Ang Anino Ng Kamalayan

All Rights Reserved ©

Summary

Lahat ng rosas ay may kaakibat na pagsubok ngunit maraming tinik na humahadlang sa layunin ng isang tao. Si Castriel Romero ay tinuturing nang anak ng lider ng isang maimpluwensyang sindikato sa krimen ngunit ito ay labas sa interes ni Castriel. Dumating ang oras na nakita na lamang niya ang kaniyang sarili sa mapanganib na lugar matapos siya dakpin ng isang estranghero. Mula sa mga oras na iyon, tila umiral ang mga misteryosong bagay sa kaniyang kamalayan na maaaring konektado sa kaniyang mga nasasaksihan na ang humahadlang sa kaniyang layunin ay ang kaaway ng kaniyang ama-amahan, isa rin sa mga historikal na sindikato sa krimen. Malalaman kaya niya ang mga ninanais niyang kasagutan at ano ang kaniyang magiging desisyon para sa buhay mula sa kaniyang layunin na kahit ilan man ang tinik ang kaniyang maeengkwentro, kung hindi man niya masisilayan ang wangis ng isang rosas, ang mahalaga ay sinubukan niya.

Genre:
Mystery / Action
Author:
Reiji Ignatius
Status:
Ongoing
Chapters:
2
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

Kabanata I

The content of this novel is a work of fiction. Any name, character, place, and event are either made by the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be distributed, reproduced, transmitted or used in any manner, unless permitted by the wattpad writer herein, except for the use of brief quotations in a book review.

Plagiarism or Copyright Infringement is an illegal practice where an individual by his/her own accord, steals someone else's work, though it is not a crime but an act of academic dishonesty in accordance with intellectual property rights therein. Copyright infringement is also an another illegal practice.

WORD COUNT: 5000

WARNING: Some of these parts could trigger the mental state of any reader. The story includes dark philosophy and the concept of metempsychosis.

"No rose without a thorn but many a thorn without a rose." -Arthur Schopenhauer

Sa bawat sandaling binababad ko ang aking sarili patungo sa malalim kong kaisipan ukol sa kamalayang nakatuon sa mga bagay na kinakamtan, tahimik at pinipiling dumungaw mag-isa rito sa bintana ng aking kuwartong kinatatayuan katulad ng aking kinagagawian, kinasanayan, at laging ginagawa tuwing oras ng pahinga.

Saan nga ba ako nagpapahinga, sa alin ba ako napapagod, napailing na lamang sa mga naiisip hanggang sa pumasok sa kamalayan ko kung ano ba ang layunin ko ngayon araw, layunin sa sarili, at layunin sa tanang buhay. Ibinulsa ko ang mga kamay ko bago ilayo ang paningin papunta sa makulimlim na kalangitang bumubugso ng hindi kalakasang ulan.

Tila isang pulang rosas ang aking nadalumat nang minsan ko nang mapagtanto ang pagtingin ko sa buhay: Ang buhay kung saan makakamit lamang ang kaligayahan kungbabagtasin ang hindi maikailang kalsada ng pagsubok, pagsubok sa taong kagaya kong hindi mawiwindang kung ang isang pinapangarap na bagay ay hindi man makamit, walang problema sa akin kung hindi ako magiging matagumpay sa huli dahil ang oras na rin ang magiging instrumento na kung nais mang masilayan ang mga talulot nito, kinakailangan munang aninawin ang mga tinik - ang tinik ng pagtitiyaga, paghihirap, at pagsubok. Napangisi na lamang ako sa mga sandaling iyon at idinako ang tingin ko sa loob nitong silid.

Walang sinabi ang kamalayan ko ukol sa maaari kong gawin: Malaya mula sa mga bagay at sentimyentong madalas ko nang nalilirip, ang mga partikular na paraan na kung may nanaisin man ako, gagawan ko ng sarili kong paraan, makuha lang ang aking kagustuhan na mayroong masinop na pag-iisip at matinding kamalayan dahil ako si Castriel Romero, dalawampung taong gulang, at isang binatang kumukuha ng kursong dalubbanwahan.

Ika ng karamihan, ang lalim ko raw managalog at laging nag-iisa't malalim kung mag-isip ngunit ang totoo niyan, wala sa kabatiran ko ang mga ganyang bagay para ipakitang may pakielam ako dahil simula't sapul pa lamang, hindi na ako gaanong nakikisama sa maraming tao at wala rin akong makatuwirang rason upang ipagbigay-alam sa iba kung may mga kaibigan ako - para saan at bakit kailangan pang ipagmalaki.

Hinahanap pa man ang sarili ngunit sigurado ako sa kamalayan kong walang problema sa isang tao kung iilan lamang ang nagiging kaulayaw nito sa buhay, iilang lang ang totoo. Hindi lang ako naghahanap ng totoong kaibigan kundi ang mga kaibigan na ring nananatiling totoo.

Napalingon naman ako sa may bandang pintuan nang maulinigan akong yabag ng isang pamilyar na wangis nang siyang lingunin ko, ang taong matagal ko nang tinuturing na pamilya simula nang kupkupin niya ako noong sanggol pa lamang kahit na wala akong makuhang sapat na rasom mula sa kanyang imaheng dinadala.

Sa tanang buhay ko, hindi ko nakilala ang tunay kong mga magulang kahit na mga kadugo ko ay walang bakas ang mga iyon sa aking kuryosidad, isa lamang akong indibidwal na lumaki sa masaganang lugar kasama ang kaharap kong nagpalaki sa akin sa kabila ng kaniyang aspekto bilang lider ng sindikatong nagtatago sa alias na "Avis" - si Caelan Romero, limampung taong gulang. Kahit kailan ay hindi ko siya tinuring na tumatayong ama ngunit madalas na niya akong tinatawag na kaniyang sariling anak hudyat na nakanayan ko na lang na gamitin ang kaniyang apilyedong Romero.

Muling tumama ang usok sa aking gawi na kaniyang ibinuga mula sa kaniyang hawak na sigarilyo. Blanko lamang ang aking ekspresyon habang naghihintay ng kung anong ibubulalas niya. Humakbang siya palapit sabay tapik sa aking balikat, ibinaling ang paningin sa bintanang nababalot ng tubig-ulan.

"Madalas ko na lang natatagpuan ang aking anak dito sa loob ng silid, tila malalim na naman ang kaisipan mo sa mga sandaling ito. Mas mabuti kung piliin mo na lang ang landas kagaya ng tinatahak ko, isang kinikilalang lider ng krimeng sindikato at naniniwala akong maipapasa ko iyon balang araw sa taong pinaniniwalaan ko, batid kong may potensyal ka, Castriel." mahabang wika niya. Seryoso lamang akong nakatitig sa kawalan, bumuntong hininga bago makipagpalitan sa kaniyang opinyon.

"Kinagawian ko nang manatili sa dilim at iwasang gawin ang mga bagay na alam kong wala akong mapapala lalo na sa suhetsyon mong maging miyembro ng organisasyong hindi ko kailanman binibigyang-pansin. Mas pipiliin ko pang tahakin ang sarili kong landas ayon sa kalayaan ko." ngisi ang kaniyang ibinigay matapos kong sabihin iyon at muling humithit ng sigarilyo.

"Kahit hindi ako ang totoong magulang mo, nakikita kong sumasalamin ang kakayahan mo sa kung anong alas na mayroon ako. Dadating ang araw na iyang hinahangad mo ay pipiliin ang pinupunto ko. Castriel, ganiyan din ako dati." at tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto. Napailing na lamang ako sa mga narinig at pinatuloy na magpatianod sa mga sandaling pinapairal ko ang sarili kong kaisipan.

Kinalaunan, humupa na ang ulan kasunod ang mga ibong lumilipad dito sa hardin banda sa likod-bahay kung saan nakatanim ang iba't ibang mga bulaklak ngunit mas nananaig ang dami ng mga pulang rosas dito na silang madalas ko nang binibigyang-atensyon, inaalagaan at naging parte na rin mismo ng buhay ko. Batid kong mas nabibigyang-buhay ang kanilang anyo hudyat ng kanilang pagsibol at namumukadkad na kahulugan, kahulugang tumatatak sa aking malalim na kamalayan tungon sa madilim na kahulugan.

Sa pagkahumaling ay nawalan ako ng pag-iingat sa mga sandaling iyon kaya nakita ko na lang ang aking natusok na daliring nagdurugo. Napangiwi na lamang ako sabay sipsip dito. Hindi naman gaanong malubha ang pagkatusok ngunit alam kong matinik ang mga rosas kaya kailangan ng maingat na paghawak dito. Pinagpatuloy kong pagmasdan ang iba pang mga halamang bulaklak nang mahagip ng mga mata ko ang isang nililipad na papel gawa ng malakas na hangin, napako ng tingin ang nakaguhit sa papel na iyon kaya muli ko iyong kinuha.

Pamilyar ang simbolong nakaguhit dito sa tuwing maaalala ko ang tungkol sa sindikato kung saan ang simbolong pinanghahawakan ng tumatayo kong ama ay ang ilustrasyon ng agila habang ang nasa papel na hawak ko naman ay bihira ko lang na makita at walang kahit isang impomasyong nalilirip tungkol dito, marahil na isa lamang itong ordinaryong papel na ginuhitan ng depikto ng "phoenix" - ang isang naturang mitikal na ibong sumasalamin sa pagkasilang, kamatayan, at bagong buhay, ayon sa nalalaman ko sa libro. Itinupi ko na lamang ang papel at napagpasiyahang ilagay na lamang ito sa bulsa ng shorts ko.

Nalaman ko na lang kay Theon ang tungkol sa pag-alis ng aking ama-amahan upang may asikasuhing personal na bagay, nakaupo lamang ako sa sofa rito sa sala habang kalmadong nagbabasa ng hawak kong diyaryo kasama ang matalik kong kaibigan na si Theon na umiidlip sa kabilang sofa. Mas matanda ito sa akin ng apat na taon.

"Nanggaling pala dito si Boss Avis. May sinabi ba siya sa'yo, Castriel?" saglit ko siyang pinagbalingan. "Natitiyak ako na hinimok ka niyang maging isa sa amin. Ama-amahan mo na ang naghimok sa iyo, bakit mo pa palalampasan. Matalino ka, mautak, at hindi lang sa paningin ni Boss Avis kundi na rin ako na naniniwala sa potensyal mo."

"Ikaw ang kanang kamay niya kaya sarili mo ang intindihin mo, labas na ang salita ko tungkol diyan kasi malabo iyang hinihiling mo, kaibigan." saad ko. Muli niyang tinakpan ang mukha niya ng bukas na libro.

"Basta nandito lang ako bilang kaibigan mo, rerespetuhin ko kung ano iyong mga desisyon mo sa buhay lalo na't nakatira ka sa mismong pamamahay ni Boss Avis, maaaring manganib ang buhay mo. Kung gusto mong maging ligtas, dalawa lang ang pwede mong pagpilian: maging kagaya ko na isa sa grupo ni Boss o kaya naman lumayo." napailing na lamang ako. May punto naman siya sa sinalaysay niya na kung pipiliin ko mang lumayo, malalayo ako sa kapahamakan ngunit hindi iyon ang nangunguna sa mga kagustuhan ko.

Marahan kong kinuha iyong isang talulot ng rosas mula sa lamesita at humiga na rin sa sofa habang pinagmamasdan ang anyo nitong nalalanta na, nakalagay lamang ang diyaryo sa aking dibdib habang niraramdam ang katahimikan ng paligid at sikat ng araw na tumatama sa direksyon ko.

Kung buhay ko ang pag-uusapan, batid kong naaapektuhan na ng ama-amahan ko ang aking pagkatao kaya maraming mga taong umiiwas na sa akin simula't sapul pa lang hindi dahil alam nila ang tungkol sa tinuturing na Boss ni Theon kundi dahil nakikita nila kung paano ko ibabad ang sarili ko sa madilim na pananaw, mga bagay na naging parte na rin ng aking kaisipan upang gamitin ito sa reyalidad - na kailangan ding sumulong sa pinakamalalim at pinakamadilim na pag-iisip upang masilayan ang tunay na layunin para sa maingat na aksyon para sa taong kagaya ko.

Ngunit habang tumatagal ay napapaisip ako sa isang naturang bagay. Batid kong kuntento ako sa buhay na mayroon ako bagamat hindi mahalaga sa akin ang tunay na kasiyahan at walang masama sa oras ng kalungkutan dahil naniniwala akong may positibong epekto rin ito. Sa kabila nga lang ng kalungkutan ay may isang bagay akong madalas ko na ring nalilirip kaakibat ang simbolo ng phoenix na nakaguhit sa papel - pagkasilang, kamatayan, at bagong buhay. Layunin ko nga ba talagang maging ligtas kung sa loob-loob ko ay mas magiging mabuti kung magkaroon ako ng bagong buhay upang masilayan ang bagong mundong magmimistulang tahanan ng aking kamalayan. Hindi magiging problema sa akin kung sa bagong buhay ko ay marami akong bagong masisilayan ngunit problema kung paulit-ulit akong makukulong sa ganitong klase ng buhay.

"Labas na ang kaligtasan sa priyoridad ko, mas nanaisin ko na lamang na masilayan ang bagong buhay kaysa makiisa sa ama-amahan ko." napabalikwas naman si Theon na tila nabigla sa aking sinabi at kaagad na tumungo sa kinaroonan ko.

"Anong pinagsasabi mo, Castriel. Gusto mo na bang matapos ang buhay mo at hindi isipin ang mga masamang mangyayari sa'yo? iyon ba ang pinupunto mo. Castriel, kaibigan kita at naiintindihan ko naman iyong sitwasyon mo. Lumaki ka nang hindi kailanman nakilala ang tunay mong mga magulang."

"Ngayon lang kitang nakitang nagdadrama. Wala naman akong sinabing tatapusin ko ang buhay ko, nalilirip ko lang kung ano iyong posibilidad na mangyayari sa akin kapag nagkaroon ako ng bagong buhay, iba sa buhay ko ngayon. Kung malabong mangyari iyon, ayos lang."

"Sa ating dalawa, ikaw lang ang naniniwala sa ganiyang bagay." ikinurba ko ang labi ko at nanumbalik sa pagbabasa ng diyarbo imbes na makipagpalitan pa sa kasama kong 'to. "Ito ang lagi mong tatandaan. Bilang kanang kamay ng iyong ama-amahan, responsibilidad kong panatilihin ang kaligtasan mo kahit na ayaw mong mapabilang sa grupo."

Pinaalam na sa akin ni Theon na saglitan lamang ang kaniyang pagpunta rito kaya naman napako ang tingin namin sa isang itim na kotse na kaagad ko namang napagtanto na sa kaibigan ko ang kotse na iyon hudyat na pasakay na siya at pabalik sa kanilang lugar. Nakakailang hakbang pa lamang kami mula sa bahay nang may isang pamilyar na wangis ang lumabas ng kotse at pumunta ito sa direksyon namin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala: alam ko nang isa siya sa tauhan ng ama-amahan ko at lagi na ring kasama ng aking kaibigan.

"Kailangan na nating magmadali, kailangan na tayo ni Boss Avis." nilipat niya ang tingin niya sa akin at doon naman kumunot ang noo ko dahil sa pag-asta niya. Napayuko siya sa mga segundong iyon. Batid niyang anak ako ng tinutukoy niya ngunit mas umiiral sa kabatiran ko na hindi ganiyan umasta ang tauhan ng aking ama-amahan. Kalimitan ay matatanging sila ay kalmado at walang bakas na pag-aalala sa mukha. Saglit na namayani ang katahimikan tsaka ko siya itinapik sa balikat.

"May gumagambala ba sa iyo o sadyang natatakot ka lang sa presensya ng Boss mo." kumento ko. Tila naghihintay si Theon ng salita mula rito ngunit hindi kaagad ito nakasagot. "Matagal ka nang tauhan ng ama-amahan ko at sa lahat ng tauhan niya, masasabi kong may kakaiba sa inaasta mo. Inuulit ko, may gumagambala ba sa'yo?"

"I-ilang beses na po akong dinadalaw ng takot sa tuwing may binibigay na misyon si Boss Avis. Natatakot sa kung ano maaaring mangyari sa akin na baka ikamatay ko pa, pilit kong iniiwasang mangyari sa akin ang nangyari sa kapatid ko. Kitang-kita ko sa mga oras na iyon kung paano siya binaril ng kasangga namin, hinihiling kong malabo sanang mangyari sa akin iyon. Wala naman po akong planong umatras dahil handa akong pagsilbihan si Boss Avis."

"Sa dami ng binitiwan mong salita, muntik na akong matawa." saad ko. Pareho silang napatingin sa akin na ginantihan ko naman ng marahan na iling. "Alam mong tauhan ka niya, malaking responsibilidad na panatilihing maayos ang sarili mong imahe para mapatunayan mong hindi ka umaatras. Mabuti na kaligtasan ang isa sa priyoridad mo kung iyan ang lagi mong iniisip. Kung naaalala mo iyong sarili mong nakaraan, iwasan mong makaramdam ng takot o kaya naman imbes na pilitin mong iwasan na mangyari rin sa iyo iyon, mas mabuti kung gamitin mo iyong alaala na iyon para mas maging maingat ka at lakasan pa ang loob mo. Kung ganiyang takot ang bumabalot sa iyo, baka iyan pa ang maging dahilan sa pagkamatay mo. Kung babakuran mo lang ang problema, ikaw mismo ang magiging problema."

"Narinig mo ang anak ni Boss Avis. Lagi mong tatandaan iyan kung ayaw mong mamatay. Tara na." at tuluyan na silang lumisan.

Nakapamulsa lamang ako sa mga sandaling iyon, nakamarka sa aking plano ang tumungo sa café upang magkape. Sa isang araw pa ang pagbalik-unibersidad ko kaya may sapat pa akong oras upang gawin ang mga bagay na minsan ko lamang nagagawa. Masagana ang siyudad na ito sa pagkakatantiya ko, maraming pwedeng puntahang establisyimento, mga sasakyang dumadaan, at ang kalsadang may basa pa ng ulan kasabay ng paglanghap ko sa amoy nito o ang tinatawag na petrichor.

Malapit lang ang café mula sa bahay kaya mabilis akong nakarating dito na ako sa loob. Maaliwalas ang paligid dito pati ang nasa labas kung saan kakaunti lamang ang mga sasakyang dumadaan at galaw ng mga tao, idagdag pa ang tugtog ng musikang nananaig dito sa loob ng café. Sa mga segundong iyon, muli kong sinimsim ang Espresso kasabay ng paglanghap ko sa mabangong amoy nito. Kung may lugar man na palagi kong pag-aaksayahan ng oras, iyon ay manatili rito upang ramdamin ang kalmadong sandali habang iniinom ang paborito kong kape.

Itutuon ko na sana ang atensyon ko sa binabasa kong dyaryo nang may mabanaag ako hindi kalayuan sa pwesto ko. Tila hindi ako komportable sa binabasa ko dahil sa lalaking nakabaling sa gawi ko. Saglit ko siyang pinagbalingan para makumpirma ko kung nagmamasid kahit na isa lamang akong kustomer dito na tahimik lang na umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng kaba dahil nga batid kong nanganganib ang buhay ko sa oras na may makaalam sa tungkol sa akin, na isa nga akong anak-anakan ng isang lider ng sindikato. Ulit-ulitin ko man ang katagang iyon ngunit hindi ko kailanman maikakaila na kailangan kong mag-ingat sa lahat ng oras at maging handa sa posibilidad.

Iwinaglit ko na lamang sa isipan ko iyong taong iyon, nakasuot ng itim na sombrero at hoodie jacket kaya malabong masilayan ang hitsura niya. Pagkaraan ng ilang minuto, naubos ko na ang iniinom kong kape kaya naman tumayo na ako. Sinulyapan ko muna iyong lalaki bago humakbang palayo sa pinagpuwestuhan ko.

"Bata." rinig kong boses mula sa likuran ko, sinisigurado kung ako ang tinutukoy niya kaya naman nilingon ko ang taong iyon. Sa hindi inaasahan, kaharap ko na ngayon ang kaninang nagmamasid sa akin, napatingin naman ako sa iniaabot niyang wallet. Doon ko napagtanto na nahulog ko pala iyong wallet ko at nagkataon na siya ang nakakita nito.

Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyong wallet at nagpasalamat sa kanya ngunit hindi pa ako kampante kaya tinignan ko ang laman nito. Nakapagtataka na nawawala iyong litrato ko na kasama ang aking ama-amahan, matagal nang nakalagay dito iyon at natitiyak akong hindi kaagad ito makukuha mismo sa loob nitong wallet. Tumingin ako banda sa pinagpuwestuhan ko pati sa counter na baka aksidente ko lamang na nahulog habang kumukuha ako ng pera.

"Nasa'n na 'yong litrato." mahinang sambit ko nang mabigo sa paghanap ng litrato na iyon hanggang sa magsimula na akong kabahan. Halos maestatwa ako gawa ng pag-iisip kung paano nawala iyon at paano kung may nakakuha ng litrato, malaman ang koneksyon ko sa aking ama-amahan. Napailing na lamang ako, hinihiling na baka iniwan ko lang iyon sa bahay kaya gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Palabas na ako ng cafe nang may maulinigan ulit akong pamilyar na boses.

"Ikaw pala ang anak."

Dumidilim na ang paligid kaakibat ang mga nagdaang oras kung saan makulimlim ang kaulapan dahil sa pagbuso kanina ng ulan. May kalamigan ang temperatura ng panahon at kalakasan ng hangin na tumatama sa katawan ko. Tanging mga bumubusinang sasakyan at boses ng mga dumadaang tao ang aking naririnig sa mga oras na iyon hanggang sa makalayo na ako ng cafe, tila mas humihina ang tunog ng aking naririnig. Kumpara kanina ay mas madilim na ang dinadaanan ko ngayon, rinig ang tahol ng mga asong nakakulong sa loob ng bahay ng kanilang amo.

Napatingin naman ako sa gilid ko hanggang sa mapansin kong may taong naglalakad din mula sa bandang likuran ko. Nakumpirma ko na lang na siya iyong nakaengkwentro ko kanina sa cafe, malabo pa ring masilayan ang kaniyang mukha dahil sa suot at idagdag pa ang madilim na paligid. Minadali ko ang paglalakad, nanunumbalik ang kaba na tila nanaisin ko na lang na makauwi na kaagad. Nilingon ko ulit ang wangis niya. Naisipan kong mag-iba ng daan upang masigurado kung sinusundan nga ba ako niyong tao. Lumiko ako patungong eskinita, mas namayani ang dilim na bumabalot sa paligid kasabay ng pagbaling ko sa pinaglakaran ko. Nakapagtatakang wala na sa paningin ko iyong lalaki. Bumalik ako sa bukana ng eskinita ngunit hindi ko na siya makita pa, pumapalinga nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari sa akin. Baka napapraning lamang ang kaisipan ko at iniisip na mapapahamak ngunit wala akong katiyakan kaya kailangan ko pa rin mag-ingat.

Marahan akong umatras nang may mabangga akong isang tao. Bago ko pa siya lingunin ay may nakatakip nang panyo sa ilong at bibig ko. Kakaiba ang amoy nito hudyat na naapektuhan ang kondisyon ko hanggang sa makaramdam ng panghihina at bago ko pa igalaw ang katawan ko, doon na lamang nandilim ang aking paningin at nawalan ng wisyo sa kung anong sumunod na mangyayari sa akin.

Dilim, lahat ay nababalot ng kulay itim dahilan upang wala akong masilayang kahit anumang bagay kaakibat ang paglinga ko sa paligid, walang katiyakan kung may malay ba ako o wala. Ni isang bagay ay walang pumapasok sa aking isipan ngunit napukol na lamang ang aking atensyon sa isang maliit na ilaw, mas tumatanglaw hanggang sa mag-iba ang aking nasisilayan.

Nahanap ko ang aking sarili na patuloy sa pagkaripas ng takbo habang nilalampasan ang mga bahay kahit na wala akong makitang kahit isang residente rito, nasaan ako at bakit ako patuloy na tumatakbo na tila ako ay kanina pang hinahabol ng kung sinumang lingid sa aking kaalaman. Walang tigil sa pagtakbo, bumibilis hanggang sa mapatigil ako sa harap ng isang maliit na bahay, gawa ito sa kahoy at ang nasa paligid naman ay mga kulungan ng aso, iba pang mga bahay at mga damuhan kung saan ang bukana ay pumaparte sa rural na kalsada: anong ginagawa ko rito.

Sa loob-loob ko, kampante ako sa aking kinatatayuan; komportable sa mga oras na iyon habang minamasdan at pinapanuod ang mga galaw ng kaunting tao rito. Hindi nagtagal ay bigla na lamang nag-iba ang aking kinaroroonan na napalitan ng lugar kung saan may mga truck dito, mga bahay at mga taong abala sa kanilang mga kinagagawian. May sariling galaw ang aking mga paa na naglalakad patungo sa isang maliit na bahay na gawa naman sa konkreto. Isang maliit na batang lalaki ang umagaw sa aking atensyon, tumatakbo papunta sa direksyon ko at nahanap ko na lang ang sarili ko na binubuhat at mahigpit na niyayakap ang bata, pakiramdam ko ay may koneksyon ako sa batang ito na nagbibigay saya at galak sa mga sandaling iyon.

"Papa!" masayang bulalas nitong bata kaya napalingon ako sa aking likuran kung sino ang tinutukoy niya. May isang nakatayong lalaki pero hindi ko masilayan ang kaniyang hitsura, biglang lumabo ang aking paningin. Wala na rin akong binubuhat na bata at tanging kaming dalawa na lamang ang narito sa lugar na ito.

Sino ang lalaking ito. Marahil na siya ang ama niyong bata ngunit punong-puno ng katanungan ang aking isipan, nagugulumihanan. Hinawi niya ang kaniyang damit upang ipakita ang tattoo sa kaniyang dibdib, isang nakaguhit na phoenix na may limang numero sa gilid. Itinuro naman niya ang sa akin, sinuri ang aking dibdib nang malaman kong pareho kaming dalawa ng tattoo.

"Castriel, kailangan mo nang umalis dito! May gustong pumatay sa'yo!" sigaw ng aking kaibigan na si Theon sabay hatak niya sa aking kamay palayo sa lugar na iyon. "Responsibilidad kong panatilihin ang kaligtasan mo lalo na't wala kang ibang masasandalan."

Idinilat ko ang aking mga mata nang malaman kong panaginip lang pala ang mga pangyayaring iyon. Napabalikwas ako dahil sa narinig kong busina ng sasakyan, bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking dibdib dahilan upang mahirapan akong bumangon. Pagtingin ko ay laking gulat ko na lang na mayroong nakalagay na tattoo sa aking dibdib kagaya ng napaginipan ko, parehong-pareho sa ilustrasyon ng phoenix pati ang limang mga numerong mas lalong umantig sa aking kuryosidad: sino ang naglagay sa akin nito at bakit may ganito akong tattoo. Ibinalik ko ang pagkakabutones ng polo ko at nanumbalik sa aking wisyon. Doon ko na lang napagtanto na nakatulog ako rito sa eskinita ngunit iba sa eskinitang pinagtakbuhan ko noon. Iba ang kulay ng dingding pati ang bukana ay iba rin ang porma. Pilit kong inalala ang nangyari sa akin bago mapunta rito. Nanumbalik sa alaala ko ang isang taong nagtakip ng panyo sa aking ilong upang ako'y patulugin, natitiyak ako na iyong lalaking sumunod sa akin ang may kagagawan niyon.

Inayos ko muna ang aking sarili bago lumisan. Dalawa lamang ang nag-uunahan sa aking plano, ang planong makabalik sa bahay at pangalawa, malaman kung nasaan ako ngayon. Laking pasalamat ko na nasa bulsa ng short pants ko ang aking wallet kasi kung wala ito, baka malabong makabalik ako sa amin.

Sumakay ako ng bus, walang malirip na katiting ng impormasyon kung paano ako makakauwi nito, sinubukan kong magtanong-tanong sa konduktor.

"Saang lugar po ba ito?" tanong ko.

"Nawawala ka ba, iho?" marahan akong tumango. "Kung nais mong humingi ng tulong, ibababa ka namin sa simbahan, tiyak na may makakatulong sa iyo ro'n."

"Ahm..." wala na akong ibang sinambit kundi sumang-ayon na lamang. "S-sige po." iniabot ko ang bayad at kinuha ang sukli. Umusog ako banda sa bintana dahil ito na rin ang paborito kong puwesto sa tuwing sumasakay ng bus.

"Mag-ingat ka lalo na't hindi mo kabisado ang lugar na 'to. Pwede kang mapahamak."

Muli kong isinandal ang aking ulo sa sandalan, niraramdam ang lamig na bumabalot sa aking katawan na nagmumula sa aircon nitong bus. Tanging ang nararamdaman ko lamang ay pagkabalisa dahilan upang maging pasmado ang aking mga kamay na nakakapit sa aking damit at ang mas malala ay nang mapagtanto kong iniwan ko sa bahay ang aking cellphone kaya imposibleng matawagan ko ang aking kaibigan. Gagawan ko na lang siguro ng paraan dahil dala ko naman ang wallet ko.

Sa kalagitnaan ng biyahe, natatandaan ko pa rin ang mga binitiwang salita niyong konduktor na pwede raw akong mapahamak, lahat naman ng sulok ng lugar ay walang kasiguraduhan kung ito ba ay ligtas na puntahan o hindi. Iwinaglit ko na lang iyon sa isipan ko at ibinaling ang tingin sa labas nitong bintana, binababad ko lang ang aking sarili sa mga nadadaanang puno, bahay-bahay, at mga taniman hanggang sa mapagtanto kong mas dumarami na ang mga konketong estruktura ang nasisilayan ko, mga pamilihang pinagkukumpulan ng mga taong abala sa kanilang ginagawa at ang sikat ng araw na tumatama sa aking direksyon. Ngunit wala pa akong nakikitang simbahan katulad ng sinabi niyong konduktor kaya kinuha ko na lamang ang pagkakataon na iyon upang umidlip dahil dinadalaw pa rin ako ng antok.

"Bata, dito na ang simbahan." nalingat na lamang ako nang marinig kong magsalita ang konduktor. Sa oras na iyon, napagtanto ko na lang ako na lang pala ang natitirang pasahero rito sa loob at hindi sigurado kong ilang minuto akong nakatulog, basta ang mahalaga ay natatanaw ko na sa labas ang estruktura ng simbahan na tinutukoy ng konduktor na iyon. Marahan akong tumayo at naglakad palabas nitong bus.

Sa pagkakatantiya ko, katamtaman lang ang laki nitong simbahan na napapaligiran ng mga bahay-bahay ngunit makikita ang kalsadang nasa pagitan nito, kalmadong kapaligirang sinasabayan ng mga kaunting taong tumutungo sa mismong entrada ng simbahan, masasabi kong ligtas ang lugar na ito ngunit sa loob-loob ko, nakakaramdam ako ng lungkot mula sa dating nitong lugar o marahil na dala lamang ng pagkabalisa sa kabila ng nangyari sa akin dahilan para mapunta ako lugar na kinatatayuan ko, napapatanong kung paano ako makakabalik nito.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niyong simbahan, sa gilid niyon ay mga sementadong hagdan kung saan may mga taong nakaupo sa bawat hakbang nito. Bago ko pa maisipang tumungo roon ay may tumapik na lang sa balikat ko kaya nilingon ko ang wangis nito, isang lalaki na nakasuot ng itim na polo at pantalon, mas matangkad sa akin at makikita ko ang malamig na ekspresyon sa mukha nito.

"Magsisimba ka ba rito?" tanong niya. Umiling naman ako bilang tugon.

"Hindi." matipid na saad ko.

"Mukhang bago ka lang dito sa lugar namin. Linggo ngayon at halos lahat ng residente rito ay tumutungo ng simbahan upang magsimba. Isa nga pala akong sakristan at nais kitang anyayahan na dumalo sa misa. Tara." pag-anyaya niya. Nagdalawang-isip pa ako bago pumayag sa hinihimok niya, nag-aalangan kung pagkakatiwalaan ko ba ang taong ito kahit na binanggit niyang kasapi siya ng simbahan. Nauna na siyang maglakad na sinundan ko lamang, pumunta sa gilid ng estruktura at sa bawat hakbang ay mapapansin kong nasa akin ang atensyon ng mga tao rito na tila ngayon lang nila ako nakita bagkus ay totoo naman.

Magsisimula pa lamang ang misa habang namamayani ang tunog ng kampana. Imbes na sa loob mismo kami ng simbahan pumasok kung saan gaganapin ang misa, nagtaka na lamang ako nang mag-iba kami ng daan at pumasok sa isang maliit na pintuan. Walang katao-tao rito sa bukana at tanging kaming dalawa na lamang ang narito banda. Pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang nakakapanibagong silid na hindi karaniwang matatagpuan sa tipikal na simbahan, kakaiba. Opisina; matatanaw ko ang isang matandang babae may suot na abito, nakaupo sa swivel chair kaharap ang lamesang gawa mismo sa kahoy, ang mga kuwadro na nakadikit sa dingding. Nakatayo naman ang tatlong bata sa gilid - dalawang babae at isang lalaki. Matapos kong kilatisin ang lugar na kinaroroonan ko, dalawang katanungan ang umiral sa aking kaisipan: anong ginagawa ko rito sa parte ng simbahan na ito at bakit kakaiba ang tingin ng mga tao rito sa akin sa loob na para bang may ginawa akong hindi kaaya-aya.

Napako ang tingin ko sa lalaking umako sa akin nang humakbang siya palapit doon sa babae at may binulong dito. Nanatili lang akong nakatayo sa mga sandaling iyon at naghihintay ng pagkakataon upang magsalita, upang magtanong at masigurado kong sila ang makakatulong sa akin hanggang sa magtama ang tingin namin niyong matandang babae kaya naman nagsimula na akong umimik.

"Nais ko pong hingin ang tulong ninyo. Sa katanuyan niyan, hindi po ako taga-rito sa lugar na 'to at kung pwede ko pong malaman kung nasaan ako para makabalik na po ako sa amin."

"Babalik ka saan, iho? at sa anong dahilan at paano ka napunta rito?"

"May dumukot po sa akin." diretsong saad ko.

"Hindi nga maganda ang nangyari sa'yo. Dito sa lugar namin, marami nang mga masamang nangyari, mga taong nahulog sa panganib at mga nakakagimbalang insidente kung saan maraming mga namamatay mula sa kamay ng mga masasamang loob. Gusto kong malaman ang kaso mo kung sino ang dumukot sa iyo kaya ka napunta ka rito. Pwede kitang matulungan pero mahirap makalabas dito sa aming barangay." naudlot ang sasabihin ko nang magsalita ulit ang matandang babae.

"Dahil umaaligid dito ang mga sindikato sa krimen."

Sapat na ang ilang beses na pagtunog ng batingaw upang simulan na ang misa rito sa simbahan kaya sinundan ko ng tingin ang mga taong kasama ko rito na naglalakad palabas nitong silid patungo sa pinagmumulan ng misa habang ako ay naiwang napapaisip sa sinabi niyong abesa tungkol sa isyu ng kanilang barangay, marahil nga na nakakatakot para sa mga residente rito kung totoo man ang isinalaysay niya ngunit isinantabi ko na lamang ang iniisip at mas piniling alamin kung paano makakabalik sa amin sa tulong ng mga kasama ko rito kanina lang. Sa kalagitnaan ng pag-iisip, napansin kong may isa pang pinto sa kabilang dako nitong silid na naiiba sa unang pintong kailangan pang kumuba. Ang pintong iyon ay gawa sa kahoy, may liwanag sa gilid nito kaya napagtanto ko na lang na patungo sa likod ng simbahan ang naturang pintuan na iyon.

Napakunot na lang ang noo ko nang maulinigan ang pamilyar na mga boses sa kabila, nagbubulungan ngunit may tonong pagdidiin kahit na malabo para sa akin na marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Naantig ako ng kuryosidad sa mga oras na iyon upang gumawa ng bagay para marinig ko at natitiyak na ang dalawang iyon ay ang abesa at ang lalaking naghimok sa akin na tumuloy rito sa lugar na ito. Marahan kong binuksan itong maliit na pinto gaya ng aking plano at muling binuksan ang aking tainga sa kanilang diskusyon.

"Mapanganib ang ginawa mo, maaari kang mapahamak dahil anak pa niya ang napili mong puntiryahin." nag-aalalang sabi niyong abesa. Pansin kong sila lamang ang taong narito sa tapat habang humahalo naman ang tunog sa loob ng misa. Mas nag-ingat ako at pilit na huwag gumawa ng kahit anong ingay. Mali man na makiusyuso ngunit hindi buo ang tiwala ko sa mga naeengkwentro kong mga tao rito.

"Walang pong mali sa ginawa ko at natitiyak kong ito ang tamang panahon para maghiganti sa paraan na wala akong mapapatay ngunit nais kong iparanas sa taong iyon ang sinapit ng aking ama. Ang tattoo sa dibdib niya ang magsisilbing paraan para mapuntirya siya ng mga taong iyon at sigurado akong hindi pa siya kilala ng mga iyon."

"Ipagdadasal ko na lamang ang kaligtasan mo. Tara na't baka hinahanap na tayo ni father." at tuluyan na silang lumisan, pumatak ang mga segundo kasabay ng pagtatanto sa palitan nila lalo na sa mga binitiwang salita niyong lalaki. Mas lalo akong nabagabag dahilan para mapagpasiyahan kong lumisan na rito sa simbahan. Malabo pa sa akin kung sino ang tinutukoy ng lalaking iyon pero sa loob-loob ko, hindi na ako pwedeng magpakita sa mga iyon.
Continue Reading Next Chapter
Further Recommendations

faithyedeson: I love the writing style it was amazing..I loved the suspenseAnd am rating to this with 5 starsWhat a wonderful book

Ellen Gibson: This is by far one of the best books I have read. I enjoyed it very much. It was easy to follow and understand. Looking forward to reading more stories from this author

Charles: I like it all. I would recommend everybody to read it. I give you those rate because the story was very good. I want to continue reading more.

Tonya Purdessy: I loved it! Great story

Tshena: I genuinely found this book so attracting when I heard about the plot. It was a great idea and had a lot of potential but I think the writer didn't execute the idead how they should've been executed.Mainly, the characters were so dull, and boring. They were typical cliches and had no uniqueness i...

Mary2003: Will continue with the next one asap

Löttle: I love every single one of your books!!<3 <3 🥰🥰❤️❤️😍😍💕💕💕💕 I've read the whole riders of Tyr series by know except for the part about Vince but I'm going to read that next!! I'm sooo excited!!!!

Kristin: What the heavens to Betsy???Why??????I loved it but hated the ending ugh. Poor Monkey 😪😪😪

Connie White: 😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊

More Recommendations

Helene 🦋: I enjoyed every bit of this series 😍❤️

jogamaspearce: Equally as good if not better 👍. Seriously, you're making me cram- read because I can't wait to see what happens next. Thank you.

Elizabeth: I loved this short story. Amazing as always.

Rachael: Okay so I've read about 150 stories here on this app, and many more on others. But I honestly had trouble putting this one down. It has a nice mystery twist to the romance and the whole story was unique. The characters were easy to understand and not too many. The whole story I was able to fly th...

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.