Ulan

All Rights Reserved ©

Summary

One Shot story (Written in tagalog)

Genre:
Mystery / Thriller
Author:
Anngil
Status:
Complete
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

ULAN

Disclaimer:

This novel's story, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of persons living or dead are purely coincidence.

Do not copy, reproduce, distribute, transmit, modify, create derivative works, or exploit any part of the story without the legal consent of the Author.

A/N:

May contain grammatical error and Wrong spelling! If you're a perfectionist better not read this!

-Anngil

Date: 08/28/2020



Maikling kwento/One Shot

START


Ulan

Napaigtad ako saking higaan ng tumama ang malakas na ulan sa sira sira kong bubong. Ayaw na ayaw kong umuulan sapagkat nababasa ang aking maliit na higaan at nahihirapan akong makatulog. Tumayo ako at umalis saking higaan upang maghanap ng pantakip sa butas. Sinindihan ko ang petrolyong lampara at naghanap na.

Halos limang buwan na akong nakatira sa maliit at sira sirang baro na ito ngunit di parin ako nasasanay sa pagtulo ng ulan.

Sabi nila'y ang ulan raw ay pahiwatig ng pighati at pagdadalamhati. Kulog para sa pagtangis at kidlat para sa galit.

Gumawi ang aking ulo sa lumang orasan. Alas kwatro na pala ng madaling araw kaya naman itinigil ko ang paghahanap ng karton nang maalala na ginamit ko pala Ito kagabi dahil narin sa ulan. Madilim parin ang paligid ng tingnan ko ito. Tamang tama para saking gagawin.

Lumabas ako sa bahay suot ang manipis at may butas butas na sweater, napakaluma na nito at kahit ata pag kagatin ng daga ay punit agad. Suot ko din ang kupas na pantalon at may kalakihang tsinelas na napakanipis. Binagtas ko ang kadiliman patungong kalsada. Malayo ang aking barong baro sa mga kabahayan. At nag iisa lang din yon dahil takot ang mga tao mapagawi roon.

Naalala ko pa na pinagbabawalan nila ang kanilang mga anak na pumasyal at pumunta roon. May mga ligaw Hayop at nakakalasong tanim din roon, pero ako'y nasanay na ipinagsasawalang bahala nalang , marahil ay takot lang ang mga magulang na mawala at makidnap ang mga anak nila. Hindi rin naman ako mahilig maki halubilo sa bata at mas mabuti na yun, baka sakin pa hanapin pag mawala.

Aabot ng tatlong minuto ang paglalakad papuntang nayon mula sa bahay ko. Minsan lang rin akong umalis at maglakad lakad. Hindi rin ako masyadong ginugutom kaya hindi rin ako namimili ng pagkain na palengke, minsan nga'y sapat na ako sa tubig. May maliit akong harden sa likod ng aking bahay kaya hindi problema ang pagkain.

Pagdating ko sa palengke ng nayon ay normal na maingay kahit alas kwatro impunto palang.

"Oh Suki Bili na, presko pa ang isda!"

"Singkwenta nalang sayo Ganda!"

"Mura lang ang mga manok! "

"Tig dyes lang ang kangkong!"

Hindi na ako nag abala pang maningin sa paninda, Hindi naman ako pumunta rito para mamili kundi maglakad lakad lang at magpahangin. Sa totoo lang ay nakakasawa na rin sa bahay ko. Walang matinong tulog at araw roon. Minsa'y kahit hangin lang ay kumakalabog ang pader na yari sa pawod at may takip na yero, may pagkamabaho rin doon dahil sa ambak na basura malapit sa kubo.

Sariwa ang hangin sa nayon, may ilan ilang usok pero dahil may naglalakihang puno ay presko padin ang ihip. Hindi tulad sa syudad na puno ng sasakyan at pagawaan na naglalabas ng makakapal na usok.

Dumiretso ako sa may talon, Ilang beses palang ako naparito dahil mas malayo Ito kumpara sa palengke. Dadaan kapa sa isang makipot at lubak lubak na daan, nasa Kagubatan rin ito pero magkaibang ruta kumpara sa bahay ko. Medyo nakakatakot din maparito, natural lamang na may ligaw na ahas o kung ano mang hayop na baka manuklaw at mangagat.

Malamig at malinaw ang tubig, gusto ko sanang maligo ngunit wala akong dalang pamalit at baka lamigin lamang ako't magkasakit, delikado na.

Sa malaking bato ko napagpasyahan na umupo. Pinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim. Pinakiramdaman ang simoy at malamig na hangin. Bawat sayaw at hampas ng mga dahon. Pagaspas ng pakpak ng ibon at huni ng kanilang tuka.

Minsan ang kailangan lang natin ay kapayapaan. Walang ingay maliban sa kalikasan.

Ibinuka ko ang aking mata at doon ko namalayan na nakaidlip pala ako. Sa tansya ko ay nasa alas sais na ng umaga.

Tumayo ako ako ininat ang braso, paa at likod. Uminom muna ako ng tubig mula sa talon tutal ay malinis naman iyon.

Mahaba haba pa ang lalakarin ko pauwi.

Lumabas na ako ng kagubatan at salamat naman ay buo parin. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Kanina pang alas singko trenta sumikat ang araw. Buti nalang at hindi mahapdi sa balat. Mabuti narin siguro ito, dagdag vitamin D.

Nasa entrada na ako papuntang bahay ko nang makasalubong ko ang dalawang ginang na naguusap. Mukhang seryoso sila, bakas sa mukha nila ang kilabot at kaba na ipinagtataka ko. Kung titingnan ay galing sila sa loob ng gubat, kung saan naroon ang bahay ko.

"Masama talaga ang pakiramdaman ko sa bandang iyon Mare. Mabuti nalang at napagsabihan ko sina Junior noon na wag pumarito."

Nakinig muna ako sa usapan ng dalawang ginang bago magpatuloy.

"Matagal na pala siyang pinaghahanap, naku naman malaking dawit iyon sa pamilya, at nakakaawa rin."

Pinaghahanap? Sino?

Nakakapagtaka ang usapan nila pero hindi narin ako sumabat..

"Kaya pala may mga pulis ang nagtanong sa bayan mula pa noong isang linggo"

"Marami na talagang krimen ang nangyayari. Lalo na sa mga teenager uso ang kidnap!"

Mas lalong akong kinain ng kuryusidad kaya naman ay dumeritso na ako sa entrada papuntang kubo. Doon ko nakita ang mga pulis at ang mayor ng Sta. Domingo. Nakasuot sila ng face mask at gloves.

Pinapalibutan nila ang kumpol na basura, meron ring sumusuri sa kubo. Wari'y nagiimbestiga.

Nakakunot ang aking noo, labis na nagtataka kung anong kaganapan ba ang meron.

Nakipagsiksikan ako at nakibalita tutal naman ay ako ang may ari ng bahay na iniimbestigahan nila.

"Chief inimbestigahan narin namin ang loob ng Kubo at ito ang nakita namin" inilahad ng isang pulis ang gintong pulseras na nasa loob ng ziplock, may bahid rin ito ng tuyong dugo. Teka, kailan man ay hindi ko yan nakita saking kubo! Baka inilagay lamang iyan.

Nakaramdam ako ng Kaba at takot! Baka mapagbintangan ako!

Bumaling ang ulo ng Chief kay Mayor.

"Mayor, kilala niyo ba ang may-ari ng bahay na iyan" tinuro niya ang aking maliit na Kubo. Umiling naman ang mayor at desmayadong bumuntong hininga.

"Sa pagkakaalam ko ay dalawang taon nang walang naninirahan sa kubong iyan. Matagal ng pumunaw ang matandang mag asawa at wala rin silang anak."

Tumango ang chief police at gumawi roon sa may basura. Hindi ko pa alam kung ano nga ba talaga ang meron sa kumpol ng basura kaya naman ay mabilis akong naglakad patungo roon. Nanlaki ang aking mata saking nakita. Katawan nang babae na punit punit at may mga putik ang damit. Isa nalang ang suot niyang sandal. Nakatirik ang mata na halos puti nalang ang makikita. Buka ang bibig at halata ang marka at sugat sa katawan, inuuod at inaamag narin. Kaya pala sobrang baho rito hindi ko rin naman linilinisan ang paligid ng Kubo sapagkat ako'y tamad.

Nakakasuka ang pustura ng babae. Halatang pinahirapan muna siya bago patayin. Sa pagkakarinig ko rin kanina ay hindi siya ginahasa. Walang pang suspect at hindi pa din alam kung ano nga ba ang motibo ng krimen.

Tinutukan ko mabuti ang mukha ng dalaga. Nasa desi nwebe siguro ang kanyang edad. Marahil ay galing rin sa kilalang pamilya. Sa kanya ba ang gintong pulseras? Pero bakit naman hindi ko yun nakita? Kung tutuusin ay dapat matagal ko nang nahanap ang pulseras dahil maliit lang naman ang kubo, kulang rin sa kagamitan at kayang kayang libutan.

"Eliza Mendoza ang pangalan ng biktima, nawala siya noong dalawang linggo pa. Taga Sta. Ana at nagiisang anak ng Kapitan roon. At siya ang pang apat na biktima na nawala at pinatay, pareho rin ang pagkakamatay, sinasakal at binabali ang leeg" marahan akong nakinig. Ang bilis naman nilang makahanap ng impormasyon. Magkalapit na bayan lang ang Sta. Domingo at Sta. Ana.

"Nakontact ko na rin ang kanyang magulang at kamag-anak, pati narin pala ang kaibigan niya." tatango tanggo lang ang Chief.

"Ayon sa isang kaibigan ni Ms. Mendoza ay nasa isang party raw sila ng biglaang nawala si Eliza. Akala raw nila ay nagbanyo o nagpahangin lang kaya naman ipinagsawalang bahala lang. Pero umabot nalang ng umaga at wala parin daw si Ms. Eliza kaya naman tumawag na sila sa magulang nito. Hindi pa naman iyon tinatawag na missing dahil kinse oras palang daw ang lumilipas. Kaya naman ay naghintay pa sila hanggang sa hindi na nga mahanap itong si Ms. Eliza."

Bakit pa kasi mag hihintay ng bente kwatro oras bago maghanap? Isa yan sa mga hindi ko sang ayon na protocol. Kung na kidnap ka at nasa bingit ng kamatayan hihintayin pa mag isang araw bago ka mahanap o mailigtas?

Iling iling akong nakatingin sa bangkay na kinukuha na ngayon at pinapasok sa itim na bag. Siya daw ang ikaapat na biktima. Kung ganun pareho lang ang tao na pumapatay?. Kinilabutan ako saking naisip.

Saking nakita kanina ay bali nga ang leeg ni Eliza. Putok rin ang labi at may tuyong dugo ang noo.

Hindi ko rin napansin ang pagbuhos ng ulan. Alas nwebe na ng umaga. Dumidilim rin ang kapaligiran. Mukhang kukulog at kikidlat rin.

Pumasok ako saking bahay. Umalis na rin ang mga pulis pero pinalibutan nila ng dilaw na tape ang Kubo at sa may basurahan.

Umupo ako sa sira sirang sofa at napabuntong hininga.

*Tok tok*

Tumingin ako sa gawing pintuan.

Sino yan? Wala naman akong inaasahang bisita.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang mukha ng lalaki.

Nakangiti siya at nakalahad ang kamay. tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Sumama kana sakin Alessia" malamig ang kanyang boses at nakakapanindig balahibo.

"sino ka?" nakipagtitigan ako sa kulay abo niyang mata.

"Ako ang taga sundo" kinabahan ako sa boses niya. Anong taga sundo?

Nahihigop ako sa kanyang titig, parang nawawala ang aking lakas.

"Tapos na ang iyong oras. Sumama kana sakin."

"Hindi kita kilala kaya umalis kana!"

"Nakalimutan mo ba ang ating usapan Alessia? Wala na sayo ang gintong pulseras at nakapaghigante kana"

Higante?

"Ano ang iyong pinagsasabi? Nababaliw kana!"

"Pwes ipapaalala ko sayo ang gabi bago ang limang buwan mo rito"


Tanging disco lights lamang ang ilaw sa paligid. Maingay at marami ang nagsasayawan sa gitnang bahagi ng club. Kasama ko ang aking mga kaklase. Hindi dapat ako kasali rito pero pinilit lamang ako ni Eliza. Kinakabahan ako dahil baka pag uwi ko mamaya ay pagalitan ako ni papa.

"Alessia oh isang shot lang" kanina pako pinipilit nila Renz na uminom pero pilit ko naman itong tinatanggihan.

"Alessia naman wag kang mag inarte! Promise isang beses lang" Inabot sakin ni Eliza ang baso na may laman na alak. Nagdadalawang isip ko itong tinanggap. Nakangisi namang nakatingin sina Arthur.

"Sige pero pagkatapos nito ay uuwi nako ha" lumunok muna ako ng laway at tinungga ang alak. Mapait at mainit sa lalamunan.

Hindi ko namalayan ang Oras at alas dos na pala ng madaling araw. Masyado akong naabala sa pag inom. Hindi na dapat ako iinom pero parang may nagtutulak saking tumungga pa. Nagiinit narin ang aking pakiramdaman. Lagot ako nito kay papa, baka hindi na ako makapasok sa bahay.

Naka alalay sakin sina Arthur at Renz, nahihirapan narin akong maglakad at malayo pa ang bahay namin. Nasa Sta. Domingo kami ngayon at nasa Sta. Fe pa ang bahay ko hindi tulad kina Eliza na malapit lang. Baka wala na akong masakyan hindi naman ito tulad sa Maynila na marami parin ang bumabyahe.

Kanina ko pa napapansin ang pasimpleng paghimas ni Renz sa may hita ko, masyado rin akong nanghihina na sumaway.

Malabo na ang aking paningin at paalon alon ang paligid. Pero alam ko na mali kami ng dinaraanan, imbes sa may sakayan ay sa gubat ang tungo namin.

"Potangina pare! Hindi ko na kaya at gustong gusto ko nang matikman si Alessia!" boses iyon ni Leo

"Kanina parin ako nagpipigil!" si Arthur.

"Kalma lang kayo at umepekto naman ang droga na hinalo ko sa kanyang inumin" boses ni Eliza ang nagpamulat sakin. Nilagyan niya ng droga ang aking inumin kaya pala ganito ang epekto sakin.

Nahimasmasan ako at pilit kong ginalaw ang paa ko. Mabilis kong tinulak sina Renz at Arthur. Kahit nanghihina ay dali dali akong tumakbo.Madilim ang paligid at nakakatakot. Pero wala ng mas nakakatakot pa sa mga taong sumira sa tiwala mo. Mga Hayop sila!

Rumaragundong ang puso ko at hinihingal na tumatakbo. Hindi ko din alam kong saan ako patungo. Nahihilo parin ako. Biglang bumuhos ang ulan.

"Habulin niyo! Hindi pa nakakalayo iyon!"

"Dali"

Linunok ko ang aking laway, Hindi ko rin napansin na may bato pala kaya naman ay natapilok ako. Napaaray ako pero agad ding tinakpan ang bibig. Masakit ang paa ko.

Pinilit kong tumayo at tumuloy sa paglalakad ngunit isang malakas na pwersa ang sumabunot sa buhok ko.

Napaiyak ako, parang matatanggal ang anit ko.

"walang hiya ka! May gana kapang tumakas" sinampal ako ni Renz, dumugo ang labi ko dahil sa lakas nun. Napaupo ako. May mga putik narin ang damit ko.

"buti naman ay nahanap mo rin yan. Pinapahirapan pa tayo."

"Halika kayo nakahanap kami ni Leo Ng maliit na kubo" Ang mala palakang boses ni Eliza na mas nagpapakulo sa galit ko. Humanda kayo pag ako'y makatakas rito.

Nakasabunot parin si Renz sa buhok ko. Pagdating sa kubo ay binalibag ako at kinubawan. Si Arthur naman ay nakahawak sa magkabila kong kamay. Pilit na iniipit ni Leo ang paa ko. At si Eliza naman ay pinailaw ang selpon niya.

Rumaragasa ang pagtulo ng luha ko kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Wala akong laban. Saksi ang kalangitan at kagubatan saking pagtangis. Binababoy nila ako ng nakangisi.

"t-tulong" impit kong sigaw. Malabong may makarinig sakin. Nasa gitna ng kagubatan ang kubo na Ito.

Sinakal ako ni Renz upang pigilan lumabas ang aking tinig.

Napakalabo na ng aking paningin. Nawawalan na rin ako ng hangin. Masakit ang buong katawan ko at hindi ko alam kung anong sumapi sakin at natadyakan ko si Leo sa kanyang mukha kaya naman ay nabitawan niya ako, agad namang dumulog sina Arthur at Eliza sa kanya.

Dumugo ang kanyang ilong. Mas lalong pumait ang mukha ni Renz, bigla niya akong sinuntok sa tiyan na nagpaubo sakin. Lumabas ang dugo saking bibig. Ang sakit!

Lumaban ako at tinuhod siya sa kanyang ari. Namilipit siya. Dali dali akong tumayo. Sobrang sakit ng katawan ko. Punit na ang aking damit at isa nalang rin pala ang aking sapatos. May bahid pa ito ng putik at dugo.

Ika ika akong naglakad. Di paman nakakalayo ay nahawakan nako ni Eliza at sinampal ng malakas. Marami na sigurong pasa ang mukha ko.

"Hayop ka! Sinaktan mo si Leo!" mas Hayop kayo!

Pilit kong binuka ang bibig ko pero walang salita ang lumalabas.

Lasang dugo.

"hawakan mo yan Eliza at siguraduhin mong hindi makakatakas!" sumigaw si Leo kasabay ang pagdagundong ng kulog.

Bumaon ang Kuko ni Eliza saking braso. Tumutulo na rin ang dugo roon. Pero nakaya ko parin siyang itulak. Lumakad ako sa may bandang sulok nag hahanap ng matatagutan.

Ngunit malas talaga ako.

Napahiyaw ako sa lakas ng suntok ni Leo sa mukha ko. Parang nadislocate ata ang buto ko. Hindi rin nagpaawat si Leo at tinuhod ang tiyan ko. Napakasakit. Gusto ko nalang mamatay agad!

"Kung hindi kalang sana lumaban Hindi ka masasaktan" kinagat ko ang aking labi. Kung mamamatay man lang ako kailangan ko nang sulitin. Ngumisi ako at dinuraan siya sa mukha.

Mas lalo siyang nagalit at pwersahan akong sinabunutan. Pinukpok ni Arthur ang hawak na kahoy saking ulo. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula saking noo.

Matamang nanonood si Eliza at nakangisi pa.

Matamlay na ang aking katawan. Wala nakong lakas. Purong galit at pighati nalang.

Mas lalong bumuhos ang ulan, Sumabay ang malakas na kulog at kidlat. Nailawan ang kanilang mga mukha na pawang sinapian ng demonyo.

Inihiga nila ako at nakasakal na gumagahasa. Duguan na ang aking katawan. Kapos na ako sa hangin, Inabot ko ang kaliwa kong kamay kun nasaan ang gintong pulseras na bigay ni mama. Ang sabi niya noon ay Ito ang tutupad saking hiling.

'Maghihigante ako'

Bago ko ipikit ang aking mata ay nakita ko ang isang anino. Doon ay ngumiti ako bago binawian ng hininga.

Nanlalaki ang aking mata na nakatitig sa lalaki.

"Ikaw ang pumatay sa apat na biktima Alessia. Natupad na ang iyong hiling."


-End


Thank u for reading.

Continue Reading
Further Recommendations

meraciasias: Enjoying this book. Too fast at times, feels like some information is missing or more volume could have been added to the story line. But great, different plot, storyline. Enjoying the read

Zaha Mohamed Wahyd: Love the book. Its all a dramatic rollercoaster but im definitely here for it. Love her writing style too. Keep it up.

Philica Clarke: I really love the two book series,i wish there was more to both of the storys.i actually have read all of your books. Its so good that you reach the end to soon , and all you books are like. i like you writing style. I love how all your male character are psychos.

shawnahernandez70: Pretty good continuation from the 1st one but there are so many grammatical errors in this 1 and I felt like I had trouble staying with the story it was mostly all unrealistic sex between Stephen and Trinity over and over. Just my opinion

Brian: Great read if you can over look all of the grammatical errors.

Samantha: ❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Brandy Vazquez: Great 2nd book.. obvious she knew the stalker early on but still very well put together. Your a talented writer! Thank you again for the 2nd book!

7120caw: I really don't know what to expect. The suspence is killing me.

More Recommendations

Nicole: Great story couldn’t put it down.

SUBRUNA: Good story. Wish you good luck to write more books.

pinkoff88: Am I the only one that can’t find the 3rd book???

Joyce Joshua: Love the books. Once I started reading didn't stop until I was finished. Would recommend the books and author to all my friends

Analisha Bridges: I've went to the app galatea and it's so awful. I would really like this book to be on there because it's waaaaay better

Zahra Shakir: Liking the premise of a writers story

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.