Simula
"Good Morning Ms. Nami" I smiled when the receptionist greeted me.
I went directly to the lift and pressed for the 10th floor.
"Good Morning Ma'am" bati ni Sandy na kakarating lang.
"You're late, Sandy" I sighed and entered the lift.
Walang naglakas ng loob na pumasok ng elevator nung nakita nila na ako ang nasa loob. Pinindot na ni Sandy ang close button.
"Sorry Ma'am, pinuntahan ko po kasi si...." she replied.
"Schedule for today" I cut her off, I don't want to hear excuses.
Inisa-isa niya naman ang mga nakaschedule sakin ngayong araw.
Nung huminto ang lift sa 10th floor dumiretso na agad ako ng office ko. Umupo na ako sa office chair ko at hinarap ang mga files sa table ko na natambak dahil kakabalik ko lang galing ng Cebu.
"I can't do this anymore" napatingin ako sa kakapasok lang na si Kimberly.
"Good Morning" bati ko sa kanya.
"Hindi Good ang Morning ko! Can you believe it! This bitch is causing us problems every now and then! Nakakainis, can we just replace her already! Ayoko na talaga. Mababaog ako" reklamo niya at umupo ng couch.
"Ma'am coffee?" Tanong ni Sandy nung sumilip, I just nodded.
"Sandy ako rin please" pagrerequest ni Kim. Tumango lang si Sandy at umalis para gumawa ng kape.
"Relax, 1 month nalang bago magexpire ang contract niya satin" sabi ko habang nagbabasa parin ng mga files sa table ko at nagpipirma narin ng mga naapprove ko.
"I know, pero hindi ko na kaya... Nagsasawa narin yung lawyer ng company every time na may ginagawang gulo yang Victoria na yan!" Reklamo niya ulit. "Promise me, isang beses pa siyang may gawing gulo and we'll terminate her contract" she said and stood up to reach out a pinky swear.
Parang bata.
"Bata ka?" I asked.
"Promise me.." sabi niya habang naghihintay parin na makipagpinky swear ako.
"Okay, promise! Pero tanggalin mo yang kamay mo sa harap ko, para kang bata" I said and continued with what I'm doing.
"Sus, parang hindi mo yun dati ginagawa..." she stopped when she saw me glaring at her.
"Coffee niyo po Ma'am"
"Thank you Sandy, and sabi ko sayo diba Ate nalang itawag mo sa akin." Kim thanked her and sips on her coffee. Nakita ko naman na inismilan lang siya ni Sandy.
Nilapagan din ako ni Sandy ng coffee sa table ko habang nagwowork.
"Ma'am, reminding you po regarding your meeting with the Department Heads" pagreremind ni Sandy.
I checked the clock on my table, 8:50 na at 9 am ang meeting.
"You go ahead, susunod ako" sabi ko at tinuloy ang trabaho. Lumabas naman na sila ni Kim at pumunta ng meeting room. May mga nakaschedule akong meetings next week na kailangan kong iconfirm kaya ninote down ko para maibigay kay Sandy. I also checked the reports from last week na hindi ko natapos icheck dahil nasa Cebu ako. Tinapos ko ang mga kailangan kong tapusin at tumayo na para sa meeting.
"Good Morning" bati ko kapasok ng meeting room.
Tumayo sila at binati ako, the Chairman and CEO of the company.
Dumiretso nako sa harap at umupo. Nagsiupo narin silang lahat at nagstart na ang meeting.
Nagpresent lang sila ng mga updates on every team. From sales, hr, accounts and up to marketing. Lahat ng mga namiss ko habang wala ako.
"Nakahanap na ba ng replacement for Finance Head?" Tanong ko sa HR Manager.
Nagresign kasi ang dati naming Finance Head and he's just serving his notice. Nung nakausap ko siya ay ang sabi niya ay nakatanggap daw siya ng opportunity sa mas malaking kompanya. Hinayaan ko na lang, ayokong nagpipigil ng mga taong gustong umalis.
"Yes, Ma'am. We initiated the hiring for Finance Head."
"Just initiated? So wala pang nahahanap talaga?" Tanong ko.
"Meron na po Ma'am, we have given the shortlisted candidates to Sandy" sagot nito. Tumango lang ako. That means nasa table ko na ang mga resume nila at pati narin ang comments ng Hr team.
"Come to my office after this" dagdag ko.
We also discussed about Victoria's contract at pinagbotohan ng mga head ng team if irerenew ang contract nya. At ang majority ay hindi nagtaas ng kamay so it means ayaw nilang irenew ang contract. Marami rin kasing naperwisyo sa mga actions niya.
"Since we are not renewing her contract, I think we need to hire new and trending writers to expand our market" pagsasuggest ng Marketing Head.
"Who do you have in mind Mrs Cortez?" Tanong ni Kim sa Marketing Head.
"Like Ms. Legazpi and Mr. Guerrero, I heard their contract expired already from their previous company" napahinto ako. Napansin ko namang tumatango ang ibang mga Department Head.
"Who?" Pagtatanong ko kahit narinig ko naman ang sinabi niya. Hindi ko napigilang taasan siya ng kilay.
"Ms. Legazpi and Mr. Guerrero??" Paguulit niya.
"Okay, we'll think about that" sabi ni Kim at sineyasan na umalis na silang lahat.
Ako naman binitawan ko ang pen na hawak ko at napasalo sa ulo ko.
"I think she has a point" tumingala ako at tinignan sya ng masama.
"What? I'm just saying... Sikat yung dalawa sa public and if you want to save our company you would consider of getting them. I also heard that they are looking for a new company to handle them" sabi nya at sumandal sa table.
Inirapan ko lang sya at niyuko ang ulo ko para mag-isip. Pero may point ang sinabi nya. Bumababa ang sales ng company namin dahil sa current writers namin na nagkaron ng scandal.
"Move on na girl" napaangat ulit ako ng ulo ko at tinignan sya ng masama.
"Nakamove on na ako" pagdedefend ko sa sarili ko.
"Ok. Sabi mo eh. Eh bakit ayaw mo silang kunin?" Tanong ni Kim, trying to provoke me.
"Sandy" tawag ko. "Yes Ma'am" agad na sagot nya at lumapit habang hawak yung ballpen at yung notepad nya na lagi nyang dala at ready ng magsulat ng sasabihin ko.
"Contact them and make an appointment" utos ko.
*clap*clap*
"Very good Seraphina" sabi sakin ni Kim kaya inirapan ko lang sya at lumabas na ng meeting room para bumalik ng office ko. Tinuloy ko na ang mga trabaho at nagcheck ng emails ko.
Sinabihan ko narin ang Marketing Dept na ituloy ang plano at nagpagawa nako ng contract. Kahit labag sa kalooban ko.
Nilabas ko ang mga resume ng shortlisted candidates for Finance Head.
"Sandy, tell Ms. Arellano to come" sabi ko sa phone na connected kay Sandy sa labas.
Agad-agad namang dumating si Ms. Arellano kaya pinagusapan namin ang mga nainterview na nila ng team niya. Hindi ko na inisa-isa kung sino ang mga napili nila. Trabaho nila yun, I'm paying them to work so they better do it right. Sinabi ko nalang na pumili sila ng alam nilang makakatagal sa kompanya ko.
Pagkatapos ay bumalik lang ako sa trabaho ko.
"Jen called, tara na" aya ni Kim nung sumilip sa office ko.
Tumango lang ako at sinave ang ginagawa ko. Tumayo nako at sinuot ang coat ko.
"Nami!!" Masayang bati sakin ni Jen nung nakita nya ako at hindi pinansin si Kim.
Kakarating lang namin sa kakabukas lang na bookstore ni Jen.
"Thank you for coming" sabi nya at niyakap ako.
"Syempre naman, ikaw pa. Malakas ka sakin eh" sagot ko at pinagmasdan ang bookstore nya.
Medyo malaki rin ito at maaliwalas.
"Thank you for coming" ani ni Jen kay Kim. "Tss.. parang hindi ako galing dito kahapon ah" sagot ni Kim. Naalala kong nagpatulong nga pala si Jen sa pagaayos ng grand opening kahapon kay Kim. They won't ask me for decorating kasi wala akong patience sa mga ganyan.
After ng ribbon cutting at blessing ni Father ay umupo kami sa cafe na nasa loob rin ng bookstore. Mix kasi ito ng bookstore and cafe.
Tinanggal ko ang coat ko at nilagay sa sandalan ng upuan.
"Girl, we're hiring Sab and Liam" pagkekwento ni Kim kay Jen na kakarating lang sa table namin na may dalang tray ng coffee namin. Nanlaki naman ang mga mata ni Jen at tinignan ako. Tumango lang ako para ikumpirma ang sinabi ni Kim.
"You agreed? Finally, nakamove on ka na girl!" Sabi ni Jen at bumalik dun sa counter para iabot ang tray pabalik sa staff nya.
"Technically we are not hiring them yet kasi wala pa namang agreement" sabi ko kabalik nya at uminom ng kape.
"Girl, you have to convinced them to join our company, hindi ko na kayang makipagnegotiate every time na may ginagawa si Victoria. Sawang-sawa na ako sa bruhang yun. Mas stress pa ako sa kanya kaysa sa nung nagaasikaso ako ng events" angal ni Kim sakin.
"What me? You're joining us" sabi ko sa kanya.
"What?! Wag mo nga akong isali sa unfinished business niyo ni Liam" sabi nya at uminom ng kape.
"No, you have to be there Kim, baka kung anong gawin ni Nami kay Sab no" sabi ni Jen. Umiling na lang ako at tumayo para pagmasdan ang shop,I kind of missed managing a coffee shop. Nagcheck din ako ng mga books na available sa bookstore ni Jen. Kami rin kasi ang supplier ng mga books na nandito.
Tumingin-tingin lang ako ng mga books na nasa gitna which means yun yung mga bestselling books nila at napatigil ako sa nakita ko.
'Bloom' by L. Gonzales.
Kinuha ko yun at agad binayaran sa counter.
"Ano yan?" Tanong ni Kim kabalik ko ng table namin at tinuro ang paper bag na hawak ko.
"I bought a book" I said.
"You?? You bought a book?" Asar niya. Alam niya kasing ayaw kong nagbabasa ng mga libro. Ang mga binabasa ko lang ay yung mga pinapublished under our company, but most of the time I'm just reading the summarized one.
"What? Pang display" palusot ko para tumigil sila.
Ilang araw ang lumipas ay ininform ako ng Marketing team na magkakameeting daw sila with Liam and Sab, at ngayong araw na yun. Maaga akong gumising para gawin ang aking morning routine. Nagyoga at breakfast nako, after noon ay naligo narin ako at nagready para pumasok sa trabaho.
Tinawagan ko narin si Kim na huwag siyang malelate sa meeting kung hindi sasabunutan ko siya. I can't face them alone. Well kasama naman ang marketing and hr team sa meeting pero iba parin kung kasama ko si Kim.
[Okay, gusto mo bang magdala ako ng kandila?]
[For what?] nagtataka kong tanong.
[Ay hindi mo ba sila papatayin mamaya? Magtitirik na agad ako ng kandila] natatawa niyang sabi.
[Kimberly, let's be professional] I said and went inside my car.
[Professional mo mukha mo! Huwag na huwag mo kong iiyakan mamaya after the meeting ha!]
[Shut up! It's for the company] I said and drove off. [And besides, I'm not affected anymore]
[Okay, sabi mo eh. We'll see about that later.] she said with a evil laugh.
Binaba ko na ang call at tinawagan si Sandy.
[Sandy]
[Good Morning Ma'am] bati niya at napansin ko namang natetense ng boses niya.
[What's going on?]
[Nothing Ma'am. On the way na po ako] sagot niya. Binaba ko na ang call at pinlanong mamaya nalang sasabihin ang dapat kong sasabihin sa kanya. Mukhang nagmamadali siya papasok ng office. Balak ko sanang sabihin na sa malayong office sila pagtrabahuhin kung saaling mag-agree sila sa contract ng company. I won't be able to stand seeing them everyday if ever.
Karating ko ng office ay binigay ko na sa may Valet parker ang susi ng sasakyan ko. Dumiretso agad ako sa elevator. Binati rin ako ng receptionist, bumati lang rin ako pabalik.
May napansin naman akong dumi malapit sa elevator. At saktong kakarating lang ni Sandy.
Tinuro ko yun sa kanya at agad niya naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin at may tinawagan.
Sumakay na ako ng lift at pinindot ang 10th floor. Sandy also told me all the things I need to do for the day. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Makikita ko siya ulit.
Kabukas ng elevator ay dumiretso na ako sa office ko. Marami naring empleyado sa labas. Nakakapagtaka naman kasi masyado pang maaga sa timings nila.
Umupo na ako sa office chair at hiningi lahat ng dapat kong basahin at pirmahan.
"Ma'am nasa meeting room na po sila" sabi ni Sandy nung sumilip sa opisina ko.
"Si Kim?" Tanong ko.
"Nandun na rin po" sagot nito.
"Okay, tell them to start the meeting without me" sabi ko habang nagbabasa ng papers ni Victoria. Nagkaproblema nanaman kasi dahil sa kanya nung isang araw and we need to settle it. Damn, this bitch, matatapos nalang ang contract gumagawa pa ng problema.
Napatingin naman ako sa phone ko nung nagcall si Kimberly.
[What?] irita kong sagot.
[You have to come here] she said.
[Why?] nagtataka kong tanong. She sounded weird kaya tumayo na ako at nag-ayos.
[Just come here] sabi niya at binaba na ang call.
Pumunta naman ako ng meeting room, nasa likod ko si Sandy na may dala-dalang coffee para sa lahat.
"Good Morning" bati ko kapasok ng meeting room.
Nagsitayuan naman silang lahat para batiin ako.
"Ma'am, this is Mr. Guerrero" pagpapakilala sa kanya. Lumingon siya at hinarap ako. "Sir Lance, this is Ms. Seraphina Mila, Chairman and CEO of Wave Publishing"
Lance?!?!? Why si Lance?!?
———