Red Blood Academy: The Lost Heiress

All Rights Reserved ©

Chapter 1

Pagkaimpake na pagkaimpake ko ng gamit ay sumakay na ako ng bus


"Saan ang destinasyon mo ineng?" tanong ng konduktor. "Vaulter City po."sabi ko.

Bigla syang nagpanic at may hinugot na kung ano sa bulsa nya.

"Isuot mo iyan at wag na wag mong tatangalin iyan sa palapulsuhan mo at mag iingat ka doon."sabi ng konduktor

Pagkabayad ko tumango na lang ako at nag kibit balikat sa sinabi sa akin ng konduktor.

Ano kayang meron sa bracelet na ito at ibinigay sa akin ni Manong Konduktor.

Iwinaksi ko ang lahat ng nasa isip ko at umidlip muna para mamaya may lakas ako.

Nagising ako sa tapik sa akin ng katabi ko kaya napadilat ako ng mata.

"Ineng..." tawag ng matandang babaeng katabi ko. "Po? Ako po ba?" sabi ko.

Tumango naman ito at kinuha ang palad ko atsaka nya inilapat ang palad nya sa palad ko.

Ano kayang ginagawa ni Manang sa palad ko? Nabalik lang ako sa realidad mg suminghap sya.

Napakunot ang noo ko sa pagsinghap nya. "Bakit po?" tanong ko.

"Mag iingat ka ija hindi ordinaryong tao ang makakasalamuha mo at may isang panganib na darating sa iyo o sabihin kong may naghahanap sa iyo para patayin ka." mahabang litanya ng babae.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya sa akin kaya napabitaw ako kay Manang pinilig ko ang ulo ko.

Isinawalang bahala ko yung sinabi ng matanda at tumingin na lang sa labas.

Bakit habang tumatagal dumadami ang punong na dadaanan namin? Atsaka medyo madilim na din sa lugar

Nagtagal pa ang byahe ng isang oras at huminto ang bus sa may mapunong lugar.

"Sinong bababa dyan ng Vaulter City!?" tanong ng konduktor. "Ako po." sagot ko

Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit ko saka naglakad papunta sa harap kung nasan ang konduktor. "Manong, dito na po ba iyon?" tanong ko.

"Oo, ineng saka pumasok ka lang dire-diretso sa loob nyan."sabi nya.

Tumango lang ako atsaka bumaba ng bus. Bumungad sa akin ang isang masukal na gubat.

"Ang creepy naman dito...."mahina kong bulong.

Kinikilabutan ako sa lugar na ito hindi ko maiimagine na mapunta sa ganitong uri ng syudad atsaka ayaw ko pang mamatay sa ganitong klaseng lugar.

Huminga ako ng malalim atsaka ko kinuha ang mga gamit ko at naglakad papasok sa loob ng masukal na gubat.

Natatakot at kinakabahan mam ako ay kailangan kong pumunta dahil yun ang habilin sa akin.

Ano kayang gustong sabihin ni Mama sa akin at kung bakit nya pa ako pinapunta dito e kung mas tahimik naman akong namumuhay doon sa amin.

Tumitingin ako sa buong paligid at wala manlang katao tao na mapagtatanungan ko.

Maya-maya habang naglalakad ako nakaramdam ako ng presensya sa likod kaya hinanda ko yung sarili ko sa mga susunod na mangyayari.

Nagdirediretso lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar kung saan para Maynila o sabihin na lang nating New York City.

"Wow!"sabi ko. Naglakad na ako ng diretso at talagang ang ganda at sobrang dami ng tao.

Magtanong na kaya ako kung saan ang ponchopilatong eskwelahan yun.

Naglakad lakad ako kahit mabigat ang bagpack na dala dala ko. May nadaanan akong tindahan saan ang tinda ay ang mga accessories.

"Ah..." ang hirap namang magtanong dito sa lugar na ito.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo ineng?" tanong ng babae

"Ah.. Magtatanong po sana ako kung nasaan po yung Red Blood Academy?" sabi ko.

Biglang nag iba ang kulay ng mata nito kaya kinurap ko ang mata ko pero naging itim ulit ito. "Yun bang eskwelahan na iyon?" tanong nya

"Opo atsaka tumatanggap po ba sila ng transferee?" sagot at tanong ko.

"Sa totoo nyang ineng enrollment pa lang ngayon at sakto lang ang pagdating mo dito." sabi nya.

Napa 'ah' na lang ako atsaka nya tinuro ang daan papunta sa eskwelahang iyon. Habang naglalakad ako may mga naririnig akong mga bulungan o sabihin na nating tsismis.

"Labing walong taon na at hindi pa din nahahanap ni Empress at Emperor ang unica hija nila"

Empress at Emperor? Meron pa ba nun?

"Grabe hindi ko aakalaing matibay pa din ang pag asa nilang dadating ang unica hija nila"

"Atsaka ang balita pa daw ay nasa kamay ng tao ang anak ni Empress at Emperor"

Eh? Iba ba talaga dito?

"Ang balita ko ay hinahanap pa din nila hanggang ngayon sino ang kumuha sa Crown Princess"

'Grabe ang weweirdo ng mga tao rito' hayag ko sa isip ko

Napatingin sa akin yung dalawang nag tsitsismisan at nanlilisik yung mga mata kaya agad agad akong naglakad paalis at pumunta na sa pupuntahan ko.

Nakarating ako sa isang malaking gate na tipong ni magnanakaw hindi makakapasok sa loob ng eskwelahan. Malaking malaking gate at nakasulat in a gold color 'Red Blood Academy'

"Are you new here?"untag sa akin ng isang boses. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat bago ako lumingon sa likod ko

Tumango lang ako. Pansin ko lahay ng tao dito sobrang putla pero napakapula naman ng labi nila. "Come here, Follow me inside." sabi nya.

Kinuha ko yung gamit ko at sumunod sa babae papasok sa loob."Baguhan ka lang ba sa lugar na ito?" tanong nya sakin.

"Opo."sagot ko.

"Dala mo ba ang mga gamit mo.. i mean yung mga dokumento mo?" tanong nya.

"Ah opo." sagot ko. Kukunin ko na sana sa bag ko yung mga dokumento pero pinigilan nya ako kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit po?" tanong ko. "Itabi mo na lang yan dahil hindi na kailangan iyan." sabi nya. Tumango na lang ako ulit at sumunod sa kanya.

Nakarating kami sa malaking double doors at mukhang puro mayayamang tao ang nandito.

"Hanggang dito na lang ako, pumasok ka sa loob ng opisina ng Directress at sya ang mag aasikaso sa iyo."sabi nya

Tumango lang ako at saka naman sya umalis. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at talagang nakicreepyhan ako sal ugar nai to dahil puro apoy lang ang ilaw.

Biglang bumukas yung pinto kaya nagitla ako sa pagbukas nito.

'Nakakatakot dito grabe!' sabi ko sa isip ko

"Hindi ka pa ba papasok?"malamig na tanong ng babae. Hinanap ko ito kung nasaan pero wala kaya nagtaasan na ang mga balahibo ko.

Tumuloy na ako sa loob at talagang pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng opisina ng directress ay napakaganda ang kaso ang bigat ng atmosphere.

Nakarating ako sa table ng directress at nandoon sya at may ginagawa. Tiningnan ko yung pangalan na nakasulat sa harap.

Directress Amaia Therese Angevine

Grabe pati pala sa pangalan kakaiba. Bakit kaya ako Imperia ang surname ko no?

"Here are the application paper. Fill it up and i need your blood sample. " she said.

Namutla ako sa huli nyang sinabi na 'I need your blood sample'. "Para saan po ang blood sample?" tanong ko. Hindi ko kasi maiwasang kabahan e.

"Para sa medical mo."maikling nyang sagot. Tumango na lang ako at nag simula ng mag fill-up.

Name: Kharis Selene I. Patridge

Age: 16 yrs. old

Birthday: March 03, 20**

Sex: F

Blood Type: O+

Status: Single

Clan: None

Powers: None

Kind: ◻️ Vampire ◻️ Witch/Warlock ◻️ Wolves
✔️️ Human ◻️ Nymph

Binigay ko na yung maliit na sheet ng papel doon sa directress.

"Tomorrow is the orientation then the day after tomorrow will be the start of the class. This your card for all your needs and no need to wear a uniform." sabi nya

"And you're supplies are already in your locker." dagdag nya

Tumango lang ako at kinuha na yung atm card na binigay nya. Kanina habang mag fifill out ako ginawa ko yung nakanote sa bagpack ko na nilagay din ni Nanay bago sya mamatay.

'Wag mong gagamitin ang Imperia sa papasukan mong bagong eskwelahan at gamitin mo ang apelyido ko'

Yan ang nakalagay doon kaya sumunod ako.

Yung binigay ng directress na Card sa akin ay instant key ko daw yun sa locker at lahat ng students dito ay parehong ganun at nasa loob daw ng locker namin ang mga gagamitin namin.

Naglibot lang ako hanggang sa makarating ako sa students locker at doon ko hinanap ang number na binigay sa akin ng directress.

Locker #390

Nung nakita ko na yung locker ko ay tumakbo agad ako papalapit sa locker pero may nabunggo ako kaya natumba kami parehas.

Tumayo agad ako para tulungan ang nabangga ko.

"Naku pasensiya na hindi ko sinasadya!" nagpapanik kong sabi.

"Wala yun atsaka ako din naman nabunggo kita e."sabi nya. "Ako nga pala si Kharis" pakilala ko

"Belladonna Astrid from Reagan Clan." pakilala nya

'May clan ba talaga atsaka kailangang may uri ka?' tanong ko sa isip ko

"Oo kailangan yun kasi doon natin malalaman kung saan ka." sagot nya.

"Eh? Kailangan pa ba yun atsaka fictional lang naman yung mga yun." sabi ko.

"Hindi atsaka totoo kaming kinds na sinasabi mo"- sabi nya

Napatitig ako sa kanya at hindi talaga ako naniniwala na meron.

"I'm Belladonna Astrid Reagan from Reagan Clan and a Vampire"- saad nya "Paano naman naging totoo ang bampira? E halos sa telebisyon ko lang naman sila lahat napapanood."sabi ko.

Namula yung mata nya at nakita ko ang paglabas ng pangil nya.

"Oo na oo na naniniwala na akong bampira ka pero paano naman ang iba."sabi ko.

"I will tell you everything about our kinds at ano ang meron sa lahat ng nandito." sabi nya.

Tinanggal nya yung bracelet sa kamay ko kasabay nun ang pagpula at paglabas mg pangil nya kaya binalik nya yung bracelet sa kamay ko.

"Tao ka?" tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya. "Oh my god!" bulalas nya

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Bakit mukhang nagulat sya na tao ako?

"Bakit parang nagulat ka?" tanong ko.

"Sa last eighteen years kasi ay ikaw pa lang ang nakakapasok na tao dito. " sabi nya.

"Ah. " sabi ko

"Pero magiingat ka dito dahil baka mamaya may manakit sa iyo pero ako na ang bahala sao yo dahil kaibigan na kita."sabi nya.

She looks creepy but she's beautiful

"Agad agad?" tanong ko. "Ayaw mo?" nagtatampo nyang sabi

"Gusto kasi first time ko talagang magkaroon ng kaibigan sa tanang buhay ko." sabi ko.

Nagliwanag naman ang mukha nya at kumapit sa braso ko. "Anong locker number mo?" tanong nya

"390." sagot ko. "Ikaw? Saan naman ang locker mo?" tanong ko.

Tinuro nya yung may mga gintong pinto.

"Yun ang locker namin atsaka malapit lang din sa iyo kaya bibilisan ko na lang ang pagkuha ng dorm room number ko." sabi nya sabay laho na parang bula

Ngayon nagkaroon ako ng kaibigan pero bampira na mabait kasi sa lahat ng napapanood ko ay yung madugo kaya ayaw kong nakakakita ng dugo.

Kanina habang kinukuhanan ako ng blood sample ay nakapikit lang ako dahil takot talaga along makakita ng dugo.

Kinuha ko na sa loob ang dorm number ko.

"Room 309."banggit ko. "O nakuha mo na pala e." she suddenly appeared

"Anak ka ng kalabaw!" gulat kong sabi.

Nagpeace sign lang sya sa akin at ngumiti.

"Sayang dahil hindi kita ka roommate dahil hiwalay kami sa inyo."sabi nya. "Ang sabi sa akin ng directress mix tayong lahat sa iisang building." sabi ko.

"Oo mix tayo pero nasa pinakataas kami at occupies namin ang buong lugar." sabi nya

"Bakit parang nakaspecial treatment kayo?" curious kong tanong. Pero teka nga sino sino ba yung tinutukoy nito?

"Ang tinutukoy ko ay ang Royal Prince and Princesses at doon ako nakahanay kaya ganun."sabi nya. "Ilan ba kayo?" tanong ko.

"11. See you tomorrow in the orientation." sabi nya sabay takbo palabas sa loob ng locker room.

Ako naman nakatanga lang dito at nakatingin sa pintuang nilabasan nya.

Tumingin na ako sa wall clock at 7 PM na kaya naglakad na ako paakyat sa magiging dormitory ko para sa buong ilang taon ko dito sa loob ng academy na ito.

Tsk! Ang hirap mag adjust pagbago environment mo lalo na hindi talaga ordinaryong mga tao ang kasama ko kung hindi iba't- ibang uri ng creatures na napapanood ko.

Continue Reading

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.