Sold to my Professor

All Rights Reserved ©

Teaser

Teaser


Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Agad ako napabalikwas ng bangon sa kama ng mapansin kong hindi pamilyar ang silid na tinulugan ko. Napahawak ako bigla sa ulo ko ng kumirot 'to. Ang sakit. Ano bang nangyari sa'kin?

Tatayo sana ako pero bigla akong napa-upo. Napakuyom ako ng kamao dahil sa hapdi. Ang hapdi sa gitnang parte ng katawan ko. Ano ba talaga nangyari?

At bakit ang lamig sa kwartong 'to? May damit naman akong suot...

Nanlaki ang mga mata ko. B-bakit wala akong suot na damit?! Natataranta na ako. Naiiyak na rin. Ano ba nangyari sa'kin kagabi? Bakit hindi ko maalala?

Napansin kong may pigura ng tao sa gilid ng kama. Nang ligunin ko 'to. Nanghina na lamang ang katawan ko. Lalaki lang naman ang nasa gilid ng kama na hinigaan ko. Natatakpan ng unan ang mukha niya kaya hindi ko makita kung sino siya.

Hindi ako innosente para malaman ang nangyari. Tuluyan na akong naiyak. Binigay ko lang naman ang sarili ko sa hindi ko kilala. Kung baga parang one-night stand ang nangyari sa'min.

Jusko. Hindi ko ito gusto mangyari.

Ang tanga mo, Kath! Ang tanga-tanga mo!

Nagmadali akong hanapin ang mga damit ko para suotin. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko. Binuksan ko ang pinto. At nagmadaling umalis ng hindi siya sinusulyapan.

***

Absent ako ng dalawang subject dahil sa nangyari sa'kin kaninang umaga. Nagtataka kaming lahat kung bakit wala ang professor namin sa third subject. Never pa kasing na-late ang professor namin o kaya ay umabsent.

Tumunog na ang bell. Hudyat na break time na namin. Hindi pa rin dumadating si Sir.

Naglalakad ako sa corridor papunta sa may library. Naalala ko na naman 'yong nangyari sa'kin kaninang umaga. Hindi ako makapaniwala na naibigay ko na lang ang sarili ko sa isang estranghero. Ang laki ko talagang tanga!

"Aaaah!" biglang may humila sa braso ko at ipinasok sa isang silid.

Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nagpupumiglas ako.

"Why did you run away?!" galit na bulyaw nito sa'kin. Tiningnan ko 'yong nagsalita.

Si Skyler. 'Yong professor kong absent ng dalawang klase.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" nagtataka ako sa sinasabi niya. Anong sinasabi niyang bakit ako tumakbo palayo?

"Damn! Don't fool me! Hindi mo natatandaan ang nangyari sa'tin kagabi?!" nanlaki ang mata ko. Biglang nagflashback sa'kin ang ibang nangyari sa'kin kagabi.

*Flashback*

Muntik na akong mapatili nang pinaharap ako ng nasa likuran ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng kalasingan. Pero nakikita ko sa harapan ko ang professor kong saksakan ng gwapo sa aming school.

"S-sir?" nahihilo pa rin ako kaya hindi ko siya maaninag.

He smirk.

*End of Flashback*

Namutla ako sa naalala ko. S-siya? Siya ang lalaking kahalikan ko at...

"No..." naibulong ko na lang. Hindi maaari! Hindi pwede!

"Oh yes my dear, Kath" ngisi niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala. Bakit sa kanya pa? Bakit sa professor ko pa? Bakit sa taong ayokong ibigay ang puso ko? Bakit siya pa?! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?!

"Name your price, Kath. Let me buy you. Just give me your soul, heart, mind and body." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano?! Pinagsasasabi niya?! Nababaliw na ba siya?!

Dahil sa pagkagulat ko tinulak ko siya palayo sa'kin. "Nababaliw ka na ba?! Hindi ako bagay para bilhin mo. Hindi porket may nangyari sa'tin ay pwede mo na akong bilhin!" singhal ko sa kanya.

"Oh, that's not the reason why I want to buy you. It's because you need it." kalmado niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paanong kailangan ko? Wala akong kailangan sa'yo!" inis kong sabi.

"You need money right?" bigla akong napatanga sa sinabi niya.

"P-paanong---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"I heard your talk with your cousin yesterday. Your father is in the hospital because of heart attack, and you don't have enough money to pay the bills for it. Wala kang sapat na pera sa panggastos sa hospital. Hindi kaya ng sahod mo. That's why I have a proposal to deal with you." aniya at mataman akong tinitigan.

Hindi ko alam na narinig niya ang usapan namin ni Veron, ang pinsan ko.

Pero bigla akong kinabahan dahil sa klase ng tingin niya sa'kin. Hindi ko alam pero parang may binabalak siyang masama sa'kin.

"Marry me. In exchange I will help your family. I will help them to have a better life. Diba 'yon naman ang gusto mo? Kaya ka nandito sa Maynila ay para mai-angat sila sa kahirapan? Here it is, Kath. Grab the chance. Magiging maayos na ang kinabukasan nila. Hindi na sila maghihirap. You just need to marry me. And your problem will be solved."

"S-sir. Hindi ko alam---" hindi niya ulit pinatapos ang sasabihin ko.

"Something happened to us, Katherine. What if you got pregnant? What will happen to you? Hindi mo rin kakayanin ang hirap ng sitwasyon mo. Paano mo bubuhayin ang nasa sinapupunan mo pagnagkataon? Dobleng kayo pa kailangan mo."

Napaisip ako ng malalim. Kung tatanggapin ko 'to, magiging maayos na ang kalagayan ni Tatay. Pati na rin ang buhay nilang dalawa ni Nanay. Hindi na rin sila maghihirap. Pero meron pa rin ako isang problema.

"Eh Skyler, hindi naman natin mahal ang isa't-isa kaya bakit natin kailangan magpakasal?" saad ko. Oo, 'yon ang problema ko. Hindi naman namin mahal ang isa't-isa, ako lang ang may nararamdaman pero hindi ko siya mahal. Siguro. Ewan ko. Baka ako lang itong kawawa sa'ming dalawa.

"Tell me, Katherine. In this situation, what's more important? Your family or yourself?"

"Pamilya ko " mabilis kong sagot.

"So, are you going to take it? Or leave it?"

Napabuntong hininga ako. I have no choice. Mas importante sa akin ang pamilya ko kesa sa sarili ko. Pag nawala sila, mababaliw ako.

"Pag-iisipan ko muna Skyler. Ayokong magpadalos-dalos. Ang dami kong problemang kinakaharap. Bigyan mo muna ako ng oras para makapag-isip dito." sabi ko sa kanya. Kailangan ko muna pag-isipan 'to.

"Sure. I'll give you 24 hours to think of my proposal. I'll be needing your answer tomorrow morning." aniya at tumayo. Walang-sabing lumabas siya ng kwarto.

Ako napaupo na lamang. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Ano itong pinasok ko? Mas lalong lumala. Iniiwasan ko na siya diba? Pero bakit siya pa itong lapit ng lapit sa'kin? Sana hindi na lang ako dumaan sa bar na 'yon. Edi sana walang namagitan sa amin ni Skyler.

Pero meron namang mabuting naidulot diba? Mai-aangat ko na sa kahirapan ang pamilya ko sa tulong niya. Mapapagaling ko na rin si Tatay sa sakit niya. Hindi na ako mahihirapan nitong tulungan sila.

Ang problema nga lang, bakit niya akong gustong pakasalanan? Ay oo nga pala, para naman may karapatan siyang bigyan ng pera ang pamilya ko.

Dapat ba akong pumayag sa kasunduang 'yon?

Isa pa, paano kung mabuntis ako nito? May nangyari sa amin. Impossibleng hindi ako mabuntis.

Napagulo na lamang ako sa buhok ko. Hindi ko namalayan may tumutulong luha na pala mula sa mga mata ko.

Ano na mangyayari nito sa akin?

Takot ako sa magiging kalalabasan nito kapag pumayag ako.

Sana, kung papayag man ako sa kasunduang 'to, kung mahuhulog man ako sa kanya... sana saluhin niya ako. Dahil kapag ako tuluyang nahulog sa kanya, hindi na ako makakaatras. Hulog na hulog na ako sa kanya.


♥️Lianne♥️

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.