One Shot

All Rights Reserved ©

Summary

Just my imaginations.

Genre:
Other
Author:
jeyelverdant
Status:
Ongoing
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

Why?

Ang sayang pagmasdan ang mga taong may ngiti sa kanilang mukha. Tila ba'y wala problemang dumarating sa kanilang buhay.

Nakakainggit sapagkat heto ako nababalot ng kalungkutan. Mag-isa akong naglalakad sa tabi ng dagat, piniling mag-isa.

Bakit nga ba kailangan pang samahan kung iiwanan din lang ng mag-isa?
Bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan din naman?
Bakit kailangan pang magpatawad kung uulitin din naman?
Bakit kailangan pang may dumating kung aalis din naman?

"Bakit mag-isa ka lamang rito?" Naputol ang aking pag-iisip sa isang boses na may dalang kakaibang damdamin sa aking puso.

Unang tumama ang aking paningin sa kanyang mga kulay itim na mga mata. Mga matang 'di ko akalaing matatagalan ko sa kabila ng kabang idinulot nito sa akin ngunit ang lahat ng ito'y nawala sa simple niyang pagngiti.

"Hmm." May lambing sa kanyang tono ngunit parang normal lamang ito sa kanya.

Para akong napipi at hindi magawang makapagsalita. Sa kanyang presensya, aaminin kong kakaiba ang aking nararamdaman. Lumapit ito sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod.

Wala sa sariling napaatras ako. Nakita kong tumaas ang gilid ng kanyang labi bago muling umabante. Umaatras lang ako sa bawat hakbang na ginagawa niya. Nararamdaman ko na rin ang alon ng tubig sa aking mga paa.

Nakatingin lang ako sa kanya ganoon din siya sa akin. Sa patuloy na pag-atras ko ay hindi ko namalayan na nakatapak na ako ng bato dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse. Akala ko'y tuluyan na akong matutumba ngunit naramdaman ko ang isang braso na pumalupot sa aking bewang.

Natulala ako nang makita ng malapitan ang kanyang mukha. May nunal pala ito malapit sa kanyang mata. Maliit lamang kaya makikita lamang ito kapag malapitan.

Mabilis ang tibok ng aking puso ko. Ang naririnig ko lang ngayon ang pag-agos ng tubig at malakas na pintig ng aking puso. Lihim kong pinapanalangin na sa sana'y hindi niya marinig o maramdaman ito dahil magkadikit ang aming katawan.

Para kaming nagpapaligsahang dalawa kung sino ang unang kukurap ay siya ang talo. Pinagmamasdan niya ako gamit ang mga itim ngunit seryosong mga mata, wala man lang itong ngiti sa kanyang labi. Ako naman ay hindi ko alam ang itsura ko. Ang alam ko lang ay nakatingin lang ako sa kanyang mata at hindi na maalis pa.

"Bakit nga ba ngayon lang kita nakita?"

Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya. Umayos ako ng tayo bago tanggalin ang brasong niyang nakahawak pa rin sa aking bewang.

"Anong sinasabi mo diyan?"

Nakita kong namilog ang kanyang bibig bago ngumiti at taasan ako ng kilay.

"Akala ko ay hindi ka magsasalita."

Tinignan ko lang siya bago nagawi ang tingin ko sa kanyang likuran. Tinatawag na ako ng kaibigan ko.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya bago tumango na lamang. Akmang lalagpasan ko siya ng hawakan niya ang aking braso.

"What's your name?"

Ang mata ko at napako lamang sa kamay niyang nakahawak sa aking braso. Nakaramdam ako ng kuryente mula roon.

"K-Kaira."

"Ok, Kaira. See you when I see you."

Binitawan niya ang braso ko. Doon ko lamang naibalik ang tingin ko sa kanya na ngayon ay naglalakad na palayo mula sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Bakit nararamdaman ko ang ganito?
Bakit nakadama ako ng lungkot noong tinalikuran at naglakad siya palayo gayong ngayon ko lamang siya nakita?

"Kaira! Tara na!"

Napatingin ako sa aking kaibigan na sumisigaw na habang sumesenyas na lumapit ako. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa direksyong kanyang tinungo ngunit hindi ko na matanaw. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kaibigan kong mukhang nangangalay na.

"Tara inom tayo! Welcome back sa buhay ng mga single, Kaira!" Itinaas nito ang bote ng beer bago na upo sa tabi ko.

Kanina iyong lalaki lamang ang nasa isip ko. Maging ang pakikipagbreak ko sa boyfriend ko na talagang dahilan kung bakit ako nandirito ay nakalimutan ko.

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. Bakit una palang naming pagkikita iba na ang nararamdaman ko?
Bakit lahat ng sakit at pighating nararamdaman ko ay bigla na lang nawala ng makita ko siya?
Bakit siya lang ang paulit-ulit kong nakikita?

Nalilito na ako. Kagagaling ko lang sa break-up ngunit bakit ganito na ang nararamdaman ko?

"Ano ba'yan, Kaira! Maghunos-dili ka! Kung 'yong panget mong ex-boyfriend ang iniisip mo ngayon, kalimutan mo na siya!"

Napatingin ako kay Ericka. Matagal na siyang single. Magmula noong huli niyang relasyon ay hindi na siya ulit sumubok pa.

"Tignan mo ako. Single pero masaya!"

Kilala ko si Ericka, pinakikita niya lang sa akin na masaya pero ang totoo mahal niya pa rin ang huli niya. Tinignan ko lang siya ng maigi. Pinakikita sa kanya na hindi ako naniniwala.

"Aba! H'wag mo akong tignan ng ganyan! Ha! Kung iniisip mo na mahal ko pa rin yung hinayupak na 'yun. Gumising ka dahil hindi na!"

Mabuti kami lang narito at walang ibang tao. Ayos na magsusumigaw siya. Tutal lasing na rin naman siya.

"Kaira, sinabi ko naman sayo na ayaw ko 'yung vibes ng ex mo! Tignan mo! Sinaktan ka niya! Para siyang si Gino! Mga manloloko! T-Tapos sila pa malakas makipag-break! Ang titigas ng mukha! Magpinsan nga!"

Kaya hindi ako naniniwala na nakapag move on na siya dahil sa tuwing nalalasing siya ay si Gino ang bukang-bibig niya.

"Minahal naman natin sila pero sinaktan pa rin tayo! M-Mahal na mahal ko siya eh! Pero niloko't iniwan niya pa rin ako!"

Hinagod ko lang ang likod niya. Nagsisimula na rin siyang humagulgol. Alam ko ang sakit na pinagdaanan niya dahil naranasan ko na iyon.

Ngayon hindi ko alam kung bakit kami pumunta rito. Para sa akin ba o sakanya dahil siya itong naglalabas ng loob pero gayunpaman nasa tabi niya lang ako habang hinahagod ang likod niya.

Mapait akong napangiti. Magkaibigan nga kami. Same feelings, same broken.

Muling nagbalik sa akin ang panlolokong ginawa sa akin ni Jad. Magkarelasyon pa lang kaming dalawa ay may kinakalantari na siyang iba. Almost 2 years na kami pero mas pinili niya pa 'yung kalandian niya.

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. Ano ba ang kulang? Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya lang siya pero bakit mas pinili niyang iwan ako?

Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga masasayang araw naming dalawa. Noon na kung paano niya pa akong ligawan. Mga ngiti sa labi namin na hindi na mabura. Masaya pa kami eh, pero lahat ng 'yon nawala ng dahil sa panloloko niya sa akin.

Hindi ko namalayan na nagsituluan na pala ang mga luha ko. Patuloy ko paring hinahagod ang likod ni Ericka na ngayon ay nakatulog na pala dahil sa pag-iyak at kalasingan. Hindi ko magawang uminom dahil walang mag-aasikaso sa amin kung parehas kaming malasing.

Pinahid ko ang luha ko bago buhatin si Ericka. Halos matumba kaming dalawa, nanginginig ang mga tuhod ko. Maging ang bigat niya ay hindi ko mabuhat.

"Kaira?"

Napalingon ako sa likod kung saan nagmumula ang boses. Nakita ko ang magulo niyang buhok na matatakpan ang kanyang mga mata.

Sa boses niya ay nakilala ko siya. Hinawi niya ng bahagya ang kanyang buhok kaya muling nagtama ang aming tingin. Ngumiti ito sa akin bago lumapit. Ha'yun na naman ang puso ko na bumibilis sa pagpintig.

"Can I help?" Tumango ako. Kinuha niya ang kabilang braso ni Ericka. Sabay kaming pumunta sa may suite namin.

Lumabas ako ng suite nang maihatid namin si Ericka.

"Thank you, ah... uhm..." Ngayon ko lang na alala na hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Fernan." Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay na tinanggap ko naman.

"Maglakad-lakad muna tayo." Tumango lang ako sa sinabi niya at sumunod.

Tumatango-tango lang ako sa mga sinasabi niya at tumatawa kapag nagpapatawa siya. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Hindi ko naman siya kilala pero parang ang puso ko na ang nagdesisyon na sumama sa kanya. Parang sinasabi nito na pagkatiwalaan ko siya. Na hindi siya masamang tao, na hindi niya ako sasaktan.

Napatunayan ko iyon, sa pag-uusap namin parang wala naman siyang gagawing masama. Pasensiya na, pagkatapos ng lahat-lahat ng nangyari. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magtiwala pa.

Nayakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang lamig. Ngumiti siya sa akin bago isinenyas ang 'di kalayuang club sa kinaroroonan namin.

Umorder siya ng inumin namin bago pinanonood ang mga taong nagsasayaw ng banayad sa mabagal na kanta.

"Hmm, ano bang gusto mo sa lalaki?" Napatingin ako sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa mga nagsasayaw.

Kanina ay pinag-uusapan namin ang mga bagay-bagay na nakikita o may naalala lang namin ngayon ay tungkol na sa mga gusto namin. Sa pag-uusap namin kanina, hindi ko itatanggi na malakas pa rin ang tibok ng puso ko kapag nar'yan siya.

"Gusto ko sa lalaki?" Uminom muna ako bago mapabuntong hininga.

"Simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko 'yung hindi ako lolokohin at iiwan. He will stay beside me. Only me who really he loves."

Naramdaman ko na naman ang hapdi sa aking puso. Kaninang kasama ko si Fernan ay nakalimutan ko pansamantala ang sakit na naidulot ni Jad sa akin ngunit ang muling isipin itong muli ay nadodoble ang sakit.

Bumaling ako kay Fernan bagong ngumiting muli.

"Ikaw ba, ano ba tipo mo sa babae?" Mahina siyang tumawa bago uminom. Tumitig sa akin.

"Iyong babaeng gusto ko."

Nangunot ang noo ko sa labo ng sagot niya.

"Sino ba iyong babaeng gusto mo?"

Ngumiti ito sa akin bago tumayo at ilahad sa akin ang kamay niya.

"Let's dance."

Gumantin naman ako ng ngiti bago tanggapin ang kamay niya. Hinatak niya ako papunta sa gitna at nagsayaw kami doon ng mabagal.

"Let me be your shoulder cry for once, Kaira."

Nakatitig lang ako sa mata niya.

"I know, you still don't know me but you can trust me. It's ok if you won't tell me what's behind the pain in your eyes."

Randam ko ang pagiinit ng mata ko. Pilit kong itinago ang sakit na nararamdaman ko kanina. Hindi ko alam kung paanong nakita niya pa iyon.

"Let me be your shoulder cry and trust me for your feelings."

Hindi ko mapigilan ay naluha na ako. Hirap na hirap akong magpigil kanina pero ngayon sa isang iglap lang ay bumubuhos na itong lahat.

Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Fernan ngunit patuloy pa rin kami sa pagsayaw ng mabagal.

Lahat ng pighati at sakit na naramdaman ko ay inilabas ko.

"M-Minahal ko siya, sobra ko siyang minahal. Ang sakit, ang sakit, ang sakit-sakit."

Hinayaan niya lang akong ilabas ang lahat ng hinanaing ko. Habang nakayakap sa kanya. Huminto na rin kami sa pagsayaw.

"A-Ang dami kong t-tanong sa sarili ko. Ni-isa ay wala akong n-nakuhang sagot."

"A-Ang daming b-bakit na gumugulo sa isip ko. Parang gusto ko na lang s-sumabog."

Inilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Let me wipe your tears. Let me change it to tears of joy. Let me answer your question through my actions. Let me to make you happy. Let me, let me to enter your heart."

My tears keeps flowing. Natulala ako sa mata niyang puno ng sinseridad.

Bumaba ang mata niya sa mga labi kong kimikibot. Naramdaman ko nalang ang labi niya sa akin.

Akala ko hanggang doon nalang 'yon. Akala ko pagtapos ng gabi mawawala na siya.

Nagkamali ako, pinatunayan niya ang lahat ng sinabi niya. He is always there for me. He never leave me. He make me happy. My tears is now full of joy.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang gingawa ko. Kaka-break lang namin ni Jad. Ngayon ang atensiyon ko ay na kay Fernan na.

Sa tuwing nababanggit si Jad ay ayon na naman ang hapdi sa aking puso. Ngunit kapag si Fernan ang nandiyan ay patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

Nalilito pa rin ako ngayon. Hindi ko pa alam kung mahal ko pa ba si Jad. Ang alam ko lang may nararamdaman na ako para kay Fernan.

May naramdaman na ako pero natatakot ako. Natatakot ako na baka sa huli, mali ang desisyon ko na papasukin si Fernan.

Mabait na tao si Fernan, inihayag niya sa akin ang damdamin niya ng malinis. Ayaw ko siyang saktan pero alam kong, alam kong masasaktan at masasaktan pa rin.

Dumaan ang mga araw. Tinanggap ko siya, alam ko na sa puso ko. Ngayon, siya na talaga ang mahal ko. Kahit natatakot ay pinili ko parin siyang papasukin. Wala namang masama ang sumubok muli.

Naging masaya ang pag sasama naming dalawa. Siya at ako, parang kami lang ang nasa mundo. Para sa akin siya na ang taong gusto kong pakasalan.

Ayaw ko na siyang bitawan, para sa akin siya na talaga. Pero ngayon napatunayan ko talaga na wala talagang permanente sa mundo.

Iniwan niya ako. Iniwan niya ako para sa ibang babae, na naman.

Sa ginawa niyang iyon. Nadagdagan ang tanong sa bakit.

Bakit sa lahat ng minahal ko ay pinagpapalit ako?

Nagmakaawa ako na h'wag na akong iwan na ako ang piliin niya ngunit nawindang ang mundo ko nang malaman na buntis pala iyong babae niya.

"Ha! Isa na naman palang sira-ulo yan!" Sabi ni Ericka habang pintatahan ako.

"Dapat sa mga ganyang lalaki ay pinuputulan ng alaga!" Dagdag pa niya.

"Naku! Kaira, hayaan mo makaki—ta rin tayo ng lalaking mamahalin tayo at hindi ipagpapalit sa mukhang higad!"

Niyakap niya ako. Wala siyang pakialam kung mabasa ko na ang damit niya.

Natatakot na akong magmahal pang muli.
Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi muling magpapasok. Masasaktan lang uli ako.

Pero 'yun ang akala ko. Si Fernan na kilala ko, Si Fernan na minahal ko. Muling nagbalik, muling kumakatok.

Pilit ko siyang pinagtabuyan, pinagsarhan ng pinto. Isinarado ang tenga h'wag lang siya marinig, h'wag lang marinig ang puso ko na ang pangalan pa rin niya ang isinisigaw.

"Kaira, please! Pakinggan mo ako!"

Pinagsaraduhan ko lang siya ng bintana, gate at pinto. Ayaw ko siyang papasukin, mas lalong ayoko siyang pakinggan.

Paulit-ulit niya akong tinawag pero nagmatigas ako. Nagulat na lang ako ng kumulog ng malakas.

"Kaira! Hindi ako aalis rito! Hanggang hindi mo ako pinakikinggan!"

Kasunod ng pagsigaw niya ay ang sunod-sunod na malakas na pagkulog. Lumabas ako para tignan siya. Nag-uumpisa ng umulan.

"Umalis ka na! Hindi kita kailangan. Mas lalong hindi ko kailangan ng eksplanasyon mo!"

Umiling siya at hindi ako pinakinggan.

"Kaira! Ayoko, hindi ako aalis rito."

Bumuhos na ang malakas na ulan. Nakita ko na rin ang pagbasa niya. Muli akong pumasok sa loob at nagmadali na maghanap ng payong.

Lumabas ako nakita ko siyang wala na roon. Lumapit ako upang makasiguro. Nakita ko siya sa gilid ng gate, nakaupo't nakasandal. Basang-basa na rin siya. Nagawi ang mata niya sa akin at dali-dali siyang tumayo.

"K-Kaira..."

Agad ko siyang pinayungan kahit alam ko na namang walang silbi dahil basa na rin naman siya.

"Bakit nandito ka pa?! Basang-basa ka na! Umuwi ka na."

"Hindi ako uuwi, Kaira. Kailangan natin mag-usap."

"Mag-usap? Nag-uusap na tayo!"

"Kaira please, after this I won't bother you. Just please, listen to me. Let me explain."

Nakita ko sa mata niya ang pagod. Hanggang ngayon ang mga titig niya ay nakapagpapahulog sa akin. Na-miss ko siya pero kailangan ko magpakatatag para hindi na muling masaktan.

Bumuntong hininga muna ako bago siya pinayagan pumasok.

Ngumit siya sa akin, ngiting pagod.

Kumuha muna ako ng twalya at maligamgam na tubig para hindi hindi siya lagnatin.

"K-Kaira, I-I love y-you."

Tinignan ko lang siya ng walang emosyon. Pinipilit na huwag tumibok ng mabilis ang puso ko sa kanya. Bumigay ako. Naramdaman ko ang mga luhang akala ko'y hindi na tutulo dahil sa kanya.

"K-Kaira, I'm sorry for all that I've caused. I-I hurt you, I know. I'm a jerk, Kaira."

Tinitignan ko lang siya. Kahit na ayaw kong tanggapin ang mga salita niya ngunit dumadaretsyo ito sa puso ko na parang patalim.

"Bakit ba andito ka? Masaya na ako, bakit bumalik ka pa?!"

"K-Kaira..."

"H'wag mo ko ma-Kaira-Karia diyan, wala kang karapatan na banggitin ang pangalan ko!"

Pumikit siya at huminga ng malalim.

"Kai—" sinamaan ko siya ng tingin bago niya pa matuloy ang pagbanggit ng pangalan ko.

"I'm not the father."

Natulala ako sa sinabi niya.

"I'm n-not the father. It was my t-twin, Felipe. I didn't tell you about him but yes I have a twin. Believe me, even me I-I didn't know that I have."

Tumingin siya sa akin gamit ang mga pagod niyang mga mata.

"I n-need to protect h-him. There is someone who's after his life but I, I-I failed. I f-failed to save my brother."

I saw tears flows down on his cheeks. Nakatingin parin siya sa akin at hindi niya iyon tinatanggal.

"The c-car he is using, e-explode."

Tulad niya patuloy paring tumutulo ang luha ko. Maging ang dibdib ko tila lalong bumigat.
Pumikit siya bago muling tumingin sa akin.

"My b-brother, he is fucking millioner."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"His wife, I need to take care of her and also their child."

"Why you didn't tell me?" Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita. Hindi ko akalaing may pinapasan na pala siyang ganoon. Lagi lang siyang nakangiti sa akin na parang walang dinadala.

Umiling siya bago nagsalitang muli.

"I have to choose between you and her and I choose her. I'm sorry, I want to choose you but your safety and their safety are more important."

"What do you mean?"

"Keeping you close from me, might put you in danger. I need to protect her and her child. I can't protect the both of you at the same time."

"But you could have tell me! Why do you have to hurt me? You could have tell me. I'll understand."

Matagal siyang nanahimik at nakatingin lang sa akin.

"Na saan na siya? Na saan na ang bata?"

He looked at me with his watery eyes.

"She died."

Napasinghap ako. Napahawak din ako sa dibdib at randam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"H-How?"

"She died after she gave birth. That time we're still hunting the person behind my brother's case."

Bumaba ang tingin niya. Yumuko at nilagay ang kamay sa kanyang ulo.

"I'm sorry, I hurt you. I know sorry is not enough word to forgive me but please, give me another chance..."

I don't know what to do. Pagkatapos niyang magkwento ay parang prinoproseso pa ng utak ko ang lahat.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Alam ko sa sarili ko na hindi pa rin ako handang tanggapin siyang muli. Alam ko ngayon na kailangan niya ng karamay, ng taong masasandalan.

I hugged him and I heard him crying. Maging ang luha ko ay patuloy sa pagtulo. Buong gabi lamang kami nag-iyakan kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala siya. Kumuha lang ako ng kumot at unan para sa kanya. Dumaretsyo na rin ako sa kwarto.

Hindi ako makatulog dahil sa mga isipin ko. Matapos marinig ang lahat. Pinag-iisipan ko kung handa na ba uli akong magpapasok.

Pinili kong h'wag muna, maganda siguro kung palilipasin muna. Hindi na rin naman ako ginulo pang muli ni Fernan pagkatapos ng gabing iyon. Tumupad siya sa sinabi niya.

Mahal ko parin siya, iyon ang alam ko. Gusto kong lumaban uli pero natatakot ako. Natatakot akong baka sa huli maiwan na naman akong mag-isa.

Dumaan ang ilang buwan hindi ko aakalaing makikita kong muli si Fernan. Ngayon kasama na ang kanyang pamangkin. Napagdesisyunan naming maging magkaibigan muna. Gusto naming bumalik sa una. Kung saan ayos pa ang lahat.

Ngunit sa bawat araw na magkasama kami hindi siya nawawalan ng pag-asang ibalik ang dating kami.

Sa tingin ko ay ayos na ako. Tinanggap ko siyang muli. Hindi niya ipinaramdam sa akin na iiwan niya akong ulit.

Natatandaan ko pa ang mga kataga niya noong gabing iyon bago niya ako halikan.

'Let me wipe your tears. Let me change it to tears of joy. Let me answer your question through my actions. Let me to make you happy. Let me, let me enter your heart.'

He wipe my tears when I feel so down. Lagi siya na riyan noong mga panahon na umiiyak ako dahil sa ex ko. Hanggang sa ang mga luha ko ay purong saya na dahil sa kanya kahit na napalitan din ito ng mapait na luha dahil rin sa kanya. Gayunpaman naibalik niya ang luhang puno ng saya.

'Let me answer your question through my action.'

Lahat ng katanungan ko ay nasagot.

Bakit nga ba kailangan pang samahan kung iiwanan din lang ng mag-isa?

May mga panahon na may mga taong nariyan para sa'tin. Tulungan, samahan at mamahalin tayo pero lahat ng iyon may hangganan.

Bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan din naman?

Hindi natin mararanasan ang tunay na saya kung hindi nasasaktan.

Bakit kailangan pang magpatawad kung uulitin din naman?

Ang pagpapatawad ay napakahalaga sa lahat ng tao na gumawa ng mali sa taong importante sa kanila. Humingi ng tawad, pintawad. Inulit, nasaktan muli. Hindi dahil pinatawad puwede na muling gumawa ng mali. Pinatawad dahil nagtitiwala silang hindi na nila uulitin iyon.

Bakit kailangan pang may dumating kung aalis din naman?

Dumarating ang isang tao sa ating buhay upang tulungan tayo. Maging kung sino tayo. Maging matatag, maging malakas. Hindi darating ang isang tao na walang dahilan sa ating buhay. Walang permanente, sa oras na umalis sila natapos na nila ang kailangan na gawin sa buhay na'tin. Natapos na silang gawin ang nararapat nilang gawin upang tulungan tayo.

Bakit sa lahat ng minahal ko ay pinagpapalit ako?

Lahat ng minahal ko mula sa mga naging ex ko ay pinagpalit ako. Noong una akala ko ay pinagpalit rin ako ni Fernan pero pinatunayan niyang ako lang ang nag-iisa sa puso niya. Na hindi ako kapalit-palit na tao. Walang kulang kung sino ako. Ipinaramdam niya sa akin na ako lang, ako lang. Walang labis, walang kulang. I'm perfectly suit for him.

Ngayon sasabihin kong napakaswerte ko sa lalaking nag ngangalang Fernando Elvis Gonzales. Hindi niya akong muling iniwan. Andyan siya sa akin sa lahat ng bagay. Pinatunayan ang sarili para sa akin.

He looked at me not just a woman nor just his wife but a partner in life until we die.

Maybe it all start by why's but now we have the answers but not all why's have an answer. Sometimes those why's the answer whom you really love.

We grew older, we grew stronger. There's no end in two people who truly love each other.

Continue Reading
Further Recommendations

Curvykitten: The author broached a very difficult subject but did it with care and understanding. Liam is a man in a million. So glad i read this

beaner4499: I really enjoy that you write the book with both characters POV’s. It’s nice as the reader to hear that it’s not one sided. In reality you’re always wondering if the person likes you as much as you like them, but with the 2 POV’s it’s nice to know they mutually like one another!As always I thorou...

cathytoussct: It is an instereting book, i love the way they met, i would recommend the book to all of my friends, who do not believe love happens when you least expect it.

Anileve Lenoroc: story is exciting,love it. cooool.

caitrionahannongti: I would give this book full marks . It made me feel all sorts of emotion. I basically didnt stop reading it once i started . I felt so drawn to it. The only problem i had i wish there was more to read of this story. Overall it was written. Very good grammer. She is very gifted .

Saavikam17: Respectfully I dont think this short story should end there. Everthing has been laid out like the imtroductory chapter of a novel, its a taster of more to come but the last part just doesn't feel complete somehow.I did enjoy what I read but didn't understand what the 'smirking' was all about.I c...

Olivia Davids-Manuel: Beautiful I loved it

Meenakshi: Looking forward to more amazing reads from you

Aurelia: ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

More Recommendations

tyraclardy72: I love this story can’t wait to read the next book

Rochelle Jean Jerrum Doré: This book was an amazing Christmas romantic comedy. I absolutely loved the characters and the romantic developments within the plot. I hope the author write the romance of Dinah, Trina and Honor in the future as I’d love to read them! This book was absolutely brilliant.

Columbine Pirouette: This is a great story! Hoping to see the latest update!😊

Kapua MB: Overall sweet story with detailed characters. I feel there were some missed opportunities for further character and storyline development. The epilogue explained everything that happened to each character, but as a reader I would have loved to read a few more chapters to get the full experience. ...

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.