HOMEBOUND: Before Ever After

All Rights Reserved ©

Chapter Three

Pagkalagpas namin sa gate ay namangha agad ako sa lawak at kagandahan ng estate. Sa bawat madadaanan naming bahay at gusali ay siya namang pagpapaliwanag sa akin ni Tatay Noel kung ano ang mga iyon. Ilang metro mula sa gate ay nakatayo ang isang two-storey house na sabi ni Tatay Noel ay dati nilang tirahan pero ngayon ay guard house na. Sampung guard ang nakatira doon kasama ang kani kanilang mga pamilya. Ang mga asawa daw nila ay nagtatrabaho sa SPIN at yung mga anak naman nila ay mga scholar ng “asawa ko”.

Mula naman sa guard house ay matatanaw mo ang park at isang malawak na event center.

“Diyan gaganapin sa event center yung party ni Lola Amy mamayang hapon.” Ani Tatay Noel.

“Mukha nga pong abala ang lahat sa paghahanda.” Komento ko. “Pero bakit mamayang hapon po yung party?”

“Alas tres kasi yung labas ng mga bata sa school. Gusto kasi ni Ava na lahat ng mga nagmamahal kay Lola Amy ay present sa kaarawan niya.”

Ilang metro naman mula sa event center ay isang maliit na paaralan, chapel at ang gusali ng SPIN, katabi naman nito ay ang home for the aged, orphanage at clinic.

“Tay Noel?”

“Bakit Hijo?”

“Paano po niya napapamahalaan yung ganito kalaking responsibilidad?” yung pagpapatakbo ng ganito kalaking foundation ay parang pamamahala rin ng isang million dollar company. Maraming taong umaasa sa iyo. Maraming taong nangangailangan ng tulong mo.

“Bilib nga din kaming lahat dun sa asawa mong yun eh, sa dami ng trabaho niya ay nakakayanan niya pa ring pamahalaan ng mabuti yung foundation, napalaki din niyang mabait at matalino si Pavel.” Nakangiting saad nito.

“Pavel?” tanong ko.

“Ay naku pasensya na Hijo... si Pavel yung anak ninyo. Huwag kang mag alala makikita mo rin siya at sigurado akong matutuwa yun kapag nakita ka niya.” Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa akin sa rear view mirror. “Nandito na pala tayo.”

Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na cabin katapat ng lake. Pagkababa ko ng kotse ay tanaw ko ang isang pamilyar na babae na may hawak na isang batang lalake sa kanang kamay niya at isang batang babae naman sa kaliwa. Unti unti akong humakbang papunta sa kanila, nung nakalapit na ako ay agad kong nakilala ang babae.

“Mrs. Cruz?”

***

“Tinawagan mo na ba si Louis tungkol sa problema dito sa farm Jo? At tsaka bakit kanina lang kayo tumawag sakin eh mag iisang linggo na palang nagkakaproblema dito?” may halong inis na tanong ko kay Joanna, ang manager ng farm dito sa probinsya. Kaninang umaga kasi pagkatapos kong makipag usap sa kaibigan ko ay nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Joanna na nagkakaproblema daw dito sa farm. Kaya naman umalis agad ako ng estate, dinaanan ko na lang si Lola Amy at nagpaalam na hindi ako makakadalo sa kaarawan niya. Nahirapan naman ako sa anak ko. Tuwing pupunta kasi ako sa probinsya ay palagi niyang gustong sumama. Pero nung sinabi ko sa kanya na darating ang ama niya ay tuwang tuwa siya kaya pinayagan na niya akong umalis. Nalaman ko kasi kay Sab na dadating si Mikhail ngayong araw.

Malapit na kami sa bahay nang humihingal na sumalubong sa akin si Lia sabay abot ng telepono sa akin. Nagtataka man ay kinuha ko ito sa kanya at itinapat sa aking tenga. Kinuha naman niya sina Pavel at Andrea para ipasok sa loob ng bahay.

“Hello?”

“Ms. Ava, papunta na po diyan si sir, mamayang tanghali po yung dating niya. Pasensya na po talaga maam, kanina ko lang din po kasi nalaman na pupuntahan niya po kayo.Biglaan po kasi yung desisyon niya ate. Pagkatapos niya pong basahin yung annulment papers eh tinawagan na po niya agad yung kaibigan niya para ihatid po siya diyan sa Pinas.” Bahid ang pagkataranta sa boses nito.

“Okay lang yun. Sinabi ba niya kung saan siya mananatili habang nasa bansa siya?”

“Sinabihan niya po akong mag book ng taxi papunta sa condo niya pero sinabi ko po sa kanya na ipapasundo niyo po siya sa family driver niyo at sa estate po siya mananatili kasama ninyo. Ok lang po ba yun sa inyo ate? Ang dami ko na po kasing kasalanan sa inyo kaya kahit sa maliit na bagay lamang po ay gusto kong makabawi.”

“Ikaw talaga, isang napakalaking bagay ang nagawa mo ngayong araw, makikita na din ni Pavel yung tatay niya.” Nakangiting sabi ko.

“Salamat po talaga ate.”

“Walang ano man yun, at salamat din sa iyo. Sige magpahinga ka na at gabi na diyan sa inyo.”

“Pakisabi na lang po pala ng Happy Birthday kay Lola Amy.”

“Sige, bye. Mag ingat sa mga matutulis na bagay.” Natatawang sabi ko.

“Nag iingat naman po ako ate. Happy anniversary! Bye!”

“Ano-” lintik na babaeng yun binabaan ako ng telepono? Napapailing na lamang akong pumasok sa loob ng bahay. Anniversary? It feels more of like, Happy separation…

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Joanna papunta sa veterinary clinic nitong farm para i-check yung records ng bawat hayop na inaalagaan namin. Joanna Marie Suarez ang buo niyang pangalan, siya ang veterinarian nitong farm, actually dalawa sila ni Louis, Louis Sandiego Monte Loyola, pero minsan lang naman pumunta dito yun kaya mas kilala ng lahat si Joanna kesa sa kanya kaya siya na din yung naatasan kong maging manager dito. Minana nila ang shares ng kani kanilang mga magulang dito sa farm. Mula pagkabata ay magkasama na ang dalawa, at mula noon ay parang mga aso’t pusa na sila kung mag-away. Pero linggid sa kaalaman ni Louis ay matagal na siyang gusto ni Joanna.

“OO ate, pero yung malditang girlfriend niya yung sumagot, nakakainis. Sabi niya wala daw dun si Louis pero naririnig ko naman yung galunggong sa kabilang linya. Sinabihan pa ako nung babae na nakakaistorbo daw ako sa kanila.” Padabog na sabi ni Joanna kaya sa halip na maiinis ako lalo ay napatawa na lang ako sa ginawa niya.

“Oh, tapos? Anong sinabi mo?”

“Ganito yung sinabi ko Ate, “Hoy! Ikaw na higad ka huwag na huwag mong iparamdam sakin yang kaartehan mo ha, allergic ako diyan gaga! At pakisabi diyan sa galunggong mong boyfriend na kailangan siya sa farm ngayon, kung hindi pa siya pupunta dito ngayon ding araw na to ay magsama na lang kayo diyan sa kung saang lupalop man kayo ng mundo at mabulok! Bwisit!”, tsaka ko binaba yung phone. Nakaka bwisit siya Ate promise.”

“Huwag kang ganyan Jo.” Sabi ko sa pagitan ng pagtawa.

“Huwag ano Ate?”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, napag hahalatang may gusto ka kay Louis eh.” Tukso ko.

“Ate naman... alam mo namang matagal ko nang itinigil yung kahibangan ko sa lalaking yun diba? Alam ko naman kasing hindi ako magugustuhan nun, parang mga aso’t pusa nga kami kung mag-away kaya imposible na magkagusto sakin yung galunggong na ‘yon.” Sabi niya at nauna ng maglakad.

Hindi nagtagal ay narating din namin yung veterinary clinic. Naabutan naming nakaupo sa hagdan ng clinic si Troy na busy sa pagtipa sa cellphone niya. Hindi man lang niya namalayang nakalapit na kami ni Joanna sa kanya.

“Troy!” biglang sigaw ni Joanna sa tenga niya.

“Ate! Huwag ka namang bigla bigla na lang sumusulpot...” Sabi niya habang gulat na tumayo. Muntik pa silang magkabanggaan ni Joanna. Mabuti na lang at mabilis na nakaiwas yung huli.

“Eh sino ba kasi yang katext mo ha Troy?!” inis na tanong sa kanya ng kapatid. “Mula pag alis natin ng bahay nakababad ka na diyan sa cellphone mo.”

Nakababatang kapatid ni Joanna si Troy, kahit na parati silang nagbabangayan ay best buds parin sila. Dalawa lang kasi silang magkapatid kaya wala silang choice kundi ang protektahan ang isat isa.

“Girlfriend ko ate.” Masayang sagot nito.

“Ah... kaya naman pala panay ngiti mo.” Nanlilisik ang matang sabi ni Joanna. “Tingnan natin kung masasayahan ka pa sa gagawin ko.” Mabilis niyang piningot ang kapatid kaya napasigaw ito sa sakit. “Halika nga ditong bata ka. Ang bata bata mo pa marunong ka ng mag lovelife. Ako nga na ate mo hindi pa nagkaka boyfriend tapos uunahan mo pa ko ngayon?”

“Eh ate, girlfriend hanap ko hindi boyfriend. Tsaka sabihin mo na kasi kay kuya Louis na mahal mo siya para magka boyfriend ka na.”

“Ah... sumasagot ka pa ha.” Mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa tenga ng kapatid at kinaladkad ito papasok ng clinic. Natatawa na lang akong sumunod sa kanilang dalawa. Nakalimutan ko na tuloy kung bakit ako nandito sa probinsiya ngayon...

***

“Mrs. Cruz?” bakit siya nandito? Kaano ano ko siya? Siya ba yung asawa ko? Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Tatay Noel. Nahagip din ng paningin ko ang dalawang batang naghahagikhikan katabi ni Mrs. Cruz. Natigil ako sa pag iisip ng patakbong lumapit sa akin ang batang lalaki.

“Tatay!” masayang sambit nito habang nakataas amg mga kamay sa ere na para bang gustong magpakarga sa akin. Hindi ko naman siya binigo sa gusto niya. Nang nasa mga bisig ko na siya ay may naramdaman akong kakaiba. Sobrang saya ko habang hawak ko siya, parang may kung anong nabuhay sa loob ko. Niyakap ko siya at ganon din ang ginawa niya.

“Welcome home Mikhail.” Sabi ni Mrs. Cruz na siyang nagpamulat sa mata ko.

“Are you my-“ hindi ko na natapos ang tanong ko ng bigla itong tumawa ng malakas, ganon din si Tatay Noel na ngayon ay nakaakbay na sa babae.

“No, I am not your wife Mikhail. Pangalawang beses mo ng tinanong yan.”

I was thinking out loud again, but I heaved a sigh of relief after hearing that. “Then where is my wife, Mrs. Cruz? And why are you here? Are you and Tatay Noel? And this kid, is he...?” sunod sunod kong tanong na mas lalong nagpangiti sa kanya.

“Alam kong madaming tanong na nakaipon diyan sa utak mo ngayon hijo, at alam ko din na pagod ka kaya kailangan mo na munang magpahinga, pumasok na muna tayo sa bahay ninyo. At sigurado akong nagagalak na yang batang maka bonding ang ama niya.” Nakangiting sabi nito at nagpatiuna nang maglakad kasama si tatay Noel at ang batang babae papasok ng maliit na bahay.

“Tatay?”Nabaling ang tingin ko sa batang lalaking karga ko ngayon. Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Two pairs of olive green eyes staring at each other. Hindi maipag kakailang anak ko nga siya. Pavel...my son.

***

“Okay na lahat Joanna ha, please lang tumawag kayo agad kapag may problema.” Habilin ko sa kanya bago ako umalis pabalik ng estate. Matapos naming masuri lahat ng mga alagang hayop kanina at ma update ang mga files nila ay agad kong tinawagan ang kaibigan kong piloto para sunduin ako dito sa farm kahit na hating gabi na. Kailangan kasi nandoon ako pagkagising ni Pavel. Nangako kasi ako sa kanya na ako ang kauna unahang taong makikita niya paggising niya bukas.

“Promise ate, makakaasa kang hindi na mauulit yung nangyari kanina.”

“Sabihan mo na din yung crush mo na pumasok na sa trabaho, hindi por que may shares siya dito sa farm ay magpapabaya na lang siya.”

“Opo ate.” Nakangiting sabi nito tsaka niyakap ako. “Ingat ka sa biyahe ate, tsaka pakisabi kay Pavel na miss ko na siya.” Sabi niya bago ako pinakawalan.

Mabilis kong tinungo ang naghihintay na chopper sa akin. When I was settled on my seat, I waved at them as the chopper took off and hid behind the night sky.

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.