One More Time

All Rights Reserved ©

Summary

On Going..

Genre:
Other
Author:
seraphinavalen
Status:
Ongoing
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
16+

Chapter 1

Nakatulala ako ngayon sa Canteen. Pinapanood ko yung mga tao kumain, mag-usap at mag lakad. Itong mga kaibigan ko naman nagchi-chismisan nanaman, palagi naman. Hindi lang ako nakisali ngayon kasi alam ko na yung pinag-u-usapan nila. Hello, I'm no. 1 chismosa kaya marami rin akong source para lang malaman yung mga ganap sa iba namin classmate kung may mga away ba. Habang nakapa-lumbaba ako nakita ko si Andrea at Russco na naglalakad at may dala-dalang biscuits. Pagka-upo na pagka-upo nila dinampot ko kaagad yung bread stick. Nagulat silang dalawa pero yung iba namin kaibigan walang pakelam dahil chismisan is life.

"Hoy!" Tawag saakin ni Russco. 'Di ko pinansin. Bahala siya, hindi naman "Hoy" ang pangalan ko kundi Alexandra Mae. Ayoko talaga sa Mae ko na pangalan.

"Aba, hindi ako pinansin." Sabi pa niya. Paanong hindi papansinin eh hoy ang itinawag saakin.

"Ang ingay mo naman, Russo!" Sabi ni Oliver. Buti nga.

"Akin na 'yan, Alex." Pilit niya saakin. Tinignan ko siya at inirapan. "Kaonti lang naman eh!" Tinarayan ko ulit. May sinabi sakaniya si Andrea kaso hindi ko narinig kaya tinignan ko siya.

"Ano nanaman 'yang sinabi mo, Andi?" Tanong ko sakaniya. Tinawanan naman ako. Siraulo na ata 'to eh.

"Meron ka ba?" Tanong niya saakin. Umiling lang ako sakaniya at binuksan na yung bread stick ni Russo

"Hati tayo dyan, Alex." Sabi ni Russo. Kumuha ako ng konti at nilagay sa palad ko para doon nalang ako kukuha, ibinalik ko naman kay Russo yung binili nilang bread stick. Medyo marami pa naman 'yon nung ibinigay ko.

Patapos na ang klase namin nung bigla kong naalala na Friday pala ngayon 1:30 ang uwian namin kaya recess lang ang meron kami at walang lunch break. Nang makalabas na kami sa room nila Andrea at Marcella hinintay muna namin sila Bianca, Lyra at Aaron sa isang room kasi sila yung magkaklase at sila Russco, Oliver, Benjie at Sean naman ay nahuhuli sa pag labas sakanila dahil nag-o-overtime yung teacher nila. Nang matapos na namin silang hintayin lahat ay sabay-sabay kaming lumabas sa School kasabay non ay ang paglabas ng mga cellphone namin sa bulsa at bag.

Pumunta kami sa Car Park dahil nandoon yung mga magsusundo saamin. Napag-usapan namin kanina sa Recess na ga-gala kami pupunta raw kami sa SM pero hindi naman sinabi kung saan, pumayag naman ako dahil Friday naman ngayon at yung ibang assignments pwedeng gawin bukas o sa Sunday ng gabi. Ang sabi nila 3:30 daw dahil maliligo pa raw sila at ako rin syempre. Pagkauwi ko naabutan ko na may naglilinis at tinanong ko isa sa mga kasambahay namin kung nakauwi na ba yung bunsong kong kapatid na lalaki. Ang sabi nakauwi na raw kanina pang 11:30, tumango nalang ako at umakyat papunta sa kwarto ng kapatid ko. Naabutan ko siyang nanonood ng TV. Ang cute naman talaga ng bunso namin.

Nang makita niya ako ay bigla siyang tumayo sa pagkakahiga niya at yinakap ako kaya yinakap ko rin pabalik. Ang sweet talaga nitong kapatid ko kaya swerte magiging jowa nito eh. Kaso ayoko muna baby pa siya. Pwede siya mag girlfriend kapag 20 na siya, charot! Kahit 18 okay na 'yon para makaranas agad siya ng maagang paghaharot, charot ulit.

"Hi ate!" Bati niya saakin habang nakayakap sa hita ko kaya lumhod ako para mayakap siya. Bumitaw naman kaagad siya at tinignan ko na nakangiti kaya nginitian ko din siya.

"Hello Castler, kumusta ka po?" Tanong ko sakaniya."Okay naman po ako, Ate. Ikaw po ba?" Sagot niya saakin."Okay din naman po. Wala ka bang assignment?" Tanong ko at agad naman siyang tumango.

"Opo. Tinapos ko na po agad." Wow, ang sipag naman talaga hindi katulad ko ganda lang meron.

"Gusto mo i-check ko gawa mo?" Tanong ko sakaniya kaso umiling naman siya saakin. Ay, wala talagang tiwala saakin 'to pag dating sa mga assignments niya. Okay lang naman. Sanay na ako, charing! "Sama ka saamin nila Kuya Oli mo gusto mo? Aalis kami." Tanong ko sakaniya. Kaso umayaw naman siya gusto niya nalang daw manood ng TV at mahiga sa kama niya.

Pagkatapos ko pumunta sa kwarto ni Castler, pumunta na agad ako sa kwarto ko at naghanap ng damit para mamaya pagkatapos kong maghanap ng damit ay pumunta na agad ako sa banyo para maligo. Wala ng pahi-pahinga dahil gusto ko na rin maligo, nalalagkitan ako sa sarili ko.

Nang matapos naman ako maligo ay nagbihis na agad ako. Ang suot ko ngayon ay Vintage Shirt at Vintage Loose High Waist Jeans and ang shoes ko ay Skechers Street Goldie. Tinignan ko sarili ko sa salamin okay naman medyo maganda pa rin naman ako. Hindi naman ako nagma-make up yung mga kaibigan ko lang ang nilalagay ko lang ay yung liptint. Magdadala ako ng pabango baka kasi mamaya bigla akong bumaho pero imposible naman kasi nasa aircon kami atsaka ang bango ng damit ko syempre mas mabango ako hindi ako magpapatalo. Napag desisyunan ko na hindi mag dala ng pabango dahil baka mangalahati nanaman 'tong Victoria Secret ko. Binili ko lang naman 'yan Lazada, charot! Binili 'yan ng mga magulang ko.

Kinuha ko sa bag yung cellphone ko panay naman ang vibrate nito. Siguro sila 'tong mga nagcha-chat. Tama nga naman ang hula ko sila nga ang nagcha-chat. Tapos na rin pala sila Antoinette at Benjie maligo pero sila Sean, Oliver at Aaron ay hindi pa raw naliligo. Si Denisse, Marcella, Andrea at Russco naman ay hindi nagcha-chat siguro naliligo na 'tong mga 'to o kaya naman nagbibihis na. Napapangitan talaga ako sa pangalan ng Gc namin sa Instagram. Hayok Sa Galaan tapos sa Twitter naman Hayok sa Pagkain tas sa Messenger naman Pogi ni Oli.

Madalas kami mag-usap sa Instagram. Ewan ko ba, mas trip namin kasi 'tong sa Instagram eh. Nagmumukha kaming artista. Sa messenger naman kapag may chismisan kami doon kami lumilipat. Naiinis na nga yung mga lalaki namin kaibigan eh, tapos meron rin kami sa Telegram pangalan naman ay Laitan.

Hayok Sa Galaan

Sean: Mamaya na rin ako.

Antoinette: Bahala ka. 'Wag kang lalapit saakin mamaya ah.

Oliver: Arte mo naman. Maliligo nga ako mamaya eh.

Me: Anyare mga 'te?

Aaron: Secret hulaan mo Alex.

Andrea: Tapos na ako. Kayo?

Me: Suntukin ko nguso mo mamaya, loko ka.

Me: Taray, sana all nakaligo na.

A: Oh my God, hindi ka pa rin naliligo, Alex?

Arte talaga nitong Lyra Antoinette na 'to.

Me: Naligo na 'ko, te. Sila Oliver, Aaron atsaka Sean lang naman ang hindi pa.

Oo nga pala, sila pala ang pupunta dito dahil Van namin ang gagamitin papunta sa SM. Hindi pa ako nagpapaalam sa aking Nanay at Tatay pero panigurado naman na hindi nila ako papayagan kaya hindi na ako nagpaalam atsaka tatawag naman si Ate Marites sa landline ng mga magulang ko para sabihin na umalis ako eh parang sila na rin ang nagpaalam para saakin. Nag-chat muna ako sakanila kung tapos na yung iba maligo kaso natagalan pa ako sa pagce-cellphone dahil nag videocall kaming lahat maliban sa tatlong huling naligo.











Continue Reading
Further Recommendations

Cristina: I enjoyed all three books of the Atoned Souls Series with their characters, the different POV, the story lines. Congrats to the gifted author who writes the books so smoothly.Will there be more stories/books following?

janettewood66: The main character is a very strong woman. Very good book.

ashleywinings: That was a beautiful story!! Keep up the great work

Holly: Amazing as always ☺️ I really enjoyed reading your novel and can't wait to read more of your novels 💖💖

famig03: Good story. Loved that it was a wee bit different from the usual MC stories going around. Keep it up, I'm looking forward to the next book.🤩

SHAL: This was a lovely book. Easy to read. So relatable not your typical story book romance. Author did s wonderful job

Dorothy McIntosh: Love it after all I'm reading the third one after this one keep going hun we love your books I'm going to read all of them because you are a good writer hun

🌊 Ainsley 🌊: The author made sure to include very detailed torture and love scenes, handled by the female lead herself. I also enjoyed the fact that the main character Journey wasn't afraid to defend herself or let her inner demon out on the members of the biker gang. It was a great read and look forward to r...

More Recommendations

saffiun: Love this story, could not stop reading

hannarosdan1997: The best book that I have read so far. I love Abigail's and Nathan's relationship and their family members. Would totally recommend this book to all my friemds!

By Terri: Really enjoyed this story! Definitely different. Keep up the good work!

maryam: I love the plot and story line of this book. I didn't like the time wasted when she died at first but it's cool

Kaylee: Honestly I was very much into the book it has so much potential and could be a great read but the author hasn't updated in a year so I think it safe to say it's not worth it unless you want to read and still think about this unfinished book later

Ellida Yngente: I admire the storyline , characters and dialogue all together . The plot is pretty interesting . Overall !your book is well written .

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.