HOMEBOUND: Before Ever After

All Rights Reserved ©

Chapter Five

January 10, 2018

Morning


Nakatayo ako sa gitna ng isang malawak na hardin na punong puno ng mga makukulay na bulaklak. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar, at sa dulo nito ay may nakatayong babae na may hawak na isang bugkos ng rosas. Nakangiti siyang humakbang papalapit sa’kin,ngunit ng akma ko siyang hawakan ay bigla akong nilamon ng lupa at sa isang iglap lang ay nasa isang tahimik na kalsada na ako. Muli kong nilibot ang aking mga paningin sa pag-asang makikita kong muli ang babae pero sa halip ay dalawang bata ang nakatungong nakatingin sa akin. Nakangiting tumitig sa akin ang batang lalaki kaya gumanti rin ako ng isang matamis na ngiti sa kanya ngunit sa di malamang dahilan ay bigla akong kinilabutan. Nilipat ko ang tingin sa batang babae at doon ko nakita ang matalim na mga mata niya. Kitang kita dito ang magkahalong emosyon na gusto niyang ipahiwatig, may konting galit, sakit, tuwa at ilang sandali pa ay unti unti ng tumulo ang kanyang mga luha. Lumuhod ako sa harap nilang dalawa at niyakap sila. Maya maya pa ang may nakapa ako na parang basa sa likod ng batang babae. Kumawala ako sa yakap at tiningnan siya. Binundol ako ng takot ng makita kong naliligo na sa sarili niyang dugo ang bata, akma ko silang yayakapin muli ngunit bigla silang nawala.

Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw mula sa maliit na siwang sa bintana. Isang panaginip…isang napakasamang panaginip. Unti unti akong tumayo at naglakad papunta sa banyo. Pagdating ko doon ay agad akong naligo para mahimasmasan. Ano kayang itsura nila? Sino sila? Anong kinalaman nila sa buhay ko? Ilan lang yan sa mga tanong na unti unting bumubuo sa isipan ko. Mga tanong na hindi ko alam kung sino ang makakapagbigay sakin ng karapat dapat na sagot.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng simpleng putting t-shirt at grey na shorts. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto, pero huli na ko dahil nakangiting bumungad sakin ang mag ina ko.

“Morning Mikhail.” Bati sakin ni Ivana habang nilalapag sa lamesa ang niluto niyang agahan. Amoy na amoy sa buong bahay ang mga hinanda niya. May fried rice, sunny side up eggs, fried chicken at hotdog. Meron ding pandesal at kesong puti.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit kay Pavel na kanina pa ako tinatawag. “Tatay…” mahinang sabi niya habang inaabot ang mga kamay niya sakin. Kinuha ko naman yun at yumuko para halikan siya sa noo. Maigi kong tiningnan si Pavel, may pagkakahawig siya sa batang napanaginipan ko. Kung siya nga yung batang lalaki, sino naman kaya yung batang babaeng kasama niya?

Natigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ivana.

“Umupo ka na at kakain na tayo Mikhail.” Tumango ako at tinungo ang upuang katapat niya na nasa kaliwa naman ni Pavel.

“Kumakain ka pa ba ng kanin?” tanong niya sakin habang nilalagyan ng sunny side up eggs ang plato ko. “Kumakain ba ako nun?” balik tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumayo para kumuha ng dalawang tasang tsaa. Nilapag niya ang isang tasang may disenyong bigote sa harap ko. Yung isa namang tasang may disenyong labi ay nilagay niya sa harap niya.

“Kumakain ka naman noon pero konti lang tsaka hindi araw araw. Kaya pagkatapos ng kasal natin ay pinilit kita.” Sabi niya habang inaasikaso ang pagkain ni Pavel.

"Nana, kaya ko naman po eh." Mahinang ingos ni Pavel na nagpangiti sa akin.

Ngumiti si Ivana sa kanya at hinayaan na lamang siyang kumuha ng sarili niyang pagkain.

“Nung una ayaw mo kasi nga hindi ka sanay na araw araw may kanin pero hindi naglaon ay nakasanayan mo na din. Kaya sa loob ng isang linggong magkasama tayo ay mula agahan hanggang hapunan may kanin na.” Masiglang pagku-kwento niya. Kumunot ang noo ko sa narinig, ibig bang sabihin isang linggo lang kaming nagkasama bilang mag asawa bago ako maaksidente?

“Tigilan mo na yang pagkunot ng noo mo, kung ano man yang mga katanungang nasa isip mo, sasagutin ko ang lahat ng mga yan, kahit isang daan o isang libo pa yan okay lang. Utang ko yun sa’yo at ngayon kailangan ko nang magbayad.” Sabi niya habang diretsong nakatingin sakin. “Pero mamaya na lang pag uwi ko ha, may mga kailangan pa kasi akong tapusin sa opisina, hayaan mo bukas na magsisimula ang leave ko sa kompanya. Kaya hanggat nandito ka sa bahay, nandito din ako.” Ngumiti siya at tumayo na para punasan si Pavel.

Napabuntong hininga ako sa nasasaksihan ko ngayon. Tuwang tuwa si Pavel habang pinupunasan ng kanyang ina ang mga butil ng kanin na nasa gilid ng labi at leeg nito. Lumalakas ang tawa nito sa tuwing napapadaan sa leeg niya ang bimpong gamit ni Ivana sa pagpunas sa kanya.

I was standing in the middle of an empty place. It was sunny, a good day to stretch your limbs and think randomly. But I don’t know this place so I started walking around to look for any signs but I found nothing. I was about to give up when I caught a glimpse of someone from afar. I walked in his direction hoping to get some information about the place but he’s not alone. Two people were standing a few meters away from me. They were facing each other with their backs on me.

Pinupunasan ng lalaki ang mukha ng babaeng kasama niya at sa tuwing hinahawi ng lalaki ang buhok ng babae ay siya namang bungisngis nito. Alam kong masamang istorbohin ang kasayahan ng dalawang tao pero kailangan ko lang talagang malaman kung nasaan ako kaya unti-unti akong lumapit sa kanila. Bahagyang nagulat ang babae nang makita niya akong papalapit sa kanila pero nginitian ko lang siya. Nang tuluyan na akong nakalapit ay mahina kong tinapik ang balikat ng lalaking kasama niya para sana magtanong pero laking gulat ko ng paglingon ng lalaki ay sarili ko ang nakita ko. Nakaharap ba ‘ko sa salamin? Anong nangyayari? Lumingon ako sa babae ngunit hindi ko na maaninag ang itsura niya.

“Mikhail? Hey!” mahinang pukaw sakin ni Ivana. Napa buntong hininga ako at naihilamos ang mga kamay sa aking mukha. Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking sentido dahil sa alaalang iyon.

“Ayos ka lang ba? I was saying something pero hindi ka naman pala nakikinig.”

“Sorry, it’s just…” napailing ako.

“Hindi mo kailangang humingi ng sorry, ako dapat ang gumagawa nun at hindi ikaw. As I was saying, pwede bang ikaw na muna ang magbantay kay Pavel ngayong araw? Yun ay kung okay lang sa’yo.”

“Okay lang sakin, anak ko din naman siya kaya dapat lang na tulungan kita sa pag-aalaga sa kanya.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Sige, papaliguan ko na muna siya habang kumakain ka ha? Akyat na kami.” Nakangiting sabi niya bago naglakad palabas ng kusina.

Ibinalik ko ang tingin sa mga pagkain sa aking harapan.Pababa pa lang ako kanina ay iniisip ko na kung ano ang mga gagawin ko ngayong araw at isa doon ay ang magkaroon ng mahabang oras na makasama at kilalanin ang aking anak at si Ivana, ang dalawang taong alam kong lubos na nasaktan noong mawala ako. Ang dalawang tao na bubuo ng pamilyang pinapangarap ko.

***

“Good morning Ms.Ava.” masayang bati ni Grizel pagbukas ng elevator sa aking opisina. Grizelda Ivory Mendez ang totoong pangalan niya pero mas gusto niyang tinatawag siya na Grizel. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko pagdating sa negosyo. Mabait siya sa lahat at magaling makisama sa mga investors. Marami nga ang nagkakagusto sa kanya hindi lang dito sa opisina kundi pati na din ang ilang mga anak at apo ng mga kasosyo ko. Freelance model din kasi si Grizel na hindi naman maipagkakaila sa itsura at pananamit niya. But she’s not the typical model that you usually meet.

“Magandang umaga din sayo Grizel.” Nakangiting sabi ko. “Kamusta naman yang kaliwang kamay mo? Okay na ba?”

“May konting pamamaga pa po pero ilang araw lang gagaling na po ito.”

“May tournament ka next month diba? Umuwi ka na lang kaya at magpahinga?” suhestiyon ko sa kanya.

Dali dali siyang umiling sa sinabi kong iyon. “Naku maam, hindi po pwede. Marami pa po akong kailangang tapusin dito sa opisina at tsaka bukas na po mag uumpisa yung leave niyo diba? Hindi po pwedeng wala ako dito.”

“Don’t worry. As soon as makapag-usap na kami ni Mikhail at maayos na lahat ng gusot. Babalik agad ako sa trabaho para naman makapagpahinga ka bago yung laban mo, okay?”

“Maraming salamat po sa pagiintindi sakin maam. Sana lang po talaga magkabalikan na kayo ni sir Mikhail para palagi po kitang makikitang masaya.”

“Masaya naman ako Grizel ah.” Kibit balikat kong sabi.

“Nakangiti nga po kayo maam pero hindi po yan yung ngiti ninyo noong nakikita ko kayo ni sir Mikhail sa university.” Maaninag ang magkahalong lungkot at panghihinayang sa mukha ni Grizel.

Dalawang taon lang ang tanda ko kay Grizel at senior niya ako sa martial arts club noong college. Isa siya sa pinaka successful na member ng club namin mula noon. Marami na siyang naipanalong mga tournament na nagdala ng karangalan hindi lamang sa university kundi sa club na rin mismo. Kaya noong nag apply siya sa posisyon bilang secretary ko dito sa kompanya ay tinanggap ko agad siya.

Madalas akong hatid-sundo ni Mikhail noon sa university kaya kilala siya ng mga kasamahan ko sa club at pati na rin ng mga kaklase ko. Magkalapit lang din kasi ang hospital at college kaya hindi na din iba si Mikhail sa mga estudyante. Gwapo kasi siya kaya halos lahat ay kilala siya.

Napabuntong hininga ako sa naalala.

“Maaayos din lahat miss Ava.”

“Thank you, Grizel. You are an angel.” I smiled at her and hugged her. She hugged me back as a little sister does.

“Okay, enough with this. Let's get to work.” She said and shoved me inside my office. She smiled at me and closed the door.

Napailing na lang ako sa ginawa ni Grizel. I'm really lucky to have real friends and colleagues. Mga taong maaasahan ko sa lahat ng bagay. These people are my family. I just need one person to complete that family.

The days I had with Mikhail were the happiest. Beautiful memories which I always go back to whenever I'm at my worst.

Umupo ako sa swivel chair at nagsimulang ayusin ang mga papeles na kailangan kong tapusin ngayong araw.

Masusi kong binabasa ang bagong kontrata ng Fukuda Industries ng may kumatok sa pinto.

“Yes Grizel?” sabi ko ng hindi inaalis ang paningin sa papeles na binabasa ko.

“Ohayo!” napangiti ako sa narinig.

“Anong ginagawa mo dito ha pagoda?” natatawa kong tanong sa kanya.

“Ate! Kararating ko lang iniinis mo na agad ako.” Nakanguso siyang umupo sa couch sa harap ng lamesa ko.

“Ano nga kasi ang kailangan mo? At tsaka tingnan mo nga iyang itsura mo. Mukha kang ginahasa ng sampung kabayo.”

“Si Grizel kasi ate eh.” Padabog niyang sabi pero may pilyong ngiti sa mga labi.

Napaangat naman ang kilay ko sa narinig. “Ano na naman ba ang ginawa mo ha?”

“Hinalikan ko siya ate.” Namumulang sambit niya. Halatang halata ang kilig sa boses niya.

“And?” I nodded urging him to continue.

“She grabbed my hair and kicked my leg. And she threw the flowers that I gave her. What am I supposed to do ate? Ilang buwan ako sa Japan tapos pag uwi ko aawayin lang niya ko? Dito nga agad ako pumunta kasi na miss ko siya tapos hampas at sipa pa yung inabot ko. Tapos ikaw sa halip na tulungan ako tumatawa ka pa!”

I tried so hard to suppress my laughter but to no avail. This man is such an entertainer. It’s a joy to see him with ruffled hair, with a few flower petals stuck in between some strands. His shirt is a mess and he’s blushing. Such a cute thing.

“Okay, gusto mong malaman kung ano ang kailangan mong gawin?” tanong ko sa kanya pagkatapos kong mahimasmasan sa pagtawa.

Tumango siya bilang pag sang-ayon.

“Yukio Fukuda, ask yourself.” Mahinang sabi ko.

“What?” kunot noong tanong niya.

“What, Ano. Ano ang nagawa mo noon na ikinagalit niya? Ano ang ginawa mo para hiwalayan ka niya? Alam mo ba?”

Marahan siyang tumango at napa buntong hininga. Marahil ay naalala niya kung anong mga kalokohan ang ginawa niya noon nung nasa college pa sila ni Grizel at in love sa isa’t isa. “But I'am now a changed man.”

Tumayo ako at umupo sa couch paharap sa kanya.

“Does Grizel know that? Yukio, I know that you really love her and I can see, through her eyes that she feels the same way towards you. Ikaw na ang bahala kung paano mo maipapakita at maipaparamdam sa kanya na nagbago ka na nga talaga. Hindi ako ang makakapagsabi ng kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin. No one truly knows you other than yourself.”

“Thank you ate.” Sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Marahil ay inaalala niya ang mga kalokohan niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Napatingin ako sa wristwatch na suot ko. It’s almost time for lunch, kaya pala nagugutom na ko.

“Pagoda!” pukaw ko sa kanya.

“Ate naman... Sinisira mo moment ko eh.” Now he’s back to his old self.

“It's almost lunch and I have an idea.”

“Ano yun ate?” excited na tanong niya.

“Ayusin mo yang sarili mo, at lumabas ka ng opisina ko.”

“Am I being dismissed?”

“Hindi pa ko tapos.” Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.

“Aray! Kahit kailan talaga sadista ka ate eh oh?”

“Heto na nga! Makikinig ka ba o hindi?”

“Makikinig na.” marahang sabi niya na parang batang pinagalitan ng ina.

“Yun na nga, mag ayos ka, lumabas ka ng opisina ko pero, sabihan mo si Grizel na pinapatawag ko siya kasi may kailangan akong ipagawa sa kanya. At habang nag uusap kami, maghanap ka ng magandang restaurant. Kasi may lunch meeting kami, ako at si Grizel, sa may ari ng Fukuda Industries para sa contract signing. Siguro alam mo naman kung sino ang may ari ng Fukuda Industries diba?”

“Ako?” sabi niya sabay turo sa sarili.

“Yes, You. Then what are you waiting for? Do I need to drag you out?” tumayo ako at literal na hinila siya palabas ng pinto.

Paglabas niya ay kumaripas siya ng takbo papuntang elevator. Nakalimutan na niyang sabihan si Grizel dahil sa pagmamadali. Kaya ako na lang mismo ang pumunta sa cubicle ni Grizel para sabihan siya na may lunch meeting kami sa may ari ng Fukuda Industries. Fortunately hindi niya alam na si Yukio ang tinitukoy ko.

I sighed at the thought. I'm starting on this match-making thing again. But I can’t even be with my match, more of like…my match doesn’t remember he’s my match? Or he’s not my match after all?

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.