Unexpected Affection

All Rights Reserved ©

Chapter 1

NAIILANG akong ngumiti nang bumungad sa akin ang magandang babae na kasing-edad ni Mama. Alam kong siya na ang tinutukoy ni Mama. Her close friend.

"Jaella you're here na pala!"

"Uhmm hello po." Wala akong ibang maisip na dapat sabihin.

Inilibot ko ang aking paningin sa malaking mansion. This place is huge! Every sofa ay parang upuan ng mga royals. Just wow! Nakaramdam tuloy ako ng hiya. May mga paintings ring nakasabit sa pader. Mukhang mamahalin rin o sadyang mamahalin talaga!

"Huwag kang mailang iha! Dapat feel at home ka. And you remind me of your mom. I really missed your mom so much!"

Ngumiti na lamang ako. Ano ba 'to nakakahiya.

"By the way I'm Roxie. You're mom and I were partner in crime! She's my best friend since we were in highschool."

"Ah oo po. Naikuwento nga ni Mama na ikaw yung pinakamatalik niyang kaibigan. Palagi niya rin pong na-memention yung mga unexpected memories niyo po."

"Talaga?!" Her face lighten up. She's really a true friend.

"Darling! Siya yung anak ni Jenna. She's pretty right?" Pagpapakilala niya sa akin sa kanyang asawa nang lumapit ito na halatang paalis na rin.

Biglang uminit ang pisngi ko. Mas maganda pa nga siya sa akin kasi parang dalaga pa rin siyang pagmasdan sa edad niyang 'yan.

"Yeah. Kamukhang-kamukha niya talaga si Jenna. Ah by the way where's Cremer?"

"Ayon umalis agad. May kinuha lang."

"Bakit ba ayaw niyang bumukod dito kasama tayo? He's stubborn! Talaga bang wala siyang dinadalang babae sa condo niya? Last time na bumisita ako ay nahuli ko siya with another girl na may ginagawa sa kanyang kwarto. Paiba-iba na lamang siya ng babae!"

Nagulat ako sa narinig ko. Playboy siguro ang anak nila. Ang bad naman.

"He's old enough na rin naman darling. Like Jaella. Malayo siya sa kanyang pamilya. Para naman in the near future ay masasanay na rin siya. And sabi naman ni Clark ay wala na siyang girls. Somehow, he changed na rin naman."

"Uhmm Jaella gusto mo na bang magpahinga? You can go to your room. Wait.." Kinausap niya ang isang yaya na samahan ako.

"Thank you po auntie."

"Tita Roxie, okay?" She corrected me.

"Okay po Tita." Hindi komportableng wika ko.

Hinatid ako ni Manang Joy. Ipinakilala niya rin kasi ang sarili niya kaya nagkaroon rin kami ng mahabang pag-uusap.

Komportableng humiga ako sa kama. This room is big. Parang ang swerte ko naman. May sariling cr at tv ang kwarto ko dito kaya ang laki ng ngiti ko. Ang bait talaga ni tita Roxie!

Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na makakapag-aral na ako sa isang pribadong university. Sabagay, it's really a big opportunity na sumali ako sa contest na 'yon. Nanalo kasi ako sa sayawan which is ang prize ay scholarship. Laking pasasalamat ko pa nga na hindi nasayang ang inutang kong pamasahe sa kaibigan ko papuntang Cebu. Kasi kung natalo siguro ako, hindi ko na talaga alam.

Sobrang laki talaga ng advantage na nakuha ko ang prize na scholarship dahil malaya akong pumili ng university na gusto ko just inside here in Philippines. And I chose UP Diliman. Gusto ko talagang mag-aral do'n lalo na't freshman na ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na kakagraduate ko lang ng senior high tapos ready na agad ako for college kasi nga no worries for tuition na! Si mama naman ayon sobrang proud. Siya pa nga ang nag-insist sa akin na sa kaibigan niya lang akong tumuloy para wala na rin daw problema sa pagrerenta ng apartment ko dito sa Manila. Saka nakakahiya talaga kay Tita Roxie pero sabi naman ni mama na pinilit rin siya ni Tita Roxie na dumito na lang ako sa kanila tutal marami naman daw ang available na mga kwarto. At totoo naman ang dami ngang kwarto.

Next week ay pasukan na kaya kinakabahan ako. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may marinig na katok kaya nagmamadali akong tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.

"Jaella your mom called me earlier. Nangagamusta sa'yo. Kaya halika na, nagpaluto ako ni Manang Joy ng lunch mo kasi ayokong gutumin ka baka mamaya magtampo sa akin si bes Jenna." Masiglang wika niya kaya sumunod na rin ako.

Tahimik kaming kumakain. Dahan-dahan kong nginuya ang ulam dahil ayoko namang mahalata niya na gutom na gutom na ako. Kasi kung nasa bahay ako, baka nilantakan ko na ng mabilis ang mga pagkain na nakalapag.

Pagtapos naming kumain ay agad kong niligpit ang aming pinagkainan.

"Jaella si Manang na diyan. Magpahinga ka na ulit. Saka hindi naman kita pinatira dito para maging katulong lang."

"Si Tita naman, nagliligpit nga lang katulong agad?" Pabiro kong wika.

"Saka Manang Joy ako na lang din maghuhugas." I insisted.

"Iha just rest na do'n. Kakarating mo lang. Ayokong mapagod ka." Natatawa niya akong hinila palabas ng kusina.

Bumungad sa amin ang mga lalaking nagtatawanan habang nakaupo sa sofa.

"Cremer nandito pala kayo? Kanina pa kayo?"

"Yeah." Lumapit ito kay Tita Roxie at hinalikan sa pisngi si Tita.

"By the way, this is Jaella."

"Okay? And I don't care." Agad itong bumalik sa kasama niya na nagkakatuwaan.

"Sorry for that, medyo suplado lang talaga siya. Sige, magpahinga ka na sa kwarto mo."

"Halata naman po talaga." Natatawa kong wika.

Nadadaanan ko pa sila kasi papunta ako ng hagdan. Sobrang nakakahiya pa nang bigla silang nanahimik habang nakatingin sa akin.

"Dude sino 'yan? Bagong chick mo?" Bulong no'ng katabi ni Cremer na rinig ko naman.

"You serious dude?! Hindi ko 'yan papatulan. Baka nga bago siyang yaya dito."

Uminit ang dugo ko kaya nagmamadali na lamang akong naglakad. Nakakainis! Porket mayaman, kaya gano'n na agad ang tingin sa akin?! Sabagay, malayo lang naman ako sa kanila.

Hindi naman talaga kami sobrang hirap, normal lang yung nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Guro ang mama ko at ang papa ko? Hindi ko nga alam kung sino at saan siya ngayon. Hindi naman nasabi sa akin ni mama. At nirerespeto ko naman siya. Ayaw kong pilitin. Ang mahalaga may mama ako na nagtataguyod sa akin. Kaya okay na rin 'yon.

Saka malaki sobra ang tulong ni Tita Roxie kasi kung nag-aapartment ako ngayon, ang laki-laki siguro ng magagamit na perang pinag-ipunan ni mama. Kasi buwan-buwan nagbabayad ng renta, kuryente, tubig at sa kakainin ko na rin. Pero dito? Libre lahat! Kaya pamasahe na lang ang poproblemahin ko at extrang babayaran sa school like sa mga projects, gano'n.

Inikot ko ang kwarto ko at nagulat nang may makitang walk-in closet. Wow. May ganito rin yung mayaman kong kaklase. Dito niya nilalagay ang mga collection ng bags at shoes niya saka mamahaling damit niya. Eh ako? Kaunting damit lamang ang dala. Kasi nga isang maleta lang ang dinala ko.

Kinuha ko ang laptop ko at in-open ang dala kong pocket wifi. Napa-loadan ko ito good for one month. Saka of course! Makaka-afford rin naman si mama bumili ng laptop. Kasi nga hindi kami gano'n naghihirap, slight lang.

Agad akong nag-video call kay Jones. Boyfriend ko siya at dalawang taon na rin kami. Legal na kami in both sides. Nagkataon lang na LDR kami kasi ako dito sa Manila tapos siya do'n na mag-aaral sa Canada. Sosyal rin 'tong boyfriend ko kasi kung saan-saang bansa na rin nakarating. Isasama nga niya sana ako sa Canada para do'n na rin mag-aral pero ayoko naman maging dependent sa kanya. Minahal ko siya hindi dahil peneperahan ko lamang siya at para mapaaral niya ako! Minahal ko siya dahil mahal ko siya! Kaya hindi ako pumayag. Ano na lamang ang iisipin ng parents niya? Na ginagamit ko lang siya? No way.

Nalungkot ako bigla nang mapagtantong offline siya. Hays, na-miss ko na agad siya.

Tumawag na lang ako kay mama para ipaalam kung gaano ako ka-okay dito. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay humiga ako sa kama habang humihikab. Hays, I'm so lucky!

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.