Unexpected Affection

All Rights Reserved ©

Chapter 3

FIRST day pa lang ay grabe na agad. Nang makakita na naman ako ng mga numero pakiramdam ko ay umiikot ang mga ito at palutang-lutang lamang sa utak ko. Bakit ba kasi accountancy kinuha ko? Tss. Accountancy pa self!

"Phinah nga pala." Pagpapakilala sa akin ng seatmate ko pag-alis nang professor namin.

"Jaella." Tipid kong tugon.

"Full scholar ako. Ikaw ba? Ayy, baka yayamanin ka rin." Sabi nito at mahinang tumawa.

"Scholar din naman ako." Sabi ko at iniligpit ang mga gamit ko sa bag.

Kakain na lang siguro ako sa fast food kasi hassle na kung uuwi pa ako kina Tita Roxie eh ang layo naman do'n dito.

"Uuwi ka ba sa inyo? May kotse ka ba?" Pangungulit pa nito.

"Wala. Saka hindi afford makabili ng kotse." Natatawa kong wika.

"Sama ka na lang sa akin. May hinihintay rin ako. Saka sabay na lang din tayong mag-lunch."

Tumango ako at sumunod na lamang sa kanya. And it's a good thing kasi pakiramdam ko ay maliligaw na naman ako kung wala akong kasama. Lalo na kanina. Mabuti nga lang mabait yung lalaki na naghatid sa akin sa room.

"Hoy Shamin nandito lang kami!" Tawag niya sa babaeng brunette at mukhang fil-am.

"Oh Phinah!" Maarteng tumakbo ito papunta sa amin at niyakap si Phinah.

"Girl, nagkita pa nga tayo kahapon sa mall tapos na-miss mo na agad ako?"

"It's quite different naman kasi Phinah. Kasi madalang lang kitang makakasama kapag bakasyon and since balik klase na naman, then everyday tayong magkikita!"

Napayuko na lang ako. Mukhang close na close sila kaya nao-OP akong pagmasdan silang nagyayakapan.

"Itong kasama ko nga pala ay si Jaella."

"Hello Jaella! I'm Shamin!" Pagpapakilala nito habang nakipagbeso-beso. Ito ang tunay na yayamanin.

"Sama ka na sa amin mag-lunch huh?" Paninigurado ni Phinah.

"Okay." Maikling sagot ko.

"Uhmm Kasuga Ramen House na lang tayo!"

"What?! Shamin alam mo naman ang init init ng panahon." Pagtanggi ni Phinah.

"Why? It's okay to eat ramen naman kahit mainit ang panahon 'di ba? Because the place there is airconditioned naman eh. And I'm so addicted talaga to their takoyaki. I'm craving na!"

Napalunok na lamang akong nakikinig sa kanila. Anong ramen? Anong takoyaki? Ganito na ba ako kahirap kung bakit hindi ko pa natikman ang mga 'yon?

"Jaella! Masarap naman talaga ang takoyaki, right? Right?!"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Jusko naman! Gusto ko tuloy tumakbo ng mabilis para iwasan ang tanong.

"Uhmm.. 'di ko alam."

"Huh?"

"Ah yoww Sham, scholar din siya tulad ko HAHA. Skl."

"Really?! OMG! I have two scholar friends na!" Nagulat ako nang bigla niya kaming niyakap ni Phinah habang nagtatalon-talon.

Namamangha ko naman siyang pinagmasdan. Mayaman siya pero hindi siya matapobre. Saka nakikipagkaibigan din siya sa tulad namin. Karamihan kasi ay kumakaibigan lang din sa mayayamang tulad nila.

"Well sa Kko Kko na lang tayo. Then pagkatapos naman ng klase natin mamaya diretso na lang din tayo sa Kasuga Ramen House. Is that okay for you Jaella?"

"Anong Kko Kko?" Nagtataka kong tanong ko.

"It's a Korean fast food."

Ang weird naman ng name.

"Magkano naman ang babayaran natin do'n?" Nahihiya ko pang tanong. Baka kasi hindi sapat ang dala kong pera.

"Well, 900 for two people?"

"A-ano? Ba't ang mahal naman?"

Eh sa MacDo pwede namang kumain na hindi umabot sa isang daan ang magagastos!

"Don't worry! Libre ko! Pati mamaya libre ko na rin. Kaya dapat you should masanay na dahil si Phinah nga parang ako na ang nagpapakain niyan lalo na ngayon dahil balik-skwela na naman."

Napadami ang kain ko nang matikman ko ang chicken and wings. Ang sarap lang talaga!

"Hoy Sham, kuya mo 'yon 'di ba?" Ngumuso si Phinah na parang may tinuturo kaya pati ako ay napalingon na din.

Sa kabilang table ay medyo maingay at lahat ay mga lalaki ang naka-occupy. Nasamid pa ako nang makita do'n ang anak ni Tita Roxie habang nakakrus lamang ang mga braso na parang naiinip na nakikinig sa mga kasama niya.

Tumayo si Shamin at lumapit do'n kaya nagsilingunan ang mga ito. Ang iba naman ay agad nakipagfist-bump sa kanya.

"Kuya I'm with my friends! Dadaluhan na lang namin kayo especially we're just three lang naman." Rinig ko pang sabi niya kaya nasamid na naman ako.

Nagmamadali kong tinapos ang pagkain at agad na inubos ang tea. Nang makabalik na si Shamin ay tumayo na rin ako at isinukbit ang bag sa balikat ko.

"Oh where are you going? Wala pa namang time. Sabay na lang tayo sa kanila pumasok mamaya."

"P-pero-"

"Don't worry hindi tayo male-late. Besides ang iba sa kanila ay masyadong studious, at ayaw ring ma-late."

Napipilitan akong sumunod sa kanila.

"Guys I have a new friend! By the way, she's Jaella!" Nakangiting nilingon niya ako kaya agad akong yumuko.

Tss. Ba't ang daldal niya? Saka no need na rin naman niya akong ipakilala sa mga lalaki. Wala rin naman akong pake sa kanila lalo na yung isang suplado diyan.

"Oooh the chick!" Komento ng isa. Siya rin yung isa sa barkada ni Cremer na nakipag-pool party kagabi. At ang nagsabi rin na chick ako sa supladong 'yon. Tapos ngayon?

"Hoy Mr. Galmer! Siya 'yon 'di ba?!" Pang-aasar sa kanya ng lalaki.

"H-huh?" Cremer glared at him.

"Chick? Who?" Nagtatakang tanong ni Shamin.

"Ikaw! Ang ganda mo kasi." I blurted. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Ano naman ngayon? Eh hindi rin naman totoo na may something sa amin ng Cremer na 'yon.

Ano ba kasi 'yang kaibigan niya, ang talas ng imahinasyon! In the first place, hindi ako type ng supladong lalaking 'yon, saka pa'no naman ako naging chick? Sa tindig kong 'to, para lang talaga akong yaya.

"Duh. We're just friends Cremer. You're already aware of that 'di ba?"

He scoffed. Pilit siyang ngumiti at agad na umiling-iling.

"Why me Sham? Reihnt asked me kung ikaw ba yung nasa instagram story ko. And yeah, he had a big crush on you."

"What?! Ako may crush sa malditang 'yan!"

"At anong malditang pinagsasabi mo diyan?!"

"It's already time, let's go." Biglang singit ng kuya ni Shamin.

Sumabay na kami sa kanila at sinadya kong magpahuli pero hinila ako ni Phinah.

"Parang kanina ka pa ah?" Bulong niya sa akin.

"H-huh?"

"Wala. Ang weird mo lang."

Nakaalis na ang mga boys kaya hinatid namin si Shamin sa room. Sayang kasi iba ang course niya kaya si Phinah lamang ang palagi kong nakakausap sa room. Eh kasi naman 'tong ibang blockmates namin hindi namamansin! Porket mayaman, masyadong snob na agad! Saka ang ibang mga babae ay masayang nag-uusap about their business. Duh. Ipinagmamalaki pa talaga kung ano ang meron sila. Sana tuluran na lang nila si Shamin na walang pakialam kung mayaman man o mahirap ang kinakausap niya.

Napalingon kami nang may babaeng sumigaw.

"The hell! What did you do to my make-up?! After kitang pahiramin nito then you will give it back to me like this?! Siguro nahulog mo 'to no?"

"Oh my! Audette I'm so sorry. It was accident naman, kasi no'ng nag-retouch ako someone pushed me kaya nabitawan ko 'yan eh."

"I don't need your sorry. Sana naman kasi you throw this one na! I was offended lang kung bakit binalik mo pa talaga sa akin 'to. I can buy new naman kasi."

Napanganga ako. Sana all can buy new. Eh no'ng silipin ko naman kasi ay yung isang color lang naman ang medyo nabasag. Pwede pa namang gamitin ang ibang color. Saka mukhang mamahalin rin. Tss. Kung marunong lang akong mag-make up, siguro hiningi ko na 'yon.

Natahimik kaming lahat nang biglang pumasok ang mukhang terror na prof.

"Late students are not allowed!" Malakas ang boses niya habang binalingan ng tingin ang dalawang lalaki na balak sanang pumasok. Tumalikod na lamang ang mga ito at nagmamadaling umalis.

May iba na namang instructor ang pumasok pagkatapos niya. Pinigilan ko ang nararamdamang antok kaya nag-act ako na parang sobrang interesado sa subject pero gusto ko na talagang matapos ang klase. Bigla ko namang naalala ang usapan namin nila Shamin. Sabi niya ay ililibre niya kami ni Phinah ng ramen. Bigla naman akong na-excite kung ano ang itsura at lasa no'n.

Nang matapos nga ang klase ay nasa labas na si Shamin, nag-aabang.

"Oh ang bilis mo naman ata makapunta dito? Samantalang ngayon pa ang labasan namin."

"Phinah it's because wala kaming klase sa last two subjects. Kaya naiinip ako do'n!"

"Ahh.. Hi Shams!" Bati ko sa kanya nang binalingan niya ako ng tingin.

Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ang magkabilang-pisngi ko. Napaka-hyper naman niya kaya komportable ako sa kanya dahil masyado siyang approachable.

"Let's go na!" Aya niya at excited naman akong sumunod sa kanila.

Huminto ako para pulutin ang isang libro na nabitawan ko pero agad namang napatayo ng maayos nang may bumangga sa akin.

"Hey what you doing?"

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makaharap siya. Nakaakbay siya sa isang babae na mukhang pamilyar. Ayy oo! Siya yung si Audette yung nagalit kung bakit pa daw ibinalik sa kanya ang make-up eh she can buy new naman daw.

"Eh bakit naman kayo tumigil dito eh ang laki naman ng space para do'n kayo magpatuloy sa paglalakad." Naiinis na sabi ko at mabilis na yumuko para abutin ang libro.

"You're so mayabang. Look at you, you're like a manang! Eww." Maarteng sabi ni Audette sabay flip ng kanyang buhok at hinila agad si Cremer.

Napakurap naman ako. Malakas na napabuga na lamang ako ng hangin.

"Okay ka lang?" Nag-alalang tanong ni Phinah.

"Oo naman saka sanay na rin talaga ako na mapagsabihan na mukhang manang dahil sa tindig kong 'to."

"Huh? You're pretty naman Jaella. She's the one who's being mayabang."

Nang makarating na kami sa Kko Kko ay hinihintay namin ang inorder namin.

Napanganga ako nang mailagay na sa table ang ramen. Bakit parang noodles lang?

Malakas na tumawa si Phinah habang nakatingin sa akin. "Gulat ka no? Noodles lang din naman 'to. Ewan ko nga kay Sham kung bakit mahilig siya sa ganito."

Sinamaan naman siya ng tingin ni Shamin. "Duh. Edi 'wag kang kumain. Besides, masarap naman talaga 'to Jaella. Tikman mo na. Go!"

"Masarap nga!"

Nakangiting pumalakpak naman si Shamin at binelatan si Phinah.

Nag-aabang na ako ng jeep habang nasa tabi ko naman sila Phinah at Shamin. Pinipilit pa ako ni Shamin na sumabay na lang sa kanila dahil ihahatid niya daw ako gamit ang kotse niya.

"Phins, Shams, 'wag niyo na akong hintayin dito dahil hindi talaga ako sasama." Tinulak-tulak ko sila dahil naaawa ako kay Shamin na kanina pa tahimik habang nakatakip sa ilong niya ang hawak niyang panyo.

"Sige na nga. See you tomorrow na lang!" Pagpapaalam ni Shamin at nagmamadaling umalis.

Agad naman akong pumasok sa jeep dahil saktong may huminto rin sa harapan ko.

Medyo hindi ako komportable dahil sobrang masikip talaga.

"Fuck!"

Napatingin naman ako sa lalaking nagmumura na nakaupo habang nakaharap sa akin. Pero agad rin naman akong napaiwas ng tingin nang makilala ito. Bakit nagje-jeep siya?

"What kind of transportation is this?! Sobrang masikip! And can you please give me some space?! Sobrang naiipit na ako dito!" Reklamo niya habang sinisigawan ang katabi niya.

Nanlalaki naman ang mga mata ko. Ang tanga niya pala! Alam niya namang masikip eh ba't sumakay pa siya? May kotse naman siya. At pinagalitan niya pa talaga ang katabi niya na mas naiipit rin kaysa sa kanya. Duh.

Medyo napanganga ako sa kanya nang ginulo niya ang kanyang buhok at problemadong-problemado. Ba't mas lalo siyang pumogi? Napasinghap ako nang bigla siyang tumingin sa akin na agad namang napakunot ng noo.

Kinagat niya pa ang kanyang labi habang sinusuri ako. Ngumiti lang ako at hindi na siya pinansin.

"You damn girl!"

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.