Sold to my Professor

All Rights Reserved ©

Chapter 4: Crush?

Chapter 4


[Katherine Chelsea Aguilar]

Pagkagising ko ay agad naman akong nag-ayos ng sarili. Naligo na rin ako at nagbihis ng pang-alis. Magpapasched na ako para sa exam ko. Sana talaga makapasa ako.

Kumain muna ako ng agahan bago umalis ng apartment. Wala na naman si Charlotte pagkagising ko. Kagabi pa siya nawawala eh. Nag-aalala ako sa kanya. May naiwan naman siyang sulat na nagsasabi na baka daw bukas pa siya makauwi. Pinuntahan daw kasi niya ang kuya niya sa condo nito. Ngayon ko lang nalaman na may Kuya siya. Hindi ko pa nga natatanong ang apilido niya eh. Pangalan pa lang niya ang alam ko.

Malapit na ako sa gate ng University nang may mapansin akong isang lalaki na nakasandal sa may puno sa gilid ng gate. May suot siyang headset sa kanyang ulo. Nasa magkabilang bulsa ang kamay niya. Nakayuko lang siya at napapaheadbang ng konti, 'yong parang napapasabay sa beat ng kanta. Gano'n 'yon.

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit.

Napatitig ako sa kanya. Nakapikit lang siya kaya hindi niya napapansin na nakatitig ako sa kanya. Hindi ko alam pero napopogian ako sa kanya. Siya 'yong unang lalaking hinahangaan ko base sa pisikal na anyo.

Nagulat ako nang makita kong nakatingin rin siya sa akin. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Gaano na ba katagal ako tumitig sa kanya? Nahalata kaya niyang nakatitig ako sa kanya?

'Wag naman sana. Nakakahiya sa kanya.

Napayuko na lang ako at naglakad ng mabilis papasok ng University. Nadaanan ko siya. Ewan ko ba pero ramdam kong nakatingin siya sa akin noon.

Nang makalayo ako, nakahinga ako ng maluwag. Feeling ko kasi kanina parang sinasakal ako. 'Yong tipong hindi ka makahinga.

Nagtanong-tanong ako sa mga nadadaanan ko kung saan 'yong admission office rito. Buti may nakapagsabi sa akin kaya dali-dali kong pinuntahan ang lugar na 'yon. Pagdating ko do'n, konti ang mga nakapila para sa admission. Haay salamat. Makakauwi naman pala ako ng maaga nito.

Nagtanong ako kung kailan ako pwedeng magtake ng exam. Sabi naman ng nagaasikaso ay pwede naman ngayon na para hindi sayang ang pagpunta ko. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman pala kailangan maghintay ng ilang linggo. Tinanong ko rin sa kanya kung pwede 'yong exam na pang scholar ang kunin kong exam. Pwede naman daw basta magpasa lang ako ng mga requirements.

Nagtake na ako ng exam. Ang sabi, bukas ko raw malalaman ang resulta kung nakapasa ba ako sa scholarship o hindi. Inintindi ko lahat ng mga tanong at sinagutan ng maayos. Iniisip ko ang magiging kinabukasan ko kapag nakapasa pasa ako. Inisip ko rin sina Nanay at Tatay.

***

Lumabas na rin ako ng room pagkatapos kong sumagot ng exam. Sana talaga maipasa ko 'yon. Pero kampante naman ako dahil nasugatan ko lahat ng mga tanong.

Papalabas na ako ng University. Mabagal lang ang lakad ko. Naalala ko kasi 'yong lalaki kanina. Baka kasi nando'n ulit siya.

Malapit na ako sa gate. Diretso lang ang tingin ko. Hindi ko sana lilingunin kung saan nakapwesto 'yong lalaki kanina kaso nilingon ko 'to.

Biglang nanlaki ang mata ko. Nando'n pa rin siya! At nakatingin siya sa akin!

Hala! Anong gagawin ko?! Tatakbo ba ako?! O magtatago na lang?!

Hindi ko alam! Dahil sa natataranta na ako ay mas pinili ko na lang tumakbo palayo doon.

***

[Adrian Zyron Gonzales]

What happened to that girl? She look stupid. I just shrugged my shoulder.

Kanina ko pa napansin ang babaeng 'yon kaninang umaga. I'm just listening to my music when I felt someone was looking at me, or staring rather. So I open my eyes and look on that person who's staring at me. Hindi nga ako nagkamali. There's someone staring at me. And she's a girl. A beautiful girl.

Maputi siyang babae. Halatang kutis mayaman. She's wearing a simple fitted shirt and jeans.

She quickly remove her gaze from mine and started walking going to the University.

She looked dumb. Parang naiilang sa akin. Does she have a crush on me?

If she does, it's fine with me. I'm handsome, rich, hot, smart and good-looking man. I can get a girl in just a snap of my finger.

But she's not my type of girl. So, no. she doesn't fit in my standards. She look innocent and naïve.

Umalis ako sa pagkakasandal ko sa puno and stand up straight. I put my both hands inside my pocket of my pants and started walking from the University.

Good luck to her if she can pass the exam here. I heard a news spreading out that she's taking a scholarship grant here in the University.

My instinct said that... she's gonna pass. So... I should be ready.

I'm sure she will be miserable in this University. And that's because of me.

***

[Someone's POV]

"Ano na plano mo kuya? Kumilos ka na kasi! Parang kang pagong kung kumilos diyan eh! Maaagawan ka talaga promise. Sa dami ba naman ng lalaki sa mundo, sa tingin mo mapupunta siya sayo kung wala kang gagawin?" my sister said while doing crazy stunts.

I called her to go to my condo so we could talk about this matter. About her.

"Let's not rush my dear sister. I already have a plan and that plan is working. Just stick to what I've said the last time we've talked. Okay? Just stick to the plan. We don't need to rush." I calmly said while looking at my phone where her picture is in my lockscreen.

"Oo na kuya. Basta siguraduhin mo na mapupunta siya sa'yo ha? Excited na ako maging sister-in-law niya!" she said excitedly. I smirk with that thought. She will surely be mine.

"Don't worry my dear sister. I will do everything to make her mine. Mine alone. No one can ever have her except me. She's exclusively mine."

***

[Katherine Chelsea Aguilar]

Binuksan ko ang pinto ng apartment at pumasok. Nang makapasok na ako, sinarado ko ito agad. Sumandal ako sa pinto habang nakahawak sa aking dibdib. Hinihingal ako.

Ano ba 'tong ginawa ko? Bad shot 'yon para sa kanya.

Oo na crush ko na siya! Ang gwapo niya kasi eh. Actually siya 'yong first crush ko. Gulat kayo 'no? Wala kasi ako interest sa mga lalaki noon dahil puro aral lang ang inaautapag ko. Crush lang naman. Paghanga sa tagalog.

Ngayon lang talaga kasi ako nagkainterest sa isang lalaki. Katulad niya. Siya kasi 'yong mga tipo kong lalaki. Medyo suplado kasi siya. Base lang naman sa itsura niya. Tsaka ang astig niya rin pumorma. Not to mention na medyo bad boy ang dating niya.

Ano ba itong pinagsasabi ko? Hahaha. Naloka na yata ako. Pati ng way ng pagsasalita ko nagbago.

***

Sa wakas at nakauwi na rin si Charlotte. Akala ko hindi na siya uuwi eh. Pagkarating niya kasi, ngiting-ngiti siya. Nagtataka ako kung bakit. Nasapian ba 'to ng maligno? Joke!

Tinanong ko siya kung bakit ganyan siya kasaya. Sinabi lang niya na may pasalubong ang kuya niya sa kanya. Tumango na lang ako.

Ako na ang nagprisinta na magluto ng hapunan namin. Marunong naman ako eh. Pinagtalunan pa nga namin kung sino magluluto kasi gusto niya rin magluto. Nagbato-bato pick pa nga kami kung sino mananalo eh. Kung sino manalo, siya 'yong magluluto. At sa huli, ako ang nanalo!

Kaya ako ang magluluto hehehe.

Pinili ko na lang iluto ay Adobo. Buti na lang kumpleto ang ingredients.

Nagsimula na ako magluto. Tinanong niya ako kung ano nangyari sa akin ngayon. Kinwento ko naman ang nangyari pati na rin sa lalaking hinahangaan ko. Nabulunan siya no'n nang sabihin ko na may crush ako do'n.

Anyare kaya do'n?


#Crush

#ZyronTheBadBoy

#NabulunanSiCharlotte


♥️Lianne♥️

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.