Love Warning

All Rights Reserved ©

Chapter 2

Tunog ng huni ng ibon at ingay ng tricycle ang unang pumaloob sa aking tainga. Iritasyon din ang bumungad sa aking sistema. Pakiramdam ko ay kulang pa ako sa tulog kahit ilang oras na akong nakatulog.

Napatulala ako sa kisame at muling bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kahapon. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya pinigilan ang gagawin no’ng kasama niya, baka siguro hindi ako ’yong hinahanap nila?

Bumangon na ako para maghanda para sa school. Simple lang naman ang routine ko sa umaga.

Madilim ang langit habang naglalakad ako papuntang school. Napatingin ako sa langit nang biglang may tumulo sa aking pisngi at tuluyan na ngang bumuhos ang ulan.

Nagmadali akong pumasok sa gate at sumilong, umupo muna ako sa bench. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at wala naman akong nakitang bakas ng Third Warning.

Ramdam ko pa rin sa sistema ko ang takot pero naisip ko na sa halip na pangunahan ng takot, mas pipiliin ko na lang na mas maging matapang dahil mas natataranta lang ako. Suminghap ako at napatango sa aking naisip.

Napadobleng tingin ako sa gate ng school nang nakita ko ang Third Warning na nang-aagaw ng mga payong. ’Yung iba ang ginamit nila at ’yung iba naman ay sinisira lang nila.

Napatingin ako kay Red. Bigla kong naisip kung gusto ba talaga niya ’yung ginagawa niya? Saan kaya niya nahugot ’yung ideyang gawin ’to?

Bakit pakiramdam ko ay sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya ay hindi naman talaga siya ganito? Pakiramdam ko ay hindi niya ito gusto at naimpluwensyahan lang s’ya siguro ng mga kaibigan n’ya.

Well, you don’t have to change just to fit into others.

Kaya kung ano tayo, ’yon tayo. Hindi natin kailangan magbago para lang magustuhan tayo ng ibang tao. Napapikit ako at suminghap.

Kapagkadilat ko ay bumungad sa akin ang mukha ng leader nila. Halos tumalon ang puso ko sa gulat! Nanlaki ang mata ko at napa atras, kaya sabay-sabay silang tumawa.

“Anong iniisip mo, Ms. Anna?” sabi ni no’ng isa niyang kasama.

Hindi natitigil ang kanilang pagtawa kaya napanguso ako. May idinikit ang kanilang leader na sticker sa aking noo kaya mas lalo silang nagsitawanan.

Napag-alaman ko kagabi ang mga pangalan nila. That guy, their leader is Red Lohan!

Nagtiim bagang ako at kinuha agad ang sticker na nakadikit sa noo ko. Tiningnan ko ito at ang nakalagay dito ay logo nilang Third Warning. Naglakad na sila papalayo sa akin pero kaagad ko namang nilukot ang sticker at binato kay Red.

Lumingon muli si Red sa direksyon ko at dala-dala ang mainit na titig at maitim na aura na kumukubli sa kaniyang katauhan.

Uminit ang ulo ko sa ginawa nila. Sisiguraduhin kong hindi nila ako basta maalipusta, it’s now or never. Mas pipiliin ko na lang na masaktan at least lumaban kaysa naman hayaan ko silang apakapakan lang ako.

Tumila na ang ulan at nagsimulang sumikat ang araw, nagsimula na rin magsiliparan ang mga ibon na naglalayag sa kalagitnaan ng kalangitan.

Nakatingin ako sa bintana habang nagkaklase nang biglang napahinto si Ma’am sa pagtuturo dahil may kumatok mula sa pinto. It was a guy na well-built ang katawan at hawak niya si Red sa braso.

“Excuse me, ma’am. Pinapalipat po ng subject teacher niya itong si Red, dito na lang daw po siya…” sabi no’ng lalaki.

Halatang nagulat ang teacher namin dahil siguro sa takot na may gawin si Red dito at hindi niya ma-control. Pero wala rin naman siyang magagawa kung hindi tanggapin si Red dito.

At grabe huh, sa tabi ko pa talaga pinwesto itong antipatikong lalaking ito?

Inalis ko ang tingin ko sakanya nang bigla rin s’yang tumingin sa’kin. Umakto akong nakikinig at ’di rin nagtagal inalis n’ya ang tingin n’ya sa ’kin.

Well, hindi naman siya gwapo. Para sa’kin kasi, Ano ang mukha kung sa ugali walang wala na ’di ba? So, hindi ako buma-base sa mukha kun’di sa ugali.

Lumipas lang ang oras at hindi ko namalayan na tumunog na pala ang bell hudyat na uwian na.

Nakalabas na ang mga classmates ko at ako naman ay binubukod ko muna saglit ang mga libro na ilalagay ko sa locker at ang i-uuwi ko. Hindi rin ako nagtagal at nai-ayos ko na rin naman.

Kapagkalabas ko ay nakasalubong ko ang mga iniiwasan kong mga tao. Nagtitigan kami ni Red hanggang mismo sa paglagpas ko sa kanila ay tinitigan ko siya nang masama. Well, mas lalakasan ko lang ang loob ko.

Habang naglalakad ako pauwi ay bigla ko nanamang naisip na kung darating man ’yung araw na talagang hindi ko na sila kayanin, may tutulong kaya sa akin? May magliligtas kaya sa akin? Mukhang impossible pero, baka lang naman.

I shook my head to clear out my thoughts dahil kung anu-ano nanamang fantasies ang naiisip ko. Sa halip na pagalain ko ang aking isipan ay nag-focus na lang ako sa daan pauwi.

Nang makarating ako sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto. Nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kisame. Muli nanaman akong bumalik sa pag-iisip, ano kayang mangyayari bukas? Para akong kinakabahan pero at the same time gusto ko ng matapos ang araw.

Napasinghap ako at napanguso. Bigla ko tuloy gustong kausapin si Red, bakit kasi talaga pakiramdam ko ay hindi niya ’to gusto. Pakiramdam ko ay nasasama lang siya dahil sa mga kaibigan niya.

“Red…” I whispered at umiling.

Pinatay ko na ang lamp ko at natulog na lang kaysa mas mag-isip pa.

Kinabukasan ay parang normal lang ang pakiramdam ko, maaliwalas ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Nagba-bike na ako papuntang school at hindi ko rin masyado pinupuno ang isip ko. Pinili kong maging kalmado lang…

Kapagkarating ko sa school ay pinark ko ang bike ko sa gilid at laking gulat ko nang nakita ko ang third warning na papalapit sa akin.

Continue Reading

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.