Si _ ng Philippine Normal University
Ginabi na si Andea.
Ano nga ba uli ang dahilan kung bakit sya inabot ng ganoong oras?
Hindi na nya matandaan eh.
Homework? Kalokohan.
“Pwede ko namang gawin sa bahay yun. Kaya nga homework eh”.
Project siguro?
“Hmm.. natatandaan ko may something yata yung Org namin noon(?)”, Pwede siguro..
Freshman si Andrea sa Philippine Normal University.
Medyo nalilito pa sya sa pasikot sikot ng unibersidad. Kasi kung ikukumpara sa kanyang pinanggalingan, sobrang laki ng mundong kanyang ginagalawan ngayon.
“Bulok” ang tawag ng mga tao sa high school kung saan sya nag aral dati. Tinatawanan yon ng mga taong nakatira malapit doon.
Sa totoo lang, hindi naman mukhang basura yung school ngayon, pero thousand years ago, oo.
Ganun talaga perception ng tao. Madalas kahit maging milyonaryo ka pa, kung galing ka sa hirap, iskwater pa rin ang tawag ng ibang nakakakilala sa yo.
“Uy, san ka ngayon?”, sabi ni Jhen na kaklase nya sa elementary noong minsang nagkita sila
“Sa...”, sagot ni Andrea.
“Ah, sa bulok? Bakit dun ka? Hindi ka naman bopols ah!”
Tumanim sa isip ng dalaga ang eksenang yon kaya nang makagawa sya ng pag kakataon, sinigurado nyang makaganti sa mga taong kagaya ni Jhen.
Hindi lang si Jhen ang problema. May mga estudyante isang partikular na malaking public school malapit sa kanyang pinapasukan ang madalas ring tumatrato sa kanila ng mga kaklase nya na parang basahan.
Ramdam nya.
Pag nakakasalubong nya ang grupo ng mga mag aaral na yun at makita ang kakaibang kulay ng kanyang iniporme. Hindi pwede dumaan lang na wala syang maririnig na salitang inaabangan nya.
“Bulok!”
“Bulok pala ha.. Tingnan natin”, sambit ng dalaga sa sarili.
Ilang Division level Inter School Competition ba ang sinalihan nya kada taon? Tatlo? Apat siguro.
Hindi man sya laging first place pero masaya sya sa mga naging resulta.
Sa English Reading Comprehension Contest: second sya, fourth ang putanginang school sa yon.
Science Quiz Bee: first sya, third ang putanginang school na yon.
Manila Mini-Press Con News Writing competition: sixth sya, hindi man lang nakapasok sa top ten ang putanginang school na yon.
Science Investigatory Project: first place sila, seventh place lang yung putanginang school na yon.
“Sino ngayon ang bulok ha? May pa special, special section pa kayong nalalaman, talo naman kayo”, nakangising binubulong lagi ni Andrea habang nakatingin sa katunggali nyang representative ng putanginang school na yon tuwing mananalo sya.
Matalino talaga si Andrea. Isa lang ang kahinaan nya — Math. Hindi man sya bumabagsak pero kung titingnan ang report card nya, mapapansin mo talaga na nangingibabaw yung subject na yon dahil ang lalayo ng agwat ng mga grades nya kung ikukumpara sa subject na yon.
English - 95.
Science - 97.
History - 94.
Math - 83.
Pero ok lang yon. Wala naman sya planong maging inhinyero eh. Isa lang gusto nya. Maging teacher. History teacher to be exact. Pwede ring English. Basta gusto nya talaga magturo. Eto rin kasi yung tipo ng trabaho na hindi nakakasawa.
Hindi sya yung klase ng trabaho na redundant.
Yung tipong, “You work here for fifty years then you die”.
Oo nga, yung ituturo, paulit ulit lang unless mag decide ng kakaibang trip ang DepEd. Pero yung studyante, paiba iba sa bawat taon. Iba iba rin ang ugali. Maswete pa kung makaka encounter ka ng estudyanteng desidido mag aral. Masarap kasi magturo pag alam mo na interesado rin matuto yung tunuturuan.
Alam nya yon. Kasi yun din yung nararamdaman ng teacher nya dati pag nag tuturo sa section nila.
Kaya nga nag take sya kaagad ng entrance exam sa PNU eh.
Kelangan nya talaga makapasa dito.
Sabi nga nila, kung gusto mo maging teacher, mag PNU ka. Kung hindi PNU at wala kang pera, bahala ka na.
Hindi naman sila hikahos ng pamilya nya pero hindi rin sya sigurado kung masusuportahan pa sya ng mama nya pag nag aral sya sa magandang university.
Medyo kabado pa sya noon tingnan ang result ng exam. May matinding Math kasi.
Anlaki ng ngiti nya nang makita nya yung buong buong pangalan nya sa board sa labas ng main building.
Almost two months na ang lumipas.
Ngayon lang talaga sya ginabi sa loob ng PNU. 7:30 or 8pm. Hindi na siguro mahalaga.
Kakwentuhan pa nya sila Michelle kanina nang maisip nya na gabi na pala. At hindi tulad nila na naka dorm lang sa malapit, kailangan pa ni Andrea sumakay ng dyip at mag lalakad ng malayo bago makauwi. Isa pa, kasama nya sa bahay mga magulang nya. Sigurado mapagalitan na naman sya kasi nga, gabi na. Kelangan nya na talaga umuwi.
Nasa hallway sya.
Patay na ang ilaw sa pasilyong dadaanan nya. Tanging bukas na lang ay yun mismong nasa harap ng hagdan.
Alam na nya ang dahilan nito. Syempre, nagtitipid ang unibersidad. Conserve energy nga di ba?
Pero creepy talaga.
“Salamat may tao naman pala..”, nasambit ni Andrea habang nakatinging sa kabilang bahagi ng hallway.
“Malamang si manong janitor”, medyo gumaan ang pakiramdam ng dalaga.
Malayo pa naman si manong pero magkakasalubong sila. Pinaghandaan na nya kung anong bati ang sasabihin nya pag malapit na sila sa isa’t isa.
Ok na.
Ilang hakbang pa lang nang maaninag ng dalaga na hindi pala si manong janitor yung papalapit.
Mukhang estudyante rin.
Lalaki.
“Haaay, wag sana maging awkward..”
Pero hindi lang yun ang napansin nya.
Yung lakad.
“Disabled?”, natanong ni Andrea kasabay ng pag tugtog sa utak nya ng intro ng kantang “Smooth Criminal” ni Michael Jackson.
“Hindi naman sa nang didiscriminate..”
“Shit! Lahat naman ng tao nangdidiscriminate, ok lang yun basta sarilinin na lang..”, pahagikhik na bulong ng dalaga sa sarili.
“Patay, Awkward talaga to. Bahala na. Hindi ko na lang siguro papansinin? Or batiin ko na lang?”
“ Just like plan A.”
“Tama.”
“Plan A.”
Ilang hakbang pa.
Napansin ni Andrea na parang marumi ang suot na damit ng lalake. At parang may binubulong ito paulit ulit.
Ilang hakbang pa.
Unti unting na aninag ng dalaga ang itsura ng kasalubong.
Habang lumalapit sa liwanag, unti unti ring nabubuo ang imaheng nasa harap nya.
Pulang pula sa dugo ang uniporme ng kaharap nya. Nakalaylay ang kaliwang kamay nitong gutay gutay.
Durog at deformed ang dalawang paa nito na himalang nakakalakad pa.
Nakabitin ang kanang mata nito. Ang kaliwa, nakatitig sa kanya habang nakataas ang isang kamay.
“TU..LU..NGAN MO KOO... TU..LUNGAN.. MO KO.. TU..LUNGAN.... MO... KO..”
Paulit ulit.
Gustong sumigaw ni Andrea pero walang boses na lumalabas sa bibig nya. Hindi rin nya magawang gumalaw.
Unti unti itong lumalapit. Naglalakad. Kinakaladkad ang sarili palapit sa kanya.
“TULU..NGAN MO KO... TU..LUNGAN MO KO..”
Ilang dipa na lang ang layo nito sa dalaga.
Anong nangyayari??
Anong mangyayari??
Pumikip ang dalaga.
Nakaramdam sya ng isang mahinahong tapik sa balikat.
Pagdilat nya, unang bumulaga sa kanya ang ilaw ng flashlight ni manong guard.
“Iha, ok ka lang ba? Natulala ka na dyan..”
Hindi maalala ng dalaga kung paano sya nakarating sa entrance ng main building. Nakaupo sya ngayon sa may hagdan.
Para sa kanya isang segundo lang ang lumipas. Pero pag tingin nya sa relo, 9pm na.
“Manong..”, nanginginig na boses ng dalaga.
“Siguro nakita mo si _____, ano? Ganun lang talaga bumati sa mga freshman yon, freshman ka diba?”
Kilalang daanan ng mga trailer truck papunta at pabalik ng pier ang highway sa harap ng Philippine Normal University.
More than twenty years ago, may isang estudyante ng PNU ang minalas na masagasaan ng isang 10 wheeler truck sa harap ng mismo ng gate.
Nakapag break pa naman yung truck pero naipit na sa ilalim ng gulong ang kawawang estudyante.
Buhay pa pero hopeless case na. Durog na ang kalahati ng katawan nito.
Inintay na lang ng lahat na lagutan sya ng hininga.
Sa ilang segundong iyon, may paulit ulit na binubulong ang biktima.
Paulit ulit.
Hanggang sa kanyang huling hininga.