Unexpected Affection

All Rights Reserved ©

Chapter 5

PAUWI na ako habang nakabuntot pa rin sa akin ang dalawa.

"Ano bang kailangan niyo?" Nilingon ko sila.

"Look Jaella, uhmm birthday kasi ng kuya ko tapos may party sa condo niya. Kaunti lang naman ang invited, tayo tayo lang together with his friends."

"Pero pasok natin bukas? Saka madilim na."

"That's the point eh. Sa condo ko.. ka na lang matulog. Besides, 'don rin naman matutulog si Phinah. Same building lang kasi kami ni kuya and some of his friends also."

Ayoko. Ano namang gagawin do'n, makipag-inuman? Para saan pa nga ba ang party? Edi, more on alak! Besides, nahihiya ako kay Tita Roxie. Baka kung ano ang iisipin niya tungkol sa akin, kesyo ang bago bago ko pa dito sa Maynila tapos party-party na agad inaatupag ko? No way!

"Bawal talaga eh." Pagtanggi ko.

"Nakakapagtampo ka naman. Just go with us na!" Usisa ni Shamin.

"Oo nga naman Jaella. Bawal pa naman tanggihan ang grasya." Nakangising wika ni Phinah.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At ano namang grasya ang pinagsasabi mo?"

"Boys," humagikhik niyang sagot.

Siniko siya ni Shamin at agad namang nag-peace sign.

"You're so malandi talaga." Shamin rolled her eyes.

"You gonna disappoint me Jaella if you're not going with us." Shamin sadly said. Hala siya! Pakiramdam ko ay nagmamakaawa na siya sa akin.

"Pero bawal talaga ako eh."

"I'm gonna cry if hindi ka sasama. At ayaw ko na talaga sa'yo if you reject my invitation again. So.. ano? Let's go?"

Napabuntong-hininga ako. She giggled when I nod.

"Pero wait lang, may tatawagan pa ako." Sabay silang tumango kaya medyo lumayo ako sa kanila.

Lumapit ako sa kanila ng makapagpaalam na ako kay Tita Roxie.

"Pero.. uuwi muna ako."

"Huh?" Sabay pa silang napalingon.

"Naka-uniform pa kasi tayo. Hindi naman pwedeng pupunta ako do'n na ganito ang suot 'di ba?"

"Duh. I'm gonna let you borrow my clothes na lang. Si Phinah nga rin eh. She used to stay in my condo na, kaya you should as well."

"Pero anong susuotin kong uniform bukas?" Pagdadahilan ko pa.

Bakit ba ayaw nila akong pauwiin muna?

"Pwede mo pa namang suotin 'yan bukas Jaella. Saka wala namang dumi, ang linis nga pa ring tignan." Pagsingit ni Phinah. Tss. Epal.

"Uhmm... underwear?" Pagdadahilan ko ulit.

"May mga bago pa naman akong hindi nagagamit. And pwede niyo gamitin ni Phinah. Just come on, Jaella! No more alibis, okay?"

"Eh kasi naman.. sige na nga!" Pagsuko ko. Wala talaga akong lusot sa Shamin na 'to kaya mahinang napatawa si Phinah.

Sumakay na kami sa Mercedes niya. Chika lang ng chika sa akin si Phinah kaya tumatango na lang ako. Ewan ko sa katabi ko, wala akong naiintindihan sa pinagsasabi nito. Si Shamin naman ay seryosong nagmamaneho.

"Nakikinig ka ba?"

"Ewan ko sa'yo Phinah. Inaantok tuloy ako sa boses mo."

"Ayy gago ka pala! Nagsasayang pa ako ng laway pero sarado pala 'yang tainga mo."

"Chill, ako lang 'to." Sabi ko at sinamaan niya naman ako ng tingin. Malakas akong tumawa. Pikon!

"Happy ka na?" Naiirita siyang tumingin sa akin pero patuloy pa rin ako sa kakatawa.

"Shamin argh! Tulungan mo nga ako dito at itapon natin 'tong kalurkey na 'to sa labas!"

Sandaling lumingon si Shamin sa amin at binelatan lang si Phinah kaya mas natawa ako.

"Pareha kayong gago."

Nang makarating kami sa condo unit ni Shamin ay hinagisan niya agad kami ng maisusuot. Kumunot ang noo ko nang makita ang fitted dress na inihagis niya sa akin. Masyado naman yata 'tong revealing lalo na sa cleavage part.

"Ayoko ng ganito." Reklamo ko.

"Girl 'wag ka ng magreklamo dahil lahat yata ng damit ni Shamin ay ganyang-ganyan." Wika ni Phinah na naiinis pa rin.

Wala akong nagawa kundi ang suotin ito. May inilagay naman si Sham sa mukha ko kaya kinabahan ako baka magmukha pa ako nitong clown. Pero nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin ay napahinga ako ng maluwag. Minimal make-up lang naman.

"Let's go!" Excited na wika nito.

"Sure ba kayo na hindi sa bar ang punta natin?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Nagulat akong nang makapasok kami sa unit ng kuya niya. May apat na babae ang nakaupo sa sofa at ang iba ay mga kalalakihan na. Mas malaki itong unit compared kay Shamin.

"Happy birthday my dear brother, Ranx!" Shamin exclaimed at tumakbo palapit sa kanyang kuya.

Bumati na rin kami ni Phinah.

And what should we do next? May limang case ng San Mig akong nakita kaya napapailing ako. Hindi pa naman kami nag-dinner.

"First, let's eat muna for our dinner. Tapos proceed na din sa inuman." Usisa ni Shamin.

Yung iba naman ay binuksan na ang San Mig dahil tapos na daw silang nag-dinner. Hmmm... Mukhang kami na lang ata ang hindi kumakain kaya masosolo namin ang kusina HAHA.

"You hungry na?"

"Tinatanong pa ba 'yan Shams? Malamang!"

Pagpunta namin sa kusina ay may mga handa ang nakahain sa mesa. Marami ring desserts kaya lumapad ang ngisi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumakaw.

"Hoy dahan-dahan ka nga diyan. 'Kala mo naman hindi nakakain ng isang buwan." Saway sa akin ni Phinah.

So what? Lulubusin ko na kasi wala namang ibang tao dito sa kusina maliban sa aming tatlo. Saka 'di ko alam kung bakit sobra talaga akong nagutom ngayon.

"Ang sarap naman ng mga 'to. Sino bang nagluto?" Tanong ni Phinah.

"Si Cremer."

Napabitaw ako sa hawak kong kutsara at agad na ininom ng diretso ang juice na nasa tabi ng pinggan ko. Napahawak ako sa lalamunan dahil sa iba ng lasa.

"Wow. Straight mo talagang nainom yung wine no? Mukhang sanay na sanay." Pang-aasar ni Phinah kaya inirapan ko siya.

"Cremer you're here na! Just eat na! Ikaw pa naman ang naging cook." Tumayo si Shamin at nakipagbeso-beso sa kanya.

Agad akong napaiwas ng tingin nang tumama ang tingin niya sa akin. Hays, hindi ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin kagabi. Isang nakakadiring pangyayari!

Tumagilid ako para 'di siya makita.

"Busog na ako. Pumunta na lang din kayo do'n dahil nagsimula na silang mag-inuman." Sabi nito at lumabas na ng kusina.

Nakatingin lamang ako sa kanila habang nag-iinuman. Well, ako lang ang mag-isa ang hindi umiinom dito. Ang dalawa kong kasama ay sumali ng laro na spin the bottle.

"Dare," agad na wika ni Reihnt nang sa kanya huminto ang bote.

"Halikan mo yung babaeng kinaiinisan mo dito!" Phinah said.

"A-ano?!"

"Sussss. Sige na, halikan mo na at wag KJ."

Hindi niya ginawa kaya pinili niyang inumin ang tatlong shot ng tequila ng dire-deretso.

Huminto ang bote sa harapan ni Shamin. "Truth."

Makahulugang ngumiti si Phinah. "Gwapo ba si Reihnt?"

"Yeah, masungit nga lang."

"Sana all gwapo!" Tukso ni Phinah at humarap kay Reihnt na namumula na ang pisngi. I smell something fishy hmm..

"Truth." Wika ng kuya ni Shamin nang sa kanya naman huminto.

"Sa lahat ng babae dito, sino yung bet mo?" Tanong ng lalaki.

"'Yan lang ba Hezekiah?"

"Tapang-tapangan pre? So sino nga?"

Napasinghap ako nang mapagtantong nakaturo ang daliri niya sa akin. The fuck!

"Dare," nakangiting wika ng babae at parang excited pa.

"Slap the man you like." Shamin suggested. Nawala naman ang ngiti ng babae at nanlalaki ang mga mata.

Pero ginawa niya pa rin. Lumapit siya kay Cremer at sinampal ito. Agad naman siyang humingi ng paumanhin.

"Drop the name of the girl you like. Kahit wala dito." Shamin said when the bottle stopped at the front of that Hezekiah guy.

"Ahh... Betsy Torrecampo," nahihiyang pag-amin nito kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.

Tama naman siguro ang pandinig ko 'di ba? Si Betsy? Yung friend ko yung crush niya? Siguro naman ka-pangalan lang kasi imposible kung gano'n dahil nasa Cebu si Betsy.

"Naiinip ka diyan? Sali ka na lang kasi!" Pag-aya sa akin ni Phinah kaya tumabi ako sa kanya.

Napapailing na lamang ako. Kakasali ko pa nga lang tapos sa akin agad huminto ang bote.

"Truth."

"May boyfriend ka ba?" Tanong ng lalaki na hindi ko kilala.

"Yes." Napatingin naman si Phinah at Shamin sa akin na parang nagulat.

"Ang unfair mo, 'di mo kami sinabihan." Pinandilatan ako ng mata ni Phinah.

"Gaano na kayo katagal?" Tanong niya.

"Nine months," sagot ko at pinaikot muli ang bote.

Dahan-dahan itong umikot at huminto sa harapan ni Cremer.

"Dare," walang ganang sabi niya.

"Kiss the girl who you kissed recently." Hezekiah demanded.

Napakurap ako nang lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mabilisang halik.

Wtf?!

"Pakshet!" Gulat na sigaw ni Hezekiah. Lahat ng nandito ay gulat ring napatingin sa akin.

Naalala niya pala? Eh ba't tinawag niya akong Patriz kagabi? Akala ko ba 'di niya ako nakilala kagabi dahil lasing siya?

"I thought si Rita? Kasi siya yung kahalikan mo kahapon 'di ba?" Gulat pa ring wika ni Hezekiah habang nakaturo sa babaeng sumampal kay Cremer.

"Yeah, but I also kissed Jaella last night." Walang pakialam na wika nito kaya lahat ng nandito ay mapanuring pinagmasdan ako including Shamin and Phinah.

Jusko naman! Lord ang sarap sampalin ang bibig ng lalaking ito. Sobrang nakakahiya!

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.