Misadventures

All Rights Reserved ©

Summary

"Dark, abandoned places aren't the only thing that we explore," Molotov smiles as he played with his flashlight. Bigla namang pumagitna sa amin si Fauxier at pareho kaming inakbayan, "just know that we're far from ordinary explorers," ngumiti siya at natatawang inilipat ang atensyon sa maliwanag na buwan dahilan para mapatingin na rin ako doon, "we might be your long-awaited demolition team."

Genre:
Mystery / Action
Author:
Chuck Cappricio
Status:
Ongoing
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

01 | Valiente

A T L A N T A • I V A N I


|||


"If Valiente School will crumble down

Say goodbye, we will die.

If Valiente School will crumble down

Goodbye explorers."


Patuloy sa pagkanta si Soda habang tinatahak ng grupo namin ang madilim na pasilyo. Minsan hindi ko malaan kung nakakakilabot ba ang mga abandonadong lugar dahil sa boses ni Soda o nakakakilabot ang boses niya dahil sa mga lugar na pinupuntahan namin.


Late night adventures have been a thing to our group for almost a year. Nakasanayan na naming maggala tuwing gabi at tumambay sa mga abandonadong lugar. Halos lahat na yata ng lugar na kinatatakutan at abandonado sa bayan namin ay narating na ng grupo, there are times when we would even do a research to find an abandoned place near our town for our new adventure.


It seems weird, I know, however Fauxier always points it out: "it's therapeutic for our team."

Ngayong gabi, napagtripan naming manggulo at balikan ang abandonadong unibersidad ng Valiente na kalapit probinsya ng Scineroj kung saan kami nakatira. Isa sa mga gusaling una naming binulabog na nasa labas ng probinsya namin.


I glanced at the girl who's walking ahead of the group as she playfully sing her newly made song out of the 'London Bridge Is Falling Down' tune. Her long, black hair bounces as she skips over the tattered old papers and shattered pieces of glass. Wow.


"If Val- "


"Will you please shut up?" iritadong angil ni Argo sa kapatid, gritting his teeth, his hand running through his unruly curly, black hair as he glares at his sister, "and for addition, it's not just a school, it's a university."


Well...it WAS a university. Now...it's just, walls, vandalized walls.


Saglit namang tumigil sa pagkanta si Soda, tinaasan pa nito ng kilay si Argo.


Makalauna'y ngumisi ito sa kapatid, "-is falling down, can you survive? Or you will die?"


Lalong nagngitngit si Argo sa konsume sa kapatid. "You freaking girly dog..." pabulong-bulong na wika niya habang sapo-sapo ang mukha.


"Whatever brother~ "


Walang pakundangang binuksan ni Soda ang isang pinto na naraanan namin at pumasok doon.


Agad namang sumunod sa kaniya si Argo nang pumasok siya sa silid. Kasunod noon ang panenermon niya sa kapatid.


"Ayan na naman sila," buntong-hininga ni Vallem habang nakatayo sa tapat ng isang bulletin board at tutok na tutok dito.


Mukha siyang fashionista dahil sa buhok niyang mala-pasta sa haba at straight. Well, she's not into fashion, napagtripan lang naman talaga ang buhok niya, kinulayan ni Molotov at Fauxier ng puti ang maalon niyang itim na buhok at nilagyan din siya ng bangs na tila kurtina na nakatabing sa kaniyang noo, napilitan na lang siya na ipaunat ang buhok.


"Explorers, huh? Is it the best she can come up with?" Hirit naman ni Indigo, hindi na yata natiis ang katahimikan habang nakasunod sa amin.


"I can cover the dark hallways with green fabrics, then we can make a one-hour video of her, dancing like she's in a paradise, destroying everything, ano guys, game?" alok ni Molotov na ikinatawa ko.


"Wait, dala mo ang mga 'yon hanggang dito?" natatawang tanong ko sa kaniya.


Tumango siya saka ngumiti, "baka maisipan n'yong mag-shoot ng film or vlogs..." kibit-balikat niya.


Tinitigan namin siya dahilan para umirap siya at muling magsalita, "I mean, exploring abandoned places will be a great content for vlogs, malay n'yo, baka sumikat pa tayo, baka itinadhana tayo sa larangang ng pag-aartista," mukha siyang tanga habang nakapikit, nakadipa ang mga braso at nakangiti.


Nawala ang atensyon namin kay Molotov nang marinig namin ang malakas na buntong-hininga ni Argo nang lumabas siya mula sa kuwartong pinuntahan nila ni Soda. "Why can't you just listen and behave?"


Kasunod niya naman si Soda na pangiti-ngiti lang at may hawak-hawak na papel. "'Cause that's what kids were told to do, and I'm not a kid anymore."


"Seriously?"


Hindi na bago sa amin nang pitikin ni Soda ang noo ng kapatid. "Yes! And you're not an elderly so stop acting all grumpy."


Nagpatuloy ako sa paglalakad at nauna ako ng bahagya sa kanila, nakita ko ang iba sa mga kasamahan ko na pumasok sa ilang mga kwartong nadaanan ko.


Damn, we should be careful.


Bubuksan ko na sana ang isang butas na pinto nang may humalakhak.


"Ha! I got a phone!" masayang anunsyo ni Molotov.


"Put it down, baka may sakit ang may-ari n'yan, Tov."


"You're no fun."


Pinagmasdan ko ang buong hallway. Kung hindi lang dahil sa malaking flashlight na dala ni Indigo, siguradong madilim pa rin at walang laban ang mga flashlights namin na maliit lang na espasyo ang nasasakop at naiilawan.


Abala naman sa ibang bagay ang mga kasama ko. Lahat kami ay kaniya-kaniyang usisa sa abandonadong lugar na pinuntahan namin. Hindi alintana ni Molotov ang sinabi ni Fauxier at sumandal sa pader saka kinalikot ang napulot na telepono.


This place looks like it's been abandoned for decades, pero nalaman namin na labing-isang taon pa lang ang lumilipas simula nang ipasara ito at abandonahin, dahil sa bagong ipinatayong eskwelahan noon, ang Crest Hill University.


Sinipa-sipa ko ang ilang mga bola ng papel na nagkalat sa sahig.


Kung ganito lang kakalat ang hallway ng eskwelahan namin, tiyak na magre-resign ang janitor namin.


Sinilip ko ang loob ng kwarto, pero mabilis rin akong lumayo roon. Grabe. Hindi maangis, ha?


Ilang sandali pa narinig ko ang pagrereklamo ng isa sa mga kasama ko.


"Wala pa ring bago," iniwanan naman kami ni Fauxier at tinignan ang mga kwarto, patay-sindi pa ang flashlight na hawak niya.


"Pa'no kaya kung may biglang sumulpot na siraulo ta's trip na patayin tayo?" rinig naming tanong ni Indigo mula sa likuran.


"That hobo must be dreaming," mayabang namang saad ni Soda.


"That guy would be Molotov," natatawang hirit ni Fauxier.


"Oi! Ano'ng ako?! mga abnormal kayo, ako na naman ang trip n'yo," hirit ni Molotov.


Tumikhim naman si Vallem at umiling.


"Wala namang normal sa 'tin," bulong niya habang nakatuon ang atensyon sa daan na pinaggalingan namin.


Argo is on the process of making his entry when we heard a loud thud making all of us froze on our spots.


Nagkatinginan kaming lahat, bawat isa sa amin ay naging alerto at nakiramdam sa buong paligid.


Halos mapatalon ako nang biglang patayin ni Indigo ang malaking ilaw na dala niya. Agad kong binuksan ang flashlight ko.


"Damn, this is creepy."


"Sino naman kaya 'yon?" pabulong na usisa ni Molotov.


"Baka 'yung siraulong pinag-uusapan n'yo?" sarkastikong sagot ko sa kaniya.


"You better hide, Del Fierro."


"HAHA. I'm scared, I'm scared . . . my gad Fauxier, my friend," maarteng banat naman ni Molotov na may pagalaw-galaw pa ng balikat, he's even shaking his head while rolling his eyes.


Kumikisay na naman ang loko, but atleast it lightens up the atmosphere. Halos magmukha na siyang anino dahil sa kakulangan sa ilaw ng paligid, well, lahat naman kami.


Nagpatuloy kami sa paglalakad, kaniya-kaniyang usisa at pakikialam sa mga kwarto at mga bagay na nadaraanan. Hindi muna binuksan ni Indigo ang flashlight.


"Weird," rinig kong kumento ni Soda pagkalabas niya sa isang silid.


"Everything is still here . . . "


Nababagot akong tumitig sa mga pader na puno ng dumi, sulat at mga graffiti.


Halos lahat ay kabastusan, ang iba namang ay tila sulat ng mga miyembro ng kulto, may mga lyrics rin ng kanta.


Muntik ko nang mabitawan ang flashlight ko nang muli naming narinig ang kalabog, mas malapit na ngayon.


"F- "


"Don't curse," wika ni Soda sabay takip sa bibig ng kapatid.


"Sa likuran natin 'yun, 'di ba? Doon?" itinuro pa ni Molotov ang hallway na pinanggalingan namin.


"Someone's there," bulong ni Indigo, binuksan niya ang flashlight niya, "let's go, keep walking, wala munang hihiwalay."


"Natural may tao do'n Indie, alangan namang pusa o daga 'yon, ang lakas naman nila," natatawang saad ni Soda na agad namang nabatukan ni Argo kaya binitawan niya ito.


"Manahimik ka na nga lang," singhal ni Argo habang pinupunasan ang bibig, "naghuhugas ka ba ng kamay?" inis na tanong niya sa kapatid na nauna na sa aming maglakad.


Natawa na lang ako nang marahas na magkamot ng ulo si Argo dahil sa inis, nagpipigil lang na sumigaw ang lalaking 'to, "Soda...pwede ba mag-ingat ka na naman?"


We continued walking down the hallway, nauuna sa amin ang magkapatid na Tobias, at lalo kaming nagmadali nang marinig na naman ang kalabog, mas malapit na.


"W-who the hell is that?" tarantang tanong ni Argo na napakapit nang mahigpit sa kapatid.


"Chill, Arviello."


"Careful guys, remember may mga basag na salamin at butas ang sahig," paalala ko sa kanila.


Kasunod ng pagsasalita ko ang isang napakalakas na kalabog.


"What the- hindi ba guguho- "


Nahinto sa pagsasalita si Fauxier nang may marinig kaming kakaiba.


May tumatawang matandang lalaki.


"No fvcking way."


"Stop cursing!"


"Keep walking, damn it," saad ni Indigo.


Nagulantang kaming lahat nang lumakas pa ang tawa at saka ito nagsisigaw.


"LAKAD! TAKBO!"


Namayani ang katahimikan sa aming pito hanggang sa magsalita si Molotov.


"T-ta-tatakbo ba tayo?"


Umiling si Indigo bagay na nagpataranta kay Argo.


"Indigo- "


"Fvcking walk, kung tatakbo tayo, maririnig niya kung nasaan tayo," wika ni Indigo at nagsimula nang maglakad, "isa pa baka may kasama pa 'yun, mahirap na magkahiwa-hiwalay tayo."


Patuloy kami sa paglalakad, background music namin ang nakakakilabot na pagtawa nung matanda, minsan bigla na lang itong sisigaw.


"TAKBO!"


"Malayo pa ba 'yung pinto kanina?" halos pabulong na tanong ni Soda.


"Malapit na."


Lahat kami ay nahinto sa paglalakad nang may ibang boses na magsalita.




Hindi ko akalaing maliligaw kami sa loob ng abandonadong unibersidad ng Valiente. Nanginginig ang aking mga kamay nang buksan ko ang flashlight ko.


Halos mapangiti ako nang makita ang pinto na kanina pa namin hinahanap. Exit. Pero halos mapapadyak ako sa inis dahil nagkahiwa-hiwalay kami. Sa isang iglap nabalewala ang mga litanya sa amin ni Indigo kanina.


I stand near the door as I hear faint noises around the hallway. I'll wait for them. I can't leave them alone, my conscience will never let me.


Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng mga yabag, may palapit na mga tao sa 'kin. Sa kaba ay agad kong pinatay ang flashlight.


malalaking ako sa sulok ng dalawang malalaking pinto ng entrance, butas-butas ito dahilan para mapawi nang kaunti ng liwanag ng buwan ang dilim sa aking paligid.


"Shit, 'yung entrance!"


"'Wag kang masyadong maingay."


Sa taranta, nabitawan at bumagsak sa sahig ang flashlight ko. The loud thud echoes throughout hallway, breaking the silence, earning their attentions.


"Sino 'yan?"


Agad kong itinabing sa mukha ang mga braso nang tutukan ako ng flashlight sa mukha ng magkapatid na Tobias.


"My god, Atlanta!" mahinang sigaw ni Soda, naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin kaya ibinaba ko na ang mga braso ko.


Nakita ko si Argo na may hawak-hawak na malaking kahoy at nakatutok pa sa akin.


"Let's get out of here," wika niya, "aabangan natin sila sa labas, kapag lumipas ang twenty minutes at wala pa rin sila," saglit siyang huminto at inilibot ang tingin sa paligid, "papasok uli tayo, we can't leave without them."


Tumango lang ako.


Pinulot ni Soda ang flashlight ko at saka kami lumabas ng gusali. Napagpasiyahan naming magtago sa talahiban na nasa gilid lang ng building.


Pare-pareho kaming tatlo na hindi mapakali habang nagtatago sa talahiban. Humihingal kaming lahat nang maupo kami sa lupa at magmatyag sa entrance ng building.


"See, Soda? Kaya hindi kita hinahayaan na magsuot ng palda at shorts kapag may mga night trips tayo, mahihirapan kang tumakbo at lalamukin ka," pangangaral ni Argo sa kapatid habang nakatingin sa entrance ng pinto.


"Oo na ikaw na, but hey, ang tagal na nilang apat sa loob."


Tumawa naman si Argo at isinandal ang ulo sa kahoy na itinukod niya sa lupa.


"Baka kaya naglilibing na ang mga 'yon..." komento niya.


"I don't think they will have the need to clean that up," wika ko at tinanaw ang gusali.


"Pwede naman nilang iwan ang bangkay sa loob, it's an abandoned university," pahayag ni Soda at bahagyang ngumiti, "sino pa ba ang pupunta d'yan bukod sa ating pito?"


"Demolition team?"


Sasagot na sana si Soda nang makarinig kami ng kaluskos na nagpatahimik sa amin.


Agad kong pinulot ang nakita kong malaking bato sa lupa, at inihanda naman ni Argo ang kahoy na kanina pa niya dala-dala.


Naalerto kaming tatlo, at pinakiramdaman ang paligid.


Lahat kami napatayo at napaatras nang may makita kaming mala-aninong pigura sa gilid ng malaking puno.


"Maligno?"


Really, Argo? Maligno?


Itinutok ni Argo ang malapad na kahoy sa taong 'yon, at inihanda ko ang sarili sa pagbato.


Sinenyasan ko ang magkapatid nang maaninag ko na may hawak itong metal na bahagyang kumikislap kapag naliliwanagan ng buwan.


Napamura at mabilis na humarang si Argo sa harapan namin ni Soda nang lumabas ang tao mula sa dilim.


"Put- "


" -your hands down, it's me, Vallem."


Ilang segundo kaming nakatulala sa kaniya. Tinutukan siya ng flashlight ni Soda, at tulad ko kanina ay nasilaw rin siya.


May maliliit na punit sa manggas ng sweater niya, magulo ang unat niyang buhok, at puro dumi ang pantalon at sapatos niya.


"Turn it off, puti na ang buhok ko, ayokong madamay ang mga mata ko, Soda."


"Sorry."


"Vallem, sa'ng lupalop ng university ka dumaan?"


"Sa bintana, second floor," itinuro niya ang building at sinundan namin iyon.


"I climbed down from the tree- hell no."


Kumunot ang noo ko nang tumitig siya sa likuran namin, mabilis kong nilingon ang entrance.


Tumayo ako at umalis sa talahiban para lumapit kila Indigo. Sumunod naman 'yung iba sa akin.


Mas lalo akong kinabahan nang makita kong humiga si Indigo sa sahig.


Pasan-pasan naman ni Fauxier ang walang-malay na si Molotov, may kaunting galos ito sa braso, at mas madumi lang ng kaunti kila Fauxier at Indigo.


"Anong nangyari?"


Umiling si Fauxier. "We got a close encounter with the hobo, we got away but Tov's so scared that he passed out."


"Itong isang 'to?" tanong ni Argo at mahinang sinipa ang braso ni Indigo.


"Nag-iinarte lang 'yan," nakangising sagot ni Fauxier, habang inaayos ang pagkakapasan kay Molotov.


Dala ng pagod, umupo na rin ako sa daan. Inakbayan naman ni Soda si Argo. "Grabe , hindi ganito ka-exciting nung una tayong dumayo rito," wika niya habang patawa-tawa sa tabi ng kapatid.


Hindi na ako nagulat nang mabilis na umangal si Argo, "exciting? Muntik na nga tayong mapahamak, Soda."


"Muntik lang."


Lahat kami kunot-noong napatingin kay Vallem na kinikilatis si Molotov.


She's not the type that would agree with this.


"Admit it, ito ang isa sa mga pinakamasayang exploration natin," tinapik-tapik niya ang pisngi ni Molotov, "buhay pa, ang suwerte ng siraulong 'to."


Umiling-iling na lang ako at pinagmasdan silang lahat, "now, I wonder kung ano ang sasabihin niya kung gising siyang nakalabas mula sa building."


"Tiyak na titili, matinis pa sa tili ni Bea." mabilis na hirit ni Fauxier.


Humalakhak naman si Indigo na nananatiling nakahiga sa maalikabok na sahig, "this is one of a hella crazy night," he suddenly swings his feet and sits up on the ground, "tara na, mahaba-habang biyahe 'to."


Nauna na silang maglakad at pareho kaming nahuli ni Fauxier na pasan-pasan pa rin si Molotov.


Damn, I could still feel my heartbeat racing.


"Therapeutic, huh?"

Continue Reading
Further Recommendations

Shawna Gentry: Grammar could use improvement but still a decent story with a twisting plot .

Jana Passafiume: Good story, not cheesy like most mafia mob stories

Ann: It kinda short but still make me hold my breath ❤️

Stella: i like the plot of this story. it is very interesting. Each chapter make you want to rest the next chapter

Olivia: This book is incredible. Can't take my eyes away. Love it

bambino: This book series is giving me less sleep..hehe

Kia Reign West: Absolutely love this book as will as the rest of the series. The series is in my top 5 favorite series and im so in love with all the characters the plot everything is so well developed!

Favour Ezinwa: I am so in love with this story I couldn't stop reading

Niki: I just love the way this book is written

More Recommendations

Ashley D. Williams: I really enjoyed the first book of this series. I am really enjoying reading this book as well.

pamela: I just read these books for a second time and i am once again in awe of the author you are truly an amzing writer no doubt about it ♥️❤️♥️❤️♥️❤️♥️❤️♥️❤️♥️Your books are awesome thank you

Chantel Nel: First time in years that i found a series i like and willing to follow

Romi: A good one time read

Salome: The story reads easy but in the beginning the story started in 1st person and then moved to 3rd person wich is a bit confusing

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.