HOMEBOUND: Before Ever After

All Rights Reserved ©

Chapter Seven

January 11, 2018

Afternoon


Masaya akong naglalakad sa isang lugar na punong puno ng mga mahalimuyak na bulaklak. Maaliwalas ang paligid na para bang nasa langit ka. Mapayapan lugar kung saan ang mumunting mga ibon lamang ang iyong maririnig.Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad dito sa paraisong walang hanggan. Pero hindi naglaon ay may namataan akong isang pigura sa di kalayuan. Matangkad ang pigura, may malaking pangangatawan at may bahid ng blonde ang maiksi nitong buhok.

Unti unti itong lumapit sa akin na nakalahad ang isang kamay. Waring nagpapahiwatig na hawakan ko ito. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero sigurado ako na ang pigurang nasa harapan ko ay isang lalaki. Nakasuot ito ng scrub suit na napapaibabawan ng puting laboratory coat. Ang sabi nila hindi ka dapat magtiwala sa mga taong kakakilala mo pa lang pero hinawakan ko ang nakalahad na kamay ng lalaki, hindi ko alam pero para siyang isang anghel na pinadala para pagkatiwalaan ko ng aking buhay.

Nasa langit na ba ako kaya ko naiisip ang mga bagay na iyon? Patay na ba ako? Isa na lang ba akong walang kamalay malay na kaluluwa?

Unti unting bumitaw ang lalaki. Pilit ko siyang inanabot ngunit tila bang may mahigpit na lubid na nakatali sa katawan niya na unti unti siyang hinihila palayo sa akin. Pero hindi ako sumuko inaabot ko pa rin siya hanggang sa…..

“Aray…” mahinang daing ko matapos malaglag sa sahig na nakadapa, una ang mukha.

“Miss? Are you okay? What happened?” may bahid ng pag- aalala ang boses ng lalaki. It sounds deep and mature.

Mahina niya akong hinawakan at dahan dahang tinulungan paupo sa bench na pinaggalingan ko. “Are you okay?” muling tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. “Hindi ako okay.” Sino ba ang magiging okay pagkatapos mahulog sa sahig na una mukha. Wala naman diba? So the least i could do is to be honest.

Untu unti kong inangat ang aking paningin sa lalaki at tama nga ako. Gwapo siya, intimidating. Makapal ang kilay, mahahaba ang pilik kaya lalong na emphasize ang bilugan at berde niyang mga mata. Matangos ang ilong pero hindi kagaya ng iba na matulis, yung sa kanya ay tama lang , at yung mapupula niyang mga labi na parang inocente pero hindi.

“Miss, yung noo mo.” Sabi nya sabay turo sa mukha ko.

Napahawak naman ako sa mukha ko at naramdaman ko ang hapdi sa parteng noo ko. Nang tingnan ko ang daliri ko ay may konting dugo dito. Kaya pala mahapdi.

He offered me his handkerchief but I rejected. Nakakahiya naman at baka kung ano naman ang isipin niya kapag tinanggap ko ang tulong niya. Bigla naman akong nataranta nang marinig ko ang Three O’clock prayer dito sa chapel.

“S**t! late na ko” dali dali kong kinuha ang bag ko at kumaripas ng takbo pababa ng ground floor. Nandito kasi sa third floor ng ospital ang chapel at nasa ground floor naman ang laboratory kung saan ako intern. Narinig ko pang tinawag ako ng lalaki pero hindi na ako lumingon, gustuhin ko man hindi rin pwede kasi nga late na ko.

“Okay ka lang?” may pagtatakang nakatitig si Mikhail sa akin.

“Yes, I’m fine. What made you think that I’m not?”

“Nakabungisngis ka kasing nakatingin sa rebulto ni Jesus sa altar. Kaya naisip ko na hindi ka okay…” napairap naman ako sa sinabi niyang iyon. Pero may punto din naman siya, marahil ay ako pa lamang ang gumawa nun. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong matawa sa nangyari noon.

Pero nakangiti ko na ding kinwento sa kanya yung araw na una kaming nagkita.

“What happened after you ran away from me? and, anong nagyari sa noo mo? Were you badly hurt?” sunod sunod na tanong niya na lalong nagpangiti sa akin. It's as if he’s concerned.

“Well, luckily kaibigan ko yung isang staff so sa kanya ako nag time in. Exact three o’clock yung sinulat niya sa time card ko kaya hindi ko na kinailangang mag render ng extra four hours kasi nga late ako ng five minutes. Naikwento ko din kasi sa kanya na nahulog ako mula sa upuan ng chapel at nakita din naman niya yung sugat sa noo ko kaya pinalampas na lang niya.”nakangiting sabi ko. “And I didn't run away from you, it's just that I was late. But if I wasn't, I will stay.”

Nakangiti siyang tumango sa sinabi ko. “Bakit ka nga pala nasa chapel nun?”

“Tinanong mo din ako niyan noon, and I was not really honest with you.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nakangiti kong hinawakan ang kanyang mukha na siya namang ikinabigla niya. Kaya mabilis kong inalis ang aking kamay. Inalis ko ang tingin sa kanya at bahagyang yumuko.

“Sorry, it’s just that…I thought-” huminga ako ng malalim. Ano ka ba naman Ivana…

Never mind. I will just focus my eyes ahead and stop looking at him. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkwento.

“As I said, I wasn’t really honest. Sinabi ko sayo noon na palagi akong pumupunta dito para matulog o di kaya ay mag aral. Kasi nga tahimik dito sa chapel. Pero hindi lamang yun. Palagi akong nakatambay dito dahil sayo. The first time I saw you were at the ER. You saved a man’s life and you were cool back then. You looked intimidating when you were barking out instructions to your team. But, you looked calm at the same time… and pretty. After you saved him. You just left so I followed you. At dito ka nga pumunta sa chapel, you kneeled and I think you prayed because you kept your eyes closed for a full minute. Napahanga mo ako noon. Kaya simula ng araw na iyon, palagi na akong pumupunta dito sa chapel, palaging umaasa na makikita kita dito.”

“Araw araw ba akong pumupunta dito?”

“Base sa kwento mo sakin noon, yes. Araw araw kang pumupunta dito. Pero hindi mo nasabi kung bakit.”

“Anong nangyari pagkatapos non? Niligawan ba kita?”

“Well, nagkita tayong muli kinagabihan. Around eight or nine pm.Pumunta ka sa laboratory noon para I check yung test results ng isa mong pasyente. Nasa information desk ka nun, ako naman papasok ng lab kasi nga katatapos lang naming mag rounds ng isang senior staff. Kilig na kilig nga yung kasama ko pagkakita niya sayo at hindi lang siya. Halos lahat ng babae sa lab kinilig. Natawa nga ako kasi yung staff na kausap mo hindi nakasagot sa tanong mo kasi nga naka nganga siya sayo.” Napailing ako nang maalala ko ang tagpong iyon.

***

She looks so young when she smiles. Maaaninag sa mukha niya ang kasiyahan kapag inaalala niya ang mga nangyari noon. But I can still see the loneliness she’s trying to mask behind that smile. She may appear strong, happy, and energetic, but the sad truth lies behind those beautiful eyes.

She’s worried about a lot of things. She’s worried about me, about Pavel, about the people in SPIN. But I can see that it’s just not that. There’s still something. Something even more.

Ilang araw pa lang kaming magkasama pero pakiramdam ko buong buhay ko na siyang kilala. Marahil ay marami kaming pinagdaanang pagsubok noon or maybe we had a strong bond because of our “love”. Pero bakit hindi ko siya maalala. Bakit nakalimutan ko ang isang taong sobra ang pagmamahal sa akin. Bakit nakalimutan ko ang ina ng anak ko. Bakit nakalimutan ko ang asawa ko?

Oo, doctor ako. Pero hindi ko pa rin maiiwasan na tanungin ang sarili ko. Bakit?

“Mikhail? Are you okay? You were spacing out. Masakit ba yung ulo mo? Gusto mo na bang umuwi at magpahinga?”

Napukaw ako sa sunod sunod na tanong ni Ivana. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

“I’m fine. Saan na nga ba tayo?” kunot noong tanong ko sa kanya.

“Nasa chapel tayo ng hospital niyo.” Sagot niya na siya namang nagpangiti sa akin.

“Alam ko. Ibig kong sabihin yung kwento mo. Anong nangyari sa laboratory?”

“Ah… ganito nga kasi yun.”sabi niya sabay ayos ng upo. “Bigla akong natawa kasi nga yung itsura ng mga kababaihan sa lab parang nakakita sila ng multo. Pero hindi ko naman sila masisisi kasi nga parang ganon din ang initial reaction ko nung makita kita. So yun nga, napukaw ang atensyon ng lahat nang tumawa ako ng malakas. Napatingin ang lahat sa akin, kabilang ka na dun.”

“Naka nga-nga ba talaga silang nakatingin sa akin?”

“Oo nga. Then, you instantly recognized me. Lumapit ka sa akin at kinamusta mo yung noo ko. Tinanong kita kung anong kailangan mo sa lab at sabi mo gusto mo ngang malaman kung tapos na ngang i-process yung sample ng isa mong pasyente kasi nga gusto mo nang makita ang resulta. Kaya sinabihan ko yung staff in-charge and at last, she found her voice and was able to talk to you.”

“Nagkita ba ulit tayo o umalis na agad ako pagkakuha ko ng test results?”

“Umalis ka na pagkatapos nun. Ako naman inulan ng tanong mula sa mga staff. Hanggang sa matapos ang duty ko ay hindi nila ako tinigilan. Nakakatuwang isipin ang mga panahong yun.”

“ Tama ka, nakakatuwa ngang balikan ang mga nangyari noon. Kung naaalala ko lamang ang mga yun-.” Mahinang sabi ko.

What if the accident never took place? What if I stayed here. With her, six years ago instead of going back to the states?

I shook my head and sighed. Stop it Mikhail. Stop the what if’s. Hindi na maibabalik nun ang nakaraan. Ang kailangan mong isipin ngayon ay kung paano mo mabubuo ang pamilya mo.

“Okay ka lang ba talaga?” bahid ang pag aalala sa boses ni Ivana.

“Okay lang ako. Paano kita niligawan?” nakita kong napangiti siya sa tanong ko sabay kamot ng ulo niya.

“Hindi ka nanligaw.” Nahihiyang sabi niya.

“Talaga?” pagtataka ko. Tumango lamang siya bilang sagot. “So kung hindi kita niligawan, paano naging tayo?” dagdag ko.

“Kasal agad. After a week of knowing each other, we got married.”

“That fast huh?” Isang linggo pa lang kaming magkakilala ay ikinasal na agad kami? I must love her that much to marry her in an instant. Whirlwind romance…

“Whirlwind romance, that’s what they call it.” She said mimicking my thoughts.

“Paano?”

“Kina umagahan nagkita muli tayo sa bus stop na malapit sadormitory kung saan ako pansamantalang naninirahan. Just for the whole duration of internship. Simula nun palagi na tayong magkasabay sa pagpasok sa hospital. Nagtataka din ako noon kung bakit palaging pareho yung duty hours natin. Sa loob ng isang linggong yun hatid sundo mo na ako, at magkasabay din tayong mananghalian. Pagkatapos non, nag propose ka na at sinagot naman kita. So technically hindi ka talaga nanligaw.”

As far as I can remember I never had a girlfriend since I came of age. Torpe siguro ako noon kaya yung paghahatid sundo ko sa kanya yung “form of courtship” na ginawa ko.

“Bakit ka pumayag na magpakasal sa akin kahit isang linggo pa lamang tayong magkakilala?”

“I love you.” She simply said without hesitating. “I loved you since that day I saw you. Noong una pilit ko pang pinipigilan ang sarili ko na gustuhin ka kasi nga hindi ko alam kung paano makipagrelasyon, I never had a boyfriend so I don’t know how things will turn out if I consider my feelings for you. But it changed, you made me realize that being with you is a happy thing, na hindi ako dapat matakot kasi palagi kang nasa tabi ko para sumuporta, para gabayan ako. You saved me.”

Napangiti ako sa narinig ko. She never had a boyfriend, so that means we were each other’s firsts. Masaya ako na marinig ang mga salitang yun mula sa kanya. And I’m starting to feel something, from deep in my heart. A feeling so strong that I can’t contain anymore. I love my wife. I might not remember things from our past but I know now, why I loved her then and I love her still.

I glanced at my wristwatch. It’s quarter to five. Baka hinahanap na kami ni Pavel. Marahan akong tumayo at inilahad ang kamay sa kanya. “Let’s go home.”

Nakangiti niyang tianggap ang kamay ko sabay tango.

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.