Chapter 1
A vast, back emptiness surrounds me. I could feel my body floating. No foundation nor surface supports my feet.
A glint of blue fire catches my attention. I watch as it roars up in flames, shadows dancing around it.
I arch a brow as I watch the flame slowly start to die down. The shadows stopped its joyful dancing. I watch as the blue flame shrink in size. And slowly, deliberately I watch as it fades away into the dark abyss. A coldness seeped inside me, the darkness surrounds me once more.
But I jump as all at once, blue flames start roaring up, shadows dancing around. The whole place is lit up, yet I only see magnificent shades of blue.
And just as the first flame, these start to slowly, gradually die down. A coldness seeps in me once more...
Hindi ko maintindihan kung tungkol saan ang panaginip kong 'yon.
Nakaupo lang kami ngayon ni Khloe sa loob ng trycicle, at si kuya sa likod ng motor. Narinig kong may sinasabi si mang Albert na service namin, pero wala akong maintindihan.
"Haha, opo."
Nasabi ko nalang subconsciously. Unang araw ng grade- 6 ngayon. Malamig ang simoy ng hangin, nanlalamig na rin ang toes ko.
Napakunot ang nuo ko ng maalala kong sa 5th floor na ako aakyat.
Hindi ko masyado nilo- look forward ang pagpasok sa school ngayon. Pahe- paheras pa rin naman ang mga kaklase ko since kinder. Hindi kasi nagpapalagay ng transferees sa first section.
At dahil magkakasama kami since kinder, ka- close ko silang lahat. Pero hindi kami magka- kaibigan, si Trizha lang ang tinuturing kong kaibigan.
~~~~~~~
Tumigil na ako sa pintuan ng grade- 6 section 'faith'. Hinihingal na rin ako at late na ako! Hinabol ko muna ang hininga ko at nagtago sa gilid ng pintuan para hindi nila ako makita sa salamin nito.
Naririnig ko na mula sa loob ang Lupang Hinirang. Nag hintay muna ako bago matapos ang kanta at nag start ng mag panatang makabayan bago dahan- dahang binuksan ang pintuan.
Nakatingin lang ako sa lapag habang unti- unti akong pumasok sa kuwarto. At isinara iyong pintuan ng dahan- dahan. Nararamdaman kong tumingin ang ilan kong kaklase sa akin pero mabilis ring bumalik sa panatang makabayan.
Iginala ko sa buong kuwarto ang mata ko pero mukhang wala ang teacher dito, nag cr siguro. Napangiti naman ako dahil nakalusot ako sa late.
Nakita kong kumakaway ang kaibigan kong si Trizha mula sa dulong parte ng classroom sa may gitnang aisle. Wow, perfect ang pwesto. Ngumiti ako sa kaniya at inilapag ang bag ko sa silya sa tabi niya.
Nag simula naman ng mag Praise and Worship. Pagkatapos no'n ay bumalik na kami sa upuan at nag simula ng mag pakilala ang teacher namin.
"Good morning everyone" Ngiti ng babaeng sa tingin ko ay mga 27 years old lang, bago lang siguro siya.
Tumalikod na siya at nagsimulang mag sulat sa black board. Napangalumbaba na lang ako, bakit kaya black board ang tawag sa black board kung kulay green yo'n?
Humarap na ulit siya at ngumiti samin. "Good morning everyone, I am going to be your adviser and Mapeh teacher for this school year."
Ipinakita niya ang nakasulat sa black board, "My name is Ma'am Melody Dela Cruz and you can call me Ma'am Mel."
"I know that most of you already know each other. However, we have a new student with us today," nagbulungan naman ang mga kaklase ko.
"Sino kaya sa tingin mo yun?" Tanong ni Trizha.
"Aba, malay ko."
"Pero diba hindi naman nag lalagay ng transferees sa first section?" Tanong niya habang nag da- drawing ng mga mata sa notebook niya.
Napaisip naman ako, "Oo nga noh, malakas siguro," pag con- clude ko pa.
"Quiet, everyone," Nangibabaw muli ang boses ni ma'am Mel ng tumahimik na sa bulungan ang lahat.
"Let's welcome your new classmate, Nicca Lopez."
Bumukas naman ang pintuan ng classroom at pumasok doon si Nicca Lopez. Napalingon ang lahat sa kaniya at pinagmasdan siyang pumasok.
Maikli at bob cut ang kulay brown na buhok ni Nicca. Petite siya at maliit ang mukha. May dala din siyang sa tingin ko ay isang designer bag. Pero 'di ko rin sure dahil di naman ako mahilig sa mga designer bag.
Ngumiti si Nicca sa harapan sa tabi ni ma'am Mel.
"Would you like to introduce yourself?" tanong ni ma'am Mel kahit na kakasabi lang niya ang pangalan nung babae kanina.
Ngumiti naman si Nicca sa klase, mabait at maamo ang mukha nito. "Good morning everyone, my name is Nicca Lopez, nice to meet you all."
"Great! You can be seated now," gumala ang mata ni ma'am Mel sa classroom. At tumapat sa isang bakanteng silya sa tabi ni Trizha.
"You may seat beside miss Trizha Vasquez," sabi niya at itinuro ang silya. Tumaas pa ang ulo ni Trizha ng marinig niya ang pangalan niya, "po?" wala namang sumagot sa kaniya.
Tumango si Nicca at lumapit na sa amin. "Hi, nice to meet you," Ngiti pa nito ng ibaba na niya ang bag niya sa silya.
Sabay lang kaming Tumango ni Trizha. Paheras kaming hindi masyadong magaling sa pakikipag usap sa 'di namin kakilala. At sabay rin kaming nag baba ng tingin sa mesa namin.
Bumalik na si Trizha sa pag da- drawing ng mga mata at bumalik naman ako sa librong nabuksan ko pala kanina.
~~~~~~~~~~~~
"Good bye, ma'am Nora, see you tomorrow God bless you!"
Sabay- sabay at walang kabuhay- buhay ang paalam namin kay ma'am.
"Good bye and God bless, " masungit na saad ni Ma'am Nora. Tsaka lumabas na ng classroom.
Saktong pagsara ni ma'am Nora ng pintuan ay biglang umingay ang buong classroom.
Humarap ako kay Trizha, "Lika senior high tayo." Pag yayaya ko, sa senior high building kasi ako umo- order ng recess. Hindi rin naman bawal pumunta sa Senior High cafeteria. At tsaka doon din ako nagpa- padeliver ng lunch para sa lunch time.
Nakita kong medyo sumimangot siya at tumingin sa books niya. "May quiz eh, 'di ako nakapag review."
Napabuntong hininga nalang ako, "ako din naman eh, sabay sabay tayong babagsak 'wag ka mag- aalala. Tsaka may carbonara do'n," pag pupumilit ko.
Napangiti naman ako ng tumayo na siya, "Hay nako Serah, sige na nga," ngiti niya at kinuha ang wallet niya sa bag niya. Kinuha ko na rin ang pusang wallet ko na rinegalo ni Trizha sa akin n'ong Christmas party.
Papalabas na kami ng hallway ng makita namin 'yo'ng transferee na si Nicca na nakikipag- usap sa tatlo pang transferee.
"Teka lang, may naiwan ata ako wait mo lang ako ah," bilin sa akin ni Trizha at bumalik sa classroom. Kaya naiwan naman ako dito sa maingay na hallway.
"Hoy, kilala mo ba 'yong new student?" Narinig kong sabi ni Sara na kaklase ko noong grade 5 at kilalang chismosa.
"Huh? Oo" Lumingon ako sa kaniya sa pag- aakalang ako 'yung kinakausap niya. Napatingin naman siya sa akin ng nag tataka at si sharon na kaibigan niya, "ay sorry."
Nahihiya akong tumalikod ulit sa kanila. Nasan na ba kasi si Trizha?
"Oo 'yo'n bang si Nicca? " Narinig kong nag- tuloy uli silang mag- chismisan.
"Oo yun nga, sabi nila anak daw siya ng mayaman!"
"Weh? Di nga?"
"Well, di ako sure ha narinig ko lang kila Jansen."
"Oh, lika na." Narinig ko si Trizha na bumalik na. "Ano bang hinanap mo? Bakit ang tagal?"
"Nawala ko yung dinawdrawing ko," Sagot niya. "Ahh 'yun lng pala eh."
~~~~~~~
"Uh- ate. Pabili nga po ng ano umm...." Sabi ko na kinakabahan pa habang naghahanap ng masarap na lunch. Nasa tapat kami ngayon ng stall ni Aling Janet. Kilala ang mga luto niya sa senior high at sa pa- delivery niya sa mga taga Elem.
"Masarap po ba toh?" Turo ko sa isang putahe na mukhang creamy at chicken.
"Chicken pesto yan, anak" ngiti ni Aling Janet.
"So um masarap nga po ba 'yan?" Tanong ko ulit.
"Oo, gusto mo tikman?"
Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko. Natawa ako ng pilit. "Ah... Hehe wag na.... Wag na po nakakahiya naman."
Mag- sasalita pa sana si Aling Janet pero inunahan ko na siya, "sige po!" napalakas pa ang sabi ko no'n at napatingin sa 'kin ang mga estudyante. "Sige po hehe yan nalang po."
"Ok sige amin na baonan mo hija" Saad ni Aling Janet at binigay ko naman sa kaniya ang dalawang baonan namin ni Khloe. "Pa- deliver na lang po sa rooms namin kapag lunch time na."
"Tapos na?" Tanong ni Trizha na kumakain na ngayon ng recess niya na carbonara at french fries.
"Whew, oo teka bibili lang ako recess."
Bumili rin ako ng carbonara at french fries katulad ng kay Trizha.
"Teka, how ba this" sabi ko habang nahihirapang ipagsama sa iisang kamay ang carbonara at french fries.
"Let me help," sagot ni Trizha at linagay niya 'yong cup ng french fries sa box no'ng carbonara. "Yan oh, tsk I'm an expert na talaga niyan."
"Oohh," sagot ko at binitbit ang carbonara na may fries at iced tea sa iisang kamay. Habang 'yong fork naman sa kabila. Medyo nahirapan pa ako sa pagbibit bit no'n pero mukhang kering- keri lang ni Trizha.
Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng senior high building at papunta sa direksyon ng Elem building.
Ng nasa parking lot na kami, nagulat ako ng ubos na ni Trizha ang carbonara niya. Napatingin ako sa carbonara kong wala pa sa kalahati. "Hala siya! Tapos ka na? Ang bilis mo naman?"
Ngumisi lang siya ng nang parang ng aasar tsaka tumawa ng parang mangkukulam. "Sabi ko diba, expert ako diyan eh."
Binilisan ko na ring kainin 'yong akin habang naglalakad papuntang elem building.
========
"Ok everyone, first thing to do, is to."
Masiyahing sabi ni Ma'am Lanie na science teacher namin. Yumuko siya kaunti at sinindihan ang bunsen burner.
"Open the bunsen burner... "
Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil tila nawala ako sa apoy na sinindihan niya. Kulay kahel ang apoy nito, ngunit sa bandang dulo ay mayroon doong kulay asul na apoy. Katulad ng asul na apoy na nakita ko sa panaginip ko kanina. Naalala ko ang sinabi sa akin ni ate ko noon, na pinsan ko galing states.
"Serah, my mom once told me that the blue fire is always stronger and hotter than the orange fire."
==========