Sold to my Professor

All Rights Reserved ©

Chapter 3: Stranger in the Street

Chapter 3


[Katherine Chelsea Aguilar]

Bigla na lamang akong nagising dahil sa naririnig kong kalabog sa may pinto. Iminulat ko ang mata ko pero agad ko itong ipinikit. Inaantok pa ako.

"Kath! Bangon na dyan! Luto na ang agahan!" dahan-dahan akong bumangon sa kama ko.

"Susunod na ako!" sigaw ko. Kaagad naman ako tumayo at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Goodmorning Kath! Breakfast is ready hihihi." 'yon ang bungad niya sa akin pagkakita niya akong lumabas ng kwarto.

"Goodmorning din Charlotte. Nag-abala ka pang magluto ng agahan. Nakakahiya tuloy sayo." hindi ako sanay na nilulutuan ako. Sa amin kasi, ako ang nagluluto para sa magulang ko.

"Ano ka ba, okay lang 'yon! Hahaha first time ko lang paglutuan ang kaibigan ko."

Kaibigan.

Magkaibigan na kami?

Mukhang napansin niyang natahimik ako. Medyo nalungkot ang mukha niya. Hala, hala. Iba yata iniisip niya.

"S-sorry nadala lang ako. Akala ko kasi---" agad ko naman siya inunahan.

"Mali iniisip mo. Kaibigan na turing ko sa'yo. Tinulungan mo kasi ako. Magaan na agad loob ko sa'yo no'ng una palang tayong nagkausap kaya magkaibigan na tayo. 'Di lang kasi ako sanay na nilulutuan ako kaya natahimik ako." Ngiti ko sa kanya.

Umaliwalas ang kanyang mukha pagkasabi ko no'n. Dali-dali naman siyang yumakap sa akin at pinanggigilan ako na parang kinikilig.

"Yey! May kaibigan na ako! Waaaa!" natawa ako sa kanya. Ang cute talaga niya. Para talaga siyang bata. Niyakap ko rin siya pabalik. Mukhang hindi na ako mag-iisa dito sa Maynila.

***

"I'm sorry but we can't hire you"

"But Sir---"

"I'm really sorry." napabuntong hininga ako.

Nanlulumo akong tumayo sa kinauupuan ko. Pormal akong nagpasalamat at agad namang umalis sa lugar na iyon.

Naka-limang apply na ako pero walang tumatanggap sa'kin. Hindi ko alam na ganito pala sa Maynila. Hindi ka pasok kapag hindi ka graduate. Hindi tulad sa probinsya na pasok ka agad kahit hindi mataas ang posisyon mo.

Hay. No choice ako. Babalikan ko 'yong nakita ko kaninang umaga. Hiring kasi 'yon ng waitress. Isang coffee shop. Kaso mahina ang sweldo. Hindi ko alam kung sasapat ba iyon sa pangaraw-araw kong gastusin.

Matirik ang araw ngayon kaya pawis na pawis ako. Wala pa naman akong dalang payong. Hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Tiis-tiis muna ako.

Naglalakad na ako papunta sa coffee shop na nakita kong kaninang umaga.

Pakiramdam ko may tumitingin sa akin. Luminga-linga ako. Wala naman ako nakita. Busy ang mga tao sa mga ginagawa nila.

Pero may isang tao ang nakapukaw ng atensyon ko. Isang lalaki ang nakasandal sa poste sa may gilid ng hardware store. Hindi ko siya mamukaan kasi medyo nalalabuan ako dahil sa taas ng sikat ng araw. Nakatingin siya sa akin ng malalim. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan niya. Tumingin ako sa likuran ko. Wala naman tao. Humarap ulit ako sa kanya. Nagulat ako. Saan napunta 'yon? Biglang nawala. Kanina lang nakasandal lang siya sa may poste. Ngayon naman, wala na.

Namamalik-mata ba ako?

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan dahil sa kanya. Ngayon lang kasi ako nakipagtitigan sa isang lalaki ng matagal. Hindi kasi ako deretso kung tumingin sa isang lalaki, pwera lang sa Tatay ko. Naiilang kasi akong makipagtitigan sa mga lalaki. Para bang ang awkward. Pero ngayon, sa kanya lang ako nakipagtitigan ng matagal. Hindi ko alam kung bakit. Ramdam kong sobrang pamilyar niya sa'kin.

***

"Congratulations, pwede ka na magstart ngayon."

Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas natanggap na rin ako sa trabaho. Buti na lang mabait din ang boss ko. Babae kasi siya. Mga nasa mid30's.

"Maraming salamat po." Ngiting sabi ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng Opisina ng boss ko ay agad naman ako pumasok sa may locker room. Nandoon kasi ang susuotin kong uniform. Pagkatapos ay agad akong nagsimulang magtrabaho. Ang mga katrabaho ko ay parang ilap sa isa't-isa. Walang mga nag-uusap. Puro sila trabaho.

Patapos na akong magtrabaho nang may mapansin akong isang lalaking pumasok sa coffee shop. Napatingin ako sa mukha niya. Medyo pamilyar ang mukha niya. Wala siyang suot na salamin. Nang matitigan ko siya ng maigi, biglang nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

S-siya! Siya 'yong lalaking nakita ko sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko dati sa may probinsya!

Shit lang! Natataranta talaga ako! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 'Yong parang may nagkakarerahan na mga kabayo sa loob nito. Gano'n 'yon. Agad naman ako tumalikod. Hinahabol ko ang aking hininga. Ngayon ko lang din napagtanto na siya 'yong lalaking nakita ko kanina na nakasandal sa may poste. Kaya pala napakapamilyar niya!

Napapamura na lang ako sa isipan ko. Sinusundan ba niya ako? Ano siya, stalker ko? Hahaha ano ba itong pinag-iisip ko? Impossibleng mangyari 'yon.

"Kath, paki-serve naman ito sa lalaking 'yon" sabi sa akin ng ka-trabaho ko at itinuro 'yong lalaking pamilyar sa akin. Napamura ulit ako.

Mas lalo tuloy nagwala ang puso ko dahil do'n. Bakit pa kasi ako pa? Tatanggi sana ako kaso tinulak na niya ako ng mahina na parang sinasabi na 'sige na. Abot mo na.' Wala na ako nagawa.

Nakayuko lang ako habang naglalakad patungo sa kanya, hawak ang kanyang order. Ramdam kong nakatitig siya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nanginginig kong inilapag ang tray. Namamawis pa kamay ko. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Kumabog na naman ang dibdib ko. Nakayuko lang ako. Feeling ko nga namumula ako eh. Hindi ko alam kung bakit.

"Miss?" sambit niya. Ang manly ng boses niya. Tapos yung way ng pagkakasalita niya, ang sexy pakinggan.

"B-bakit p-po?" kinakabahan kong sambit. Nakayuko pa rin ako. Nautal pa ako sa harap niya. Nakakahiya.

Ilang segundo siyang natahimik bago magsalita.

"Nothing. I thought I saw you somewhere." sabi niya at binitawan na ang braso ko.

Agad naman akong umalis do'n. Napahawak ulit ako sa dibdib ko. Ayaw tumigil sa pagtibok nito.

So naalala pa niya ako? Namumukhaan niya ako?

Parang nagtatalon ang puso ko dahil do'n. Hindi makapaniwala na namumukhaan niya ako. Sa tagal na mga araw, namumukhaan pa rin niya ako. Buti na lang hindi ko inangat ang mukha ko. Baka mas lalo niya akong mamukhaan dahil nakita na niya ako noon sa probinsya.

Haay. Ano ba itong nangyayari sa'kin? Nawawala na ako sa sarili ko.

Pagkatapos ko sa trabaho ay agad ako umuwi. Walking distance lang naman ako. Pagkauwi ko sa apartment namin ni Charlotte, walang tao. Nagtataka ako kung bakit wala si Charlotte. 'Baka may pinuntahan lang naman.' Ani sa isip ko.

Agad ako pumasok ng kwarto at nahiga. Nakakapagod ngayong araw. Bigla ko tuloy namiss sina Nanay at Tatay. Parang gusto kong bumalik para makasama sila. Napailing na lang ako. Kailangan ko ipahinga ito. Magpapaschedule pa ako ng entrance exam. Pagkatapos, kung makapasa naman ay magpapaschedule naman ako ng exam para sa scholarship. Sana lang sumapat ang pera ko sa gagastusin ko.

Goodluck sa'kin bukas.


#BagongTrabaho

#NagkitaUlit

#MrCoffeeShopGuy


♥️Lianne♥️

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.