IXON'S POV.
5 years simula nang mangyari ang trahedyang 'yon.
5 years simula nung mangyari 'yon sakanya.
5 years na ang nakalipas nang mawala siya.
Sa loob ng limang taon ay sinisi ko ang sarili ko.Kung andun lang sana ako sa tabi niya, hindi mangyayari 'yon.Kung andun sana...
Pero wala na...nangyari na.
Pero ngayon, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya at sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang kung sino mang gumawa non sakanya.
KOLETTE'S POV.
Nang mangyari ang araw na 'yon, nagbago ang lahat.Nakita ko kung gaano nasaktan at lumungkot ang magulang ko.
Galit na galit ako dahil hindi man lang kami matulungan ng mga police.
Pwes! Kung hindi sila gagalaw, ako na ang mismong gagalaw.
TOBI'S POV.
Sa bawat araw hindi ko mai-aalis sa isipan ko ang nangyari sakanya.Ang dami kong tanong.
Bakit ginawa 'yon sakanya?
Napakabuti niyang tao tapos 'yun ang sukli ng lahat sakanya?
Para mapanatag ang pamilya mo at mabigyang hustisya ang pagkamatay mo, tutulungan kita.
AYA'S POV.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang lungkot.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura niya...ang sakit.
Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo, Ate.
GIO'S POV.
Nasaksihan ko ang mga nangyari kabilang na siya doon.
Galit na galit na galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong ginawa, hindi ko sila naligtas.
Sorry...
Tutulungan ko kayo...