Patagong pag-ibig.
Sa kalagitnaan ng pag lubog ng araw
Ay sabay tayong nanonood,
Sa malawak na kapatagang,
Hindi na maabot,
Ng mga mata ang hangganan,
Nandoon tayo at naka upo ng walang pansinan,
Isang metrong mag kalayo,
Umaasang mapansin mo,
Mga mata kong 'di mapigil lumingon patungo sayo.
Dahil sa nakakabinging katahimikan,
Sa kalagitnaan ng pag lubog ng araw,
Ay sinubukan kong kumanta,
Kahit hindi ko alam kung gusto mo ba.
Sa araw na kalahati nalang ang nakikita,
Akoy napatingin,
Kakaiba'y naramdaman na,
tila ba'y may ibig sabihin,
Sabay na pa tanong sa sarili na,
Ikaw na nga ba ang sagot sa aking
mga dalangin?