Sold to my Professor

All Rights Reserved ©

Prologue

Prologue


Isa akong mahirap na babae. Scholar sa isang sikat na University dito sa Pilipinas. Meron akong isang kaibigan. Siya lang ang katangi-tangi kong ka-close sa University. Pero may nadagdagan naman na isa nang magdaan ang ilang buwan dahil sa isang pangyayari. Lalaki naman siya. Pumayag akong makipagkaibigan sa kanila kasi magaan ang loob ko sa kanila. Kumportable ako kapag ko sila. Ayoko kasing makipagkaibigan sa iba dahil alam kong mga plastik sila, iyon ang nababalitaan ko sa pinasukan kong University. Ayoko rin na masyadong napapansin ako, nakakailang 'yon.

Pero simula no'ng pansinin niya ako sa University, naging usap-usapin ako sa buong University.

Paano ba naman kasi, siya lang naman 'yong pinakasikat dito sa University. Lagi siyang pinag-uusapan, pinagchichismisan. Usap dito, usap doon, usap dyan. Kahit saan maririnig mong pinag-uusapan siya. Nga pala, siya ang hearthrob dito sa buong campus! Nakucurious ba kayo kung ano itsura niya? Describe ko para sa inyo.

Gwapo. May suot na salamin. Bilugang mga mata. Tsokolateng mga mata. Matangos na ilong. Medyo may kakapalan ang kilay. Mamula-mula ang mga labi. Maputi. Makisig ang pangangatawan. Sexy. Hot. Matangkad.

At mukha siyang mga nasa mid 20's. Pero ang totoo, ang edad niya ay mga nasa 25 or 26 siguro. Hindi lang ako siguro.

Bago niyo kong tanungin kung may gusto ba ako sa kanya, sasabihin ko na sa inyo, wala. Narinig ko lang naman 'yan sa mga kaklase kong babae. Hindi ako interesado sa kanya. Para sa akin, isa siyang gurang. Masama kaya ugali no'n. Ang yabang-yabang. Ang hangin pa. Parang may electric fan na nakabukas sa katawan niya. Tsaka ang manyak pa no'n! Ang bastos magsalita! Parang hindi Professor sa isang University. Tapos kung makapapansin sa akin, ang gara. Parang nilalandi ako. Ginagawa niya lang 'yon kapag uwian at walang tao. Late na kasi kung makapagpalabas 'yong ibang Prof. Kapag nasa classroom naman siya, maayos naman.

Gusto ko siyang layuan pero siya itong lapit ng lapit sa akin. Buti nga walang nakakahalata sa amin eh. Kung hindi, baka may magbigay ng malisya. Mapapahamak ako! Wala na ako nagawa no'n. Nasa iisang campus lang kami. Magtatagpo at magtatagpo ang landas namin kaya hindi ako makalayo sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang motibo niya para gawin ito sa'kin. Hirap pa naman basahin yon.

Pauwi na ako sa apartment nang puntahan ako ng pinsan ko at sinabing na-ospital ang tatay ko. Hindi ko alam na may tinatagong karamdaman ang Tatay. Nanlulumo at naiiyak ako nang oras na 'yon. Hindi pa ako nabibigyan ng sweldo no'n. Hindi sapat ang ipon ko para makapagpadala sa kanila. Sumasakit ang ulo ko nang mga oras na 'yon dahil sa patong-patong na mga problema. Masisiraan na ako ng bait no'n.

Ewan ko ba pero merong nagtutulak sa akin na magpakalasing para naman daw makalimot ako sa mga problema ko. Ayun nga, nangyari na nga. Nakakailang lagok na ako ng alak. Hindi ko alam kung dahil ba sa kalasingan ko... ay nakita ko siya. Nakatitig lang siya sa'kin habang umiinom ng alak sa baso nito.

***

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Nakalimutan ko ang mga nangyari sa'kin kagabi. Nagising na lang kasi ako sa isang puting kwarto at nakabalot na lamang ng kumot. Walang suot na damit. Natataranta ako ng mga oras na 'yon. Sana mali iniisip ko. Hanggang sa nakita ko na lang na may bahid ng dugo ang bedsheet ng kama. Gumuho ang mundo ko. Hindi maaari.

Umiyak ako ng umiyak ng mga oras na 'yon. Ang laki kong tanga! Shit lang. Nawala ang pinakainiingatan ko sa loob ng dalawampung taon sa isang iglap lang! Dahil sa katangahan ko nawala ito na parang bula. Nadagdagan na naman ang problema ko. Umalis ako ng kwartong 'yon na hindi pinapansin ang isang lalaking nakatalukbong ang unan sa mukha nito. Gusto ko siyang saktan at murahin!

Kaya no'ng pumasok ako, tulala lang. Tinatanong ako ng kaibigan ko kung bakit namumugto ang mata ko. Mas pinili ko na lang manahimik. Wala ako sa wisyo kausapin siya. Nagtataka ako kung bakit wala siya sa klase. Never pa siya nag-absent. Pinabayaan ko na lang. Wala naman ako pake sa kanya.

Tulala na naman ako habang naglalakad sa hallway nang may biglang humablot sa akin at ipinasok sa isang kwarto. Nagulat ako ng makita ko siya! Matalim ang kanyang matang nakatitig sa'kin. Siya ang humablot sa akin. Halos mahimatay ako sa inamin niya sa akin. Shit! Siya raw ang nakasama ko kagabi sa bar buong magdamag. Hindi ako makapaniwala. Gusto ko siyang murahin! Gusto ko siyang saktan! Sinamantala niya ako habang wala ako sa sarili ko. Tanginang yan! Hindi ako makapaniwala!

Bakit siya pa?!

Bakit siya pa ang nakakuha nito?!

Bakit sa Professor ko pa napunta ito?!

Oo... siya ang tinutukoy ko na siya. Malaki ang galit ko sa kanya ngayon. Sobrang laki! Pero may sinabi siya sa akin na nakapagpakalma sa akin at matulala. Inalok niya ako ng isang deal. Isang deal na makakapagbigay sa akin ng pag-asa para maipagamot ang aking Tatay at maiangat silang dalawa ni Nanay sa kahirapan. Gagawin niya ang lahat ng 'yon kapalit ang buong pagkatao ko. Bibilhin niya raw ako. Nagulat ako at napanganga. Baliw ba siya? Tanong ko sa sarili ko. Inalok niya rin ako na pakasalan siya! Hindi ko mawari kung papayag ba ako sa inaalok niya sa akin. Natutukso akong tanggapin iyon. Mas importante sa akin ang pamilya ko kaysa sa sarili ko.

Pero bago 'yon, may aaminin muna ako. Mahal ko siya. Matagal na. Simula no'ng makita ko siya nahulog ako sa kanya. Kaso ayoko nang maulit 'yon, sakit lang maidudulot niyon sa'kin. Kaya inis na inis ako sa kanya kasi nasaktan ako sa nakita ko. Siya, may kahalikang babae. Simula no'n iniwasan ko na siya. Gusto kong magmove-on, pero ito pa rin ako, bumabalik at bumabalik sa kanya. Siya pa rin ang gusto ng puso ko.

Wala na akong nagawa, tinanggap ko na lang ito. Alang-alang sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat para maangat sila.

I, Katherine Chelsea Aguilar. Was Sold To My Professor, Skyler Clyde Andrade.

And this... Is OUR story.


♥️Lianne♥️

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.