Unexpected Affection

All Rights Reserved ©

Chapter 8

MASYADO akong naging busy lalo na si Phinah dahil sa daming pinapagawa ng prof namin. Si Shamin naman ay madalang na rin naming nakikita. Well, malapit na kasi ang finals. Kaya grabe ang pagsusunog ng kilay ang ginawa ko sa finals. Ang bilis lang talaga ng panahon kung tutuusin.

Saka kailangan ko talagang pagtuonan ng pansin ang pag-aaral ko kasi ayaw kong magkaroon ng mababang grades dahil ito yung usapan ng nag-sponsor no'ng prize na scholarship. Hanggang 4th year college kasi ay yung nag-sponsor pa rin ang magbabayad ng full tuition ko. At kapag nagkaroon ako ng bagsak ay doon na magtatapos ang scholarship ko kaya dapat lang seryosohin ko ang pag-aaral. Well, no'ng first sem naman ay okay lang naman ang mga grades ko, naipasa ko naman lahat.

"Tapos na kayo sa group project?" Tanong ni Phinah habang nag-uunat unat. Kakaalis lang ng prof namin.

"Wala pa. Kaya nga kailangan naming pumunta kina Gree dahil do'n namin tatapusin. At malamang, gagabihin na naman ako sa pag-uwi."

"Mabuti ka pa Jael. Kasi yung grupo ko parang ako lang yata ang attentive sa amin. Ako yung gumawa ng powerpoint habang sila ay nag-uusap lang!"

"Reklamo pa more! Baka marinig ka pa nila."

"Wala 'kong pake. Saka, sinabihan ko na rin sila- I mean pinagalitan." She took a deep breath and heavily sighed.

Pagkatapos ng klase ay hindi na kami nagsabay lumabas dahil kasama ko na ang mga kagrupo ko. May mga estudyanteng galing sa ibang department na naglilibot sa building na parang wala ng problema. Siguro natapos na nila ang lahat ng requirements. Tss.

Hindi na ako nagulat nang makapasok kami sa malaking mansion nina Gree. I mean, almost of my blockmates are so damn rich kaya nasanay na ako na makapasok sa kani-kanilang malalaking mansion.

Seryoso kaming nakatitig sa kanya-kanyang laptop habang mabilis na nagtitipa. Tumayo ako nang biglang naiihi ako.

"Uhmm saan ba dito ang CR Gree?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kanya when I caught him staring at me.

Napalunok naman siya bago magsalita. "Samahan na kita kasi pupunta na rin ako sa dining para mag-prepare ng snack natin. Tutal naghahanda na rin ang mga yaya para sa dinner natin." Anito.

Nang makalabas na ako ng cr ay gulat akong napatingin sa kanya. Nakasandal lamang siya sa pader na halatang naghihintay sa akin.

"Baka gutom na kayo? Ikaw ba?" Nakakrus ang dalawa nitong braso sa kanyang dibdib habang nagtatanong.

"Hindi pa naman."

Gumaan ang pakiramdam ko nang mabilis naming natapos ang gawain. Nakangiting kumagat ako ng sandwich. Hay, finally!

"Tapos na kayong lahat?" Tanong ni Gree at nagsitanguan naman kami.

Agad kaming sumunod sa kanya papuntang dining room. Ayoko sanang dito mag-dinner dahil inaya ako ni Cremer na do'n na lang sa condo niya pero hindi ako pumayag. Tss, bahala siya do'n! Saka pwede naman siyang kumain mag-isa.

"Sasama ako sa paghahatid sa inyo ha? Para naman hindi ako kakabahan kung nakakauwi ba kayo ng maayos." Ani Gree.

Ipapahatid niya kasi kami sa kanyang driver gamit ang kanilang van na sumundo rin sa amin kanina.

"Sus! Alam naman naming si Jaella lang ang pakay mo." Panunukso sa kanya ni Leomar.

"Shut up!" Nahihiyang saway niya kay Leomar.

Nakisali na rin ako sa panunukso kay Gree tutal kami lang naman dito sa dining at wala ang parents niya. Pareho kasing workaholic kaya kadalasan ay aabutin ng umaga ang uwi nila sabi ni Gree.

"Huwag ka ng mahiya Gree kasi gwapo ka rin naman." Pang-aasar ko na dahilan ng ikinapula ng pisngi niya.

Agad naman siyang kinantyawan ng mga kasamahan namin.

"Go for it na pre!" Sigaw pa ni Leomar habang sinuntok ang kanyang braso.

"Just be quiet guys. We're here para kumain hindi para makipag-flirt. Besides, just give some respect to our Lord kasi there's so many places naman para do'n makipaglandian 'di ba?" Maarteng saway sa amin ni Zoey.

"Wow, ba't biglang naging God-fearing ka Zoey?" Sumbat ni Leomar sa kanya kaya nagsimula silang nagbangayan.

Napapailing na lamang ako. Karamihan talaga sa mga kaklase kong babae ay mga conyo. Saka kahit pa sa ibang department ay ang arte-arte magsalita, tunog mayaman talaga.

Ako ang huling pinahatid ng driver ni Gree.

"Dito na lang Manong." Wika ko at nilingon rin si Gree.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang makalabas na kami ay nakangiti siyang nakaharap sa akin.

"Ang laki pala ng bahay niyo." Aniya.

"Nope. Sa Tita ko lang 'to, dito kasi ako nanunuluyan sa kanila."

Tumango lamang siya at parang may gustong sabihin.

"What is it?"

"Can I kiss you?"

Hindi pa nga ako nakasagot dahil sa gulat ay naramdaman ko agad ang labi nito. Bago pa ako makapagsalita ay patakbo siyang pumasok ng van.

What the?! Bakit pakiramdam ko ang dali ko lang manakawan ng halik? Never pa nga 'tong ginawa sa akin ng boyfriend ko dahil malaki ang respeto niya sa akin.

Naiiling na lamang akong napahawak sa labi ko.

"So kaya pala natagalan ka dahil nakikipagkita pa sa ibang lalaki?"

Lumapit siya sa akin at kitang-kita kung paano umigting ang kanyang panga.

"Hindi ka rin sumipot sa unit ko," may diing pagkakasabi niya.

"Sorry may ginagawa kasi kaming group project."

"Tss. Group project ba kamo?"

"Pake mo?" Pagtataray ko at nilagpasan siya.

Nagmano ako kina Tita Roxie at Tito Rezon nang agad namang napalingon sa akin.

"Tapos na po akong mag-dinner." Wika ko at pumaitaas na.

Kinuha ko ang cellphone sa maleta. Hindi ko na yata ito nagagamit kasi nasanay akong laptop ang palaging ginagamit.

"You're always offline," malungkot na boses ni Jones ang agad na bumungad sa Skype.

"Busy eh. Hay.. sobrang na-miss na kita Jones. Kailan ba uwi mo?"

Natahimik siya at biglang nalukot ang mukha.

"Gustong-gusto ko na nga sanang umuwi but my parents got mad nang magpaalam ako sa kanila. You know... I'm longing for you Jaella. And sometimes I'm spacing out when you're offline, imagining things like.. what if you don't love me anymore?"

"Huh? Paano mo 'yan nasabi Jones? It's impossible! Kaya no negative vibes okay? At the end of the day, tayo at tayo pa rin. I love you and I always do." I gave him an assuring smile.

"Love you always Jaella. Just wait for me okay?"

"Of course!"

Pagkatapos naming mag-usap ay nakatulog na ako. Nagising lang ako nang may marinig na tunog galing sa cellphone ko. Unknown number?

"Sino 'to?"

Walang sumagot at bigla akong binabaan ng tawag. Napakibit-balikat na lamang ako.

Nang makalabas na ako ng gate ay naghihintay na sa akin si Cremer habang nakasandal sa kanyang BMW.

"Get in," malamig na tugon nito na pinaglalaruan ang susi ng kanyang sasakyan.

Mabilis na bumaba ako at hindi siya hinintay. Ganito kasi ang routine namin. Kapag ihahatid niya ako ay hindi ko na siya hihintayin dahil ayokong may makakita sa amin. Saka hindi ko naman pinilit na ihatid ako. Bahala siya sa buhay niya!

"Hindi mo na naman ako hinintay." Aniya habang nakahawak sa braso ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Para saan pa?"

"Oh come on Jaella. Baka gusto mong makita nila kung paano kita halikan?"

"Ang sama mo. Tss."

"Saan mo balak mag-bakasyon?" Pag-iiba niya ng topic.

"Uuwi siguro ako sa amin."

"Palawan tayo?"

Nagulat ako sa tanong niya. Did he just invite me?

"Tayo?"

"Yeah. Just you and me." He softly said.

"So hindi ako makakauwi nito?"

"It's up to you. Just one week lang naman." Aniya at hinihintay ang sagot ko.

"Okay."

Umaliwalas ang mukha niya. Sinamaan ko siya ng tingin nang guluhin pa niya ang buhok ko.

Almost of them were looking on us. Sino ba ang hindi magtataka kung bakit kami naging sobrang close. Well, I treated him as my boy bestfriend and there's no malice, hanggang do'n lang talaga."

"Oh hello Cremer. I'm rarely seeing you na this past few days." May lumapit sa aming babae.

Napatunganga pa akong napatingin sa babae. She's literally gorgeous.

"Well, busy you know."

"Yeah. Sabay na tayo kasi papunta rin ako sa room niyo. And by the way, Patriz will be studying here sa susunod na pasukan!" Wika pa ng babae while blocking me to him.

Naunang umalis na lamang ako. Nakasalubong ko naman si Shamin kaya biglang napatakip ako sa tainga nang sumigaw siya.

"Oh my gosh! I missed you na!" Nanggigil niya akong niyakap habang tumatalon-talon. Binatukan ko pa nga siya para tumigil. Ang kulit lang.

"Mabuting nagkita tayo kasi hindi ka na nagpapakita sa amin ni Phinah."

"Yeah, super busy gosh! But don't worry because wala na akong gagawin. So I'm gonna invite you as well as Phinah to go on a bar tomorrow night."

"Duh. Hindi pa ako nakakapunta ng bar. Bad influence ka talaga." Biro ko.

"You'll gonna enjoy there Jaella, trust me. There's so many hot guys pa do'n."

"I don't need them, as simple as that."

Inihatid niya ako sa room para makausap rin si Phinah. Natagalan pa sila sa labas habang ako ay pinaglalaruan ko lang ang hawak kong ballpen. Wala ng pumapasok na prof kasi pagpapasa ng projects na lamang ngayon. Si Gree na ang nagpasa no'n sa amin.

"Sa Silantro Fil-Mex na lang tayo mag-dinner."

Tahimik akong nakasunod sa kanila. Alas sais na kaming nakalabas. Kahit wala namang pumapasok na prof ay nag-eenjoy pa rin naman silang nag-uusap habang nakikinig lamang ako. Ewan ko kung bakit wala ako sa mood ngayon.

"Another restaurant?" Natatawa kong tanong. Another treat to Shamin na naman. Nakakagutom talaga kapag libre.

"Yes Jael. It's a Filipino and Mexican style of cooking."

Hinalikan ko sila sa pisngi nang magpaalam nang umalis. Nauna na sila dahil pareho silang nagmamadali kaya naiwan akong mag-isa. Tinext ko si Cremer na sunduin ako tutal hatid-sundo na naman ako no'n kaya susulitin ko na. Pero wala pa rin akong nakuhang reply.

Tinawagan ko siya at nakatatlong ring bago niya ito nasagot.

"Ugh! What is it?!" Sigaw nito.

"Si Jaella 'to. Uhmm kung hindi ka busy, pwede bang magpasundo dito?"

"Cremer aah. Faster please..." Rinig kong sabi ng isang babae na umuungol.

Napatakip ako ng bibig. Shit! Disturbo yata ako. Pero seriously? Nakakadiri pakinggan ang boses ng babae. Nakakatindig balahibo!

"Sorry, sorry. 'Di ko alam na may ginagawa pala kayo." Nanginginig ko pang sabi. Shit talaga!

"Where are you?" Seryoso niyang tanong. Naririnig ko naman ang pag-reklamo ng babae.

"Where are you?" Tanong niya ulit.

"Ahh uhmm sa Silantro Fil-Mex lang. Pero 'wag mo na lang akong sunduin kasi mag-jejeep na lang ako."

"No. Just wait for me." Sabi niya aat pinutol ang tawag.

Napapailing na lamang ako. Baka nagalit sa akin yung babae dahil sa pang-iisturbo ko. Pero hindi ko naman sinasadya. Saka pupunta pa talaga siya dito? Tumindig ang balahibo ko habang ini-imagine ang kanilang ginagawa. Napayakap na lamang ako sa sarili. Tss, kadiri!

Nakita ko na ang papalapit niyang BMW. Napanguso lamang ako habang naalala na naman ang boses ng babae.

Lumabas siya na magulo ang buhok habang nakabukas pa ang tatlong butones ng kanyang polo. Ano siya model? O baka naman sa pagmamadali niyang pagbibihis ay hindi niya na nasarado ito. Pero kahit gano'n ang itsura niya ay mas sobrang nakaka-attract ang magulo niyang buhok. Tss.

"Sorry kung hindi kita nasundo agad."

"Okay lang." Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Ewan, pero nakakaramdam ako ng ilang.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya pumasok na rin ako. Pumasok na rin naman siya.

He gave me a small smile and sighed heavily. Kinakabahan ako nang lumapit siya sa akin akin.

"Don't forget to fasten your seatbelt." Aniya habang isinuot sa akin ang seatbelt.

I sit properly when he started the engine.

Napanganga akong napatingin sa kanang kamay niya na nakalagay sa hita ko.

"Sorry if it made you uncomfortable. We're just kissing and we're not doing something beyond on that. Hanggang do'n lang talaga Jaella." Wika niya at sandaling nilingon ako at matamis na ngumiti sa akin.

Bakit kailangan niya pang magpaliwanag? Hindi naman ako nagtanong sa kanya. Saka hanggang halikan nga lang ba? Pero ano naman yung sinabi ng babae na faster please?!

Bumibigat ang paghinga ko nang biglang pumintig ng malakas ang puso ko. There's something wrong on me.

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.