Love Warning

All Rights Reserved ©

Chapter 1

Mataas ang sikat ng araw habang nakasakay ako sa aking bike papuntang school. Minsan naiisip ko kung saan ko nakuha ang ganito kong ugali. I’m too soft at kung tawagin ay hindi makabasag pinggan.

I also never trusted people easily kaya madalas ay wala akong kaibigan. I’ve been avoiding people since elementary.

Natatakot kasi ako na one day lokohin lang nila ako at iwanan nalang bigla at baka ma-impluwensyahan pa ako ng mga bagay na ’di ’ko naman dapat matutunan. Lahat kasi ng tao rito sa mundo ay may kaniya- kaniyang gusto, so maaring iba ang gusto ’ko at baka magalit pa sila sa’kin at pilitin sa mga bagay na ayaw ’ko naman talaga.

Nang makapasok ako sa school naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking binubugbog ng tatlong lalaki. It was like a fraternity that holds a big loads of cash so one wrong move, you’ll die. Ang sabi sa school na ito ay may isang grupo or fraternity na kung tawagin ay Third Warning. Hindi lang maintindihan kung paano nila ’yon nabuo within the school.

Siguro, kahit mismo teacher ay takot sa kanila kaya hindi sila ma-kick out sa school, ’di ko rin alam kung bakit ganito ang nangyayari sa paaralan na ito.

Ang tanging naririnig ko lang ay palagi silang nang aalipusta, kahit sinong makita nila. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ’yon ginagawa, pero sa tingin ko ay nagugustuhan nila ito. They are ruthless.

My one and only wish is that hindi ako mapasama sa gano’ng sitwasyon dahil nakakatakot masaktan kahit wala ka namang ginagawang masama. Minsan iniisip ko na may darating na magliligtas sa akin kung sakali man na mangyari ’yon pero sa mga palabas at romance novels lang ’yon nangyayari.

“Please, tigilan niyo na ako!” rinig kong sabi no’ng lalaki.

Nagulat ako kasi nakadapa na ’yong lalaki at halos maligo na ng sarili n’yang dugo. Wala silang konsensya pero ano bang magagawa ako kung hindi maawa na lang sa mga taong pinagmamalupitan nila.

No’ng nakita ko ’yong lalaking inaalipusta nila mas lalo akong natakot na gan’yan ang mangyari sa’kin. Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap at hindi ko sinasadiyang marinig ang kanilang pinag-uusapan.

“Alam mo buti na lang ay hindi ako mahilig mag-post ng mga pictures ko sa social media…” sabi no’ng babae.

“Bakit naman, ano ba mangyayari kapag mahilig ka mag-post? Connected din sa kanila?” tanong no’ng kausap niyang babae.

“Ang sabi kasi kapag nakita nila ’yong picture mo ay ’yon ang gagamitin nila. Una raw nilang ginagawa ay gagawin ka muna nilang target then atsaka nila kukuhanin ang picture mo with their logo at ang ibig sabihin no’n ay katapusan mo na…” she chuckled pero bakas do’n ang bahagyang takot.

Nagulat ako sa nalaman ko, dahil madalas akong magbahagi sa social media ng mga litrato na kinukuhanan ko gamit ang cellphone or camera ko, pero paano kung maging isa ako sa listahan nila?

Nakakatakot. Baka isang araw harangin nila ako at kung anong gawin sa akin. They’re ruthless kaya hindi ko alam kung paano sila mapapatigil kung sakali man na patigilin ko sila.

Tumunog na ang bell hudyat na papasok na pero nakatingin parin ako ro’n sa tatlong lalaking member ng Third Warning, kahit kasi tumunog na ang bell parang wala parin silang balak pumasok or napaisip lang ako kung pumapasok pa ba sila rito upang mag-aral o gawin nalang ang kanilang sariling kagustuhan?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, pero sa kalagitnaan ng aking paglalakad isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Nabangga ko ang isang lalaki kaya nalaglag ang salamin ko pero agad ko rin itong pinulot.

Napatingin ako sakaniya, nakatitig silang lahat sa’kin na animo’y para akong isang artista na gustong-gusto na nila makita sa harap-harapan.

Napatingin ako sa babaeng biglang bumulong sa’kin, “Leader siya ng Third Warning,” sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting humarap sakaniya. When I clearly saw his face, he’s wearing a dark cold aura and a pair of solemnly eyes.

“Sino ka para banggain ako?” sabi nito gamit ang napakalamig na boses, dahilan para magsitayuan ang aking mga balahibo.

“So-sorry po…” sabi ko at sinubukan siyang titigan.

Nanginginig ako sa takot pero nilakasan ko na lang ang aking loob na magsalita kaysa manatili lamang akong nakatayo. “Tingnan mo ’yong dadaanan mo, kung ayaw mong masaktan,” aniya at nilagpasan na ako.

Natulala ako dahil sa takot, napalunok nalang ako. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nagsalita, sinabi niya na maswerte raw ako dahil nasa magandang mood daw ang lalaking iyon. Kung gano’n ay maswerte nga ako.

Kapagkarating ko sa room ay dumiretso lang ako sa upuan ko. Tumingin-tingin lang ako sa bintana at napaisip na baka ako na ang maging target nila, lalakasan ko nalang ang loob ko at ipakita na hindi ako takot.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. It’s them at mukhang may hinahanap sila. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumungo, siguro dahil sa takot na ako ang hinahanap nila?

Napangiwi ako nang sabunutan ako ng isang lalaki para ma-angat ang ulo ko. Napapikit ako sa hapdi na dulot nito. Kumalabog ang dibdib ko sa takot pero may parte sa akin na gusto kong lumaban kaya tinabig ko ang kamay niya at tiningnan siya nang masama.

He scoffed at hindi makapaniwala sa ginawa ko. “Lalaban ka?” may bahid ng pagbabanta ang kaniyang boses.

Napapikit ako nang bigla niya akong ambahan ng suntok, pero hinarang ito ng isang lalaki. Siya ’yong nabangga ko kanina, ’yung leader nila.

“Don’t…” malaming ang boses niya habang nakatitig sa akin.

Hinila niya ’yung lalaki papaalis do’n. Hindi ko alam pero siya ba talaga ang leader?

Continue Reading Next Chapter

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.