Sold to my Professor

All Rights Reserved ©

Chapter 2: Back to Manila

Chapter 2


[Third Person's POV]

Sa isang gilid ng isang eskinita malapit sa kinatatayuan nina Kath at ang kanyang pamilya, ay may isang lalaking nakatago roon at nakatitig sa kanila. Napangisi na lamang ito.

"Dito lang naman pala kita makikita." Bulong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si Kath.

Wala pa rin itong pinagbago. Ito pa rin ang Kath na nakilala niya noon. Ang kaibahan nga lang, mas lalong gumanda ito at nagmature base sa mga ikinikilos nito.

"I've been finding you for a very long time. And now it's my time to have you back in my life, and be mine."

***

[Katherine Chelsea Aguilar]

Tumatagaktak ang pawis ko sa aking noo. Pinunasan ko iyon. Masyadong tirik ang araw ngayon. Wala pa naman ako dalang payong. Kanina pa akong nag-aabang ng masasakyan na bus papuntang Maynila.

Sina Tatay at Nanay nakapagbiyahe na pauwing probinsya. Doon muna daw sila maninirahan sa bahay ng lola ko. Sa aking mother-side.

Nang may paparating na bus, ay kaagad akong nakipagsabayan sa mga taong kanina ring nag-aabang. Siksikan kami papasok sa loob. Buti na lang at nakapasok ako sa loob. Kung hindi maghihintay na naman ako ng isang oras para sa susunod na bus.

Sa may bandang likuran ako nakapwesto. 'Yong sa may tatluhan. Nasa window side ako nakaupo. Mas gusto ko kasing doon ang pwesto ko. Makikita mo ang mga naggagandahan na mga tanawin. Hindi aircondition ang mga bus dito kaya medyo mainit dito sa loob. Hindi pa kasi umaandar ang sinasakyan kong bus. Pero pag-umandar na ito, mahangin na siya at malalanghap mo ang sariwang hangin ng kalikasan dito sa probinsya.

Masarap mamuhay dito na malayo sa siyudad. Walang polusyon dito. Malinis ang kapaligiran dito. Hindi katulad sa Maynila na puro usok lang naman ng mga sasakyan ang malalanghap mo imbes na sariwang hangin. Ma-traffic pa. Mahirap ang biyahe. Sasakit lang ulo mo dahil sa sobrang pagkainis.

Napabuntong-hininga na lang ako at dumungaw sa may bintana. Hindi ko namalayan na umaandar na pala ang sinasakyan naming bus. Tinanong ako ng kundoktor kung saan ako bababa. Sinabi ko naman ang lugar. Binigay niya sa akin ang ticket. 180 ang bayad. Kumuha ako sa wallet ko ng pambayad. Agad ko naman ito iniabot sa kundoktor. Nagpasalamat siya at umalis. Ako naman ay bumalik sa pagkakadungaw sa may bintana. Limang oras ang biyahe mula rito hanggang Maynila. Buti na lamang ay may baon manlang akong biscuit na pwedeng kainin habang nasa biyahe.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe dahil sa sobrang pagod ko.

***

Naalimpungatan ako sa mga naririnig kong ingay sa paligid. Nagkusot-kusot ako ng mata at medyo naginat ng konti. Nang malinawan na ang paningin ko ay nilibot ko ang paningin ko.

"Chicharon! Bili-bili kayo dyan ng chicharon!"

"Mani! Bili kayo mani dyan! Mainit at masarap ito! Bagong luto lang!"

Napatingin ako sa labas ng bintana. Gabi na pala. Napahaba pala masyado ang tulog ko. Napansin ko na nasa may terminal nap ala kami ng bus dito sa Maynila.

"Maynila na po!" agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmadaling bumaba ng bus para hindi ulit makipagsiksikan sa mga taong bumaba.

Pagtapak pa lang ng paa ko, iba na kaagad ang nararamdaman ko. Naninibago pa lang kasi ako. Masyadong matagal ang isang taon. Maraming nagbago sa kapaligiran dito. Parang bang hindi na ito katulad ng dati.

Biglang kumalam ang sikmura ko. Senyas na nagugutom na ito. Napatawa ako. Hindi pa muna ako kakain. Magtitiis muna ako. Kailangan ko pa kasi maghanap ng pwedeng mauupahang apartment.

Nagtanong-tanong ako sa mga nadadaanan kong tao kung saan pwedeng makahanap nang mauupahan na apartment. May isang babae ang nakatulong sa akin kung saan meron.

"Ate, sama po kayo sa'kin. Meron po akong alam." ngiting pahayag niya sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. Buti may tumulong sa'kin.

"Salamat ha? Wala kasi akong alam sa mga lugar dito. Matagal na kasi ako hindi nakakapunta ulit dito." nagsimula na kami maglakad.

"Walang anuman po 'yon ate. Gusto ko po kayong tulungan. Ang gaan po kasi ng loob ko sa inyo eh. Nagandahan nga po ako sa inyo eh." ewan ko ba pero may nakita akong kinang sa mga mata niya. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Magaan naman rin ang loob ko sa kanya.

"Salamat ha? Ano nga pala pangalan mo?" ngumiti siya. Lumabas ang dimples niya na mas lalong nagpacute siya. Oo ang cute niya. Mukha siyang bata sa lagay na 'yan.

"Charlotte po. Ikaw, ano pangalan mo?" ang bibo niyang magsalita.

"Katherine naman ang pangalan ko." Sagot ko naman.

"Ang ganda ng pangalan mo! Parang sa mga artista sa palabas! Baka naman artista ka talaga?!" namimilog ang kanyang mata habang sinasabi niya 'yon. Natawa ako sa sinabi niya. Mukha ba akong artista? Malabo mangyari iyon hahaha.

"Hahaha hindi ako artista. Malabo mangyari 'yon."

"Hindi malabo mangyari 'yon! Ang ganda kasi ng figure mo! You have the looks. The body. The figure. At ang bait mo pa! Tiyak na pasok ka!" natuwa naman ako sa compliment niya.

"Thank you. Ikaw, pwede ka rin naman magartista eh. Ang bibo mo. Ang cute mo pa" napaflip hair siya dahil do'n. Hahaha parang alam niya na cute talaga siya.

"I know right!" sabi sa inyo eh. Parehas kami natawa sa isa't-isa.

Marami pa kaming napagusapan. Magthird year na pala siya ngayong taon. Parehas kami. Dapat nga 4th year college na ako. Kaso tumigil ako 'di ba? Parehas rin pala kami ng papasukan na University. Napagalaman ko rin na mayroon siyang inuupahan na apartment. Natuwa naman ako dahil d'o'n. Sa wakas may kakilala na agad ako dito sa Maynila.

Nakarating na kami sa inuupahan niyang apartment. Meron pa daw isang bakanteng kwarto sa apatment niya. Agad naman niya kinausap ang landlady. Pumayag naman siya na mangupahan ako. Ang deposito raw ay Isang libo. Dalawang libo kasi bawat buwan ang bayad. Buti nga ang mura eh.

Agad naman ako nagpasalamat. Tinulungan naman ako ni Charlotte sa pagdala ng mga gamit ko sa loob.

Tama lang ang laki no'ng apartment. May kusina. May banyo. Meron ding sala. Iginiya niya ako sa isang pinto. May katabi rin itong pinto. Hula ko iyon ang kanyang kwarto.

"Dito ang kwarto mo. Next to mine" binuksan niya ang pinto. Bumugad sa akin ang isang kama, isang table sa tabi no'n. Agad naman ako pumasok at nilibot ang paningin sa paligid. Mayroon doon na isang closet. May isang stand fan na electric fan. Maayos ang mga kagamitan dito.

"Magpahinga ka muna diyan. Alam kong pagod ka. Malayo ang biyahe mo, right? Bukas na lang tayo mag-usap okie? Goodnight sayo!"

"Goodnight at salamat din sa'yo." ngumiti ako sa kanya. Naglakad na siya palabas at sinarado ang pintuan.

Ako naman ay inayos ang mga damit ko. Inilagay ko iyon sa loob closet. Ang mga bag at maleta ko naman ay nilagay ko sa ilalim ng kama. Kumuha ako ng mga damit sa closet at nagpalit. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at pumikit. Kailangan ko pa maghanap ng mapapasukan kong trabaho bukas. Hindi sapat ang pera ko sa pangtatlong buwan na pangangailangan. Kulang kasi ang pera ko.

Kung makakahanap akong ng mapapasukan kong trabaho. Kukuha ako ng scholarship sa papasukan kong University. Do'n magagamit ko ang katalinuhan ko para makapasa. Nagawa ko na 'yon noong nakaraang taon. Nakapasa din ako. Kaya kampante ako na makakapasa ako.

Unti-unti akong dinadalaw ng antok. Hanggang sa tuluyan na akong makatulog.


#NewFriend

#BebeKath


♥️Lianne♥️

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.