Unexpected Affection

All Rights Reserved ©

Chapter 6

ILANG beses ko ng iniwasan sila Phinah pero hindi nila ako pinalampas. Ayaw nilang tumigil kakasunod sa akin.

"Ilang araw mo na kaming iniiwasan ah." Nahawakan ni Phinah ang braso ko kaya humarap ako sa kanya.

"B-bakit?"

"You're being so defensive." Komento ni Shamin.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"

"Anong pinagsasabi mo?" She mocked.

"Can you just straight to the point? Do we have a problem here? Or is it because about that night?" Shamin sarcastically asked while she rolled her eyes at agad na tinalikuran kami.

Mabilis na hinabol namin siya and then we ended up heading to Kho Kho. Kinuwento ko sa kanila lahat pati yung pagtira ko kila Tita Roxie.

"You're staying there, really?!"

"Yes Sham, saka minsan lang naman siya do'n kasi may condo siya."

"Yeah of course. And same building lang kami. As what I've said, karamihan sa mga kaibigan ni kuya Billy are staying there, just the same building."

"And by the way, this Saturday ay may parte na naman. You two are invited." Dagdag niya pang sabi.

"Hala? Pupunta ako sa Cebu. May bibisitahin kasi ako." Agad kong pagtanggi. Magkikita kasi kami ni Betsy at nakapagpaalam na rin naman ako kay Tita Roxie at kay Mama.

"Then that's a good timing Jaella! The party will take place in Cebu. Well, it's my Dad's birthday kasi, and he told me and kuya Billy that we can invite anyone."

"And.. it's okay to invite my friend? Yung pupuntahan ko sa Cebu."

"Of course you can! Kayo lang naman ni Phinah ang ininvite ko. And yeah, you can add one para we're four na. How 'bout you Phinah? Do you want to invite someone?"

"Huwag na uyy. Four is already enough. At least true friends charot!"

Pinasakay na rin ako ni Shamin sa kanyang sasakyan para ihatid pauwi.

Umagang-umaga pa ay sinundo agad ako ni Shamin. Well, it's Saturday and we'll going to his Dad's party. Na-invite ko na rin si Betsy at siya yata ang pinaka-excited. It's her thing, attending to parties pero hindi siya nakikipag-flirt sa mga lalaki. Pero ewan ko nga lang ngayon kasi sabi niya, ang dami niya ng naging fling. Sabi pa nga niya, hanggang halikan lang naman. Oh well, ako nga never pa talaga except no'ng ninakawan ako ng halik ng Cremer na 'yon!

We stayed to Shamin's condo dito sa Cebu. Mabuti pa siya kasi pati dito sa Cebu, may sarili pa ring condo. Saka may bahay naman sila dito, tapos may pa-condo condo pa talaga? Sabagay, mayaman eh.

"Magkikita na kami ng kaibigan ko." Pagpapaalam ko.

Mamayang gabi pa kasi ang party at gusto ko ring maka-bonding si Betsy.

We met at the Ultima Sharp Shooters Club. Mahilig siya sa gun shooting and so was I. Pero ang galing niya talaga at siya yung nag-udyok sa akin sa mga ganito kaya nasanay na rin tuloy akong humawak ng baril.

After we played it ay niyaya niya ako sa kanyang apartment.

"After this, punta tayo ng mall. Ililibre kita anything you want to buy." Sabi nito habang may nilalagay sa kanyang sling bag.

"Woy sana all! Anything I want to buy talaga? Paano kung sobrang mahal ang gusto kong bilhin?"

"Gaga. Yung ma-afford ko lang kasi, 'wag ambisyosa."

I glared at her. Tss. 'Kala mo naman hindi rin ambisyosa.

Naglibot-libot muna kami dito sa mall. Naghahanap rin ako ng mga magagandang gamit.

"Oh! My! Goodness!" Bigla niyang sigaw kaya agad ko siyang siniko.

"Anong problema mo? Ang dami na tuloy nakatingin sa'yo. Para kang tanga, nandito pa naman tayo sa mall."

"Ang gwapo, shit!" Patuloy pa rin siya sa pagtitili.

"Gusto mo kurutin ko 'yang ano mo?"

"'Yon oh! 'Di ba ang sarap sa eyes?" Tinuro niya ang lalaki na naglalakad na sobrang seryoso ang mukha.

Biglang kumulo ang dugo ko. "Shut up! Hindi ko siya type."

"Tinanong ba kita? Ako kasi, type ko siya kaya suportahan mo ako. Halika!"

Nanlalamig ako nang hilahin niya ako palapit sa lalaki.

"Jaella, you're here?" He asked and stopped walking.

"W-what?! Magkakilala kayo Jael?" Hindi makapaniwalang tanong ni Betsy.

"Huh? 'Di ko nga 'yan kilala kaya halika na! Baka makalimutan mo pa na ilibre ako." Natataranta kong wika.

"Bro!" Sigaw ng lalaki at lumapit kay Cremer. Siya ata yung si Hezekiah.

Napansin ko naman si Betsy na biglang napatigil habang nanlalaki ang mga mata. Agad siyang tumalikod at nanginginig akong hinila habang tumatakbo na siya kaya napasabay na rin tuloy ako sa pagtakbo.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Pareho kaming humihingal at tumigil sa harapan ng hotdog stand.

"W-wala." Aniya na parang nag-iba ang boses.

"Duh. 'Wag kang ganyan dzae kasi nababasa ko na sa mukha mo na nagsisinungaling ka lang." Mataray kong wika.

May naalala ako kaya agad akong nagsalita bago pa siya makasagot. "Anyways, ikaw pala talaga yung tinutukoy ni Hezekiah. Akala ko kasi ka-pangalan mo lang."

"H-huh? Kilala mo siya? A-ano namang sinabi niya?" Nahihimigan ko naman ang pagiging interesado niya sa sinabi ko.

"Well, he likes you."

Napanganga siya at agad na lumiwanag ang kanyang mukha.

"Tss. I-behave mo 'yang ano mo ha? Huwag mong hayaang may makawasak. You're in 2nd year college na rin naman pero, don't forget the limitations." Pabiro ko pang pagpapaalala na nakapagpakunot sa kanya ng noo.

"Ang sama ng iniisip mo." She crossed her arms.

"Pero ano bang meron sa inyo? Ayiieeee."

"Wala! At galit ako sa kanya." Naglakad siya ng mabilis kaya humabol agad ako.

***

Hindi ko nagustuhan ang suot ko ngayon. Kaming apat ay parehong naka-gown. Pinahiram ako ni Shamin nito saka hindi ko talaga type ang mga ganito. Manipis ang tela, sobrang revealing at saka kitang-kita ang binti ko. Kung gaano kahaba ang tela sa likuran ko ay gano'n din kasing-ikli sa harapan ko. Konti na lang ay makikita na ang panty ko dito.

Pagkatapos naming bumati sa Daddy niya ay sumunod kami sa kanya papasok ng mansion. Nag-aya kasi siya na do'n kami pupunta sa pool dahil kaunti lang ang mga tao doon dahil karamihan nasa kanilang garden.

"Ba't pa kasi pinasuot ka pa niyan kung hindi ka naman komportable." Hindi ko alam kung ako lang ba ang kinausap ni Betsy kasi ang lakas ng pagkakasabi niya kaya narinig rin nila Shamin.

"It's so hard to have this friend siguro na palaging nangingialam. Like duh, damit lang 'yan at 'wag painosente." Biglang wika ni Shamin. Kinabahan tuloy ako. Ako ba ang tinutukoy niya?

"You know what Jaella. Bad influence pa naman ang isang tao kung pinipilit ka sa ayaw mo." Usisa ni Betsy.

"My god! I never invited toxic people!" Sigaw ni Shamin habang patuloy pa rin kaming apat sa naglalakad.

"Well, Jaella is the one who invited me. And I won't ever go to a party if you bitch is the one who will invite me anyway. Ayoko pa naman makasalubong ng asong babae." Mataray na sabi ni Betsy.

Napakunot-noo naman kami ni Phinah after realizing something. Are they fighting?

"You're the real bitch!" Sigaw ni Shamin at sasampalin na sana si Betsy pero agad na nahila siya ni Phinah.

Ah-uh. Bakit parang may galit sila sa isa't-isa?

"Sham act formal naman. Kung may galit kayo sa isa't-isa, palampasin niyo muna ngayon." Pangangaral ni Phinah sa kanya.

She just nod and rolled her eyes. Hinila niya kami ni Phinah upang ilayo kay Betsy. Nilingon ko naman si Betsy pero nagpeace-sign lang siya at ininom ang wine na nasa maliit na mesa.

"Sorry to say this Jaella, but I really don't like your friend." Diretso niyang wika kaya siniko siya ni Phinah.

"Bitter ka lang 'te. Porket siya ang gusto ni Hezekiah, galit ka na agad? Duh, may iba pa diyan." Wika ni Phinah kaya naguguluhan kong sinulyapan si Shamin.

"Gusto mo si Hezekiah?" Tanong ko.

"My ultimate crush and uhmm.. my first love," sagot niya.

"So kilala mo na si Betsy. And that night? No'ng birthday ng kuya mo, sinabi ni Hezekiah ang babae na gusto niya dahil sa dare mo at ang dahilan kung bakit ka nagalit kay Betsy, 'di ba?" I concluded.

Mapakla siyang tumawa. "Yeah you're right but.. from the very start we saw each other, magkaaway na agad kami. I really don't like her presence, honestly. Argh!"

"Bakit?"

"Dahil lahat ng nagugustuhan ko ay siya ang gusto! Like wtf?! At karamihan ng naging ex ko ay naging ex niya rin pala! Maybe we're coincidentally connected just to argue and argue."

Ang akala ko pa naman ay may namamagitan sa kanila ni Reihnt. Pero si Hezekiah pala yung gusto niya habang si Reihnt ay may gusto sa kanya.

"Gosh! Babaan mo ang pride mo Sham. Remove that fucking insecurities of yours!" Galit na sabi ni Phinah at pinanlakihan siya ng mata.

Ngayon ko lang nalaman na ang dami palang naghahabol kay Betsy. Tss, ang borikat talaga ng babaeng 'yon eh! Hindi man lang ako sinabihan.

"I... I... I'm sorry. It hurts so much lang." Shamin started to cry kaya nagulat ako habang si Phinah ay kalma lamang habang naka-krus ang mga braso.

"Then remove it now and embrace the fact." Seryoso niya pang wika.

"Ayy wow! Englishera ka pala Phins." Singit ko at nakipag-apiran pa sa kanya.

"Okay fine. I'm gonna say sorry to her na!" Naiiyak na wika ni Shamin at naglakad papalapit kay Betsy.

"So, see you!" Excited na paalam sa akin ni Phinah at nakipaghalo sa mga kalalakihan.

So, iniwan na talaga nila ako? May karupukan din pala 'tong tinatago si Phinah. Sabagay, single naman siya kaya walang problema. Kaya ako? Kailangan behave lang dahil ayokong magalit sa akin si Jones.

"You again huh?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses niya.

"Likewise. Kaya please, lumayo ka kasi may boyfriend ako."

"So what? He's not even here." He smirked.

"Woy nakakainis ka na! Sobra! Ang sarap mo patayin! Palagi mo na lang akong pinapahiya!"

"And?" He softly said kaya napaubo ako. Pinagtitripan niya ba ako?

"You told me, you don't like cheap girls. Pero bakit lapit ka ng lapit sa akin?"

He flashed an amused smile. "You're really interesting."

"Woy! Masyado ka ng malapit!" Kinakabahan ko siyang tinulak nang sobrang lapit niya na sa akin.

Tumawa lang siya at inakbayan ako. Sa inis ko ay pinagsasabunot ko ang buhok niya ng malakas pero malakas rin naman siyang napatawa. Nakakahiya na dahil ang dami ng nakatingin sa amin.

"Maraming babae ang naghahabol sa akin Ms. Jaella Camazon, unfortunately you're not one of them. They're addicted how I moved my soft lips." Nang-aasar niyang wika.

"Tang-ina!" Malakas akong napamura. "Nagtitimpi na talaga ako sa'yo!" Sinampal ko siya ng malakas at hindi ako nagsisi.

"Wala akong pakialam kung ang daming nagkakagusto sa'yo! And I hate you because of your shitty attitude! Alam mo? Hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo." Galit na galit kong wika. At wala akong pakialam sa mga taong nakikiusyuso na.

Sumeryoso ang kanyang mukha. "Really? Then, I'll challenge you."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hinahamon niya talaga ako.

Makahulugan siyang ngumisi at inilapit ang kanyang bibig sa tainga ko upang ibulong ang mga katagang...

"You will let me do the things that I want to do, together with you. I'm sure, you'll fall for me because that's what I did to... Patriz before. So please... don't fall for me."

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.