HOMEBOUND: Before Ever After

All Rights Reserved ©

Chapter Six

January 11, 2018

Morning


I woke up to the smell of omelet and fried rice. It must be Nanay Lidia spreading her magic in the kitchen.

It’s morning again. Another day to be grateful for all the blessings the Lord has given me. Another day to start doing things the right way. Another moment to make memories, beautiful ones that I could cherish for all the days of my life.

I took a deep breath before turning to Pavel’s side of the bed.

But he’s not there so I jumped out of the bed, searched the whole room and when I saw no Pavel in sight, I ran downstairs to the kitchen hoping that he’s there with Nanay Lidia.

Pero sa halip na Nanay Lidia ay isang naka apron na Adonis ang nadatnan ko sa kusina. Sumandal ako sa pader at matiim siyang tinitigan. Nakatalikod siya sa akin pero gwapo pa rin siya. Mula ulo hanggang paa ay halos perpekto ang hubog ng katawan niya. Long legs, broad shoulders and that hair, jet black,curly hair that makes you want to tug on it while screaming his name.

I shook my head with the thought. Umagang umaga iyon agad ang pumasok sa isip ko. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi pag uwi ko.

Late na ko nakauwi dahil tinapos ko na lahat ng kailangan kong gawin sa trabaho bago magsimula ang leave ko bukas. Tinawagan ko na lang si Nanay Lidia para tulungan si Mikhail sa pag aalaga kay Pavel at para na rin asikasuhin ang mga kailangan niya sa bahay habang nandito siya sa estate.

Pagdating ko sa cabin ay nakapatay na lahat ng ilaw pero may maaaninag kang konting liwanag mula sa living room. Pagpasok ko ay namataan kong mahimbing na natutulog si Mikhail sa sofa na may nakahilig na Pavel sa dibdib niya. Marahil ay napagod sila sa paglalaro at paglangoy sa lake buong araw. Naikwento kasi kanina ni Nanay Lidia na pumunta ang mag ama sa lake para mag picnic and knowing Pavel, hindi siya papayag na hindi magtampisaw kaya na din siguro ang lakas ng hilik niya.

Napangiti ako sa nakita ko. Ito ang isa sa mga pinangarap ko noon. Na makitang lubos na masaya ang anak ko. Nakangiti siya kahit natutulog. The image of Pavel cuddled up in Mikhails embrace sent a pang in my heart. They both look so peaceful. Kung hindi ba ako sumuko noon, kompleto kaya kami ngayon? Kung hindi ba ako lumayo…

Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Hindi ko na mababago ang mga nangyari. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang sakit at maging masaya sa mga darating na mga araw na makakasama namin si Mikhail. Dahil aalis din naman siya kapag tapos na ang annulment case at tuluyan na siyang magiging malaya mula sa nakaraan niya. Mula sa taong nagdulot ng sakit at pighati sa kanya. At ako ang taong yun.

Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa kanila. Tahimik akong naglakad at mahinang tinapik ang balikat ni Mikhail.

“Mikhail?” marahang pukaw ko sa kanya.

He slowly opened his eyes ang smiled at me. Mabilis na tumibok ang puso ko sa simpleng ngiti niyang iyon. Yung pakiramdam na para kang biglaang nawalan ng hangin. Yung tipong hindi ka na makahinga at unti unti kang nalulunod sa saya.

“Umaga na ba?” mahinang tanong niya sabay hikab.

Nakangiti akong umiling sa kanya. “Hindi pa, pero gabi na kaya kukunin ko na si Pavel para makapag pahinga ka na ng maayos sa kwarto mo.”

Tumango naman siya at marahang inabot sa akin ang natutulog naming anak. “Salamat nga pala sa pag-aalaga mo kay Pavel ngayong araw.”

Nakangiti siyang tumango sabay tayo mula sa couch. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa pagdampi ng kamay niya sa bewang ko. Unti unti kong inangat ang paningin ko sa mukha niya, matiim siyang nakatitig sa akin. His olive green eyes turned into something deep. Is it desire? Or anger? Mabilis kong iniwas ang tingin ko pero marahan niyang hinawakan ang aking mukha at iniharap muli sa kanya.

Napalunok ako sa tinging iginawad niya sa akin. His face slowly descended upon mine and I tilted my chin to meet his kiss. Napa pikit ako sa nangyayari. I felt his left hand caressing my waist and his right hand tilting my face even more to deepen the kiss. It's been years since I felt this way. Three years since I felt his kisses that sent shivers down my spine. His touch made me long for more.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Kasabay din nun ang pagtigil niya sa paghalik sa akin. He held me at arm’s length. His eyes that held a fiery desire a while ago now are full of regret.

“I’m sorry…” umiiling niyang sabi. “I-“

“Its okay… I understand. Just forget it.” I cut him off. I don’t want to hear his next words. Alam ko naman na mali yung nangyari. Ikakasal na siya at kahit nasasaktan ako sa mga nangyari at mga mangyayari pa, hindi ko naman kayang makita siyang miserable. Hindi ko rin kayang saktan ang babaeng pakakasalan niya.

“Goodnight Mikhail.” I quickly said and ran towards Pavel’s room. Mabilis akong pumasok sa kwarto at isinara iyon. Umupo ako sa kama at maingat na inilapag si Pavel. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. Hindi ko na napigilan ang lumuha. Masakit, sobra, pero kakayanin ko ito. Ilang araw na lang matatapos na ang mga problema at magiging maayos na kami ni Pavel. Maaayos din ang lahat. Sana...

***

I felt a hand holding mine. Soft hands as that of someone who was born to wealth. “Hello, Mikhail.” She whispered. “Can you hear me? I’m sorry for getting here too late. It’s just that a lot of things happened when you left, I even have to hide my identity just to be here with you. But that doesn't matter. I’m here now. I heard your doctors talking in the hallway, they said that you only have a thirty percent chance to wake up. That when you do, you will forget things especially those that happened recently. But I pray, and I do hope that you will wake up. Whether you remember me or not doesn’t matter. I will continue loving you so long as I'm alive. I’m not letting you go. I will continue holding on to that thirty percent. Please don’t leave me, Mikhail. Please hold on…

I woke up with a gasp. Napaupo ako sa kama at napahilamos sa mukha ko. My face is wet, both from sweat and tears. I cried.

What was that? Who was that?

I glanced at the clock on my bedside table. It's five in the morning. My head hurts from lack of sleep. I was tossing and turning last night. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari sa amin ni Ivana kagabi. Heaven knows how hard it is for me to restrain myself from doing something further than a kiss. I almost lost myself. And to think she still have Pavel in her arms.

Ilang araw pa lang ako nandito pero marami ng nagbago. Noong unang makita ko si Pavel ay naramdaman ko na kung paano maging isang ama. Ramdam ko rin na masaya ang lahat ng naninirahan sa foundation at sa estate na makita ako, at noong unang masilayan ko si Ivana… she’s simple but beautiful in all the ways she can be. She’s a treasure. Pero sa tuwing naghaharap kami, maaaninag sa mukha niya ang lungkot at sakit.

Nung nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya kagabi ay natigilan ako. Sa oras na iyon alam ko na nasaktan ko na naman siya dahil sa halik na iginawad ko sa kanya. Nakita ko kung paano nag iba ang reaksyon niya dahil sa paghingi ko ng tawad. But I'm not sorry for kissing her, I will never be. Because as far as my heart is concerned…she is special.

Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa kama.

Now is a new day. Another day to live. Another beautiful day to be with my family and one way to start the day is breakfast. So I will prepare something they would surely love.

Nakangiti ako palabas ng kwarto nang may marinig akong mahinang kaluskos mula sa kwarto ni Pavel. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang maamong mukha ng anak ko.

Nakaupo siya sa sahig habang naglalaro ng kanyang mga bricks. Ngumiti siya pagkakita niya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

“Tatay…” sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Dahan dahan lang tayo Tay, baka magising si Nana." Bulong sakin ni Pavel.

Tiningnan ko naman si Ivana.Mahimbing ang tulog nito. Malamang ay napagod ito kahapon sa trabaho kaya hindi na rin niya namalayan na gising na ang anak namin.

“Punta muna tayo ng kusina anak ha? Tulungan mo akong magluto ng breakfast. Okay ba yun?”

Nagagalak naming tumango si Pavel sa akin. Dahan dahan kaming lumabas ng kwarto. Maingat ko ring isinara ang pinto baka kasi magising si Ivana.

Pagdating sa kusina ay pinaupo ko muna si Pavel sa kitchen counter.Nang masiguro ko na nakaupo na siya ng maayos ay sinimulan ko na ang paghahanda ng aming agahan. Sinimulan ko sa pagluluto ng fried rice. Mabuti na lang at nagpaturo ako kay Nanay Lidia kahapon kaya alam ko na kung paano ang paghahanda nito. Binigyan din niya ako ng isang notebook kung saan nakasulat ang recipe ng mga pagkaing paborito ng aking mag ina.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto nang maramdaman ko na parang may nakamasid sa bawat kilos ko. Paglingon ko ay nakita ko ang isang nakangiting Ivana.

***

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang kilos ng asawa ko. Hindi naman siguro masama kung ituring ko pa rin siyang asawa ko diba? Kasal pa rin naman kami kahit sa papeles na lang.

“Nana!” napukaw ang atensyon ko ng tawagin ako ni Pavel. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa ulo.

“Salamat nga pala sa pag aalaga kay Pavel habang wala ako. Pasensya na din at nagising ka ng maaga. Masyado lang siguro akong napagod kahapon kaya hindi ko namalayan ang paggising niya kanina.” Hinging paumanhin ko sa kanya habang inililipat si Pavel sa upuan niya.

“Katulad nga ng sinabi ko nung nakaraan, anak ko rin si Pavel, ako ang ama niya kaya hindi mo na kailangang magpasalamat kasi ginagawa ko lamang ang responsibilidad ko sa inyo.” May diin na sabi niya.

Marahan lamang akong tumango sa sinabi niya. Tama nga naman, anak niya rin si Pavel at may responsabilidad siya rito.

Am I being too hard on him that I dont know his struggles just to keep up with how things are unfolding before him? Or am I just filled with too much guilt that I always feel the need to thank him for every thing?

“ Pagkatapos nito maghanda ka, may pupuntahan tayo.” Masiglang sabi ko.

“Saan?”

“ To the place where we first met.” I said with a grin and winked at him. A simple gesture that brought a smile to his face.

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.