Prologue
Una sa lahat nag papasalamat ako kay Lord. Kay Jesus at sa lahat ng sumusuporta sakin. Naka upo ako ngayon sa pinaka likod ng silid aralan ng pnhs. Hindi ko mapigilan hindi mamangha. Isa isa kong tiningnan ang mga kaibigan kong may jowa na.
Im hopeless! Bakit sila may mga jowa na? Bakit ako tamang sana oil na lang?! Jusmeeee!! Nakoow nakoow nakooow!
"Psst! Bitter ka na naman jan!" Nilingon ko ang bagong dating na si Angel. Isa sa mga matalik kong kaibigan. Binigyan ko lang siya ng isang bored na tingin at muling pinag masdan ang mga kaibigan kong katabi ang mga jowakers nila.
"Bat ka nasa tabi ko? Asan yung jowa mo?" Nalukot ang mukha ko ng makita kong nag lalampungan ang classmate kong si Danna at Noe. "Gaga ka kasi e! Bat hindi mo pa sagutin ang mga nanliligaw sayo?"
I smiled bitterly. Yeah. Mga manliligaw para gawin akong trophy. "Bakit ko naman sila sasagutin kung walang feelings na involve?" Nilingon ko si Angel na ngayon ay nakatutok na ang mga mata sa cellphone. Lumabo sana mata mo! "Eh bakit kasi walang feelings?" Hininto niya ang pag cecellphone at tinitigan ako. "Alam mo kasi pwede ka naman mag try e. Why not diba?" Pinakatitigan ko lang siya ng maigi. Bakit ba kailangan may jowa? E nabuhay nga ako ng 17 years ng walang jowa e! Narinig ko ang pag hila ng upuan sa tabi ko. "Nue nigagawa nyo?" Ibinaling ko ang mapupungay kong mata sa aking bestfriend slash partners in crime na si karyll. "Pinipilit niya akong sagutin ang isa sa mga manliligaw ko." Binalik ko ang paningin ko sa aking librong binabasa.
"Dai! Hindi sagot ang wattpad books para masabi na kontento ka na. You know, pwede ka naman mag try ah! Wag puro basa." I scratched my eyebrow. Feeling ko pasan ko ang mundo ng pakawalan ko ang isang pagod na bugtong hininga.
"Hindi ko kailangan yan. Diba nga sa ating mag kakaibigan ako lang ang hindi mag kaka jowa?" Isang meaningful na tingin ang ginawad ko kay Karyll. Kibit balikat lamang ang sinagot niya.
I believed na may sumpa kaming mag kakaibigan. Lalo na sa amin ni Karyll. Feeling ko pag mag kaka jowa siya ako naman yung walang love life. Kaya ako na laging nag sasakripisyo. Dahil gusto kong masaya ang mga kaibigan ko.
"Diba hindi naman kayo legal sa mga magulang niyo?" Natigilan silang dalawa. Feeling ko pati din yung iba naming classmates ay natigilan sa kaniya kaniyang mundo nila. I smiled sweetly. "Wala lang. Pinapaalala ko pang." Natawa ako ng umamba ng kutos si Angel.
Yes, hindi sila legal. Ako ang tumatayong guardians nila. Dahil ako ang may alam sa mixed martial arts. "Walangya ka talaga!" Inis na sabi ni Angel. Ngising aso lang ang binigay ko sa kanya. Unti unting nawala ang inis na mukha ni Angel at pinantayan niya ang ngisi ko ng sarili niyang makahulugang ngisi. "Sabagay. Dimo nga pala kami kayang ibulgar. Kilala ka namin kaya!" She answered me confidently.
Yup. She's right. I can't do that. Manlalaglag ng kaibigan? Nahhh. Not mah thing.
"Basta I'm cool being single." Pero syimpri jowang jowa na din ako deep inside.