tuwa pa sa kaniyang biktima na walang iba kung hindi ako.

Gusto kong magsalita at mag-tanong kung bakit pa sila dito nabubuhay sa mundo.

Marahan nitong tinanggal ang braso nito sa dib-dib ko na tumagos sa likod ng katawan ko.

[Ganito nalang ba ako mamatay..?Ni hindi pa ako nag-kakaasawa at hindi ko pa natutupad ang pangarap ko sa buhay?]

Dahan-dahan kong sinara ang mata ko at may bigla nalang ako napansin na liwanag na kuminang ,bago ko ipikit ang mga mata ko.

Isang matinding liwanag bago ako sumakabilang buhay.

Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

Amy: It was a lovely story. Liked the different points of view.

Autumn: Love that it was short and sweet and to the point. Loved the fast romance

christienjordaan5: Very nice book, the author knows what shes doing!

Gina: I loved reading this book, perfect.

Cristal Bollinger: keeps getting better and better the more I read

Mary Ann Rogers: Sweet sweet love story. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️Loved it

Lissy: Oh this book was amazing. I absolutely love it and the characters.

Timothy: I liked everything about this book.the twist turns and romance..I'll recommend this to my wife

britg92915: What an amazing story

More Recommendations

AnonymousGurl: I loved this book and really struggled to put it down! My favourite part has got to be the middle (no spoilers 😉) and it had me along for the journey 100%.I highly recommend this and it’s a fabulous read.

Cassandra van Loon: Love this story. The mc is not a pushover it has drama, humor and love.

Relic6_3: It is a pleasure to find an engaging series like this. Well written with a story line that keeps you reading.

Abiola Onikoyi: Good story and looking forward to part two

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.