I Like You As A Friend

All Rights Reserved ©

Summary

Minahal ko siya nung simula, minahal niya rin ako, pero ito'y aming tinago kaya sa iba kami pinagtagpo. _________________________________________ a t a g l i s h o n e s h o t. 07.25.20 WARNING: cheesy ng onti, unedited First time ko pa lang mag-write in taglish, sorry po kung ang panget ng quality.

Genre:
Romance / Other
Author:
Ysabella Phaidros
Status:
Complete
Chapters:
1
Rating:
n/a
Age Rating:
13+

I Like You As A Friend

WARNING: Grammatical Errors Ahead— I didn't have the time to edit, sorry. (+WRONG USAGE OF TAGS)


Tinignan ko siya na ngumingiti while I walked down the aisle. Parang kahapon lang nung nagkita kami tapos naging magkaibigan.

Miss Luna Skyla Samuels, this is Eriksson Diaz, please be nice to him” sabi ng teacher sa'kin. Napataas ang kilay ko nung tinignan kong nakangiti si Eriksson. “Hello, I'm Eriksson” ngiti niya sa'kin. “Kakasabi nga lang ni Ma'am pangalan mo e, uulitin mo pa,” pagtaray ko sa kanya. “Sungit mo naman Sky” sagot nito sa'kin. “Edi masungit, alam ko naman yon e at wag mo ko tatawaging Sky” I crossed my arms then walked away. “Ingat ka Miss Sungit,” sabi niya sa'kin. “Di ko yan kailangan, hmp” pagsagot ko. “Ayaw mo? Edi wag” nakakairita naman siya. I don't really like people, in fact, I hate people. I hate the fact na they'll leave you all alone as soon as the time's up.


Nagtataka ako kung bakit napakasungit ko nung maliit ako, pero kahit na naging masungit at masama ako, tinulungan parin ako ni Eriksson nung time na umiiyak ako.

“Miss Sungit, bakit ka naiyak?” tanong niya sa'kin. “Bakit ka nandito? Dun ka nga” pinahiran ko mga luha ko. “Ako una nagtanong Miss Sungit” napaiyak lang ako lalo nung naisip ko yung nangyari. “Hoy, bakit ka naiyak?” tanong nito at pinuntahan ako para yakapin. “Si mama at papa kasi” iyak ko lalo. “Tahan na Miss Sungit” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. “S-sabi ni p-papa na iiwan niya na daw si mama” sabi ko habang naiyak. “Tapos sabi ni-nila di nila ako kukunin kasi ang s-sama ko daw” umiyak ako lalo habang mga luha ko ay napapapunta na sa damit ni Erikkson. “Wag ka ng umiyak Miss Sungit, pwede ka tumira sa bahay ko pag ayaw ka nila” nginitian niya ko habang pinahiran niya mga luha ko.

Simula ng araw na yon, we were like two peas in a pod, lagi magkasama, lagi naghahati, at lagi pinagtatanggol ang isa't isa.

“Alam mo, ang swerte swerte ko sayo!” sabi ko kay Erikkson. “Ako rin naman e, lagi ka nandiyan para sa'kin at kundi sa lahat, ginagawan mo ko lagi ng sandwich” napatawa ako. “Dahil diyan, magkakaron tayo ng sandwich party!” sigaw ko ng tumatawa
'Di ko namalayan na simula ng araw na naging magkaibigan kami, nahulog na pala ako para sa kanya. Akala ko kung ano lang yung nararamdaman ko, pero yun pala pagibig na. Tumindi lang lalo nung nag-high school kami.

“Sky! May kwento ako sa'yo” tinignan ko si Erik ng nakataas kaliwa kong kilay. “At ano na naman yan? Pag yan kalokohan na naman mababatokan kita” tumawa siya sa'kin. “I feel na may crush na 'ko. Liligawan ko na ba siya o tingin mo wala akong pag-asa?” tanong niya. Bigla akong nalungkot sa sinabi niya, pero tinaas ko lang kilay ko. “Sino ba siya ha?” tanong ko ng mataray. “Ito naman, ba't ka galit?” tanong niya. “Ako una nagtanong Erik” pinatanda ko. “Si Rosabella Noleal sa Section 9,” napatawa ako. “Hala, sa Section 9? E mabababa grades ng nasa section na 'yon ah” bigla nagalit mukha niya. “Yun lang kasi may available na slot. Transferee yon, plus walang bobo sa mundo Sky” sabi niya. “Wala naman ako sinabi na bobo ah, sinabi ko lang na mabababa grades nila” pagsagot ko ng mataray at galit. “Hala, porket transferee galit na galit ka?” tanong niya. “I just don't get the point. Just because she's a new face, you like her already? Tawag diyan karupukan” nirolyo niya mga mata niya. “Di mo pa kasi siya gaano kilala” I sighed, “Well, kilala mo na rin ba siya ng buong buo?” tanong ko. “Di pa buong buo, kaya kikilalanin ko muna siya. Parang ikaw, kinilala muna kita bago kita i-judge. So please, don't judge her agad-agad” napangiti siya sa'kin. “Sige na nga. Pero pag yon masama, 'di kita papayagan ligawan yon” sabi ko. “Opo mama” tumawa siya, napatawa rin ako sa tawa niya.

“Hoy, meron mag-haharana sa quadrangle” sigaw ng aking kaklase na nasa pintuan. “Hala, sino?” tanong ng isa kong kaklase. “Halika, nandon siya sa quadrangle” takbo niya. “Ooh, sino kaya yan?” tanong ni Erik.

Pagkababa ko marami ako naririnig na bumubulong. “Andito na siya,” sabi ng isang lalaki na nasa stage na may buong banda. Bigla tumunog ang mga instrumentong andoon— gitara, drums, bass, at keyboard. “Wow, swerte naman ng liligawan niya” sabi ko kay Erik, “Swerte talaga. Ang galante naman ng hinayupak na yan. Sino ba siya?” tanong sakin ni Erik. “Si Jacy Reize Valeria ng Grade 11, Section 1 a.k.a. Reize or Jace tapos sa tropa niya JV” napanganga si Erik sa'kin. “Stalker ka na ngayon Sky?” tanong niya habang nakangiti ng mapang-asar. “Hala, member siya ng music club tapos treasurer ako don. Pina-memorize sa'kin ng president namin don yung name and info ng each member para pag di sila nagbayad o nag-ambag, pupuntahan ko sila sa classrooms nila at mangongolekta” pag-explain ko sa kanya. “Oo na lang Sky” tinarayan ko siya.

“May isang babae sa aking paningin,
Na hinding hindi makakalimutin,
Sobrang lakas niya sa akin.
Matapang, maganda, at matalino pa.
Lagi siya nakakamangha,
Araw-araw ako'y bumabangon para sa kanya.
Pero di niya alam ang damdamin ko para sa kanya”

“Ang cheesy naman” sabi ko sa sarili ko.

“Di man sobrang ganda ng aking kanta,
Pero ginawa ko 'to para lamang sa kanya.
Masungit ka man, pero ako'y nandito lang,
Wala akong pake kung paalisin mo ako ng isang bang,
Nandito lang ako, hinding hindi aalis,
Hanggang sa di ko natitikman ang iyong kiss,
Kahit pagkatapos non di ako aalis,
Kasi alam ko sa aking sarili na ika'y aking mamimiss”

Napanganga ako sa lyrics ng kanta niya. “Hala, kiss agad hanap niya? E diba nanliligaw lang siya” sabi ko at napatawa si Erik.

“Nandito ka man sa quadrangle,
Pero nandito ka rin sa aking puso,
Bakit ganon kahit ano gawin ko,
Ikaw lang ang aking iniibig.
Makikita lang kita ako'y kinikilig,
Isang ngiti mo lang ako'y lalong nahuhulog”

Tumigil siya sa pagkanta at bumaba ng stage tapos pumunta sa direksyon namin. Napatingin ako sa isang babae na nasa tabi ko na nakangiti, ang swerte niya naman. Napatigil siya ng lakad.

“Bago ako pumunta sa iyo,
Meron lang ako gustong ipalago,
Hinding hindi kita lolokohin,
Ako'y hinding hindi aalis,
At kundi sa lahat, ikaw lang ang aking mamahalin.
Luna Skyla Samuels—” nanlaki mga mata ko at naglakad siya sa harap ko.
“Gusto kitang ligawan,
Pwede mo ba akong payagan?
Gagawin ko ang lahat para ika'y mapasa akin” tinignan niya ko sa aking mga mata.

Hala, ano gagawin ko? Nanlaki mga mata ko at napanganga ako bigla. “Ako?” tanong ko sa kanya ng mahina. “Oo ikaw, at ikaw lamang” napa-yie ang mga tao na nakapaligid sa amin.
“Kaya, maari ba kitang maligawan?” tanong niya at bigla naging seryoso ang aking mukha. Bago ako makapagsalita sinagot na ni Eriksson “Aba, at bakit mo liligawan bespren ko kung kiss lang habol mo?” tanong ni Eriksson at tinakpan ko bibig niya. “I'm not looking for a romantic relationship” napangiti siya, “Sinabi ko naman diba, hinding hindi ako susuko. Wala akong pake kung di mo ko sasagutin. Boomerang ako para sa'yo” sabi niya sa'kin. “YIEEE” sabi ng crowd.

At simula ng araw na yon, nagsunod sunod na ang mga manliligaw sa'kin. Tila ako'y isang trophy na pinag-aawayan nilang lahat, pero nawalan na ko ng paki sa mga manliligaw ko nung nalaman ko na nililigawan na pala ni Eriksson si Rosabella.

“Ano?” sigaw ko at napa-dura ang iniinom kong tubig. Napatayo ako at lumabas ng classroom. “Skyla, san ka pupunta?” tanong ni Ember Lexie Evans, isa sa mga kaibigan ko. “May mumurahin lang ako, saglit” sabi ko at naglakad papunta sa Section 3. “Hoy Eriksson Diaz, gago ka ha!” sigaw ko sa classroom nila. “Hoy Sky, tinotoyo ka na naman ba?” tanong nito sa'kin. “Aba, kumukulo lang naman dugo ko sa'yo, hayop ka Erik” sigaw ko at naglakad papaalis. “Ano na naman ginawa ko?” sigaw niya. “Napakagago mo” sigaw ko habang bumaba ng hagdanan papunta ng quadrangle.

Pagkadating ko sa quadrangle, pumunta ako sa Music Room. “Hayop ka Eriksson Diaz” bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko yung isang violin at nagpatugtog.
“Ang galing mo talaga Skyla” napabukas ang mga mata ko at tumingin sa nagsalita. “Ano nangyari, bakit ka nagalit kanina?” tanong sa'kin ni Reize. “It's none of your business,” masungit kong sinabi at tinuloy ang aking pagtugtog. “Oo na lang Miss Sungit” napatigil ako ulit. “Don't call me that Reize. Sa totoo lang, just go. You shouldn't even court someone like me” he sighed. “Ay nako, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na hinding hindi ako susuko?” tanong niya sa'kin. “At ilang beses ko rin sinabi na wag mo na ko ligawan?” pag-balik ko ng tanong. “Sinabi ko naman na, wala ako pake kung di mo ko sasagutin. Hanggang sa gusto kita, hinding hindi ako susuko sa pagligaw sa'yo. I don't like taking back something I say, kasi I think na it's weak to take back something you said or made. Kaya, ito na talaga. Mahal kita at hinding hindi ako susuko sa kakaligaw sa'yo, kahit ano man mangyari, kahit ano man gawin mo sa'kin, mamahalin pa rin kita ng todo” seryoso niyang pagsabi. “Bakit ba gustong gusto mo ko? Marami naman iba diyan, meron mas maganda, mas matalino, mas mabait” pagtanong ko sa kanya. “Ito ang totoong tanong, bakit hindi ikaw? Sa paningin ko na sayo na ang lahat” napakagat ako ng labi. “Nakakasad yung fact that I might not answer a big yes to you, sorry Reize. You're nice, pero I like someone else” sabi ko at naglakad papalabas, ngunit hinawakan niya kamay ko. “Ano meron siya na wala ako?” tanong niya. “Siya yung nagpasaya at nagprotekta sa'kin nung nasaktan ako ng todo at lagi rin siya andiyan para sa'kin. Aanhin ang paghanga kung 'di mo rin ipapakita yon? Ano ba ang pagpapakita ng pagmamahal para sa'yo? Hindi ako tulad ng ibang babae Mister Valeria, because if you think that I'm just a simple minded woman, then I'm one hundred percent sure na di kita sasagutin” sabi ko at binitawan kamay ko. Naglakad na ko papalabas at pumunta na sa classroom.

Hindi ko ulit kinausap si Eriksson ng buong araw, bahala siyang manigas. “Hoy Sky, ano ba ginawa ko sa'yo, ha?” biglang tanong ni Erik, napatigil ako sa paglalakad patungo sa bahay ko. “Wala kang sinasabi na may nililigawan ka na pala Eriksson tapos andami mong pinaggagagawa” I said in a monotone voice. “At bakit? May problema ka don?” tanong niya. “Wala ka man sinasabi hayop ka. Tapos yung problema ko, di mo ever mage-gets” sabi ko at naglakad papauwi. “Hoy, sorry na. Nawala lang sa isip ko na sabihin sa'yo e” sabi niya sa'kin. “Oo na lang. Wag mo na rin akong sabihan pag magpapakasal ka na. Dun ka naman magaling diba?” pagtampo ko at deretso ang paguwi. “Ang OA mo Sky” sigaw niya, pero di na ko lumingon muli.

OA nga naman ako no'n, pero nasaktan ako lalo sa fact na nalaman ko na lang sa isang araw na naging sila na pala ni Rosabella.

“Para sa'yo, sasagutin ko na ba kaya isa sa mga manliligaw ko?” tanong ko kay Lexie, ang isa ko pang best friend. Napanganga siya sa sabi ko. “Ano nakain mo at ganyan inisip mo?” tanong niya. “Aba, yung isa kasi diyan nakakairita. Una di ako sinabihang may nililigawan na pala tapos sunod, di ako sinabihan na sila na pala” galit kong sabi. “Ay nako. Napaka-ano talaga ni Diaz” sabi niya. “Tapos narinig ko pang pinagmayabang niya sa buong school na sila na. Like, why wouldn't he tell me diba?” napa-sigh ako. “Sky!” may narinig akong tawag. Napatingin ako sa pintuan ng classroom at pumunta doon. “Ano na naman?” tanong ko ng masungit kay Eriksson. “Hala, galit na galit?” tinaasan ko siya ng kilay. “Ano kasi, pwede bang maging close kayo ni Rosabe-” sinarado ko yung pintuan at napatingin lahat ng classmates ko sa'kin. Padabog akong bumalik sa upuan ko. “The audacity of this guy talaga,” sabi ko sa sarili ko. “Nako Skyla, hayaan mo yung gagong yon manigas. Nakakairita naman siya” sabi sa'kin ni Lexie sa'kin.

After that incident, I didn't dare to talk to Eriksson hanggang sa hindi siya nagso-sorry, pero di yun dumating hanggang sa nag-graduate na batch namin.

“Congratulations Batch 2007-2008” sigaw ng principal. “Congrats sa'tin Skyla!” sigaw ni Lexie habang tumutulo ang luha niya at nakangiti. “Promise mo sa'kin na you'll keep in touch ah” sabi sa'kin ni Lexie. “Hoy Lex, wag naman ganyan. Parehas naman tayo ng pupuntahan e” tawa ko tapos niyakap niya ko. “Oo nga pala” iyak niya. “Hala, bakit ka naiyak Lex?” tanong ko. “Ang dami kong regrets this year tapos andami kong plano, tapos di ko ginawa. Mami-miss ko ng todo mga ka-batch natin, mga teachers, yung principal, yung staff, yung lower grades—” napatigil siya ng iyak. “Ay, titigil na ko sa drama ko, may naghihintay pa sa'yo” sabi niya ng pinunasan niya mga luha niya. Napatingin ako sa likod ko at nakita don si Erik.

“Congrats” sabi ko sa kanya ng nakangiti. “Congrats rin sa'yo” sabi niya at bigla kami naging tahimik. “Look, sorry na I didn't tell you anything last year. I'm sorry na I broke our friendship dahil lang sa simpleng pagtago ko ng relasyon” sabi niya sa'kin at napangiti lang ako. “Okay lang” sabi ko. “Skyla!” may sumigaw galing sa likod ko. “Una na ko, good luck sa'yo” sabi ko ng nakangiti at naglakad patungo sa grupo ng mga lalaki na mga nanliligaw sa'kin. “Mamimiss ka namin Skyla” sabi ng isa. “Pano niyo ko mami-miss? E di ko pa naman sinasagot ni isa sa inyo” sabi ko.

After the graduation ceremony, di ko na ulit nakita si Eriksson Diaz— parang hangin lang. I took pictures with Lexie tapos kasama lahat ng manliligaw ko, then with the music club, the whole batch and my section, section 2, pero si Eriksson, wala. Sa simpleng pagtampo ko pala masisira friendship namin no?

Pero after that I went to UST kasama si Lexie at iba pang mga ka-batch, pero magkakaiba kami ng course so di ko sila lagi nakikita. Pero isa kong ka-batch ang laging nagsa-stand out— si Jacy Reize Valeria. Habulin siya ng mga babae sa campus or in short naging campus crush siya. Marami na ngang babae sa paligid niya pero nagpursige parin siya sa'kin.

“Excuse me ladies pero pupuntahan ko lang ang binibining tanging minamahal ko” narinig kong may nagsalita na pamilyar. I continued reading my textbook dahil sa upcoming quiz na ibibigay sa'min ng professor ko. “Skyla!” narinig kong may tumawag na pamilyar, napatingin ako sa lahat ng direksyon at nakita si Jacy Reize Valeria sa harap ko at napatalon ako sa bigla. “Ano ba yan Reize? Nakakabigla ka naman, kala ko sa UP ka mag-aaral?” napangiti siya sa'kin. “Alangan susunod ako sa'yo para madali kang maligawan” nirolyo ko mga mata ko. “Hanggang ngayon di ka pa rin-” bago ko ituloy yung sinasabi ko, nagsalita siya. “Sinabi ko naman na sa'yo, liligawan kita kahit ano mangyari” sabi niya ng nakangiti. “Andami dami naman mas-” he cut me off again. “Sinabi ko rin naman na, I don't care about them. Ikaw lang talaga nasa paningin ko” sabi niya ng seryoso. “Gano ka ba kaseryoso sa'kin Reize?” tanong ko rin ng seryoso. “One hundred percent to the max seryoso. Gaano katagal na nga pala kita nililigawan? Mag-dadalawang taon na Skyla. Matagal ka kitang gusto, alam mo ba yon? Simula nung grade nine tayo, napansin kita ng todo-todo. Ang galing mo mag-violin at kumanta, maganda, matalino, tapos masungit ka nga pero underneath sobrang bait” sabi niya sa'kin at naramdaman kong namula mga pisngi ko. “Matagal na kita gusto at mahal— matagal na matagal na” he whispered, namula ako lalo at napatingin kung saan wala mata niya. “Oo na, sige na. Pwede mo na ko-” napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla niya ko niyakap. “Best day ever!” sigaw niya. “Sinagot na ko ng babaeng mahal na mahal ko, hooo!” sigaw niya. “Promise ko sa'yo, I'll make you the happiest woman in the world habang nagde-date tayo” napangiti ako sa kanya.

I never imagined na babalik pala yung isa. Pero mali na talaga ang timing. Kung kailan iba na, bigla siya babalik, at nagbalik siya bilang best friend na ni Reize.

“Skyla, gusto kita” sabi sa'kin ni Eriksson. “I only dated Rosabella to make you jealous, pero it didn't have an effect on you. Nagalit ka lang sa'kin at nasira friendship natin. I'm really sorry for all the pain Sky. Pero gusto kita simula bata pa lang tayo” he sincerely said. “That was a jerk move Erik” sabi ko sa kanya.

I remember na wala na ko sinabi hanggang sa biglang dumating si Lexie para makanood na kami ng movie sa sinehan.


Pero ngayon na naglalakad ako papunta sa altar ito lang masasabi ko—

“Ang ganda mo talaga Future Misis Valeria” sabi sa'kin ni Jacy Reize Valeria, my soon to be husband, as soon as we say I do to each other. “Ikaw rin naman Mister Valeria” ngiti ko sa kanya. Tinignan ko yung best man, si Eriksson at ngingitian siya. “Thank you” I mouthed at nginitian niya lang ako.

Eriksson, I like you… as a friend.















Salamat sa pagbasa mga nag-iisa sa puso ko! Please support me po sa mga upcoming stories na gagawin ko and also, if you have a request feel free to tell me, thank you so much, lovelots—♡
Continue Reading
Further Recommendations

Eng: 👍👍👍👍👍👍👍👍🤩🤩🤩🤩🤩🤩🤩🤩🤩🤩💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛😍😍😍😍😍😍

webepraising: Loved this story about the dragons, story line was wonderful, now on to book 📖 12 Great 👍 job

Natasha: Absolutely amazing, but wish it was a bit longer.

Rebeca Gonzalez Cantu: I didn’t love the grammar but I loved the story!

carmenvansittert: Really loving this series. Cannot wait to see what happens next, and who her sister isJust loving it.

Serenia Newton: Amazing story. Can't wait for the next book. Congrats on getting it published

Deign Pen: Eagerly waiting for release of next chapter.You can broaden your audience by publishing your story on NovelStar Mobile App.

More Recommendations

Deign Pen: Seriously one of the most gorgeously written. If you have some great stories like this one, you can publish it on NovelStar.

Deign Pen: I have already been recommending this book to everyone I know. You can broaden your audience by publishing your story on NovelStar Mobile App.

Dea Spears: Looks promising. You can broaden your audience by publishing your story on NovelStar Mobile App.

Kellyyrvdfb: I've really enjoyed this series. Couldnt put it down once I started reading it. Hope you all enjoy them as much as I have

scionmama18: Gee whiz!! Things moved fast 😳 😁😁. Now he can tell his daughter he is going out....get laid and a workout!!

Jennifer Leigh Anne Ciliska: Awesome read thank you for sharing your story with me

About Us

Inkitt is the world’s first reader-powered publisher, providing a platform to discover hidden talents and turn them into globally successful authors. Write captivating stories, read enchanting novels, and we’ll publish the books our readers love most on our sister app, GALATEA and other formats.