Green is My Favorite Color

All Rights Reserved ©

Chapter 1: Multo o Tao

Chapter 1: Multo o Tao


03/05/18 6:00 pm


"More than a year of hard work is what it took us to finally see this day, and with that, we all deserve to celebrate! Team, artists, and just everyone, thank you so much for being with me on this journey. This toast is for all of you. You all made this happen. Cheers!"

Nagsipalakpakan ang lahat ng tao, bakas ang kasiyahan at pagkapanabik sa kanilang mga mukha matapos ang aking toast. I asked for a refill.

"And here's another toast para of course sa aking pinakamamahal na Mama at Papa for believing in me and for guiding me all the way through." I looked at them in the audience and smiled.

"I know I've told everyone about this a million times already and I'm gonna repeat it again. The idea na itayo itong gallery, i got it from Mama because I wanted to showcase her works as an artist. Mama, your artworks are amazing, I know, and I was your biggest fan. I guess it's only natural to worry when you're about to gamble but up to this day, I still am sorry that I doubted the marketability of your works. Because you and Papa who first believed this would succeed so in it too. Everyone, they're the reason that this gallery exists and with that, I will forever give them the credit that they deserve. I love you both!" I gave them airkisses and they returned them. "Let's all cheers to Linda and Salvie Magbanua!"

"Whoo!" Everyone cheered and clapped once more.

Pagkatapos ng toast ay bumaba na ako ng stage upang makihalubilo sa lahat ng mga dumalo sa party. It's just a small victory party exclusive only to the gallery staff, some artists, and close friends to celebrate the opening of the 2nd branch of my art gallery.

"Eliii! Eli ka nga dito! Big shot na talaga!" She punched me softly on the side. "Who would've imagined?! Im so proud of you huhu," madramang patutsada ng best friend kong si Maurice. We hugged.

"Sus! Walang-wala 'to sa naachieve mo, doc." Nagtawanan kami. "Thank you. Me too, I'm so proud of me."

As I look back, I remember me being on a limbo, not knowing my worth, my purpose, and destiny. I remember me not knowing the littlest details about myself including the things I like and things I don't. I remember me being the most indecisive being to ever exist. Now what? May-ari ng isang business? How did I manage?

It was 7 years ago. I was in my 2nd year in college and if I can recall...

11/23/10 3:00 am

"Huyyy!! Elissandra anuba!"

I recognized Mauwi's voice instantly. Sobrang inaantok pa ako so I ignored it and drifted back to sleep.

"Ah 'di ka gigising?"

"Aaah!" I exclaimed matapos hilahin ni Mauwi ang buhok ko ngunit tinakpan ko lamang ng kumot ang aking mukha.

"Ano ba gising na! Sabi mo mags-study kaaa, bangon na kasi!" sermon nito habang hinihila ang mga paa ko pababa ng kama.

"I can't, I'm.. too.... " i murmured and drifted back to sleep. Hindi na niya ako ginising pa after that.

I woke up at 7am to see no sign of Mauwi anywhere in the flat. Maaga talaga gumigising 'yan lagi para mag-aral. 3:00 am to be exact and at 6:30 am sharp pupunta na 'yan sa school lib na kakaopen lang para mag-aral nanaman. Magdodoctor 'yan eh samantalang ako, walang plano sa buhay. That's her dream ever since elementary kami while I only took up Business course dahil 'yon ang turo ng roulette na inikot ko noong enrollment.

Last night I told her I want to try following her study sched and apparently hindi ko kinaya ni gumising ng 3:00 am. So now, time to cram a 103-page-lesson in an hour.




11/22/10 5:00 pm


"Looks like the face of a 2nd year Business student who failed the Economics exam," bungad agad ni Mauwi pagkapasok ko sa apartment. Nakabukas ang pinto ng kwarto at nagbabasa ito sa bed niya, as usual.

"Damn right it is, at hindi mo naman sana kailangang ipaalala. Lagi mo na lang pinapaalala mga bagay na halata namang ayokong isipin."

Umuwi lang ako para magbihis para sa volleyball practice kasi wala na pala akong damit sa locker. Syempre, substitute lang din naman ako at tagacheer do'n oh eh ano ngayon. Alam kong magsisimula nanaman yang magmisa kaya binilisan ko ang pagpapalit.

"Mag-aral na kasi. Hanggang kailan ka ba makukuntento sa tres?"

Bilis. Bilis. Bilis.

"Oho, lola Mau. Aba'y pasensya na't kahit sa pag-aaral ay hindi ako magaling. Tama na iyan at naiistress po kayo. Baka kayo eh maagang kunin." Pagkasabi ko noon ayagad kong hinakbit ang aking bag, tumakbo sa pinto at agad na isinara iyon bago pa man ako tamaan ng lumilipad na libro. Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago tuluyang lumabas ng flat.

Pagkatapos ng volleyball practice ay may theatre practice pa ako mamayang 7:00 pm at kahit cameo lang at tagagunting ng mga ginagawang props ang role ko do'n eh ano naman.

Bukod sa volleyball at teatro ay nagpapart time din akong photojournalist sa school paper ng University pero dahil di rin naman ako kagalingan ay maswerte na kung may isang picture silang magagamit mula sa mga kuha ko.

You see, ako yung tipo ng tao na hindi kagalingan sa lahat ng bagay pero trying hard. I'm currently exploring the things I like and testing the limits of my abilities, and I believe that the only way to know is to try. I tried so many things in the past years and it seems that there is no such thing that I am exceptionally good at, or something that I enjoy doing.

Last year, tinry ko ding magfootball at mag orchestra and those too didn't work . Na bore ako after the first sem at nagquit. Medyo sikat na rin nga ako dito sa school dahil sa dami ng orgs na sinalihan ko plus I'm too friendly and approachable kaya it's really not hard for me to meet new people.




11/22/10 8:00 pm


I was in the middle of a theatre practice with the role of a passerby when I received an email from my Econ prof saying he will be giving a make up test to those who failed the exam on Friday at ibebase niya daw iyon sa ibang book.

Walang patawad talaga 'tong si Mr. Alvarez

Right after naman ng announcement na iyon ay nagmessage sa group text ang mga kaklase kong hindi pumasa like me.

<Hi guys! Hu among u r at sch pa, pwdeng pkikuha nman ng reference book sa lib. Cant go out n kse. Thanks!>

"Asan na ba yung mga naglalakad sa part na 'to? Balik muna kayo and freeze sa 5:07. Go." That's my cue kaya bumalik muna ako sa puwesto

Mamaya na nga. 10 pm pa naman nagsasara yung lib.

11/22/10 9:30 pm

"Good eve po, Mrs. Vasquez!"

"Shh."

Kada punta ko sa lib ay ginigreet ko talaga 'yan kahit obvious namang hindi niya gusto.

Agad akong dumiretso sa business section upang hanapin ang libro at buti't nakita ko naman agad. Medyo madilim na sa lib dahil naghahanda nang umuwi ang mga staff kaya patay na ang ibang ilaw. I thought of dropping by the Fiction section para maghanap ng Miranda Cox novel na pwedeng basahin pag may free time ako.

Walking by the dark corner of the library, I suddenly had goosebumps all over. It's as if someone is present but I see no moving person. At nang walang anu-ano'y biglang akong natisod at tumama ang aking mukha sa sahig, ngunit bago pa man ako tuluyang bumagsak ay nakita ko ang isang pares ng sapatos. Kahit madilim ay klaro iyon sa paningin ko.

"AH! Ah Ara-ouchh..."

I waited for someone to come help me pero ang narinig ko lang ay boses ng isang staff.

"Ano yun? Sino pong andiyan?"

Hanggang sa lumiwanag at pinalibutan ako ng iilang tao ay wala akong nakitang pamilyar na sapatos na lumapit upang tumulong.

Bakas ang pag-aalala ng ilang staff pati ni Mrs. Vasquez habang tinutulungan nila akong bumangon.

"O-okey lang po ako hehe." Nilingon ko ang nakita ko kaninang pares ng sapatos ngunit wala na ito doon kahit wala naman akong narining na ingay papalayo. "Yung panga ko lng po sigu-aaahh!!" napasigaw ako nang makapa ko ang dugo mula sa aking bunganga "Papa!"

They brought me to the infirmary at pinauwi rin agad after they're done examining me at malapatan ng first aid. Nagtamo lang naman ako ng bruise sa left cheek ko at natanggal ang isa kong ngipin. I was just advised to continue with the cold compress para sa pamamaga and go see a dentist as soon as possible.

Pag-uwi sa apartment ay pinagalitan muna ako ni Mauwi sa paggising sa kaniya bago nag-alala sa kalagayan ko. We're total opposites. Kung gaano ka-early 'yan gumising ay gano'n din ka early matulog.

"Ano ba kasing pinaggagagawa mo?! Naku!" Ba't parang kasalanan ko? Kasalanan ko ba yun? Medyo. "Pasalamat ka't dentista papa mo kaya libre pustiso. Tingin nga." Sinipat-sipat niya ang puwesto ng ngipin ko habang nilalapatan ng ice pack ang kaliwa kong pisngi saka tumawa.

Hinampas ko siya sa braso at tiningnan ng masama. Nasaktan na nga ako pagtatawanan pa. Not to mention pinagalitan pa 'ko pagdating.

This is bad but at least I don't have to go to school tomorrow. I cheered myself up with the thought.

Sa lalong paglalim ng gabi ay kinuwento ko sa kanya ang pares ng sapatos na nakita ko, "tingin mo multo yon?" pero pinagtawanan lang ulit ako nito. Hindi na ito makatulog ulit kaya nagpasyang mag-aral nalang.

"Pero kung tao 'yon ba't nga ako iniwan do'n? Nasaktan ako ah! At kasalanan niya! Medyo kasalanan ko rin pero kahit na. Ba't di man lang nagsorry? Ey! Multo 'yon eh. Hala. Pa'no kung multo nga?"

"Mukhang okey ka naman na kasi nagagawa mo nang mag-ingay ano. Enough with the nonsense. Siyempre tao 'yon! Haven't you thought na kung ghost 'yon, you never would've tripped dahil lulusot ka lang sa paa niya. Another thing, ghosts aren't real. Laki mo na naniniwala ka pa sa multo." saway ni Mauwi saka nagpatuloy sa pag-annotate ng libro niya.

"But I heard no sound! As in wala talaga! Kung tao nga 'yon. Kung tao 'yon, he could've atleast made a sound when he was leaving. At kung tao nga 'yon, he absolutely have no manners. But then, may mga tao naman talagang hindi napalaki ng maayos. Oh wait! Nagkagoosebumps ako as I approach the scene and I've never had goosebumps around people. Real people." I gasped

"Tama na nga sabi! Kaninang natutulog ako, ayaw mo'kong patulugin. Ngayong nag-aaral ako, nag-iingay ka. I can't concentrate."

"Teka, nagsasapatos ba mga multo?"

"Aish!" singhal niya sabay bato sakin ng ballpen at saksak ng earphones sa tenga.

Oopsie. Ginalit ko si doc. But at least binato niya lang ako ng ballpen at hindi pinektusan sa pisngi kong may pasa. That makes all the difference.

At nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog kakaisip sa "multo" na iyon.






Just to be clear, Miranda Cox is not a real author's name. I only made that up.

Photo credits: Beth Mcdermott

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.