Green is My Favorite Color

All Rights Reserved ©

Chapter 2: I'm Sorry


11/24/10 4:30 pm


"Oh kanina ka pa?" bungad agad ni Mauwi pagkapasok ng pinto. "Ba't ka nakatunganga lang diyan? Kumusta ngipin mo? Tingin nga," sabi niya sabay lapit upang tingnan ang bagong gawa kong ngipin. Binuka ko ang aking bibig at agad naman niyang sinipat iyon.

"Ayos ah. Parang original. Tito Salvie, best dentist in town talaga. So what did they say? Pinagalitan ka?"

"Malamang. But nagworry muna bago nagalit. Siyempre panganay na anak at pagkaganda-ganda pa. Maganda, at least sa mata ng mga magulang ko."

She just rolled her eyes.

"Ay nga pala may chika ako." Tiningnan ko lang siya habang nilalapag niya sa sahig ang kaniyang mga gamit. Kumuha muna ito ng chips sa ref saka tinabihan ako sa sofa. "Kilala mo yung upclass kong CAS council auditor?" she then looked at me expectantly.

"Eh hindi. Kilala ko lang pagmumukha ng mga council niyo pero di ko naman kilala mga pangalan. Sino ba do'n?" I leaned close to her.

"Ehh kilala mo 'yon. Orchestra din yun last year. Ano ngang instrument..." nag-isip muna ito bago nagpatuloy. "Parehas ata kayo eh."

"Nagvaviolin... eh? Sino do'n? Yung Chem? Na moreno? Bakit anong meron?"

Just so it's clear, I can only master Ode to Joy sa violin. Hindi ako magaling pero dahil kokonti lang ang sumasali sa orchestra ay kaya lang ako natanggap. Mali-mali ako minsan tumugtog sa practice at laging napapagalitan.

"Ehh hindi 'yon. Upclass ko nga diba, yung Bio din siyempre. Yung intsik."

"Ahh si Lin. Oh anong meron?"

"I think... he likes you." sabi niya sabay ngiting tila nanunukso.

"Eh? No way!" I know the guy. He was friendly with me noong sa orchestra pa 'ko and he was like that to everyone. "If you mean he likes me as a person, then maybe you're right ," I said saka kumuha ng chips niya.

"Are you two close?"

"Hmm eh? I don't think we're 'that' close but we're casual. Why?"

"Then he like likes you!" May kinuha ito sa loob ng bag niya. "I know friendly siya to everyone but..." may iniabot siya sa aking parang envelope na may nakatape na chocolate bar "you don't go around giving casual acquaintances get-well cards and chocolates every time they're sick. Plus look at that seal."

Inubos ko muna ag natitirang chips sa kamay ko before I opened the letter.

"He's sweet to everyone and so what? He's classy so he plays violin and seals envelopes with wax, so what? The man exudes chivalry and class, Mauwi. Sadyang malisyosa ka lang," sabi ko sa kanya habang maingat na binubuksan ang envelope para hindi masira ang seal.

Now that I think about it, I see him too often in school- makakasalubong sa hallway, makikita sa field, sa library, sa cafeteria and it's not quite normal. Or maybe i'm just thinking too much. 'Tong si Mauwi hinahawaan na ako ng skill niyang overthinking.

"Ewan ko nga sayo. Manhid-manhiran ka! As if namang iisipin ko 'yan kung wala akong nafeel na kakaiba sa aura niya! Bakit? Kagusto-gusto ka ba? Ganda ka? Ganda ka?" depensa niya sabay kunyari nandiri.

"OA ka! Ganda naman talaga eh!" depensa ko naman sabay tayo at nag pose-pose na kunyari model. "Oh kita mo 'yan? 'Yan? Hindi porket dinideny kong may gusto sa 'kin si Carlos Lin, 'di ibig sabihin tanggap ko nang di ako kagandahan! Sus! Ang OA," patutsada ko naman saka bumalik sa maingat na pagtanggal ng seal. Ayoko kasing masira ang card kasi ang linis ng pagkakagawa.

Tinawanan niya lang ako.

"Hindi ko alam kung anong nakita nun sa'yo but I bet my fortune, may gusto 'yun sa'yo! By the way, nabasa ko na 'yan. Binalik ko lang ang seal kaya no need na masyadong ingatan ang pagbubukas." Bigla akong nanghina at tiningnan siya ng matalim. "Bihis nga muna ako then labas tayo. May kailangan akong bilhin saka dinner na din." Binalik niya ang natitirang chips sa ref saka pumasok ng kuwarto.

"Psh. Mamulubi ka sana!" I yelled at her saka kinain ang kalakip na chocolate sa card.

I read the content of the letter and it's basically just wishing me well. Get-well card nga diba. I don't see any meaning behind it.

Praning na Mauricia! 'I bet my fortune' my ass!

Surprising to receive a get-well card kasi hindi naman ako masyadong napaano. 2 days lang naman akong absent at kahit gustuhin ko mang sa susunod na linggo na lang pumasok, mahihirapan akong magcatch up sa lessons. Although we're basically self-studying dahil hindi naman talaga masyadong nagdidiscuss ang teachers, iba pa rin talaga kung present ka sa klase. Marami din kasing tests, short quizzes, reporting and all. Umuwi ako sa amin kahapon ng umaga and now I'm back again. Ang bilis ng oras talaga.




11/25/10 9:00 pm


Speaking of catching up, 'eto na nga. May exam daw sa Entrep kanina at dahil absent ako ng 2 days, I was given a chance na bukas na kumuha. Hectic nga eh dahil magsasabay sila ng make up test ko sa Econ na scheduled din for tomorrow.

Hindi muna ako umattend ng mga org activities ko ngayon at kailangan kong mag-aral. Kanina pa ako rito sa library. It's been like hours and 90 percent ng time ko dito it's either nakatunganga lang ako o natutulog. Studying sucks!

Patulog na ulit sana ako nang makatanggap ako ng text mula kay Mauwi

<Pauwi knb? Bilhan mo nman akong Buscopan. Sakit talaga ng puson ko. Kung hindi kapa pauwi then come home asap. Thats an orderrr>

Teka anong oras na ba?

I gasped nang makitang 9:00 pm na pala. Nagmamadali kong inayos ang aking mga gamit at dinala ang books sa counter para hiramin nalang at doon ipagpatuloy ang pag-aaral sa apartment.

Buti pa't makakapagpatulong akong magreview kay Mauwi.

"Hi, good eve Mrs. Vasquez. Hiramin ko po 'tong dalawa." Sabi ko sabay abot ng aking library card. Kinuha niya iyon pati ang mga libro at ini-scan.

"May unsettled transaction ka pa daw. Alam mo naman kung anong ibig sabihin niyan," she said emotionlessly.

Pa'no ba 'yan? Hindi ko pa pwedeng ibalik ngayon yung naunang librong hiniram ko dahil kailangan ko ring reviewhin yun para bukas.

Itetext ko sana si Mauwi na puntahan ako sa lib nang maalala kong masakit pala yung puson niya.

"Wait lang po ha."

Tumingin-tingin ako sa loob sakaling may kakilala akong pwedeng hingan ng tulong pero iilan na lang ang tao at karamihan hindi pamilyar. Nakakita ako ng isang familiar na mukha somewhere in the back kaya nilapitan ko. It was my teammate sa football last year.

I whispered, "Excuse po ate, I... kinda need a little help here." She looked at me expectantly. "Puwede po bang magamit yung library account niyo? May unsettled po kasi ako hehe."

Yes, makapal ang mukha ko. That's the trait I'm most proud of.

She whispered back, "Ay, sorry El, ako din eh."

Omg. What to do?

"Ah gano'n po ba? Sige po, thank you."

Bumalik ako sa counter para makiusap na lang sana kay Mrs. Vasquez at baka sakaling pagbigyan ako. Medyo close naman kami or... at least I believe we are.

Habang papalapit sa counter ay nirerehearse ko na sa utak ko ang sasabihin kay Mrs. Vasquez ngunit saktong pagdating ko doon ay diretsong iniabot sa akin ni Mrs. Vasquez ang mga libro at ang aking card.

"Okay na."

O-kay that was fast. Ano kayang nangyari...

"Thank you po." Tatalikod na sana ako but I got curious. "Mind if I ask kung kaninong card po yung ginamit ninyo?"

"Iyong sa kaibigan mo. Eh sino bang hiningan mo ng tulong? Edi iyon."

Now that's weird.

"Po? Si..nong kaibigan po?" She gave me a questioning look as if requiring me to explain the question. "A-ah dalawa po kasi yung hiningan ko ng tulong. Just asking so I could thank the right person." Of course, that was made up.

"Yung lalaking nakahoodie na matangkad ba."

Huh? May kaibigan ba akong gano'n? I swear this is getting weird.

"Ano pong hitsura? Paki...describe naman po. Dalawa po kasi yung friends ko with the look." That's also a lie.

"Hindi ko masyadong nakita basta Aiden Kjbdjwkg pangalan." Hindi ko masyadong narinig ang apelyido dahil sa hina ng boses ni Mrs. Vasquez. Gusto ko pa sanang magtanong kaso it will be weird of me to not know my own friends, right?

Aiden? Sino yun?

"Ahhh si Aiden. Haha! Si Aiden lang pala!" Biglang nagsitinginan ang iilang tao sa loob ng lib. medyo napalakas ata yung boses ko. "Sige po, pasensya na hehe. Thank you and I'll thank Aiden when I see him. Mauna na po ako,"

Thank Aiden if I actually know him. Baka mga casual acquaintances ko lang siguro. But I kind of recall the names eh. This one, I don't at all and it's seriously weird. At kung sino man siya, how did he know I needed help? Oh creepy.

Kakaisip ko kung sino si Aiden ay nakalimutan ko tuloy ang pinapabili sa 'kin ni Mauwi.

Pag-uwi kong walang dala ay alam niyo na kung ano'ng sumunod na pangyayayari. May lumilipad na libro, may mahabang misa at mga di kanais-nais na mga kaganapan. So ayun, lumabas ako uli para bumili ng gamot at nagrecite ng sandaang Ama Namin bago iabot iyon sa kanya.

"Okay ka na? Sorry na nga, nawala nga kasi sa isip ko." Nakasimangot pa rin pero mukhang hindi naman na galit.

"Ano ba kasing iniisip mo't gamot na lang nakalimutan mo pa?!" Kunyari lang galit pero hindi na 'yan. Best friend's instinct nga kase.

"Sorry na nga eh. All that matters is that you're okay now. Let's just move on and be happy, okay?"

Dumaan ang katahimikan.

Itatanong ko ba? Eyy baka bumalik yung galit niyan pag nalaman na kaya ko nakalimutan yung gamot niya eh dahil iniisip ko kung sino si Aiden.

Kinuha ko ang libro at nagkunyaring nag-aaral.

"Uy alam mo ba, si Aiden kanina-- ay wait, kilala mo?" Kunyari may naalala akong pangyayari na ikukuwento sana sa kanya.

"Kung sino o ano man 'yan, hindi ako interesado."

"Sure, nevermind. We can not talk about it."

So ibig sabihin, hindi niya kilala? Then who tf is this Aiden guy?

I subconsciously slammed my book on the table and I got curious when a green post it suddenly fell from it. Pinulot ko iyon at binasa.

[I'm sorry]

And my heart suddenly went wild. Oh man!

Continue Reading

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.